Chapter 5
▪︎Clive▪︎
Clive is being too impatient. He's mad. Hindi niya ipinahalata ang pagkapahiya niya sa kanang kamay. He couldn't accept that only one girl would have the courage to do that thing to him. Tumingin siya sa paligid. Puro imprenta sa mga makakapal na tarpaulin ng pangalan ng kanyang sariling kumpanya, ang kanyang imperyo. He looked back at the building. Daig pa nun ang isang isla sa dagat. Bakit hindi na lang ibenta sa kanya kung ganun na mukha na iyong tanga, na kaisa-isang nakatayo roon, humaharang sa proyekto niya.
Tahimik siyang sumakay sa limousine, nang buksan iyon ng isa sa mga bodyguards niya.
Up until that very moment, his breathing isn't still normal. Mataas pa rin ang paghinga niya dahil sa nangyaring pag-uusap nila kanina, at sa mga nakakainis na insultong natamo niya.
Nakikita niya ang repleksyon sa salaming bintana ng kanyang mamahaling sasakyan, at naaalala niya ang pagtawa ng walang ugaling si Mary Leigh. Unang beses na napilitan siyang lumabas ng bahay makalipas ang ilang taon. Silaw pa siya kahit na magtatakip-silim na siya sinundo ni Xavier. He decided to show himself to that lady, perhaps just to threaten her, and at the same time, remind her of what she owes him, but that didn't make any sense. Walang utang na loob ang bata na iyon na tinulungan nilang makakita. Ipinagpapalit nun ang utang na loob sa lupa. Babayaran naman niya, hindi naman niya hihingin.
Libre lang nga ang corneas. Nakakabwisit talagang tumulong. Ewan ba naman niya sa asawa niya noong nabubuhay pa, masyadong Santa.
And those eyes. Damn it! He was so astounded when she gazed at him. Daig pa niya ang nakita ang asawa niya sa mga mata ni Mary Leigh.
All of a sudden, he wanted to stare at those eyes forever. Buhay na buhay iyon kanina at ayaw na niyang alisin ang mga mata roon, yet when that lady spoke, he realized that she isn't Zaira. She's nothing but a hard-headed, overbearing, and young girl, way far from his deceased wife who had finesse.
"Do I look awful?" Hindi niya napigil na huwag itanong kay Xavier, na nasa harap niya nakaupo.
Ang sama ng tingin niya sa walang hiyang kanang-kamay niya. Sino bang matutuwa sa iho de puta na ito? Kitang-kita niya kanina na gusto nitong makitawa kay Mary Leigh. Pinagtatawanan din siya ng hayop na si Xavier.
"Sir?" Maang na tanong nito, nakatingin sa mukha niya.
Hindi ito makabawi ng tingin, at mas lalong hindi naman siya nagbawi. Gusto niyang sabihin nito, sa harap mismo niya kung anong itsura niya.
Ah, he really wants to be insulted. Alam naman niya ang itsura niya, bakit gusto pa niyang himay-himayin ni Xavier? Tapos, maiinis siya.
"Tell me the truth because I saw how you held back your laughter earlier."
Naitago nun ang mga labi at napilitan na mag-alis ng tingin sa kanya. Daig pa ni Xavier ang itutulak papalabas ng limousine.
"Never mind," aniya.
Ibinaling niya ang paningin sa kabila. He has to come up to plan B. Plan A didn't work.
"Ruin the business reputation," aniya kay Xavier.
"P-Po?" Ulit nito pero hindi niya tiningnan.
"I said, ruin her. Napakatanga mo na ba, Xavier? Paulit-ulit ka. I want her land and I want it by hook or by crook! When I get it, kasama ka rin na aangat dahil sa akin ka nagta-trabaho! Do as I say. I don't know how. Destroy her."
Wala lang na utos niya. Tingnan niya kung makatawa pa si Mary Leigh kapag nasira na ang reputasyon nun. The last laugh belongs to him.
"Y-yes, sir."
Clive shuts his eyes, holding the bottle of one of his most expensive wine collections.
Those eyes…
Fuck!
Agad siyang napamulat nang makita niya sa balintataw ang mga mata ni Zaira. Ibang personalidad na ng babae ang nagmamay-ari sa mga mata na iyon ng namayapa niyang asawa. Kung gaano kahinhin si Zaira, ganoon naman kadaldal si Mary Leigh. Nakakabwisit.
He'll see if tomorrow, she could still laugh.
Napatitig siya sa isang pamosong hotel na kanilang daraanan. Parang may kung anong mga imahe siyang nakikita roon, mga alaala nila ni Zaira. That was the place where she celebrated her 25th birthday, with her favorite international band. Iyon ang regalo niya roon, ang pagtugtog ng banda na gustong-gusto ni Zaira. Hindi biro ang halaga na binitiwan niya para roon, at hindi naman matatawaran ang kasiyahan na nadala nun sa asawa niya.
He blinked and moved his eyes away from the hotel. Isinandal niya ang ulo sa headrest. Lahat ay nagbago at parang kahapon lang. Pati itsura niya ay nagbago na, dahilan para maging kakatawanan na siya ngayon. Hindi na siya ang dati. Iyon ang pinili niyang buhay, ang maging bagong tao sa pagkamatay ng kaisa-isa niyang babaeng minamahal.
"Sir, uuwi na po tayo?"
Hindi siya umimik sa tanong na iyon ni Xavier. Nag-isip siya kung uuwi na ba siya. Malamang oo, wala naman siyang ibang pupuntahan pa. Magkukulong na ulit siya sa mansyon at hindi na lalabas pa. He'll just wait for a call, surrendering that land to him.
"Did you give her a calling card?" He asked instead.
"I did, sir."
"Execute the plan tomorrow and get your phone ready. Get the money ready in no time and the deed of sale, blank name."
Sunud-sunod ang naging pagtango ni Xavier.
Kinuha niya ang smartphone at nag-compose ng message para kay Margaret.
Clive: Come to my house now. Wait for me. I need your service.
May pumasok na text message pagkalipas ng ilang saglit pero binasa lamang niya.
Margaret: Your wish is my command, master.
Clive never bothered replying. Hindi siya ang text type na tao. Hindi nga siya nagte-text, unless ayaw niyang makausap ang tao, via phone call.
Nang sulyapan niya si Xavier ay busy na ito sa pagdutdot. He looks so serious, perhaps trying to get his people for his plan.
•••
Clive is pursing his lips while looking at the widest television set. He's watching p**n, just to start up his night and prepare for steamy s*x with Margaret. He wants p**n to stimulate his desire because he wants to reach his c****x too soon.
"Did you go out?" Usisa kaagad ng babae pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin.
"Nakasalubong ko si Xavier. Where did you go?"
He looked at her upon hearing Xavier's name.
"Did he mention anything to you?" Salubong ang mga kilay na tanong niya rito.
Ibinaba nito ang bag sa bedside table at nagtanggal ng sapatos. Inalis din nito ang suot na blazer, ang pagkaka-ponytail ng buhok at pagkakabutones ng suot na blouse.
"Kaninong lalaki ka pa galing? Take a shower first," I commanded her but she just laughed at it, as if it was humorous.
"Clive, oh Clive, masyado kang malinis. Galing ba kayo sa kapatid ko ni Xavier? Kumusta? Binenta na ba?"
Hindi siya umimik. Wala itong makukuha sa kanyang impormasyon. Ibinalik na lang niya ang mga mata sa TV, at doon nag-focus.
"Kung makukuha mo yun sa kanya, magkakasundo tayo sa lahat."
Kapagkuwan ay narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Baka may idinaldal na si Xavier kay Margaret . Sa oras na malaman niya, talagang sisisantehin na niya ang lalaking iyon. A confidential matter must remain confidential no matter what. Baka naman inakit-akit lang ni Margaret si Xavier, bumigay na ang lalaking yun. Napakalandi pa naman ng babae at mahilig magpalukso.
Siya lang ang hindi lulukso sa mga tanong nito dahil kilala niya ang pagkatao ng babae.
☆☆☆
▪︎Leigh▪︎
"Good morning, world!" Masayang bati ni Jillian kay Leigh nang pumasok ito sa pintuan, pero tiningnan lang niya ang kaibigan habang nakapangalumbaba siya.
Iilang kustomer pa lang ang pumasok, nagpapalit ng tseke ang isa, ang isa naman ay Dolyar at ang isa ay nagpa-cash in. Halagang bente mil ang tseke na pinag-encash niya. Maayos na buena mano iyon para sa kanya dahil one percent dun ang hingi niya habang iba naman ang halaga ng kita sa ibang transakyon.
"Ay, bad mood?" Anito sa kanya, "Anyare?"
Tumingin ulit siya sa litrato ni Zaira, "Nakita ko na si Clive Greco," aniya.
"Oh, talaga?" Parang hindi makapaniwala na tanong nito, at agad na napadukwang sa kanya.
"Oo," she answered, "Matanda na siya at hindi malinis, hindi siya pogi, tulad ng iniisip natin."
Agad na nalukot ang mukha ni Jillian, "Anong itsura?"
"Ermitanyo."
Napahalakhak ang kaibigan niya pero siya ay hindi natawa, "Seryoso?"
"Diyos ko kung nakita mo. Pinagtawanan ko pa nga kasi akala ko ay panggap. Totoo pala, at ang nakakainis ay isinumbat sa akin ang mga mata ng asawa niya, dahil ayaw kong ibenta itong lupa sa kanya."
Tila nawala ang ngisi ni Jillian at napalitan ng inis.
"Iniisip ko rin na mag-apply na ako ng trabaho."
Jillian blinked at her, "M-Mag-f-flight attendant ka na? S-Sama na akong apply. Alam mo naman na ako ang right hand mo sa lahat. Kung nasaan ka, nandun ako," anito sa kanya kaya napangiti siya.
Nahihiya na nga rin siya rito sa totoo lang. Hindi na naman siya bulag pero nakaalalay pa rin ito sa kanya sa lahat ng pagkakataon. Hindi na ito nag-apply agad ng trabaho para masamahan siya, kahit na may mga pangangailangan din naman ang pamilya nito, na hindi naman niya kayang tugunan.
She made a promise to Jillian before, kapag umangat siya ay hindi pwede na siya lamang. Kasama niya ito sa lahat ng pag-asenso sa buhay, at tulad ng ginawa nito sa kanyang hindi pag-iwan ay hindi rin niya ito iiiwan kahit na anong mangyari.
"Anak, aalis na ako," narinig niyang sigaw ng Mama niya sa may tuktok ng makitid na hagdan.
"Oo, Ma!"
Maya-maya ay nasa ibaba na nga ito, bitbit ang mga portfolio. Kulang na lang ay magsuot ito ng kurbata, daig na nito ang isang abogado.
"Ingat po kayo, Tita," ani Jillian sa nanay niya.
"Mag-ingat din kayo rito, ha," hinalikan siya nito sa buhok at ganun din si Jillian.
Nakatingin si Leigh sa nanay niya nang lumabas ito sa pintuan, saka siya napabuntong hininga. Kung tanggapin na niya ang eleven million, ano kayang buhay ang maibibigay niya sa Mama niya? Kung ibibili niya rin iyon ng lupa at bahay, wala na rin naman matitira, baka kulang pa.
Hindi pa man lang nagtatagal na nakalabas ang nanay ni Leigh ay may kumatok sa pintuan niya, at nagkatinginan sila ni Jillian nang makita sa CCTV monitor na dalawang pulis ang mga iyon at ang babaeng nagpapalit sa kanya ng tseke kanina.
Agad siyang kinabahan. Ano ba ang problema?
"May pulis," ani Jillian.
"Ihhhhh," agad niyang natutop ang mga pisngi, "'yan ang babae kanina na nag-encash."
"Sandali, ako na," anito at lumapit sa pintuan.
"Ayan, dito ako nagpapalit! Puro peke ang pera!" Galit na bulalas ng babae, namumula ang dati ng mapulang mukha.
Agad silang nagkatinginan na magkaibigan, at hindi lang basta takot ang gumuhit sa dibdib nya, sobra sobrang kaba na hindi niya maipaliwanag.