Natapos ang seremonya ng hindi ko manlang namamalayan.Mukhang wala din namang pakialam tung lalaking katabi ko sa nangyayari sa paligid niya ngayon basta makangiti lang siya ng wagas sapat na. Kala mo naman bentang benta na sa akin yung mga ngiti niya.
" Congrats Tris and Faith. Nakakatuwa kayong dalawa." Bati sa amin ng babaeng di ko naman kakilala.
Napataas ang isa kong kilaw. " Bakit ho? Mukha ho ba kaming clown?" Tugon ko.
" Ay hindi naman hehe ! Nakakatuwa kayo kasi bagay na bagay kayong dalawa. Tas yung tema pa ng kasal niyo ay pang hari't reyna." Saad niya sasagot na sana ako ng inakbayan ako ng lalaking tu saka nagsalita.
" Salamat po ninang. Pasensya kana po kay Faith mukhang napagod talaga siya." Saka ako hinatak papalayo sa babae.
" Ano ba? Bitawan mo nga ako." Sabay bawi ko sa kamay ko.
" Pwede ba, kanina pa yung nguso mo nakausli nakakahiya sa mga bisita natin."
"Ay ! Hiyang hiya naman ako sayo. Kung makangiti ka akala mo naabot mo na ang langit." Singhal ko.
" Hey ! Ano bang problema mo huh? Baka nakakalimutan mo, ikaw tung nagpumilit sa akin na ituloy tung kasal kahit alam mong ayoko sa kasalang tu."
" Ah--anong ako? Excuse me ! Gi--ginawa ko lang yun dahil kay lolo nuh." Halos pukpukin ko na ng martilyo ang ulo ko. Pambihira ! " Tabi nga diyan." Pagtutulak kong sabi.
" Ah talaga? Hindi ba dahil sa sobrang gwapo ko, na kahit ikaw hindi mo maitangging may pagtingin ka rin sa akin kaya nga napapayag kang magpakasal sa akin diba? Di ba?"
Pambihira. Eh mi sa amihan pala tung lalaking to aba. Anak din pala ng kayabangan. Basagan ko kaya to ng salamin ng magising siya sa mga pinagsasasabi niya. " Excuse me lang huh? Kung yang pagmumukha mo ay nasasabi mo ng sobrang gwapo, pwes nagkakamali ka. Sa tingin ko malabo na paningin mo kaya mas kaylangan mo na ngayon ng salamin na may napakataas na grado. Tabi !" Pagtutulak ko sa kanya.
" Woaah ! Himala yata ! Dati rati pagsinasabi kong gwapo ako sa harap mo ay para kang kamatis kung mamula yang pisnge mo ngayon hindi na. Anong nangyari ngayon?" Confirm. Bagyo na po ang dala ng lalaking tu sa sobrang lakas ng hangin.
" Ay di ko ba nasabi sayo? Hindi blush yun, sadyang allergy lang talaga ako pagnakakarinig ng ganun. Tsaka wag kang mag alala. Okay naman na ako ngayon, immune na kaya di na ko sinumpong nung allergy ko." Saka ko nginitian ng pilit. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinigit.
" Ano ba? " Napasigaw ako. Halos mapatingin naman ang mga bisita sa amin. Tsk ! Tingin ng mga chismoso at chismosa. Talaga naman oh ! Bigla naman niya akong hinapit sa bewang papalapit sa kaniya. Para tuloy akong di makahinga sa sobrang dikit ng katawan naming dalawa. Bulong na parang bumuhay sa mga natutulog kong laman sa buong katawan. Ehhhh !
" Yakapin mo ko, kung ayaw mong halikan ulit kita sa harapan nila." Halos mapaigtad ako sa bulong na yun. Bulong na parang bumuhay sa mga natutulog kong laman loob sa buong katawan ko. Ehhhh !
" Yayakap o hahalikan?" Bulong niya pa ulit sa akin. Tsk ! Saksakin ko na kaya tu ng patalikod nuh? Kanina pa pinapaputi sa galit ang dugo ko e. Gigil na gigil na lahat ng ugat ko dito. Kanina pa tu sa simbahan pasalamat na lang siya at simbahan ang kinalalagyan namin kanina kundi nako.
" Gagawin o gagaw---aw !" Napaigtad siya sa biglang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit. May bonus pa siyang kurot mula sa naghahabaan kong mga kuko. Saka ako humarap sa mga bisita at ngumiti ng pilit. Habang nakabaon ang mga kuko ko sa likod niya ay nagagawa pa ring ngumiti at kumakaway kaway pa ang isang kamay sa mga bisita. Sarap na sarap kamo sa pagkakayakap ng isang kamay sakin.
" Pwede ba tama na ang palabas na to. Magpapahinga na ako." Saad ko. Kakawala na sana ako ng biglang dalawang kamay na nito ang iniyakap sa akin ng mahigpit.
" Shhh ! Wag ka munang gumalaw. 2 minutes lang." Napakunot noo naman ako. Drama nito? Pilit kong itinutulak pero sadyang malakas ang nayupaks na tu eh. Kaya anu pa nga ba. Napabuga ako sa hangin.Makalipas ang ilang minuto tinulak ko na siya. Tama na yun. Baka maupos ako sa kuryenteng naramdaman ko bigla.
" San ka na pupunta?" Habol niyang tanung sa akin.
" Dun sa walang anino mo. Chupee" Saad ko. Saka humakbang nang biglang bumulong ito.
" Sungit kala mo naman ang ganda."
Abat-- papatulan ko na sana ng pagkalingon ko ay biglang kindat nito sa akin saka mabilis na naglakad papalayo. Sarap mong habulin ng takong ng sandal ko ! Hayp. Saka ako nagmartsa papalayo sa kaniya. Sa totoo lang daeg ko pa ang sabog sa mga nangyari maghapon ngayong araw na to. Madaling araw akong dumating dito sa Pinas galing States kanina para sana umattend lang ng kasal. Pero heto ang naganap, ay ako tung nag suot ng wedding gown, humarap sa altar, naging si Faith sa harap ni Lord, sa mga mata ng lahat at ngayon mukhang simula na rin ng unti unting pagkasira ng ulo ko dahil sa lalaking yun. Lakas makabwisit.
Ramdam ng mga binti ko ang bigat ng mga nangyari sa akin maghapon ngayong araw na ito. Namamanhid na rin ang mga talampakan ko. Hays ! Napaupo ako at tinanggal mula sa pagkakakabit sa mga paa ko yung mga sandals at napabuga sa hangin saka ako napapikit. Gusto kong sumigaw pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Oo, masama ang loob ko. Laging ganito nalang kasi ey, sa twing napapasok si Faith sa kaguluhan ako ang nagiging kawawa. Tanda ko pa nung grade 6 kami na may hinamon siyang mga bata tapos kinabukasan ang ending ako itong nabugbog dahil umabsent siya. Tapos nung 1st year highschool kami, napagkamalang ako yung nagchecheat sa exam dahil sa mga kodigong nakita ng mga teacher dun, kaya pala nung nakapag pasa siya nung test paper ay atat na atat makipagpalit ng upuan sa akin kase ganito ganyan ang mga dahilan niya. At dahil diyan naisipan kong pilitin sila mommy at daddy na sa ibang skwelahan na ako mag aral. Kung di niyo kasi naitatanung, sobrang identical twins kami ni Faith, kahit hibla yata ng buhok magkaparehas na, siguro ngayong malalaki na kami kung kilala kami ng lubusan mahahalata at mahahalata pa rin ang pag kakaiba namin lalong lalo na pagdating sa ugali tsaka sa balat lang sa may dibdib naming dalawa. Si Faith ang meron ako ang wala.