"Oh my, God... Oh my, God..." rinig kong paulit-ulit na sabi ng isang babae.
Kahit inaantok pa ako'y pilit kong minumulat ang aking mga mata. Gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko ang isang babaing nakatakip ang mukha gamit ang mga tuhod nito. Kahit ‘di ko na itanong alam kong she's naked behind those white sheets. Ang mala-labanos na kutis nito ay kilalang-kilala ko. And we both reached heaven last night.
Tinitigan ko nang mabuti ang babae, then the realization came to me.
'Sh*t!'
Napabangon akong bigla. ‘Di ko alam kung yayakapin ko ba siya o titigan lang.
Napalingon siya sa akin bago ko pa maisipan kung ano ang dapat kong gawin. Namumugto na ang kanyang mga mata at halos hindi na nito maibuka ang mga ito pero sige pa rin nang tulo ang mga luha niya. Para itong gripo na nakalimutang isara. Agad na may kumudlit na kirot sa puso ko. Kasalanan ko. I took advantage of her last night. Wala namang mangyayari sa amin kung mas tinatagan ko pa ang sarili ko sa tukso. Walang sabi-sabing niyakap ko siya agad.
Buong akala ko ay itutulak niya ako at para akong nabunutan ng tinik nang hayaan niya lang akong yakapin siya nang mahigpit.
"Tahan na..." mahinang sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya.
I couldn't say sorry. Kasi ang sorry sinasabi lang ‘yun kapag pinagsisihan mo iyong nagawa mo. And I didn't regret what happened to us. It was a treasure for me. But somehow My heart was beating erratically baka kasi ito ang magiging dahilan nang pagkakawasak ng pagiging magkaibigan namin.
"Tss... uwi na ako," she said between sobs.
‘Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pinagsisisihan niya ba ang nangyari sa amin? So, I remained silent while still hugging her. Sinandal niya lang iyong ulo niya sa dibdib ko. Yakap-yakap niya pa rin ang mga tuhod niya. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin siya sa pag-iyak.
Dahan-dahan niya akong tinulak at hinila ang kumot para itakip nang maayos sa hubad niyang katawan. Agad ko namang kinuha ang unan at itinakip ‘yun sa ari kong biglang nag-hello dahil iisang kumot lang naman ang gamit namin.
Sinundan ko siya nang tingin. She just got off the bed and started to pick up her clothes from the floor. She went to the bathroom which is also inside my room. Agad naman akong tumayo pagkasarang-pagkasara niya ng pinto. Isinuot ko na rin ang boxer shorts ko while waiting for her to come out. There's a lot of things I want to tell her, but I don't know where to start. Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. I know what I did can cause our friendship to end.
Pucha naman kasi, eh! Ang libog mo kasi. ‘Di mo na napigilan! Inis na inis ako sa sarili ko. Inuna ko pa kasi ang libog imbes na isipin kung ano ang magiging consequences nang ginawa ko kinabukasan.
After a few minutes, she got out of the bathroom. Nakabihis na siya, but it pained me so much because she couldn’t even look at me. She just went straight to the door.
"Piggy..." tawag ko sa kaniya pero 'di niya ako pinansin.
Tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng pinto. I took a deep breath. I think she needs time to think and I'll give it to her most especially since I know she's still confused about what had happened.
Pero grabe 'di ako makapaniwala! Ako iyong una and it was clearly visible sa bloodstains na naiwan sa bed sheet.
Ito na yata iyong kinakatakutan ko.
Buong taimtim kong pinagdarasal na sana kung may magbago man sa amin, sana iyong tipong nag-level up ang relasyon namin at hindi iyong magiging FO kami.
Kung bakit kasi 'di ko na napigilan ang sarili ko at nakapag-take advantage ako sa kahinaan niya. Ganito talaga siguro kapag matagal mo nang kinikimkim ang nararamdaman mo sa isang tao, tapos kapag dumating na iyong pagkakataon, 'di mo na napapakinggan ang bulong ng isip mo. Parang may isang bahagi ng pagkatao mo na sinasabing, ito na 'yun pagkakataon mo na…
Grab the opportunity...
+++++
-PIGGY'S POV-
Dali-dali akong lumabas sa condo ni Jeremy. Pagkasara ko ng main door ay agad akong napasandal sa hamba ng pinto. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at para bang nawawalan ng lakas ang buong kong katawan. Pinilit ko lang ang sarili kong tumayo at maglakad nang maayos. Kahit na nga para akong hihimatayin dahil sa sakit ng perlas ng silanganan ko. Halos gusto ko nang batukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
'Di ko alam kong anong dapat kong maramdaman. I know it's my fault dahil ako ang nag-initiate. And I don't even know how I was able to manage to get out of his house. Nagulat na lang ako noong ma-realized kong nasa kwarto ko na pala ako. 'Di ko mapigilang maiiyak sa nangyari. And honestly, I don't know ba't ako umiyak. Was it because I lost something important? My V card is gone. I don't know kung mawawala rin si Jeremy sa akin because of what happened.
Was it because of my friendship with Jeremy?
God, 'di ko na alam kung ano dapat kung isipin.
Busy ako sa pag-eemote nang magulat ako nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Hinayaan ko lang na mag-ring ang cellphone ko. Wala akong gustong kausapin. Gusto ko lang mapag-isa kasi 'di ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. s**t! Wala akong ibang maisip sisihin kundi sarili ko.
I'm so stupid.
Patuloy lang sa pag-ring ang phone ko. At habang tumatagal, unti-unting bumabangon ang pagkairita sa dibdib ko. Mukhang hindi titigil sa pagtawag kung sinuman ang tumatawag ngayon sa akin. At para di na ako maalibadbaran, pinatay ko ang cellphone ko para makapag-isip akong nang mabuti. Magmumuni-muni muna ako kung ano ang dapat kong gawin.
Should I act as if nothing happened?
Or iiwas ba ako kay Jeremy?
'Di ko kaya iwasan ang bestfriend ko kaya malamang dapat ang piliin ko ay ang una...
I'll just act as nothing happened...
Pero makakaya ko kaya 'yun?
I touched my lips at napangiti ako. Because aside from everything that happened, I get to experience being in Jeremy's arms. Natupad na rin ang pangarap ko. He is now officially my first gaya ng lagi kong inaasam na mangyari.
Masaya ako. Napakasaya.
Pero natatakot ako sa mga araw na darating...