Hindi ko alam kung jetlag lang ba tu o sadyang kinakabahan lang talaga ako ngayon. Pero bakit?
Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal ng kapatid ko. Maya maya tinawag ako ni mom para umakyat sa taas, sa kwarto ni Faith. Napabuga ako sa hangin saka sinimulan ng ihinakbang ang mga paa ko patungo sa taas. Kataka taka naman, bakit kaya hindi pa nababa si Faith? Nagkaproblema kaya sa gown niya? Napapangiti ako at napapailing habang binabaybay ko ang hagdanan patungo sa taas, paano iniisip ko pa lang na ikakasal na ang kakambal ko natatawa na ako.
Sino ba naman makakapag sabing ang lola ng lalaking yun at si lolo ay dating magkasintahan na pinagdamutan ng kapalaran. At dahil hindi sila nagkatuluyan, ipinangako nila sa isa't isa na ang kanilang mga anak ang kanilang ipagkakasundo upang maging ganap na mag-asawa ngunit sa kasamaang palad, muli na naman silang pinagdamutan ng kapalaran dahil parehong lalaki ang kanilang naging anak. At dahil kaming mga apo ang kanilang naging pag-asa naisipan nilang si Faith at nung Tristan. Buti nalang hindi ako ang napili haha, tsaka di rin ako papayag kung ako man yung ipagkasundo.
Dire-diretso akong pumasok sa kwarto. Laking gulat ko nalang ng matanaw si mom na umiiyak habang si dad ay nakaupo sa sahig at nakasandal.
" Dad-mom? Wha--what happened? Where is Faith?" Mas lalo pang humagulhol si Mom. Napakunot noo na ako.
" Wa-wait, mommy why are you crying? Last time I checked this is my twin sister wedding not a funer---wait--? Napatigil ako ng mahagip ng mga mata ko ang wedding gown na kasalukuyang nakalapag sa kama at katabi ni mommy. Mas lalo pa akong kinabahan. Ano ba kasing meron?
" Wait, dad, mom? Is there any problem huh?" Tanung ko. Buong tapang namang tumayo si Dad saka ako hinarap.
" Look and listen Hope. Alam mo kung gaano kaimportante tung kasalan na tu sa lolo mo, at ayokong mauwi lang tu sa wala. Ayokong ito ang maging dahilan para tuluyan ng mawala sa atin ang lolo mo. At ayokong mapa hiya ang iningat ingatang reputasyon ng lolo mo sa mahabang panahon dahil lang sa kagagawan ng kapatid mo."
Napapakunot noo naman na ako sa kalituhan. " Dad, what are you talking ba huh? Eh, eto na nga po ikakasal na si Fait--wait, where is she? Bakit di niya pa suot yang wedding dress niya? Ilang minutes nalang mag start na ang wedding ceremony." Nagtataka kong tanung. Hindi ko alam pero bigla yatang sumama ang kutob ko ng mahagip ng mga mata kong nagkatingin si dad at mom. Iba yung nararamdaman ko.
" Dad--mom? What is really happening now? Tell me. Where is Faith no--"
" Tumakas si Faith." Mom said.
" Whattt-? " Halos masamid ako sa sarili kong laway sa narinig ko mula kay mom. Sira ulo yun babaeng yun ah.
" Tumakas siya, at hindi namin alam kung paano niya nagawa yun." Saad ni dad.
" That b***h ! " Bwisit kong sabi. "Pano nangyari yun? Nakita ko pa siya kanina nung inaayusan siya." Dagdag ko pang sabi.
" We don't know also. Susunduin ko na sana siya dito sa kwarto niya, ng walang sumagot sakin habang tinatawag ko siya sa labas kaya pumasok na ako and I found this one." Saka niya sa akin iniabot ang isang maliit na sulat. Nanginginig ako sa gigil sa bruhang yun. Mabilis kong kinuha ang papel saka binasa.
I'm so sorry. I'm not yet ready. I'm really sorry talaga mom, dad. I recieved a call from Italy, nakapasa ako sa audition. This is a big opportunity for me. Please. Let me reach my dreams first. I promise I'll be back to fix this mess. I love Tristan, but I love my dreams more."
" What the hell Faith ! Gago ba siya? This is not a game. Pagkatapos paghandaan, pagwaldasan ng pera, eto lang ang mangyayari? Kahihiyan ang kalalabasan?"
Is she crazy? Bakit niya ginawa tuh ? Alam niya naman kung gaano ka importante tung kasalan kay lolo. Bakit ngayon pa siya sinumpong ng kabaliwan? Di na sana siya pumayag umpisa pa lang kung ganito lang ang gagawin niya. Mapapahiya sa lahat lahat ang pamilya lalo na si lolo. Baka atakihin ulit yun at matuluyan na. Pambihira Faith aba. Nangangatog ako sa sobrang gigil sa bruhita kong kambal. Kahit kailan talaga sakit siya sa ulo. " Kung ganun? Pano na? Pano natin sasabihin tu kay lolo na hindi siya magagalit? Pano natin sasabihin sa side ng groom? Pano natin sasabihin sa lahat ng bisitang naghihintay na ngayon sa simbaha--" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko
" Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal. Tuloy pa din ito walang magbabago."
Anu daw? Pano matutuloy kung wala ang bride? " Te--teka dad, pano naman matutuloy eh kung sa wala ang bride--" Napahinto ako sa pagsasalita ulit ng mapansin ko silang nakatitig sakin. Sunod sunod akong napalunok sa laway ko ng makaramdam ako ng kutob. Imposible. Di naman siguro maiisip nila dad ang naiisip ko. It can't be. " Okay ! Tatawagan ko si Faith ngayon baka sakaling makontak at pababalikin ko na dito para matuloy na yung---" Nang bigla na namang nagsalita si dad na halos ikabinge ko ng marinig ko ito.
" Ikaw ang papalit sa kaniya bilang bride."
" Wha--whattt? Hell no way dad ! " Halos bumagsak ang mga braso ko sa narinig kong sinabi ni dad.
" Alam mo ang kalagayan ng lolo mo, alam mo rin kung gaano sa kanya ka importante ang kasalan na ito sa buhay niya. Hindi mo naman siguro kakayaning makita ang lolo mong tuluyang atakihin sa sakit at mawala ito sa atin? "
" Bu--but dad. Hindi--naman pwe-pwede yun. I just came here to attends Faith wedding not to be her substitute bride. No ! Hindi ako papayag." Nanlulumo kong sabi kay dad.
" Kung hindi ka papayag sa kagustuhan ko, mabuti pang tumigil ka na sa pag-aaral mo sa States. "
" What ? Dad you're so unfair naman. Hindi naman pwe-pwede yun. Dad please naman."
" No, you're not going back. You will stay here kung di mo ko susundin."
" But dad---"
" Just choose between your buts."
" Hope, anak. Pumayag kana. Ilang minuto nalang magsisimula na ang seremonya." Pakiusap ni mommy.
" But mom--I can't. Di naman po pwedeng ako na lang lagi ang sasalo sa mga kalokohang nagagawa ni Faith lagi. Pano naman po ako? Pano na yung pag aaral ko konti nalang mommy maabot ko na ang pangarap ko. Tsaka pano yung Tristan na yun? What if makilala niyang hindi ako si Faith huh? E di ako lalabas na masama dito. Dad naman." Sunod sunod ng nagsi patakan ang mga luha ko ng hindi ko na mapigilan. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan ng lahat ng tu, di nalang sana ako umuwi pa.
" Huwag mong isipin agad ang hindi pa nangyayari. Isa kang artista diba? Kaya galingan mo nalang umarte bilang kambal mo. Ang alam ni Tristan, nasa ibang bansa na matagal na ang kambal ni Faith, at malalaman niya lang yun kung magsasalita ka. At isa pa isang beses lang kayo nag kita ni Tristan yun yung time na 7th birthday niya na pumunta kayong dalawa ni Faith kaya wag kang praning. Umarte ka sa naayon sa plano pansamantala."
" Pero dad, wala naman yun sa pag aarte eh. Oo kung sa pag arte kayang kaya kong umarte sa kasal. Pero hanggang kelan naman yung pagpapanggap ko? Dad, wag naman nating lokohin lahat ang mga sarili natin para lang sa paborito mong ana---" Bago ko pa natapos isang malakas na agad na sampal ang inabot ng kanang pisnge ko. Ang hard ni dad. Sobrang sakit, pero mas masakit pa din yung katotohanang galit siya dahil totoo yung sinabi ko.
"Wag ng maraming sinasabi. Tapos ang usapan. Ngayon kailangan ko ng desisyon mo."
" Anak pumayag kana. Pansamantala lang naman ito habang hindi pa natin nakikita ang kapatid mo."
Pagmamakaawa ni mommy, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni mommy, hindi ko alam pero hindi ko siya kayang makitang umiiyak lalo na kung ang dahilan ng mga luhang yan ay si Faith. Hss ! That b***h. Humanda talaga siya sa akin kapag nagkita kami. Mabigat ang mga paa kong humakbang papalapit kay mommy at umupo sa tabi niya saka siya yinakap. May magagawa pa ba ako nito?
" Time to decide Hope, the time is running and eople are waiting ." Pagpapaalala ni dad. Napapikit ako ng mga mata ko saka napabuga sa hangin. Heto na naman tayo.
" Payag na ako, but in one condition. Gusto kong mahanap niyo siya sa lalong madaling panahon para palitan niya ako sa dapat na pwesto niya at ng makabalik na ako agad agad sa States. " Ramdam pa rin ng balat ko maging sa pinakaloob looban ng balat ko sa pisnge ang hapdi ng sampal na yun. Ilang beses pa ba akong masasampal dahil sayo Faith?
" Then it's good for you. Hurry up and get dress now. " Komando ni dad saka ito lumabas ng kwarto. Well, I knew naman na mas mahal niya si Faith sa aming dalawa. Kaya alam kong mas masakit sa kaniyang binigo siya ng inaasahan niyang anak hindi niya lang maipakita sa akin ngayon. Hayss ! Sinulyapan ko ang wedding dress na ngayon ay katabi ko lang.
" Thank you anak for always being her good sister." Saad ni mommy sa akin tiningnan ko lang siya saka nginitian ko. Ganun naman talaga ang buhay ko, taga salo ng mga kalokohan ng paboritoniyong anak mom..
" Alam mo bang ang kakambal mo mismo ang pumili ng disenyo ng gown na tu? "
" Ows? Really mom? She said that to you?" Napapataas ang kilay kong tanung kay mommy. Malditang Faith yun aba. Saka ako napangiwi, akalain mo yun, na yung pinili kong design ng gown ay ako pala ang magsusuot. Kaya pala kulit ng kulit itong si Faith sa akin na pumili na sa mga design ng wedding dress na pinagsesend niya sa akin yun pala ay may plinaplano na naman pa lang kalokohan. Tsss !
" Pero kahit siya ang pumili nito para sa sarili niya, alam kong babagay din sayo yan anak. Kaya sige na magbihis kana. Bilisan mo lang baka mainip ang mga bisita sa simbahan." Nakangiting tinapik tapik ang balikat niya saka ito tumalikod at mabili na nakalabas ng kwarto.
Psh. Talagang babagay talaga sa akin tu, dahil ako mismo ang pumili ng desinyo nito, if you only knew it mommy.