Kabanata 6

1071 Words
Hmm ang sarap naman ng hanging nalalanghap ko ngayon. Purong puro walang halong polusyon. Malinis na rin sa wakas ang mga paa ko isinabay ko na ring linisin ang sandals ko. Infairness, di ko akalaing may farm din pala ang pokritong yun. Kala ko pagpapa pogi lang ang nalalaman sa mundo. Kalalabas ko palang ng banyo nang biglang sumama ang simoy ng hangin. Nakatayo siya at tila naghihintay sa pag labas ko sa pinto. " Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tanung ko sabay irap. " Akala ko nakatulog ka na sa loob." Tugon niya na inirapan ko ulit. " Paki mo ba." Sagot ko. " Tapos ka na ba? Bilis bilisan mo." Ani niya. " Nasaan na ba sila? Akala ko ba may naghihintay satin dito?" Kunot noo kong tanung ng maalala kong sinabi niyang may naghihintay samin dito. Pero sa nakikita ko mukhang kami lang namang dalawa ang tao sa kubo na tuh. "Aalis na tayo." " What? Baliw ka ba? Ni di pa nga ako nakakaupo aalis na agad agad? Ano yun? Pumunta lang ako dito para madumihan ang mga paa ko at mabilad sa arawan, mapagod kakalakad papunta dito? " Singhal ko. Umiinit na talaga ang ulo ko sa kaniya. " Tapos ko ng gawin ang kailangan ko dito. That's why we can go now." Maikling sagot niya. " Wow naman. Wala pa nga tayong isang oras dito aalis na? Pinagtritripan mo ba ako huh?" Dagdag ko pa. " Ay bet mo pala mag stay rito ng isang oras? Ay siya. Kahit 1 year pa di kita pipigilan. Basta ako aalis na ako at hinihintay na nila tayo. " Saad niya. Tatalikod na sana siya ng bigla kong batuhin ng hawak kong sandal na nilinasan ko. Pero dahil katribo siya ni Satanas nagawa niyang ilagan tu. " Hey ! Sumosobra kana. Bat mo ko binato?" Sigaw niya sa akin. " Eh, ginagago mo na ako ey. Siguro may masama kang binabalak sa akin nuh kaya mo ko dinala dala rito? Aminin mo na. Balak mo ko pagsamantalahan nu?" Gigil na gigil kong saad sa kaniya. " Woh ! Speaking of. Pano mo nalaman? Eh anu naman kung pag samantalahan kita. Normal lang yun dahil asawa na kita. Di ba?" Saad niya. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Holy s**t ! Bakit ganun para talaga yatang may masamang gagawin sa akin tuh. " A--anong n--normal? Ex-cuse me. Kahit--kahit mag asawa na kapag sapilitang may gawing masama. Pagsasamantala pa rin ang tawag dun." Napapaatras kong sabi. Saka ko siya nakitang nakangisi sa akin. Ngising mapapatay ko Lord. " A--anong ngini ngiti ngiti mo diyan? Wa--wag mo kong susubukan. " Napapaatras na ako ng unti unti na rin siyang nalapit sa akin. " Naisip ko lang, dadalawa lang pala tayo dito nuh? Ano kayang pwedeng mangyari sa atin ngayon dito? " Saad niya.No . Lord, please have mercy on me. I can see it on his eyes na may kalokohan siyang gagawin na. Palapit na siya ng palapit sa akin while ako eto na, wala ng maaatrasan. " Subukan mo lang lumapit pa. Tatamaan na yang mata mo ng takong ng sandal ko." Pag babanta ko sa kaniya habang hawak hawak yung kapares ng sandal na naibato ko sa kaniya kanina. " Ssshh ! I promise I will be gentle Faith." Ngising saad niya habang kumikislap kislap ang mga mata niya sa kalokohang naiisip. Kinilibutan ako sa sinabi niya. Nagsimula ng manginig ang tuhod ko. Tatakbo na ba ako? pero san ako dadaan? Nasa banda siya ng pintuan? Sa bintana kaya? Naaah ! Mataas tung kubo masyado para tumalon ako pababa. Nako po Lord. Anong gagawin ko. Ayokong isuko ang saranggola ko. Hanggang sa nacorner na niya nga ako nakahanda na sana akong hampasin siya ng takong ng sandal habang nakapikit ang mga mata ko ng bigla siyang tumawa kaya napadilat ako. Naka distansya na pala siya sakin ng isang metro. " Hahahaha ! Hey wake up my dear wife. Kahit mag t****k ka pang nakahubad dito sa harapan ko, di kita pag kaka interesan. Di ko type yang katawan mo oi. Hahahaha---ouuccch !!" Di na ako nakapagpigil. Talagang ibinato ko na sa kaniya ng tuliyan yung hawak hawak kong sandal sa sobrang pag ka gigil saka tuloy tuloy na naglakad, pinulot ang sandals at lumabas. " Mamatay ka na !" Sigaw ko ng makalabas sa kubo. Sarap mong isumpa. Bwisit. " Sure bast kasama kitang mag rest in peace hahaha ! Galit kana ba ?" Sigaw nitong tanung sa akin. " Lamunin ka sana ng lupa." Sigaw ko ulit. Lord, gusto ko ng kumuha ng ticket ngayon pabalik ng states. Mapapaaga kamatayan ko sa lalaking tu sa konsumisyon ko. " Hahahahah ! Look at yourself now Mrs. Faith Yuechico. Mukhang galit ka nga at napa walk out ka ng ganyan. Nagawa mo ngang pulutin yung mga sandals mo kanina pero di mo nagawang isuot bago ka lumabas sa kubo." Sandali naman akong napahinto at naramdaman kong may kakaiba sa inaapakan ko. Eww ! F*** ! Maputik na ang paa ko. Waaah ! Ang tanga ko. F*** ! " Hahahahahaha ! How's the feeling? Is it good?" Tanung pa nito. Mabilis pa sa relong tiningnan ko siya saka inirapan. Kung may kapangyarihan lang sana akong kidlat. Malamang sa alamang kinidlatan ko na tu ng sampung beses sa kahayupan. At dahil sa badtrip na talaga ako. Wala na akong pakialam. Wala na rin akong time para mandiri at mag inarte ngayon sa lupang kinatatapakan ko. Mamaya na kita sisingilin pokrito ka. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pero laking gulat ko nalang ng bigla niya akong binuhat. Bride style na buhat mga men. " Anung--Anong ginagawa mo. Put me down. "Sigaw ko. " Babalik tayo sa kubo. Linisin mo yang mga paa mo ulit saka tayo aalis na." Tugon niya. " Tumigil ka. Ibaba mo ko. Kaya kong mag lakad." Sigaw ko. " Don't move." Napalunok naman ako ng marinig ko yung baritono niyang boses. Seryoso na yung mukha niya. " Te-teka lang naman. Ib-ibaba mo ko. Ak-ako nalang maglalakad." Pasimpleng sulyap ko sa kaniyang sabi. " Delikado. May mga bubog na nagkalat dito. Masisi mo pa ako. Let me carry you." Saad niya. Napakagat labi nalang ako. Saka ako napapikit. s**t ! Yung amoy na naman niya. Naamoy ko na naman siya. Ang bango. Pati hininga niya. Arggg ! Hmmmm ! Di pa naman kami nakakalayo masyado sa kubo kaya nakababa agad ako mula sa pagkakabuhat niya. "I'll give you 5 minutes para maglinis ng paa. Kapag lumagpas ka ng 5 minutes. Iiwanan kita." Saad niya sa akin pagkababa. Saka ko siya inirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD