Tristan Pov:
Mula dito sa kinatatayuan ko abot tanaw ko si Faith kung pano tumungga tungga ng alak mula sa boteng hawak hawak nito. Hais ! Ano ba tung pinasok ko? Manginginom pa tu kesa sakin eh. Napapailing nalang talaga ako. Ang makakita ka ng bride suot suot ang wedding gown na may hawak hawak ng isang bote ng alak sa mismong reception ng kasal niya ay talaga ngang mapapa wow mali kang pumayag sa kasalang tu. Tsk ! Di ko mawari kung bakit ako napapayag nitong babaeng tu, samantalang alam ko sa sarili kong ni pisong duling ey wala kong ka amor amor diyan sa Faith na yan. Okay ko pa sana yung kakambal niya kahit isang beses ko lang yun nakita hmm m teka nga pala--akala ko ba'y inimbitahan ni Faith yun? Bakit maske anino nito wala. Napakunot noo naman ako ng mahagip ng paningin ko si Faith na halos magkanda tumba tumba na sa paglalakad. Tsk ! Ano ba tung bride ko baka mamaya kung anu na ang isipin ng mga bisita.Dali dali kong nilapitan ito.
" Hey ! Faith, stop it. Masyado ng madami yung nainom mo." Saad ko sabay agaw sa boteng hawak hawak nito na halos mawalan na ng laman.
" Ane be. Akina yen. " Matutumba na sana siya ng higitin ko yung kamay nito papunta sa akin saka ko hinawakan ang bewang. Tsk ! Ang tapang ng alak. Amoy na amoy ko ang hininga aba !
" Hey ! Give me that bottle. " Pagduduro niya sa noo ko.
" No ! Uuwi na tayo sa bahay. " Pag lalayo ko sa boteng pilit niyang iniaabot.
" Please ! Let me have my medicine." Ani niya. Ano daw? Me sapi na nga talaga ng alak tu at natatawag na ang alak na gamot.
" No. Sa sobrang saya mong makasal sa akin nag pakalasing kapa talaga. " Pang-aasar ko.
" What? Hahaha ! Well, yeah ! Mashayang mashaya. Nasha punto na nga ko na sha shobrang shaya gustong gushto na kitang patayi--" Natawa ako ng hahampasin niya na sana ako ay bigla namang nakatulog ng tuluyan sa braso ko.. Nakakapagtaka lang kung pano siya maging masungit at suplada sa akin, gayong itong babae tu ang nagpumilit na pumayag ako sa kasunduan ng mga elders. Tsk ! Tsk ! Para naman siyang kakambal niya, abang init ng dugo sakin nung nagkita kami sa birthday ko. Bata palang allergy na sa lalaki, what more pa kaya yun ngayon? Hmmm.
" Oh Tristan, nakatulog na pala iyang si Faith. O'siya ! Kami na ang bahala sa iba pang mga bisita, mabuti pa'ay iuwi mo na yan sa bahay niyo. " Ngiting ngiting saad ng lola ko. Tsk ! Kasalanan niya lahat tu kung bakit napaaga pagkakatali sa akin e. Dinamay damay niyo ko sa sumpaan niyo ng lolo nitong si Faith. Once na makuha ko mana ko sayo, hihiwalayan ko talaga tung lasenggirang bride na to. Dinaeg pa ko kung lumaklak ng alak ey, kala mo'y tubig. Dali dali ko siyang binuhat, ang bigat huh. Mabilis kong tinungo ang parking lot bago ko pa man maisipang ibagsak tung lasinggang tuh. Saka ipinasok sa loob ng kotse ng walang ka gentle gentlema. Don't care ! Lasing naman siya kahit iuntog ko pa tu di to magigising.
" A--reyy ! Shakit. Nahihilo ako. Nashushuka."
" Hoy ! Wag mong susukahan ang kotse ko kung ayaw mong---NakngLasingga ! Kakasabi ko lang. Ano ba? Binge ka ba? Bwisit ! " Napasigaw na ko na napasabunot sa buhok ko ng bumulwak mula sa bibig niya ang nakakadiring suka. Bwisit. Kawawa naman si Tote, oo si Tote. Pangalan ng car ko.
" Bwisit ! Hoy nakita mo na ginawa mo huh? Pano mo lilinisin yan? Kadire ka talaga. Lumabas ka na nga sa kotse ko. Dito ka nalang sa taas itatali kita. " Saka ko pilit na hinihila palabas ang mga paa nito ng makaramdam ulit na susuka siya. " Wag mo sukahan sabi si Tote eh---Araaayy !!!" Bwisit. Tinadyakan ako hanggang sa makarinig ako ng sunod sunod na nitong pagbulwak ng suka niya. Ehhh. Pano na si Tote ko? Wala pang dalawang linggo sa akin yan tas bininyagan mo na ng suka. Ni araw araw ko yan pinalilinisan tas yuyurakan mo lang buong pagkatao niya.
" Hoy ! Humanda ka sa akin babaeta ka bukas. Humanda ka !" Napapasabunot kong banta sa kanya saka ko dali daling sumuakay at nagmaneho paharurot sa sasakyan. Ilang minuto lang nakarating na kami sa bagong bahay namin. Binili tu ng lolo ni Faith sa amin. A wedding gift. Halos masuka ako sa amoy sa loob ng kotse. Alak na alak ang amoy grabe. Dali dali akong lumabas. Saka hinila palabas yung lasinggang bride. Eww ! May suka din sa gown niya. Tsk ! At dahil halos may suka na rin ang gown niya at talagang sumabit pa huh, ay nakaisip ako ng kaisa isang paraan nalang. Ops ! Wag niyo muna ko husgahan, unang una wala kong interes sa babaeng tuh, sabi ko nga sa inyo kung siya pa yung kakambal niya ey pwede pa. Pero kung katulad lang niya. Ay ! Isang malaking ekis lang naman siya sa buhay ko.
No choice. Kailangan kong hubarin yung gown niya. Hep ! Hindi pala ako ang maghuhubad kadiri kaya halos maligo na yang gown niya sa suka. Si manang Lily ang papagbihisin ko sa kanya. Wag kayo assumera. Tsaka pakiramdam ko malalasing na ako sa tapang ng amoy ng lasinggang tu. Grabe ! Anong klaseng alak ba ang nilaklak ng babaetang tuh at ganun nalang kabaho ang inilalabas na hininga. Mabilis kong tinawag ang guard para buhatin itong manginginom kong asawa at dalhin nalang sa kwarto, syempre ayokong magbuhat dun nuh. Bigat bigat at ang baho pa. Swerte naman yata niya masyado na. Tinawag ko rin si Manang Lily para asikasuhin ito.
" Manang, ikuha niyo nga ho ng damit yung lasinggang nasa loob ng kotse at kung maaari pakibuhusan niyo na din ng mainit na tubig ng magising sa mga pinaggagagawa niya. Pakibihisan niyo rin po. Masyado ng maamoy. Papalinisan ko si Tote ngayon. .Tsk ! " Saad ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ang babaeng yun lang ang kakawawa kay Tote.