It's been a month simula nu'ng may mangyari sa amin ni Jeremy. I tried to be casual when he's around. Yes, I told myself na 'di ako papaapekto sa nangyari sa amin because he's so important to me. Pero parang may gap na sa aming dalawa. Katulad ngayon nandito kami sa tambayan namin sa Princeton University. May malawak na gazebo just for us. Well, that's because sila Jeremy lang naman ang may-ari ng school na ito at may shares din ang parents ko. Kasama ko sina Alex, Kerby at si Matt. 'Di ko pa nakikita si Jeremy siguro ay may pinuntahan.
Nabibiruan ang tatlo habang ako naman ay busy sa paggawa ng assignment . I have to do this because I want to graduate with flying colors. Bigla pa akong nagtaka dahil narinig kong nagkagulo ang mga kasama ko.
"Hey bro!" masayang bati ni Alex.
"Bro!" sabay na bati nina Matt at Kerby.
Napalingon ako sa kanila. Ahhh... Kaya pala, dumating na pala si Jeremy.
"Piggy..." tawag sa akin ni Jeremy.
'Oh God, how I miss him. Gusto ko ng bumalik iyong dating kami. Kaso napaka-awkward!'
Tumango ako sa kaniya. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko kaya ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga assignments ko. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.
'Di ko na alam kung anong pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako nakikinig. Nabigla na lang ako nu'ng biglang may tumapik sa akin. Paglingon ko si Kerby lang pala. Kami na lang pala ang nandito sa gazebo.
"Kerbs, anong atin?" tanong ko sa kaniya. Bahagya ko siyang tiningnan at pagkatapos ay ibinaling ulit ang atensyon sa pagsusulat.
"May problema ba, Piggy?" concerned nitong tanong.
Napalingon ako sa kaniya at binigyan ng what-are-you-talking-about-look.
"'Di ko na kailangan pang sabihin kung ano ang napapansin ko. You know me, Penelope Marie. Napapansin ko ang mga bagay na 'di napapansin ng ibang tao."
I know when Kerby is serious tinatawag niya ako sa buong pangalan ko. And right now, he is.
Napatungo ako. 'Di ko alam ang sasabihin sa kaniya.
"We've known each other since we were pre-schoolers. Kahit 'di mo sinasabi I know when you're sad and when you're happy. Kahit 'di ako laging nagsasalita gusto kong malaman mo na nandito lang kami..ako. We're here for you. 'Wag mong sarilinin ang problema mo when you already know you can count on us. Running away is not the answer, Piggy. Kung ano man ang problema niyo ni Jeremy. Pag-usapan niyo 'yan. We want the old you back. We miss you..." Bahagya niya akong tinapik at umalis na siya.
Naiwan akong tulala. Sapol ako doon sa sinabi ni Kerby.
"Piggy..."
That familiar voice... Kahit 'di na ako lumingon ay alam na alam ko na kung sino ang may-ari ng boses na 'yun. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at itinukod ang kamay sa pisngi ko.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at naglalambing na niyakap ako kahit nakatagilid ako sa kaniya. Maya-maya'y naramdaman kong hinalikan niya ako sa sintido.
"I miss you, Piggy. Please don't be like this. 'Di ko kaya..."
I faced him. Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya. Nasasaktan din naman ako habang nakikita ko siyang ganito. Pero 'di ko kasi alam anong gagawin ko, eh.
"Jeremy..."
"Piggy... Please... I want my best friend back. "
Best friend...Ouch! 'Ayan na naman siya sa best friend, best friend na 'yan!
"Ano ka ba!" Sinutok ko siya nang mahina sa braso. "'Di naman ako nawala, ah? Busy lang ako sa assignments and projects ko. Kita mo naman, oh gabundok," kunwari'y nagbibiro kong sabi sa kanya habang tinuturo ang mga nakalatag na libro at notebook sa mesa.
Argh! What a lame excuse!
"Na-miss talaga kita nang husto. Kung busy ka sabihin mo naman napa-paranoid ako, eh," sabi nito na mas humigpit pa ng yakap sa akin.
Para akong kinukuryente habang magkayakap kami. Para akong naiinitan na 'di ko mawari kaya pasimple akong lumayo sa kaniya.
"Ikaw ha? Kunwari ka pa gusto mo lang makatsansing," pagbibiro ko ulit sa kanya para lunayo siya nang kaunti sa akin.
"Tss.. gusto mo naman, ah!" aniyang mag hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
"Mukha mo!"
And that's it balik na naman kami sa dating kami. I guess hanggang dito nalang talaga kami, hanggang magkaibigan lang.
***JEREMY'S POV***
I'm glad na okay na kami ni Piggy. Sa nagdaang buwan ay 'di ko alam kung paano ko siya aamuhin. 'Di niya ako pinapansin. At kahit hindi ko man aminin sa kanya ng harapan ay aminado akong nahihirapan ako sa ganong set up namin. Nasanay na ako na lagi siyang nandyan-- iyong kakulitan niya, iyong pagiging malambing niya, at iyong mga ngiti niya. I want to take our relationship to the next level kaso kung ganito rin namang iiwasan niya ako, I'd rather stay with her as a best friend.
It's better to be this way. At least nandyan lang siya. I know someday, I'll get over my feelings for her. Grabe nakakaemo talaga ang ganito.
I have to thank Kerby dahil sa kaniya nagkaayos kami ni Piggy.
FLASHBACK
"Hanggang kailan mo siya titingnan sa malayo?"
Nagulat ako sa kinatatayuan ko nu'ng biglang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko si Kerby lang pala. Yes, I'm looking at Piggy while she's busy doing her assignments sa gazebo nag-iisa na lang siya du'n 'di niya napansin na umalis na kami.
Kanina nu'ng pumunta ako I called her. To my disappointment, tinanguan lang niya ako nu'ng tinawag ko pangalan niya. Kung walang nangyari sa amin kahit naman busy 'yun inaasar niya ako. Kahit anong makita niya sa akin ginagamit niya 'yun para mapikon ako. 'Yun ang usually ang start ng pagkukulitan namin. Pero isang buwan na mula na nang may mangyari sa amin. Iba na siya. Sa ibang kabarkada namin, siya pa rin iyong Piggy pero pagdating sa akin parang iba na eh. Si Kerby lang ang nakahalata that there's something wrong between us.
I sighed.
"I don't know what happened between the two of you after that incident at the bar. But I hope whatever it is magkaayos na kayo. Wala namang 'di nadadaan sa usapan eh. You both treasure each other. Don't let this ruin the friendship that you both have. At kung pinapairal niyo pa rin ang pride maybe you start thinking what it feels like na wala siya. Compare those times na magkasama kayo, kung gaano kayo kasaya sa panahong 'yun. 'Di tulad ngayon na halos para kayong estranghero sa isa't -isa."
"Ouch! Bro, are you taking up Psychology? Sa pagkakaalam ko Engineering ang kinuha mo, eh," biro ko sa kaniya. I know how serious he is. Pero ewan ko parang gusto ko lang magbiro to lighten up the mood.
"Ulol!" Sabay suntok sa kanang braso ko.
"But seriously speaking, Jeremy make a move before it's too late."
Takte! Galing talaga mag-advise ni Kerby napaisip talaga ako doon sa sinabi niya. Umalis siya papunta kay Piggy. Parang may sinasabi si Kerby sa kaniya. Nakita ko kung paano nag-iba ang reaksyon ni Piggy. Kaya nu'ng umalis si Kerby. I decided to reconcile with her. Ayaw kong mawala ang best friend ko. Kaya naman naglakas na akong loob na lapitan siya.
And I was so happy that our conversation turned out great. Sa loob-loob ko ay pinasalamatan ko na si Kerby sa words of wisdom niya. Buti nalang rin talaga at nakinig ako sa kanya. Akala ko talaga tutuluyan na akong iiwasan ni Piggy. Hindi ko alam ano ang gagawin ko ka[ag nangyari 'yun. Ang saklap na ngang ma-friendzone tapos mawawala pa kahit pagkakaibigan namin.
Kaya ngayon I'll make it up to her.
"C'mon, I'll treat you," yaya ko sa kanya. Gusto kong bumawi. Malaki rin naman ang kasalanan ko sa kanya. Kung sana'y pinigilan ko ang sarili ko noon ay 'di sana kami umabot sa puntong nagkalabuan ang pagkakaibigan namin.
"Ehhh? Hmmnn..." anitong parang nag-iisip pa kung sasama ba siya sa akin o hindi. "Sige, tatapusin ko lang 'to tapos sibat na tayo."
Yes! Thank you, Lord talaga!
"Unlimited libre 'yan, ah? Wala ng bawian!"
Napakamot ako sa batok ko. Mukhang mapapalaban ang pitaka ko nito, ah? Masiba pa naman 'tong si Piggy pero okay lang. Ang mahalaga ay nagkaayos na kami.
"Ayaw mo yata, eh! Parang napipilitan ka lang," ingos niya sa akin at tinalikuran ako.
"Hindi, ah!" agad na tutol ko. "Sige na nga unlimited na. Baka mamaya magtampo ka na naman at 'di mo na ako kausapin. Takot ko lang sa iyo."
Agad siyang humarap sa akin at nginisihan ako.
"Great! The best ka talaga, 'Tol!"
I bit my inner cheeks to suppress my smile. Pucha! Kinikilig na naman ako!
Hay nako, Piggy! You will be the death of me.