Chapter 6
▪︎Leigh▪︎
Kitang-kita ang panggagalaiti ni Jillian sa babae na nagrereklamong peke ang mga ibinigay na pera ni Leigh doon. Umiiyak ang babae at pilit na pinagbabayad siya ng pera na hindi raw peke, kapalit ng siyam na libo raw doon ang peke.
"Hindi naman kami basta-basta magbibigay ng siyam na libo sa'yo, ate," ani Jillian, "Baka naman modus mo 'yan."
"Ako pa ang modus, ako na nga ang napeke sa tseke ng tatay ko." Iyak nun.
Maya- maya pa ay may isang lalaki ang pumasok at nakatingin kaagad sa kanya.
"Miss, hindi tunay na pera ang ilan sa mga binigay mo," aniyon kaya kaagad sila na nagkatinginan na magkaibigan.
"Alam mo Miss, may parusa ang ganito," anang pulis, "Kung hindi niyo ibibigay ang gusto nila, mapipilitan na lang kami na dalahin ito sa presinto. Dalawa na ang nagrereklamo laban sa iyo, huwag ka ng maghintay na matatluhan pa."
Nanlumo ang dalaga. Mauubos ang pera niya. Paano na? Kaysa naman makulong siya, magbabayad na lang siya. Nalusutan siguro siya ng pekeng pera kaya ganun. Baka ang mga nakaraan niyang transaksyon ang may mga manloloko.
Napapikit siya.
Ano ba ang nangyayari sa buhay niya? Naghihirap na nga sila, minamalas pa. Ang ganda pa naman sana ng umpisa nila, bakit tumaliwas ang daan bigla?
Binuksan niya ang drawer at naluha na lang siya nang tingnan ang mga natitira niyang pera roon.
"Peke nga rin, Miss itong pera ng lalaki," sabi ng pulis habang suri ng isang one thousand peso bill.
Nagtataka siya. May aparato siya pero paano siya nagkaroon ng peke?
Masakit ang kalooban na nagbilang ang dalaga ng pera. Si Jillian ay nakatingin lang sa kanya, parang nanghihina rin.
"Mag-ingat ka sa susunod, Miss," anang pulis sa kanya.
"Hindi ko na ito irerekomenda," anang isang kustomer na lalaki, nang lumabas iyon, "Baka ganito rin ang mangyari."
"Nakakahiya at akala ng botika na nilapitan ko, sa akin ang pera. Sabi ko ipinapalit ko lang dito ang teseke ni Papa.
Pinanghinaan siya ng loob sa narinig. Tumitig lang siya sa kaibigan, na ang mukha ay hindi niya maintindihan kung nalulungkot o nagagalit.
Umalis ang mga iyon at siya ay parang nalantang gulay sa kinauupuan. Naiiyak siya pero pinipigilan niya.
Isa sa tatlong katao na nagpapalit sa kanya kanina ang hindi bumalik.
"Libreng umiyak," ani Jillian na luhang-luha rin kaya hindi na niya napigilan.
Agad na siyang napahikbi, "Wala na akong pera. Kung ipaglalaban ko pa na hindi peke ang pera ko, ano naman ang patunay ko? Maabala pa tayo tapos sa huli baka wala rin naman mangyari," pinahid niya ang mga luha.
Tumango si Jillian at lumapit sa kanya, hinagod siya sa likod.
Nakayuko siya, salo ang noo habang umiiyak. Ang hirap ng walang ama na tumutulong para mabuhay silang mag-ina. May iniwan nga sa kanyang kaisa-isang yaman, hindi naman niya maibenta. Kung ibebenta rin niya, baka maubos lang ang pera. Sa mahal ng bilihin, hindi niya alam kung saan aabot ang eleven million, lalo na at wala naman siyang alam sa pagnenegosyo. Kakaumpisa pa nga lang niya, parang bumabagsak na.
"Good morning!" Bati ng isang lalaki sa pintuan kaya agad siyang napaangat nang tingin, dahil niyugyog din siya ni Jillian.
"Ano na namang ginagawa mo ritong impakto ka?" Bwisit na tanong nito kay Xavier.
Kumurap-kurap iyon habang nakatingin sa kaibigan niya.
"Ikaw!" Leigh stood up and pointed at the guy, "Ikaw ang malas dito! Mula ng dumating ka, nagkaloko-loko na ang takbo ng buhay ko!"
"Oo nga! Ang kapal mo naman bumalik-balik pa ritong hinayupak ka!" Bulyaw din ni Jillian kaya napalunok ang lalaki.
"M-Magtatanong lang naman ako…"
"Ano na naman ang itatanong mo?!" Sabay nilang sigaw na parang iisa na ang laman ng isip.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Xavier sa kanilang dalawa.
"Hindi ko ibebenta!" Mariin na sigaw ng dalaga at naiyak.
Gigil niyang naikuyom ang mga kamao.
"Alam mo Mister Xavor, umalis ka na," Jillian said.
"Xavier," ani naman ng lalaki.
"Kahit Xavier pa o Xavor o magic sarap ka, wala kaming pakialam. Sinabi na nga ni Leigh na hindi, ilang hindi pa ba ang gusto mong marinig? Ang dali-dali sa inyong mangulit, hindi man lang ninyo naiisip na ang bagay na hinihingi niyo ay parang karugtong na ng buhay niya, kaisa-isang mana niya sa tatay niyang namatay. Mabuti kayo may tatay!" Ani Jillian.
Ito na ang nakikipaglaban para sa kanya kasi dapa siya sa mga sandaling iyon. Hindi matanggal sa isip niya ang nawalang halaga ng pera niya sa araw na iyon.
"W-Wala na akong tatay, Miss Jillian."
Gigil na naitikom ni Jillian ang mga labi at bwisit na sinugod si Xavier.
Nanlaki ang mga mata niya nang hampasin iyon ng kaibigan niya.
"Pilosopo!"
"Aray ko. H-Hindi naman ako p-pilosopo, nagsasabi lang ako ng totoo." Hindi naman magkandaugaga na paliwanag ng isa, pasalag-salag sa mga hampas na inaabot.
Ipinagtulakan na iyon ng kaibigan niga papalabas saka humahangos na isinara ang pintuan.
Leigh smiled a bit, looking at her friend, merely a sister.
"Bwisit na yun," anito, kinakalma ang sarili, nakatingin sa may hagdan.
Parang may napansin siya kay Xavier. Parang iba ang tingin nun sa best friend niya at kandautal pa. Imagine, ang ganun ka-brusko na lalaki, parang si Machete, nauutal sa isang Jillian?
"Mag-apply na tayo!" Bulalas nito sa kanya, "Dun tayo sa Elizares Airlines!"
Napanganga ang dalaga. Ang tayog naman ng pangarap nito. Paano na doon sila mag-a-apply? Napakahirap daw dun makapasok dahil ang taas ng standards ng mga flight stewardess. Bawal daw dun ang may peklat, e may pilat siya sa may taas ng kilay dahil sa aksidente niya.
"Hindi naman ako dun papasa," nakanguso na sabi niya, sisinghot-singhot.
"Malay mo naman! Sabi lang yun nina Bianca, na bawal ang may pilat! Mabait naman daw ang may-ari nun. Bukas, mag-a-apply na tayo. Hindi na tayo aasa dito sa negosyo mo. Parang nagkamalas-malas na dahil sa isang impakto at isang ermitanyo!"
Mukha ngang tama ito pero natatakot na naman siyang ma-reject sa pag-a-applayan. Baka masaling siya sa pinakamalambot na bahagi ng pagkatao niya, masaktan siya. Baka gamitin ang kapansanan niya, sasakit ang dibdib niya na sobra.
"Sabay tayong mag-a-apply. Kapag natanggap ako, ikaw ay hindi, hindi na rin ako papasok. Basta dapat sama tayo parati."
Tumango siya at nilapitan siya nito kaagad, niyakap nang mahigpit.
"Tahan na, suswertehin din tayo. Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa na nakakakita ka na?"
Tumango ulit siya. Tama ito. Lalaban siya at parating laban lang. Hindi pwede ang hihina-hina siya sa mga pagsubok. She has to stay strong for her mother. It's time to brush off her fears and all her inhibitions. Insults will always be just insults. As long as she knows herself, insults will never make her less a person. She knows herself better than others do. Maraming pwedeng maging trabaho pero uunahin niyang hanapin ang kapalaran sa tinapos niyang kurso, ang pagiging isang flight attendant.
☆☆☆
▪︎Clive▪︎
Kampante siyang binuksan ang pinto ng kanyang madilim na kwarto. Pumasok si Xavier, at mula sa malamlam na ilaw ng lampshade ay nakita niyang haplos-haplos nito ang pagmumukha. Wala itong balita kahapon sa kanya at naiinip na siya. Thank God, his right hand came today to deliver him good news.
"Where's the deed of sale?" Atat niyang tanong sa lalaki.
Naglakad siya papunta sa kanyang trono, sa harap ng telebisyon.
Nakatayo na si Xavier sa may harap niya at parang lutang sa reyalidad.
Agad siyang napakunot-noo. Something is wrong with this man. Natatawa pa ito na ewan. May nakakatawa ba?
"Xavier!" Galit na bulyaw niya rito kaya agad itong napapormal, "The f**k is happening to you?!"
"S-Sorry, Sir."
"Deed of sale?" Maagap niyang tanong para maumpisahan na ang pagtanggal sa building ni Mary Leigh, na baka magnitude 4 lang na lindol ay bumigay na.
"N-No deed of s-sale s–"
"What?!" Agad siyang napatayo, mainit ang ulo, "I've given you enough time to destroy her so she'll be forced to sell her land to me. What happened then?"
"Matigas sila, sir."
He looked at Xavier, "Them?"
"Yes sir. May atribida siyang kaibigan. Ipinagtulakan nila ako papaalis, nakalmot pa nga ang mukha ko, sir. Ayaw nilang ibenta. Siniraan ko na sila at kinunan ng malaking halaga dahil may mga nagkunwaring nagrereklamo na peke ang ibinigay niyang pera sa pag-encash. Nag-planta ako mg mga tao na nagsasabing manloloko siya. Kahit na pekeng pulis ay nag-hire na ako pero wala. Umiiyak lang siya pero…hindi naman natinag. Malas daw ako."
He didn't answer. Higit niya ang paghinga. Ano na kaya ang plano ng babae na iyon?
"What's her plan now?" Galit ang mga matang tanong niya rito.
Xavier shrugged, "I…don't know, sir."
"Keep an eye on her. Siraan mo hangga't makakaya mo dahil iisang plano na lang ang natitira sa akin! Tang-ina! I don't want to execute the 3rd plan if the 2nd plan will never work! Do you get me, Xavier?!"
"Y-Yes, sir. I'm doing my best, sir. She's just really tough. Baka sa tagal ng panahon na bulag siya, naging malakas ang loob niya kaya kaya niyang mag-isa."
Damn it!
Walang malakas kapag nasaling ang kahinaan. He'll find that spot and smash her to the very best that he can.
"Just stick to the plan."
Tumango kaagad ito at tumalikod na. Tahimik itong lumabas habang siya ay nagpapalakad-lakad lang sa kwarto, bitbit ang kanyang alak.
Akala niya ay mahahawakan na niya ang deed of sale, hindi pa pala. He was expecting too much from Xavier. He thought she'd give up but he was wrong. He underestimated Leigh's strength, and now she's becoming his enemy.
Fuck!
Bakit na ang kailangan pa niyang maging kaaway ay ang babaeng nagdadala ng mga mata ng misis niya?
Because she's so competent that she has something to be proud of while apparently she has nothing. Tingnan niya kung ano pa ang kayang gawin nun sa pagmamatigas.
Matira sa kanilang dalawa ang matibay. Wala iyong kamalay-malay sa mga ginagawa niya. Kawawang nilalang, bumangga sa pader na gawa sa bakal.
Pursing his lips, he kept on walking until he decided to go out. He went straight to the elevator. Bumaba siya at hinanap si Clarita, ang kanyang mayordoma.
"Yaya!" Paasik na tawag niya sa matanda. Pumasok siya sa may entryway ng kusina.
"Si senyorito ba yun? Kaylakas naman ng boses na parang may megaphone. Abot dito ang bunganga mula sa fourth floor?" Anang isa sa mga katulong niya, si Delia.
"Imposible naman na bumaba yun. Magpapamisa ako," ani naman ni Sonia.
Magkakatungangaan ang mga iyon, waring nag-iisip kung imahinasyon lang ang narinig na boses niya. Napakatatanga.
May nalalaman pa ang mga ito na pamisa. Ito kaya ang pamisahan niya para sa patay?
"Yaya!" Bulyaw niya ulit at halos lahat ay napaitlag.
Kahit na ang matandang yaya na niya mula siyam na taon siya ay ganun din. Nakatulala ang mga iyon sa kanya, at si Clarita lang ang naglakas ng loob na magsalita.
"B-Bakit bumaba ka, iho? May kailangan ka ba?" Malambing na tanong nun sa kanya kahit na ang sama-sama na ng ugali niya parati.
"Call my barber," aniya.
Maang ang lahat, lalo na ang matanda, "H-Ha? Hindi ka ba lasing?"
Agad na nalukot ang mukha niya. Pwede bang magsisante ng matandang yaya?
"I'm not. Just call my barber and order him to come today," iyon lang at tumalikod na siya, "I'm giving him fifteen minutes."
"D-Diyos ko, oo, tatawagan ko na," nagmamadali ang matanda na dinampot ang telepono na nakakabit sa pader, malapit sa may TV, "Magpamisa ka na, Sonia."
Diretso siyang lumabas ng kusina para pumunta sa kanyang salon, sa second floor. Pagpasok niya ay nakahawi ang lahat ng kurtina kaya inis niyang isinara lahat para dumilim ang buong kwarto.
Sighing, he sat on a chair. He sees nothing, even his own reflection. Maghahanda na siya sa pangatlong plano, sakali man na hindi gumana ang pangalawa. Tatanga-tanga pa naman si Xavier at parang pinanghihinaan na ng loob. He has to be ready. Damn! He's dying everyday, waiting for Leigh to finally say yes to his offer. He wants that catwalk in no time. Baka mamaya ay may makaisip ng gumawa nun, mawala sa kanya ang napakagandang project na malaki ang maidaragdag sa pera niya at kasikatan ng Gre.co.
He is not only going to use that catwalk for his fashion shows and models. Ipagagamit niya iyon sa ibang naglalakihan pang modeling companies, sa mga espesyal na okasyon, sa mataas na halaga. Gre. co will still be the most famous and leading company in the fashion industry. Walang makakatalo sa kanya. Kahit na kailan ay hindi pwede na mawala ang kumpanya. Mary Leigh will never be forever the hitch. She'll be brushed off too soon.