Hope's Pov:
Ang init.Buti nalang nakapag sunblock ako. Tagatak na din anh pawis ko pero lintik na yun naglalakad pa din kami sa makitid na daanang tu. Kasing tangkad ko pa ang mga d**o. Nakakairita ang kati sa balat pag dumadaplis. Nakadress pa naman din ako ngayon na pakiramdam ko namamanyak nako ng mga damong nakakasuhot sa loob ng dress ko.
" F*** ! Hey ! Gaano ba kalayo yung pupuntahan natin? Pinagpapawisan na ako at nahihirapan na." Sigaw ko.
" Mga isa pang kilometro. " Tugon niya.
" Ano? Sira ulo ka ba? Nagpipinetensya ka ba at dinadamay damay mo ko? Bakit di nalang tayo sumakay sa kotse kung ganun naman pala Akalayo?" Angal ko. Napahinto naman siya sabay lingon sa akin.
" Alam mo ikaw, konte nalang magmumukha kana talagang kokang. Dada ng dada. San ka ba nag aral? Sige nga, pano mo mapagkakasya si Tote sa makitid na daanang tu at malambot pa ang lupa? " Kunot noo niyang saad. Woh ! So galit ka na?
" Kung bakit mo pa kasi ako sinamasama dito? Reklamo ko.
" Eh di wag kang sumama. Bumalik ka sa kotse kung ayaw mo." Saad nito sa akin saka na ipinagpatuloy ang paglalakad.
" Talaga ! Babalik ako sa car." Sigaw ko.
" Sige lang. Yun kung hindi ka maliligaw sa daan." Tugon niya. Bigla naman akong napalingon sa likod ko. Waaah ! Oo nga pala.Sa hinaba haba ng nilakad namin hindi ko natandaan kung saan kami lumiko liko.Nakita ko naman siyang huminto saka nilingon ako.
" Nang aasar ka ba talaga ?" Sigaw ko.
Palibahasa alam na alam mo ang daan kahit nakapikit ka pa.
" Ano? Bumalik kana sa car. Kaya ko na tuh. Ingat ka lang din minsan kasi may mga ahas na tumatawid sa mga makikitid na daan. Minsan naman kakulay lang ng d**o. Minsan pa nga may nakakalipad din."
Nanlaki naman ang mga mata ko." A--has? Ahas ba kamo?? " Sunod sunod na akong napapalunok.
Tumango tango naman siya. Nako po Lord. Ayoko sa ahas. Pinakasinusumpa ko yun sa lahat ng animal sa mundo. No ! Baka ikamatay ko na pagnakakita ako nun.
" Sige mauna na ako." Saad niya. Hahakbang na sana siya nang sumigaw ako.
" Wa--wait !" Sigaw ko. Saka nagmadaling lumapit sa kaniya. Pero kung mamalasin nga talaga, napatid ako sa bato.
" Waaaaaahhhhh !" Napapasigaw akong nakapikit habang pabagsak ako sa lup----teka anong amoy yun? Pamilyar ! Vanilla peppermint. Sininghap singhap ko habang nakapikit pa. Hmmmm ! Ang bango talaga.
" Hey I know that I smell so good but pig you're too heavy. !" Rinig ko, na agad ikinadilat ng mga mata ko.
" Anong pig? Excuse me ang kapal naman yata na talaga ng pagmumikh----" Saka ko lang napansing nasa mga bisig niya pala ako. Holy woly !
" Ano? Bibitawan na ba kita? " Saad nito. Mabilis naman akong napakunot noo.At itinulak siya. Saka ko inayos ang dress ko. Then I heard him chuckled.
" Tara na nga." Saad ko.
" Oh I thought you will go back to Tote?" Tanong niya.
" Hindi na. Bwisit ka eh." Maikling sagot ko saka ko inayos ang buhok ko at nagpatuloy sa paglalakad.
" Bilisan mo. Ayoko makakita ng ahas dito." Sigaw ko. Bwisit !
Makalipas ang limang minuto. Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad, at dahil maganda ako di ko talaga tinanggal ang sandals ko as if naman maglakad ako ng nakapaa lang sa lupa. Naaah ! I can't do that to my pretty feet. Yeah ! Kung ibabash mo kong maarte, sorry ka nalang dahil ang masasabi ko lang mas makinis pa sa mukha mo ang talampakan ko at mas maganda pa ang paa ko sa mukha mo. Kaya ashuu ! I don't need.
" Hey lasinggang kokang !" What the f***. Is he referring me? Napakunot noo akong nilingon siya.
" What-did-you-say?" Gigil kontanong.
Napangiti naman siya. Pekye ! Di mo ko madadala sa ngiti mo. Pokrito !
" Lumingon ka diba ? So narinig mo ang sinabi ko. Kaya di ko na kailangan pang ulitin pa yun. Ngayon kung ganadong ganado ka pa talagang rumampa wearing your 5 inches sandals then keep going. No one will stop you. Basta ako dito nako."Halimaw ka talagang pokrito ka. Lalo pang kumunot ang noo ko.
" Bwisit ka talagang pokrito ka. Ano bang gusto mong parating huh ? Binibinggo mo ba ako huh?" Irita ko ng saad. Talagang mapupuno na pasensya ko.
" Bakit? Buminggo kana ba?" Then I heard him chuckled again. Grr !
"Binggo you a*s. !" Sigaw ko. Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad diretso ng mahagip ko siya ng paningin. Lumiko siya. And wooh ! Ngayon ko lang napansin yung view. Napakaganda. And I saw a kubo sa di kalayuan. Hindi na rin pala matataas ang mga d**o. Bakit ba hindi ko napansin tuh? Maybe because of too much anger to that Hypocrite man. Then suddenly I feal the breezing wind passing by. Hmmmmmm ang sarap ng hangin.
" Hey lassinggang kokang. You really like to stay there huh?"
Napakunot noo ulit ako. Wala. Pakiramdam ko masamang hangin na ang nalanghap ko ngayon sa narinig ko. Basag talaga mood ko sa pokritong yun. Bwisit.
" Hey ! Hypocrite. Stop calling me that name. I have a beautiful name. Beautiful than yours. " Pag iirap ko. At talagang nang aasar siya Lord. Nagawa niyang ngumiti. Lord ! Umulan po sana ng martilyo para mapukpok ang ulo niya. Pero siyempre sabtapat niya lang po uulan not on me.
Saka ko na siya sinundan. Infairness matibay ang sandal ko, i mean the heels kasi every step nalubog. Mas matibay pa siya sa relasyon niyo nuh? hahhaa ! Char. Masakit na kasi ang binti ko. And I can feel it right now na talagang may napakasarap sa hapdi na akong paltos.
Mabilis kong tinanggal ang sandals ko ng makarating kami sa kubo." Ouchhh ! Ang--ang sakit." Hapdi s**t ! Nakaupo kong sabi sa may balkonahe.
" Sino ba naman kasi ang may sabi sayong mag sususuot ka ng ganyan? Dinaeg mo pa may pageant." Rinig kong sabi niya.
" Shut up hypocrite man. It's all your fault. Kung sinabi mo agad saking sa ganitong olace tayo pupunta e di sana napaghandaan ko ang outfit ko. " Pag iirap kong sabi.
" My Gosh ! Ang dumi na ng paa ko." Dagdag ko pa.
" Apakarte naman nito. Mag hugas ka ng paa mo pag nakapag pahinga ka duon sa loob. May cr dun. " Maikling saad niya. Na inirapan ko lang.
Hindi ko alam pero amoy na amoy ko na ang sarili kong amoy na amoy araw. Pero siya everytime na napapadaan sa harapn ko, parang hindi tumapat sa araw. Napakabango pa din. Di manlang nabawasan yung amoy niya. Anong pabango kaya gamit ng pokritong tuh? Baka naman pinapaligo ang isang bottle ng pabango nito bago umalis? Hmmm