Hope's Pov:
Halos mayanig ang mundo ko ng idilat ko ang mga mata ko. Bakit ganun? Ano bang nangyari bakit sobrang sakit ng ulo ko? Bakit pakiramdam ko lumilindol. Dahan dahan kong ipinikit muli at idinilat ang mga mata ko ng makaaninag ng nakakasilaw saka ako napahimas sa ulo ko.
" Ouch--ang sakit." Bulong ko habang napapahimas ako sa ulo ko at dahan dahang bumabangon. Nang biglang may nagsalita.
" Sa wakas ! Nagising din ang lasinggang bride ko." Mabilis kong liningon ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Halos malaglag ako sa kama ng makita ko itong nakaupo sa couch habang nakangisi sa akin. Para biglang nag 360 degrees naman sa pag ikot ang utak ko habang nagflaflashback lahat ng mga nangyari sakin kahapon sa kasalan.
" Akala ko nextyear ka pa magigising sa kalasingan mo kahapon. Kung lumagok ng alak kala mo huling inum na."
" Abat--Hey ! Wha-what are you doing in my room? A-anong -- anong ginawa mo sakin huh? You--" Nanlalaki ang mga mata kong tanung sabay yakap yakap sa sarili ko.
" Tumigil ka nga. Wag kang ambisyosa. Tingin mo ba papatulan kita? Swerte mo naman yata." Ani niya na agad ikinausok ng tenga ko. Aba !
" Bwisit ka. At sa tingin mo naman papangarapin kong patulan ka? Lumabas ka nga sa kwarto ko. Siguro plano mo kong gapangin nuh habang tulog ako ." Bulyaw ko.
" Wooh ! Hahaha ! Chill Misis Yuechico. Kung ikaw lang naman ang babalakin kong gapangin, magbibigti nalang ako. Over your flat body? No way ! Tsaka, di mo tu kwarto. Kwarto ko din tu nuh." Tugon nito. Abat talagang pinauusok nita lahat ng ugat ko sa galit.
" Aba-t ! Si--sinong flat huh? Lumayas ka sa paningin ko. Baka ipa shoot to kill kitang hayp ka." Pinagbabato ko ng sindo mahawakan kong gamit sa tabi ko. Na nakakabwiist dahil mabilis niya namang naiilagan. Bwisit.
" Hahaha ! Bakit? Di mo ba alam na flat ka? Bigyan kaya kita ng malaking salamin para makita mo katawan mo. Hahaha !"
" Gag* ! Pagsisisihan mo talagang ipinanganak ka pa sa mundo ni tita!" Habol kong sigaw bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Siraulo yun aba ! Talagang inantay niya lang akong magising para lalong pasakitin ang ulo ko. Bwisit ! Wala pa rin pinagbago pag uugali niya. Kaya simula pa lang talaga na nakilala ko siya nung 7th birthday niya ey kutob ko ng miyembro siya ng satanism.
" Ouchh--" Napahimas ulit ako sa ulo ko saka napahiga. Bwisit ! Bakit ba ko uminom kahapon ng ganon karami. Ayyy ! Marahan kong ipinikit ang mga mata ko pero nakngtokneneng--iba nakikita ko, nakikita ko yung kasalang naganap kahapon sa isip ko.
Flashback :
" Mr. Yuechico, you may now kiss the bride." Ani ng pari.
Pasimple ko namang kinukurot tung hayok na hayok kung ngumiti na kaharap kong lalaki. Akmang hahalik na ng bulungan ko.
" Subukan mong humalik, babawasan ko yang itlog m---" Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko mabilis pa sa alas sais nanakaw ang unang halik ko. At sa gulat ko nasampal ko pa siya na siyang umalingaw ngaw sa kabuuan ng simbahan.
" Hi--hija ! Bakit mo nasampal ang gr-groom mo?" Pagtatakang na may halong gulat na tanung ng pare.
" Heh-he ! Father. Nabitin po kasi siya. Dapat daw mas matagal." Ani ng hayp na lalaki na halos ikabagsak naman ng dalawa kong mga balikat sa sinabi nito sa mic.
" Matagal? Panong matagal hijo?" Saad ng pare.
" Parang ganito po father." Tugon nito. Nang bigla bigla na lang sumugod sa akin saka ko hinalikan. Juskopo ! Patawarin niyo po ko. Pero talagang tatanggalan ko tu ng itlog sa ginawa sa akin. Ang unang halik ko sana na iaalay ko sa totoong groom ko ay nanakaw na.
End of flashback
" Waaaaaaah ! Humanda ka talaga sa akin Tristan. Sisiguraduhin kong malalaga ko yang mga itlog mo. " Pagsisisigaw kong sabi habang pinag-uuuntog ko ang ulo ko sa unan. Syempre sa unan lang, masakit pag sa pader. Ayokong dagdagan ang nararamdaman ng ulo ko ngayon.
" Humanda ka talaga sa akin. Di matatahimik ang kaluluwa sa kalapastanganang ginawa mo sa aking hator ka." Nang bigla akong makarinig ng katok.
" Hoy ! Balak mo bang tumira nalang diyan sa kwarto? " Ani niya.
" Wala kang pakialam. Lumayas kang kampon ng kadiliman. Layuan mo espirito ko." Bulyaw ko.
" Kung ayaw mong lumabas ako ang papasok." Saka ako nakarinig ng pagpihit sa door knob. Para naman akong si lastikman este lastikwoman na mabilis nakalapit sa pintuan para sana ilock pero bago ko pa yun magawa ay mabilis na itong bumukas saka tumama sa noo ko ang pintuan dahilan para mapaupo ko.
" Awwch ! F*** ! It's totally hurt." Saad ko habang hinihimas himas ang noo ko.
" Pft. Alam kong may hang over ka. Pero di ko alam na eto talaga yung way mo para lang matanggal ang sakit ng ulo mo ey nagpaka untog ka sa pintuan." Ani ng hayp na lalaking yun na pagkatapos akong tingnan ay tuloy tuloy lang na naglakad papasok sa closet. Juskopo Lord ! Ano ba tung binigay niyong lalaki sa akin. Ni dugo ng pag ka gentleman manlang, ay wala.
Dahan dahan akong tumayo. Tsk ! Magkakabukol pa yata ako.
" Magbihis ka na at aalis tayo." Bungad nitong sabi sa akin pagkalabas sa closet.
" Mag isa kang umalis." Bwisit kong tugon.
" Bakit? " Tanung nito saka umupo sa couch.
" Ano bang pakialam mo? Lumayas ka nga sa paningin ko. " Saad ko.
" Tsk ! Tsk ! Ayan, lalagok lagok di naman pala kaya." Dagdag nito na ikinakunot ng noo ko.
" Hoy ! Ano bang gusto mong iparating sa akin? Di porket kinasal ka sa akin ay kaya mo kong lekchuran diyan. Hindi kita inaabala kaya pakialaman mo ang buhay mo."
" Ah talaga lang huh? Mukhang kasabay ng kalasingan mo ay nagfade na rin sa isip mo kung anu ano pinag gagagawa mong kahihiyan kagabi nuh? "
Binalingan ko siya ng sama ng tingin." What d--do you mean?" Tanung ko.
" What do you mean your a*s ! Nag ala dancer ka lang naman sa club sa wedding reception natin wearing your wedding dress, holding a bottle of beer and shouting that you really got married the Yuechico's son. And ops, sinukahan mo din naman ang sasakyan ko ng wala pang 2 weeks sa akin. May bonus pa dahil pati yung guard na naglabas sayo sa kotse ay sinukahan mo maging si Manang na nagbihis sayo and lastly ako, na nagbuhat sayo papunta dito sa taas, sa kwarto natin." Taas kilay nitong saad sakin na ikinalambot naman ng mga paa ko. No way.
" Now, tell me wala ka pa rin bang naaalala sa mga pinag gagagawa mo kahapon? " Dagdag niyang tanung.
Inirapan ko lang siya saka ako tumalikod at napakagat labi. Juskopo ! Another kahihiyan na naman pala ang idinagdag ko sa libro ko kahapon. Tsk ! Tigas kasi ng ulo mo Hope. Sabing lumayo ka dun sa alak ey nagpadala ka pa sa tukso. Ays ! Nakakahiya ! Saka ako tumuloy tuloy sa banyo.
" Hurry ! Kanina pa tayo inaantay duon." PSigaw nito. Psh ! San ba kasi ang punta at madaling madali. Umiikot pa mundo ko ngayon sa sobrang sakit dagdagan pa ng mga nalaman kong kalokohan kahapon. Naman ! Kahit kelan pahamak talaga yang alak na yan sa buhay ko.