Chapter 4
▪︎Leigh▪︎
Bad trip na siya sa lalaking de kotse. Bumalik na naman hindi pa man lang siya nagkakaroon ng buena mano para sa araw na iyon. Nauna ng mambwisit ang Xavier na iyon, nag-aalok ng take it or leave it daw, na naman. Sinabi na nga niya na leave it, hindi pa rin makaintindi ng basic na english. Kailan ba talaga ay paulit-ulit? Parang minalas tuloy siya dahil walang gaanong pumasok na pera. Umabot na lamang ng dilim ay wala na.
Nakauwi na si Jillian dahil bibili pa raw ng ulam sa palengke.
Pakiramdam niya ay may dalang sumpa ang speaker ni Clive Greco. Pansin din ni Jillian ang kawalan ng customer sa buong maghapon.
Pumunta siya sa kusina, sa likod lang ng divider, para magsaing. Wala pa ang Mama niya at masyado na naman sigurong kina-career ang trabaho. Sinabi na niyang huwag ng gaanong magpapagabi, matigas din ang ulo.
Kinukuskos niya ang kaldero ng rice cooker nang tumunog ang doorbell niya. Tumingin kaagad siya sa monitor ng CCTV at kulang na lang ay magtago siya sa faucet ng lababo nang makita ang isang mamaw sa pintuan. Direktang nakatingin ang mga mata nun sa camera, nanlilisik at parang mangangain ng tao.
Diyos ko!
Tatawag siya ng pulis!
Nanginginig na lumapit siya muli sa mesa niya. She grabbed the telephone to call the police but a familiar man was walking towards the beastman.
Si Xavier na naman. Nag-usap ang dalawa at hindi niya maunawaan. Mukhang magkakilala ang mga ito. Napakurap ang dalaga at hinagod ng tingin ang lalaking may mahahabang buhok, na abot yata sa sa kilikili.
Tama. Mukha itong si Aquaman, the beast version nga lang. Mga ilang sandali pa niyang pinag-aralan ang dalawa, until Xavier pushed the buzzer's button.
Hindi pa iyon nakuntento ay pinindot-pindot pa. Alanganin siya kung patutuluyin niya. Siya lamang ang tao roon, baka pagtulungan siya ng dalawang lalaki, anong laban niya?
Pagtulungan kaagad?
Mga naka-business suit ang dalawang lalaki at taga Gre.co Empire. Paano naman niya naiisip na gagawan siya ng mga ito nang masama?
Sa labas siya makikipag-usap, total ay may parking space naman siya sa harap, wala nga lang siyang kotse. Ang naroon ay bisikleta niya, service niya kapag may pupuntahan, at hindi mainit ang panahon.
Leigh decided to walk towards the door and unlocked it. She slid it and took a step outside.
Now, she’s facing a man's chest. Napalunok siya kapagkuwan at napatingala. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking mukhang ermitanyong tinubuan ng malalapad na dibdib.
Amoy na amoy niya ang pabango nito at gusto niyang mapapikit. That is the most calming scent of a man she had ever smelled in her entire life. Tipikal na mga masusungit na amoy ang pabango na naaamoy n'ya sa mga lalaki, kahit na noong bulag pa siya. Kahit na ang sarili niyang duktor ay masungit ang amoy kapag lumalapit kaya kilalang-kilala na niya. Ito lamang ang bukod tanging lalaki na kalmado ang amoy at hindi nakakasawang singhutin.
Napakurap siya nang lalong tumalim ang mga mata nito. She was frightened, so she looked at Xavier.
"Kailangan mo…niyo?" Aniya na nag-krus ng mga braso sa dibdib.
Umatras nang kaunti ang lalaking nasa mismong harap niya, na halos magdikit na sila. Titig na titig ito sa kanya.
"Miss Sandoval, pwede ba kaming pumasok?" Tanong ni Xavier sa kanya pero umiling siya.
"Sorry, Xavier, hindi pwede kasi wala akong kasama."
Hindi niya alam kung bakit kumibot ang kilay ng lalaking ermitanyo, hinagod siya ng tingin na tila ba nakakainsulto, pero hindi siya nainsulto.
Alam niya sa sarili niyang maganda siya. Ang ganda niya ay hindi average lang. Siya ang tipong nililingon ng mga kalalakihan at tinititigan. Mas maganda siya kaysa sa dalawa niyang kapatid na babae.
She's not that tall but she has a promising beauty. Ang mga mata niya ay parang sa pusa, masungit at mapagmataas, kapares ng kanyang mga kilay, ang mga labi niya ay manipis na hugis puso. Her nose is high-bridged, and it gave her a more defined look. Bagay na bagay iyon sa hugis ng mukha niya, at sa buhok niyang mahabang kulot at itim.
"Miss, ang kaharap natin ngayon ay si Mister Clive Greco," parang kinabahan na sabi ni Xavier pero ewan niya kung bakit siya natawa.
Lalong nanlaki ang mga mata ng lalaki at parang gusto siyang sawayin sa ginawa niya. Bakit, masama bang tumawa? Sino bang hindi matatawa? Ang tukmol na ermitanyong naligaw mula sa Mount Bulusan, si Clive Greco?
Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa at ang lalaking sinasabing si Clive Greco ay tumigas ang mukha. Pwede na itong maging model ng Hardiflex. Kanina pa ito naninigas.
"Sinong niloko mo, kuya Xavier?" Tanong niya sa lalaking pabalik-balik sa kanya, "Huwag mo na akong lokohin at magdala pa rito ng tao na magpapanggap na si Mister Greco. Hindi naman sa pang-iinsulto, pumili ka naman ng tao, hindi iyong lalaking mas mukha pang matanda kay Moises at mga lalaki sa lumang tipan ng Bible."
Kahit si Xavier at napigil ang tawa at halos tumalsik ang laway sa pagpinid ng labi.
"You're mocking me, lady," nang lalaki gamit ang baritono nitong boses.
Susko.
Boses pa lang ulam na, bigote at balbas pa ba?
Napakurap-kurap siya. Si Xavier ay pumormal nang wala sa oras. Parang takot na takot ito sa lalaki.
"I don't have to prove myself to anyone. Get inside and we will talk," mariin na utos nito sa kanya kaya napakamot siya.
In-English pa siya para maniwala siyang ito si Clive Greco.
"Mawalang galang na ho, panggap na Mister Greco–"
Itinaas nito ang kamay kaya napatigil siya.
"Enough of this nonsense. Open the door and let us in. It is not decent to talk outside."
Tumingin siya sa kalsada at halos paliitin niya ang mga mata sa nakita. Isang limousine ang nakaparada, itim, tapos ay may mga kotse pa sa unahan at likuran nun. There are men standing near those cars, looking around, as if securing the place.
She looked up at the man. Parang gusto na niyang maniwala na ito si Clive Greco pero bakit napakatanda naman at pangit?
Hindi, hindi siya dapat padala sa mga ganun na style, de kotse, de limousine, de bodyguards. Baka mamaya ay sindikato ang mga ito, paano na? Wala naman siyang pagkakakilanlan sa lalaking asawa ni Zaira Greco, lalo pa at sabi ay patay na. Imposible na kaharap niya ngayon ang lalaki. Hindi naman siya nanghuhusga batay sa itsura pero mahirap.
"Pasensya na kayo Senyor pero mahirap pong maniwala. Patay na po si Clive Greco."
"Diyos ko," nausal ni Xavier at parang gusto ng mamatay sa kinatatayuan.
"Where did you get that stupid news?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Sa balita po kaya makakaalis na po kayo."
"What if I get your eyes before I leave, or shall I say my wife's eyes?"
Kumibot ang mga kilay ng dalaga. Hindi niya malaman ngayon kung kakagatin niya ang dialogue na iyon o hindi.
"Get inside and we'll talk," utos ulit nito kaya naman napatingin siya kay Xavier.
Palihim siya nun na tinanguan kaya naman napilitan siyang itulak ang pintuan.
"Huwag na po nating isara ang pinto," aniya.
Ang nasa isip niya, kung gagawa ng masama ang mga ito ay mabilis siyang kakaripas ng takbo. Wala na siyang mahihingan ng tulong. Siya na lang ng natitirang establisyemento sa hilera na iyon. Lahat ay ginigiba na, o kung hindi naman ay may mga bakod na, para gibain.
Ang nakalagay doon ay Greco Empire.
Naupo siya sa sofa.
"Aren't you shy, Miss Sandoval?" Bungad ni Japeyk.
"Saan ho?" Hindi niya ito tinitikalan ng tingin.
She realized he had a beautiful pair of fierce eyes. Those are truly intimidating as if ready to prey on an opponent.
"That you’re the only one standing, blocking the soon-to-be business empire in this place?"
Englisherong frog ang lalaki. Malapit-lapit na siyang maniwala na ito nga si Clive Greco pero bakit pangit itong magsalita, at pangit ang lumalabas sa bunganga?
"Alam niyo ho, Mister…" she paused, unable to call the man, Mister Greco, "hindi ko naman po kasalanan na ito ang lupang binili ng Papa ko noon. Hindi ko rin naman po kasalanan na nakatayo ang establishment ko rito. Ngayon po kung s–"
She stopped when he raised his hand again. Daig pa niya ang isang estudyante na pinatigil ng guro niya.
"Why not sell it as…exchange for what Zaira had given you."
Agad siyang napamaang. Ngayon, mukhang kumbinsido na siya na ito nga si Clive Greco.
"Mawalang galang na ho, Sir Clive o Mister Greco. Iba ho ang corneas na donated ng asawa niyo kaysa sa lupa na ito," matatas niyang sabi, bahagyang nakataas ang noo, "Bagay din ho na kumukuha pala kayo ng kapalit sa mga ibinibigay niyo, sana hindi na lang kayo nag-donate. Dahil lang sa lupa, nakakapag-sumbat kayo? Abot langit po ang pasasalamat ko–"
Itinaas nito ang kamay at tumayo ito sa harap niya pero nagpatuloy siya. Anong akala nito, magpapatalo siya?
"Abot langit ang pasasalamat ko kay Ate Zaira dahil sa corneas niya pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na akong um-oo na lang sa mga demands ng naiwan niyang…asawa."
Nasuri niya ito ng tingin. Asawa nga ba ito ni Zaira? Ang layo ng itsura sa katotohanan.
"I always get what I want, Mary Leigh."
Nangaligkig siya sa pagbanggit nito sa buo niyang pangalan. Parang ibig nitong sabihin ay mag-uumpisa sila ng giyera.
"And I know how to fight for my right as well, Mister Greco. Hindi po ako nagmamataas pero hindi rin po ako paaapi lalo na at hindi ko naman po kayo inaano."
Tinitigan siya nito at ganoon din siya. Matiim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at gusto niyang sumuko pero hindi niya ginawa.
Tumalikod ito at iminosyon lang ang kamay, sumunod na kaagad si Xavier. Hindi na rin niya pinagkaabalahan na ipagbukas ang mga iyon ng pintuan. Bakit pa?
With the way this man moves and the way how Xavier reacts, no wonder that this bearded hermit is Clive Greco.
"Salamat ho pala sa donasyon. Dalawang taon ko na kayong hinihintay na makilala para sa pasasalamat sa mga mata ni Ate Zaira," she said.
Medyo pumilig ang ulo nito tapos ay lumabas na ng pintuan, walang sagot ni tango man lang. Ang tanga naman niya para isipin na tatango ito. Galit nga ito. Bakit naman ito tatango sa isang kaaway?
She sighed deep within. The man she wanted to see years ago and wanted to be close to him is now her enemy, and that is all because of a piece of land.
•••
May babaeng nakikialam sa sinasaing ni Leigh. Binuksan nun ang takip ng rice cooker at pinasisingaw ang tubig. Kaagad siyang naalarma at napatayo. Nawala ang pagkakatulala niya. Mama niya pala ang pumasok.
"Ma," aniya.
"Ma…kung magnanakaw ako wala na itong sinaing mo. Tulala ka?" Anitong inilapag ang folder na dala sa mesa.
Dumating na pala ito ay hindi niya man lang namalayan. Hindi kasi matanggal-tanggal sa isip niya ang tungkol sa pagsumbat sa kanya ng tungkol sa mga mata.
"Galing dito si Mister Greco, Ma," imporma niya sa ina habang kumukuha ito ng tubig sa dispenser.
Agad na lumipad ang mga mata ng nanay niya sa kanya, "Mismo?"
"Oo, Ma, mismo. Hindi maganda e," aniya.
"E hindi talaga yun maganda kasi lalaki," pilosopong sagot nito sabay irap, saka uminom ng tubig.
Hindi niya alam kung sadyang mali lang ang intindi ng nanay niya, o baka nawalan na ng utak kakaahente ng mga traysikel.
"Mama naman, napakapilosopo. Ang ibig kong sabihin, hindi maganda ang pagkikita namin. Galit siya dahil hindi ko binibenta ang lupa sa kanya. Sinumbatan ako ng mata."
Napatigalgal sa kanya ang Mama niya.
"Aba, wala kamong bawian ng paningin. Ibinigay na nila e, bakit pa sasabihin? Pero…baka naman anak nabigla lang. Sa'yo naman ang lupa na ito at wala naman siyang magagawa roon dahil may titulo ito. Ang mga mata naman ni Ma'am Zaira, walang titulo na naiwan kay Clayb Greco kaya sa iyo na iyan."
Napabuntong hininga siya. Naiinis siya. Daig pa niya ang napahiya. Parang ipinamukha sa kanya ay kaya siya nakakakita dahil utang na loob niya iyon, na dapat niyang bayaran.
Pwede naman siyang singilin, ibang bagay na lang.
"Ano na ang naging desisyon mo, 'nak? Pagbibili mo na ba itong lupa?" Tanong ng Mama niya sa kanya pero umiling pa rin siya.
Kahit na ano pa ang sabihin ni Clive Greco, wala naman iyong magagawa.
"Baka naman magalit yun, anak," nag-aalalang sabi ng Mama niya sa kanya.
"E di magalit siya. Hindi ko naman siya inaano. Karapatan ko naman na ipagdamot ang lupa ko kasi atin naman ito. Kung ayaw niya sanang ibigay ang mga mata ng asawa niya sa iba, e di sana humindi siya, di ba?"
"P-Paano anak kung alisan ka niya ng mga kustomer?"
She was speechless. Parang nangyayari na nga. Mula umaga ay halos wala ng pumupunta sa kanya. Ang himala naman nun na nawalan na ng pera ang mga tao, o di kaya ay baka natatakot ng pumunta sa lugar niya dahil lahat ng katabi niya ay balot na ng mga trapal at plywood.
"Maghahanap ako ng trabaho, Ma. Mag-a-apply na ako kung ganun at ikaw na lang–"
"Bakit ako?" Agad nitong salo, "hindi ako marunong ng mga apps, apps na iyan. Ang alam ko lang ay PikPok. Mamaya niyan magkamali ako ng pindot, ang laking pera ang mawala." Agad na sagot nito, hindi pa man lang siya nakakatapos.
Ano na ba ang gagawin nila?
Maayos naman ang umpisa nila kaya lang ay pumangit nang alukin siya ng bentahan ng lupain.
"Alam mo, Ma, bwisit sa akin si Kuya Clive Greco," aniyang naalala ang matatalim at magaganda nun na mga mata.
"E paanong di mabubwisit, ayaw mong ibenta ang lupa. Tayo na lang ang naiiwan dito."
"Hindi lang yun, Ma," aniya pa, "Pinagtawanan ko kasi siya."
"Luka-luka ka naman pala kasi."
"Ma, kung nakita mo ang itsura niya hindi ka rin maniniwala na siya ang bilyonaryong si Clive Greco. Am…ampangit niya, Ma."
Napangiwi ang nanay ni Leigh dahil sa sinabi niya, "Talaga, anak? Hindi ba mukhang yayamanin?"
Napatingala siya at nag-isip, inaalala ang itsura ni Clive.
"Yayamanin ang amoy pero hindi ang itsura. Parang ermitanyo, Ma, ganun."
"Ay matanda na pala," anaman nito kaya natawa siya.
Alam niya na mahilig ito sa pogi kaya hindi na siya nagtataka.
"Pero anak, sa susunod ay kausapin mo nang maayos ha. Kahit paano ay may utang na loob tayo sa kanya," pangaral nito.
"Ma, maayos ako, siya ang hindi ayos. Napakasungit niyang magsalita at parang lahat gusto niyang isumbat. Syempre naman sasagot ako para magpaliwanag."
"Basta tama lang," anaman nito ulit saka naglakad papaalis ng kusina, "Magbibihis lang ako. Ang hirap kumayod, anak. Puspos na ang dila ko kakaahente, sa huli naman ay ayaw din palang magpagawa ng traysikel, kulang na lang itanong sa akin pati na ang lahat ng detalye sa sa paggawa. Mga tao nga naman," daldal nito habang pumapanhik ng hagdan.
Dapat ay makahanap na siya ng trabaho. Hindi na dapat kayod kalabaw ang Mama niya. Natatakot lang siyang mag-apply. Baka kapag nalaman na bulag siya dati at operada ay hindi siya ma-qualified. Sa lahat, ayaw niyang ma-reject siya dahil sa mga mata niyang dating walang makita. Kapansanan na nga niya iyon noon, magiging hadlang pa sa pag-angat niya ngayon.