Kasalukuyan na kaming nasa kotse ngayon. Tahimik ! Sobra. Hininga nalang yata namin ang naririnig ko. HIndi ko din alam pero pati yata puso ko nakikipag unahan sa pagtakbo nitong sasakyan. Napapabuntong hininga na nga lang ako ey, ewan ko ba. Nagulat naman ako ng biglang magsalita itong hipokrito.
" Uhm, by the way. You--Um you said you invited your twin, Hope, pero bakit wala siya sa wedding natin." Tanung niya. Sunod sunod naman akong napalunok. Feeling ko tuloy namutla ako bigla.
" Ah--eh yu-yun ba? Am, She said to me--be-before our wedding na she can't make it na ee, because of her schedule daw. Na-nag bago daw kasi so ayon. Cancelled nalang ang flight niya." Napalunok ulit ako saka napakagat labi. Tsk ! Ano bang nalalaman ng hipok nito sa akin?
" Ah-- okay ! Buti nalang kung nagkataon kambal din ang pangit dun." Natatawa na naman nitong sabi na ikinakunot noo ko naman. Nang aasar ba talaga o talagang gustong gusto manira ng araw.
" Teka nga, nanandya ka ba talagang mang asar o gustong gusto mo lang talagang manira ng araw?" May pag kairitang tanung ko. Napatingin lang siya sa akin saka ngumit.
" Ikaw. Alin ba dun sa dalawa ang gusto mo? " Tugon niya. Na mas lalo pang nagpakunot ng noo ko.Abnormal.
" Gusto mo ba talagang mapaaga ang kamatayan mo?" May halong gigil ko ng tanong.
" Bakit? Plano mo ba yun gawin sa akin ngayon? Just tell it to me now, para ibabangga ko nalang tung car. at sabay tayong mawawala sa earth hahah ! It's so unfair naman kung ako lang paglalamayan. "
" Sira ulo ka ba? O talagang may sira na talaga yang ulo mo?" Gigil ko ng saad. Malapit ko na tung pukpukin ng martilyo sa ulo ii kung may hawak lang talaga ako. Pero siyempre bad yun. Ayoko maging ka tribo ni Satanas. No ! I want to die with peace in heaven. Napalingon naman ako sa kaniya ng matawa siya ng mapakla.
"Hahah ! Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan kung may sayad ka na. You act so weird sincec yesterday. Kasi simula kahapon yang utak mo parang laging mataas ang lagnat well, until now pa din naman mataas ang lagnat at ganun ganun nalang kainit ang ulo mo sa akin. Like, you're not like that before naman. You always chased me pa nga just to say yes lang dun sa wedding arrangement ng lolo mo at lola ko. Right?" Sabay tingin niya sa akin, agad ko namang iniwasan ang tingin niya. Shocks ! Napapansin na niya kaya yun? The hell, sana naman hindi. Npalunok ulit ako.
" Baliw, malamang pa-ra--para mapapayag kita kaya ginawa ko yun. But this is the real me. The real--um, real Faith." Kagat labi kong sabi. O'com'on Hope. Ngayon mo kelangan yung acting skills mo. Wag kang pumalya. Pag nagkataon, babagsak ka.
" Oh ! really? At natawag mo pa akong baliw? Tsk ! Tsk ! Malala ka na nga." Saad niya. Ikinakunot noo ko naman ulit yun.
" Hey ! Be careful to your words baka gusto mong---"
" Well, its okay, your free to kiss and hug me naman anytime and everywhere. Asawa mo naman na ako, may magagawa pa ba ako? But please just be gentle. " Sabi nito sabay tingin at kindat sakin. Aba't wala na ngang mas kakapal pa sa pagmumukha nito. Mas makapal pa sa mga bricks.
" Excuse me, pwede ba wag kang feelingero nakakamatay yun.Kahit kelan di kita papatulan oy." Bwisit kong saad. Then I rolled my eyes.
" Wooh ! Chill. Para namang papatulan din kita. para sabihin ko sayo wala ka pang kalahati sa mga naghahabol sa akin."
" Ah? Talaga? So bat ako ang pinili mong pakasalan?" Pag aangat ko ng isa kong kilay habang nakatingin sa kanya. Napakapit naman ako sa seatbelt ko ng bigla niyang itabi ang sasakyan at ihininto.
" Baliw ka ba? Mamamatay tayo sa ginagawa mo eh." Singhal ko pero nakngtobo ba. Nakangiting nakatitig sa akin.
" Gusto mo ba talagang malaman kung bakit sa lahat ng magagandang naghahabol sa akin ay ikaw ang pinili ko?" Tutok niyang tanung sakin. Napapalunok na ako.
" B--bakit-bakit nga ba?" Tanong ko.
" Dahil ikaw lang ang nagtangkang magpakamatay. " Saka ito ngumiwi habang nakatutok sa akin.Ano daw? Nagtangkang magpakamatay? Seryoso?
" An--anong ibig mong sabihin? Sayo? Pagtatangkaan ko ang buhay ko dahil lang sayo? Oh s**t holy water ang kailangan mo na."
" Wag mong sabihing nakalimutan mo na? Tsk ! May sayad ka na nga." Saka dahan dahang tinanggal ang seatbelt nito. At unti-unting inilalapit ang mukha sa akin.
" Te-teka anong--anong ga-gawin mo?" Pagpipigil ko sa kanya na unti unti ng lumalapit ang mukha sa akin.
" Hey ! i-stop it. Or--or else i- i will shout here. " Pero imbes mabahala nagawa pang ngumiti sa akin. Sheyyt ! Sinasabayan pa ng pagroller coaster ng mga dugo ko sa mga uugat ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba ngayon. Shemay !
" Hey-- sasamain ka sa akin pag itinuloy mo yang bin-binabalak mo." Saad ko ulit, pero s**t. Magkalapit na ang mga mukha niya. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong amoy imbornal ang hininga nito kaso hindi ii. Amoy vanilla na peppermint. Ugh ! Basta.
" An--anong bi-nabalak mo? Sin-sinasabi ko na sayo sisigaw ako." Pagbabanta ko ulit. Don't care kung amoy niya na hininga ko, basta wag siyang magkakamaling halikan o gawan ako ng masama kundi dudukutin ko yung dalawa niyang mata. Sisigaw na sana ako ng biglang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng car. Gosh !
" Wag ka ding feelingera. Nakakamatay yun." Saad niya saka ngumiti at lumayo sa akin. Aba't linya ko yun ah.
" Hindi lahat ng lalapit sayo hahalikan ka, madalas pagbubuksan ka lang ng pinto. Hahaha bumaba ka na nga nandito na tayo. Hahah !" Nakatawang saad nito.
" Gag* ! Baliw ! Baliw ! Baliw ! Baliw ! Baliw !" Pagsisisigaw kong sabi hanggang sa makalabas ako at padabog kong isinara ang kotse. Kainin ka sana ng buhay ng kotse mong yan. Bwisit ka. Panira ka ng araw. Lord. Kunin niyo nalang po kaya ako. Ayokong maghirap ang buhay ko kasama ang kampon ni Satanas.
" Let's go." Saad nito.
" Letsugohin mo pagmumukha mo." Inis na inis kong sabi. Teka, nasaan ba kami? Anong lugar tuh?
" Oy ! Anong lugar tu?" Labag sa loob kong tanung. Syempre, tanungin natin baka masama na ang plinaplano nito sa akin para makatawag na agad ako ng pulis in advance.
" Pupunta tayo sa farm ko." Tipid nitong saad sa akin na kasalukuyang nauuna sa akin ng isang metro.
" What ? Sa farm niyo? Bat di m sakin sinabi kanina? So I could wear an appropriate attire for this place." Angal ko. Lumulubog lubog na ang takong ko sa malambot na lupa, and I can feel it right now. Bwisit ka talaga Tristan. Kasumpa sumpa ka tangineme.
" Hahaha ! Bakit nagtanong ka ba kung saan tayo pupunta?" Tuwang tuwang sabi ng hayp na tu.
" Ang sabihin mo, ginusto mo talagang nahihirapan ako. Bwisit ka talaga." Singhal ko.
" Hahahahhaa ! Mukha kang kokang. "
Rinig kong sabi. Nako Lord. Hanggang kelan ko pa po tuh makakasama? Pakiramdam ko sa kaniya ako mamamatay sa galit.