Chapter 7
▪︎Leigh▪︎
She nervously looked at her own reflection in the mirror. She's in formal attire, wearing a mini skirt. Ang pag-aakala niya ay bawal ang ganun kaikling palda sa pag-a-apply ng trabaho pero iba sa EGA. Hindi niya alam kung hiring doon pero pwede naman daw magpasa ng resume.
Pakiramdam niya ay suntok sa b'wan ang gagawin nila ni Jillian. Wala naman silang experience na dalawa at parehas lang na kakatapos ng pag-aaral. Puro seminars lang ang kaya nilang i-present sa EGA. Ni hindi nga sila roon nag-affiliate.
She's in a ponytail. Sinadya niyang ilabas ang mukha para mukha talaga siyang flight attendant, malinis ang itsura.
"Good luck, anak," anang Mama niya kaya napangiti siya.
Parang ang ganda ng dala nun sa kanya. Kahit na mukha ng Mama niya ay nagpapakita ng positive vibes. Marami siyang dalang resume at photocopy ng kanyang transcript of records. Nakahanda sila ni Jillian na mag-apply sa maraming airlines na pwede nilang mapasukan.
Mataas man ang pangarap nila, na matatanggap sila kahit na kulang sila sa experience, mas mabuti na ang sumubok. Wala namang masama sa mangarap nang mataas. Mangangarap na nga lang din bakit hindi pa taasan? Kung palarin sila na makapasok, ay di instant stewardess na kaagad sila.
Naglalagay siya ng liptint nang mag-buzz ang pintuan.
"Si Jillian, Ma," aniya sa ina, na nagmamadali naman na lumapit doon.
"Anak, hindi ito Jillian. Ito ay Hulyan–Julian!"
Napatigil siya sa pagpahid at pinagkikiskisan ang mga labi, na napalingon sa pinto.
Pumasok doon ang pinakanakakabwisit na lalaki sa buong sansinukob.
"Panira ka talaga!" Gigil na asik niya kaya ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng nanay niya.
Tumingin iyon kay Xavier.
"Sino ba ito anak?"
"'Yan ang kanang paa ni Senyor ermitanyo, si Sabor! Hindi ka pa ba sumusuko sa kakakulit! Pwes, eto, hindi rin ako susuko sa buhay!"
"Sandali nga at kukunin ko ang tambo!" Inis naman na sabi ng Mama niya at napamadali sa pagpunta sa may kusina, kinuha ang nakasabit na tambo.
Kaagad na tumakbo si Xavier papaalis kaya nakahinga siya nang maluwag.
Bwisit. Keaga-aga sisirain na ang araw niya.
"Nasa'n na at wawalisin ko?" Anang Mama niya, hawak ang salamin sa mata.
"Wala na, Ma, natakot na sa tambo," aniyang natatawa.
"Iyon pala ang kanang kamay ni Mister Greco. Ang pogi naman anak. Baka iyon talaga si Mister Greco at hindi ang ermitanyo."
Agad din siyang napaisip. Baka nga. Baka nagpalit lang ang dalawa kunwari, pero hindi. Iba ang kilos ng ermitanyo kaysa kay Xavier. That hermit has power and authority. When he spoke, it seemed like no one had the authority to say no and defy his words. His words seemed like had fangs and sounded like a curse.
Dinampot niya ang envelope at handa ng lumabas para hintayin si Jillian pero malakas na boses ng babae ang naulinigan niya.
"Lumayas ka na nga! Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi ang manira ng araw? Ikaw ang buena mano, alam mo yun?!"
Nakita kaagad niya ang kaibigan na pinaghahampas si Xavier ng envelope na dala.
"Sabihin mo sa amo mo, hindi nga ipagbibili. Kung hindi siya nakakaintindi ng Tagalog, e di English! N-O! No!"
Lumabas na siya at nilapitan ang dalawa.
"Hindi naman ako nandito para magtanong kung ibebenta," paliwanag naman ng isa.
"At ano naman ang pakay mo? Utuin mo ang lelang mong panot," sabi naman niya.
"Mag-i-spy ka?" Ani Jillian, nakapameywang.
"H-Hindi. Napadaan lang ako." Hindi magkadaugagang paliwanag nito, nagkakandautal kay Jillian.
"Pwes, wala ka ritong karapatan na dumaan dito!" Sabi naman niya at sukat doon ay napakamot iyon ng ulo.
"Trespassing ka nga, kung tutuusin!" Salo naman ni Jillian.
"Napakasungit niyong dalawa. Daig niyo pa ang kambal kung mang-away," aniyon kaya nagkatinginan sila at muntik sila parehas na matawa.
"Napadaan lang naman talaga ako," aniyon na sinuri sila ng tingin, "Saan ang punta niyo?"
"Bakit namin sasabihin sa'yo?" Jillian snarled.
"Baka pwede ko na kayong ihatid. Hindi naman porke nagtatrabaho ako kay Mister Greco, kaaway niyo na ako."
"Ah, naghuhugas kamay ka pa!" Anaman niya.
"Oo nga," salo ulit ng kaibigan niya.
Napakamot ulit si Xavier, "Nagmamagandang loob na nga ako, para hindi na kayo mag-commute. Hindi ko naman kayo ipapahamak. Saan ang punta niyo?"
Nagkatinginan sila.
"Sa EGA," si Jillian ang sumagot, "mag-a-apply kaming flight attendant."
Umarko ang mga kilay ng lalaki, parang hindi makapaniwala.
"Elizares Global Airways? Hindi kaya nangangarap kayo nang dilat?"
Agad na pumangit ang tabas ng mukha ni Jillian dun, "Tingnan mo talagang sama ng ugali mo."
"I mean…sinasabi ko lang ang totoo na mahirap makapasok dun pero ihahatid ko na kayo," alok nitong muli sa kanila, "Sincere naman ang alok ko. Huwag niyo na lang isipin na ako ang nag-aalok na bilhin ang lupa. Labas yun sa usapan ngayon."
Tumingin siya sa suot na relos. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito pero mukha namang matino ang pakiusap ni Xavier. Hindi naman ito mukhang manunumbat sa kanila.
"Ano, halika na?" Tanong ni Jillian sa kanya kaya napakibit balikat siya.
Ang laki ng naging pag-ngisi ng lalaki at nagpatiuna pa sa sasakyan, para ipagbukas sila ng pintuan.
Pagpalain nawa sila ng Diyos sa kanilang paghahanap ng mapapasukan.
"Saan pa kayo mag-a-apply, pagkatapos sa EGA, mga Miss na maganda?" Basag ni Xavier sa katahimikan.
Parehas sila ni Jillian na nasa likod, at patingin-tingin lang ang lalaki sa kanila. Aminado naman siya na mukha namang mabait si Xavier, nakakabwisit nga lang. Wala naman nga siyang magagawa kung sumusunod ito sa utos ng matandang amo. Iyon ang trabaho nito at doon ito sa bagay na iyon kumikita.
"Kahit saan," matabang na sagot ni Jillian.
Kanina pa niya napapansin na walang humpay ang pagsulyap ni Xavier sa kaibigan niya. Kumpirmado na niya na mukhang may gusto talaga iyon dito.
"Napakasungit mo naman. Bati a tayo, Miss…?"
"Jillian," sagot ni Leigh, "Jillian Hermosa."
Ang sungit ng tingin na ipinukol sa kanya ng kaibigan pero natawa lang siya.
"Ilang taon ka na, Jillian?" Tanong ulit ni Xavier pero hindi naman sumagot ang isa.
"Twenty-three 'yan," aniya.
"Ikaw, Miss Leigh?"
"Twenty-three rin. Ikaw?"
"Twenty," aniyon.
"Sinong niloko mo? Mukha kang kwarenta y cinco," bwisit na sagot ni Jillian kaya natawa siya at pati na rin si Xavier.
"Ang sungit mo naman talaga sa akin Jillian. Crush mo siguro ako."
"Asa ka!" Galit na sagot naman ng isa, mukhang bad trip na sobra sa lalaki.
"Kuya Xavier, bakit ganun si Mister Greco?" Biglaan na tanong niya sa lalaki kaya medyo napapormal iyon pagkarinig pa lamang sa pangalan ng amo.
Asa naman din siya na sasagot iyon at magkukwento pero hindi niya inasahan na bubuka ang bibig para magsalita.
"Alam mo, Miss Leigh, napakabait ni Sir noon, noong buhay pa si Ma'am Zaira, pero simula nung namatay, nag-iba ang ugali niya sa lahat ng tao."
"May mabait bang nanunumbat?" Hindi napigil na sagot niya.
"Alam mo, negosyante siya. Sanay siya sa mga ganung bagay na sinasaling ang kaaway sa kung anong mahina niyang katangian."
Umirap ang dalawa at humalukipkip, "Well, hindi naman ako kaaway," napairap siya at nakarinig ng mahinang pagtawa mula sa lalaki.
"Ang cute mo talagang mainis. Tawang-tawa ako sa'yo nung gabi na kung anu-anong sinasabi mo kay bossing. Susko, kulang na lang ako ang mahimatay para sa'yo kasi alam ko na kapag bumuka ang bibig nun, ikamamatay mo."
"Duh, hindi siya namatay!" Bulalas naman ni Jillian sa mataray na paraan kaya lalong tumawa si Xavier.
"Girls naman, bati na tayo. Huwag niyo na akong idamay sa galit niyo kay sir. Kunwari galit lang kayo sa akin kapag kaharap siya," napapakamot sa ulo na sabi nun sa kanila.
"So, balimbing ka rin pala!" Ani pa ni Jillian kaya humalakhak na naman iyon.
"Grabe naman kayo. Anong oras kayo uuwi para masundo ko kayo at maihatid?"
"'Wag ka ng mag-abala pa. Baka malaman ni Kuya Clive na ganyan ang ginagawa mo, kahit na gas ng sasakyan isumbat pa niya sa amin," anaman niya.
"Ako naman ang nag-ga-gas nito. Full tank lang ng kumpanya pero sa mga personal na lakad, ako naman ang nagpapakarga."
"Ganun ba siya kayaman na parang buong Manila ay kaya niyang bayaran?" Tanong niya roon at tango kaagad ang nakuha niyang sagot.
"Tulad siya ng may ari ng EGA, mga kilalang Elizares, de Lorenzo, Villaraigosa, mga Castelloverde. Kung sa koneksyon, marami siyang koneksyon tulad din ng mga taong nabanggit ko."
Kaya pala daig pa niya ang bumabangga sa The Great Wall of China dahil sa ginagawa niyang pagmamatigas, pero hindi naman iyon sa ganun. She has reason, valid reason for that.
"Bakit ba mag-a-apply na kayo ng trabaho? Paano na ang negosyo ninyo?" Usisa ni Xavier sa kanila.
"Hindi maganda ang nangyari sa akin kailan lang. Napasukan ako ng pekeng pera at nailabas ko sa kustomer. Hindi ko alam paano iyon nangyari pero wala naman akong magawa. Kailangan ko na ngayon maghanap ng mapapasukan dahil kahit ang trabaho ni Mama apektado na rin. Wala raw siyang makuhang kustomer. Kahit daw um-oo na ay biglang humihindi pa," malungkot na sabi niya, nakatingin sa labas ng bintana, "Alam mo kuya Xavier, mabilis ko lang ibenta ang lupa sa totoo lang, kaya lang, hindi ko magawa dahil sa huling bilin ni Papa sa akin. Sana, maintindihan ako ni kuya Clive. Siguro kung si ate Zaira, mas mabilis kausap at mas maunawain."
"Ay, wala akong masabi sa ugali ni Ma'am. Sa totoo lang parehas silang mabait, kaya lang ito si Sir nagbago nga nang mawalan ng asawa. Siguro, asawa rin ang kailangan niya para bumalik siya sa dati. Para na siyang…y-yelong bato!"
Napasimangot siya, "Ano siya, glacier, ice berg, ganun?"
Natawa si Jillian sa kanya, at si Xavier naman ay napangiti.
"Posible pala ang ganun na tao kapag namatay ang mahal?" Nakuha nun na itanong.
"Depende yun sa tao. Hindi naman nakadepende sa namatay ang magiging ugali ng naiwan na asawa. Unless, may mga hugot siguro siya sa buhay, pero may mga instances din naman daw na nangyayari talaga. Yun iba nga, kapag nawala na raw ang asawa, di na rin kumakain yun naiwan na asawa hanggang sa humina na at mamatay din," kibit balikat niya, "Nag-su-suicide na siguro, kumbaga."
Sumulyap si Xavier kay Jillian, "Ikaw, Jill, magpapakamatay ka kapag namatay ako?"
Naitago ni Leigh ang pagtawa dahil nalukot ang magandang mukha ng best friend niya.
"Ako mismo ang papatay sa'yo."
"Si Kuya Xavier, crush si Jillian," aniya sa lalaki na hindi naman tumanggi.
"Diyos ko, baka sampu na ang asawa niyan!" Bulalas ni Jillian kaya natawa na talaga siya.
"Binata ako, sobra ka naman. Bukas magdadala ako ng certificate of no marriage."
"Hindi ako interesado! Itabi mo na nga. Ang daldal mo! Ewan ko ba, wala akong tiwala sa iyo. Baka mamaya magkamalas-malas na naman kami at hindi kami matanggap sa trabaho!" Galit na sabi nito saka marahas na binuksan ang pintuan ng kotse.
"Salamat, kuya," ani pa rin ni Leigh.
Tumango iyon pero wala sa kanya ang tingin, nasa kay Jillian. Natatawa siya sa dalawa. Baka mamaya ay ang mga ito ang magkatuluyan.
Luminga siya sa paligid at agad siyang napanganga sa napakalaking building, halos sinlaki ng lahat ng lupain na gustong ariin ni Clive Greco. Hindi kaya airport ang itatayo roon ng lalaki, kaya gustong makuha lahat?
Namangha siya sa malaking pangalan sa harap ng building. EGA ang nakasulat doon at may dambuhalang eroplano sa tuktok. It's just an epitome but it looks realistic because it's moving.
"Welcome to EGA, flight attendant, Hermosa!" Biro niya sa kaibigan, na agad naman na nawala ang lukot ng mukha.
"Ang ganda," anitong namamangha sa buong building ng airlines.
"Sobra," naiiling naman na sabi niya.
Sa gilid nun ay may malaking billboard, isang gwapong matandang lalaki na mukhang anghel. Iyon siguro ang may-ari.
"Iyan ang President ng airlines, ang gwapo no kahit matanda na."
Tango lang ang naisagot niya at hindi maalis ang mga mata roon. Sana makapag-asawa rin siya ng ganun kapogi. Baka kahit ang tanda na, magustuhan pa niya.
"Tara na, tigilan mo na ang kakatitig diyan. Taken na 'yan." Hagikhik ni Jillian kaya sinamaan niya ng tingin.
"Para tinitingnan lang. Ang pogi…" aniyang para humanga na kaagad sa matandang lalaki.
Hindi niya alam. Gusto niya talaga ng may mas edad sa kanya ang lalaki, kahit pa sabihin na mapagkamalang sugar daddy.
Sa kakatunganga ni Leigh sa lalaki sa billboard ay hindi niya namalayan na naiwan na siya ni Jillian, at isang bulto ng tao ang kanyang nabangga, na halos ikatilapon niya.
"Ay!" Tili ng dalaga pero maagap ang lalaki na humawak sa kanyang mga braso.
Tumingala siya at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapagsino ito.
Susko.