It's been 2 months mula ng magkaayos kami ni Jeremy para ngang mas tumibay ang pagkakaibigan namin. Though my awkward times minsan kasi nga he's my first pero 'di ko na lang pinansin kasi naman I can't afford to lose him nor mag-iba ang turingan namin sa isa't-isa. Besides, he is the reason why my world keeps on spinning. "My Loves..." Napalingon ako kay Ashley na nakakunot ang noo. Nasa university kami ngayon and as usual nasa gazebo kami. Kaming dalawa lang ang nandidito. Hindi ko alam kung nasaan ang iba naming kabarkada. Marami ring mga estudyante ang napapadaan sa kinaroroonan namin. "Yup?" patanong na sagot ko sa kanya na hindi man lang siya tiningnan. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat ko sa notebook ko. Actually, marami akong dapat tatapusin kaso wala ako sa mood kaya kahit