Tristan Pov:
Gusto kong matawa sa ekspresyon niya sa mukha kanina nung papunta kami sa farm. Actually wala naman talaga kong planong isama tung babaetang tuh, at pumunta sa farm at maglakad ng ganon kalayo sa ilalim ng araw. Pero dahil gusto ko siyang singilin sa nagawa niya sa amin ni Tote kagabi, oras naman na ako ang humalakhak. That's why naisip ko tung kalokohan. Nuong una naaawa pa talaga ako nang very very slight lang naman sa kaniya dahil alam kong apakarte ng babaetang yun plus yung attire niya for this day ay talagang parang rarampa lang sa pageant. Pero ewan ko ba, mas lalong tumatagal na pasimple ko siyang nililingon sa likuran ko at nakikita ang pagmumukha niyang nakasimangot ey mas lalo naman akong ginaganahang makita siyang nahihirapan. Well, she really deserves it naman dahil sa ginawa niya sa amin ni Tote. Rumampa siya ngayon sa ilalim ng araw at sa putikan.
Kasalukuyan na kaming nagbyabyahe ngayon papunta sa birthday ng tropa kong si Wayne which is I really knew na kakilala naman na nitong si Faith dahil minsan niya na rin tung nakasama everytime na may events sa bahay at imbitado siya. Sabi ko nga kanina wala kong planong isama ang babaetang ito, pero dahil pinasok niya ang mundo ko ey gusto kong makilala niya ng lubusan kung sino ba talaga ang pinakasalan niya. Ewan ko nalang kung magsisi siya.
" San ba talaga tayo pupunta?" Tanung niya na ikinalingon ko. Ayan na naman siya kunot noo. Hahahah !
" Sa heaven." Sagot ko.
" Ulol ! Kahit mag pari ka pa di ka tatanggapin sa langit sa ugali mo at sa pagmumukha mo." Tugon niya. Aywan ko pero pigil na pigil ako ngayon sa sarili ko na matawa sa kanya. Para siyang puputok na bulkan sa gigil.
" Oh ey, bakit ikaw sa tingin mo ba pag nagmadre ka din tatanggapin ka na sa langit?" Pang-aasar ko pa na halos ikatirik na ng kaniyang mata sa pang iirap sa akin ng tingnan ako. Hahaha ! Magsasalita pa sana siya nang inunahan ko siya.
" Bumaba ka na. Nasa hel--este hotel na tayo." Ngisi kong saad. At dali-daling lumabas.
Pagbubuksan ko pa ba siya ng pinto? Wag na. May kamay siya at kompleto naman. Matanda na rin siya kaya she can do it by her own na. Saka ko nag simulang humakbang ng marinig ko siyang bumulong bulong. Hmm mukhang nakalabas naman ng ligtas sa car.
" Apaka demonyito talaga ng lalaking yun. Napaghahalataang walang ni katiting dugo ng pag ka gentleman." Rinig kong saad niya. Napangisi naman ako. Saka ko siya nilingon.
" Hurry up !" Saad ko saka humakbang na ako.
" Haripin ko yang bunganga mo diyan ey. Walang gulong ang paa ko. Palibahasa ang hahaba ng binti mo kaya ang lalaki ng hakbang. Daeg pang giraffe." Bigla naman akong napahinto dahilan para bumunggo siya sa likuran ko. Mabilis akong humarap sa kaniya habang hinihimas himas niya ang noo niya.
" Siguro pag hinalikan kita tatahimik ka na nuh?" Saad ko habang nakangisi sa kaniya. Kitang kita ko naman kung paano gumusot ang noo niya sa sobrang gigil sa akin saka siya umatras ng isang hakbang sa akin at. Tatangkain na niya sana akong hampasin ng mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at otomatikong yumuko malapit sa mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. Hehehe ! Nice strike again. Saka ko binitawan ang mga kamay niya at ngumisi.
" Bastos !" Sigaw niya. Akmang hahampasin niya ulit sana ako ng magsalita ako.
" Gusto mo pa ba ng take 2?" Ngisi kong tanong na siya namang ikinababa ng kaniyang mga kamay at napakagat labi. Hahaha ! Actually she's really cute. Mukhang kokak. Hahahah ! Then I tap her head. Sabay talikod at humakbang na papalayo sa kaniya.
" Maniac ! Hypocryte man ! Hayop ! Animal !" Rinig kong sigaw niya. Pero nilingon ko lang ito sabay kindat sa kaniya. Hahaha ! Ewan ko ba she's acting so weird after we got married. Kung bakit naman kasi naging ganyan na siya sa akin. Mantalang dati di naman siya ganun, ako na nga lang tung naiirita sa sobrang pangungulit niya sa akin. Kung nasaan ako, lagi siyang nakabuntot sa akin. But now, hell. Kulang na lang isumpa niya ako sa langit at lupa. Like, what the hell I did para maging ganun siya. Patagal ng patagal tuloy nakikita ko yung ugali ng kapatid niya sa kaniya. Sabagy, they're identical twins kaya posible rin sigurong pati sa pag uugali ay maging magkapareho.
Malayo pa lang tanaw na tanaw ko na sila Wayne. Hmm ! Masaya tu. Buo ang tropa. Pero mas masaya sana kung may mga nakahandang masasarap na putahe-I mean chics. Heheh ! Opps ! Don't judge me. Yeah, I'm married, but it's just written on a piece of paper with no feelings attach. So, Im still free. Isa pa napag usapan na namin tu ni Faith before the wedding that I can do whatever I want.
"Hey dude? How's the feeling of a newlywed?" Bating bungad agad sa akin ni Bryx. Saka dire diretso na kaming naglakad.
" Newlywed your face. Walang nagbago. I'm still a bird, free to catch some pretty lil'worms hahaha." Sagot ko habang tinataas taas pa ang mga kilay ko.
" So don't tell me di kayo nakapagbonding kagabi ng iyong misis?" Tanong ni Jester.
" Com'n guys, it's Wayne's birthday not mine. Kaya tigilan niyo na ang pagtatanong sa akin about that private matters okay? Hahaha don't worry. Ninong kayo." Pagtatapik ko sa likod ni Jester.
" Ninong? Hahaha ! Ni hindi ka nga yata nakascore kagabi ey kaya you're trying to change the topic hahah." Sagot naman nitong si Asher.
" Nako, ey pano tayo magiging ninong niyan kung mahina pala tung ating ibon? Hahaha ! Apakabagal tumuka." Gatong pa nitong si Wayne. Napatigil kami sa harapan ng kwarto ni Wayne.
" Chill lang dadating din tayo diyan----Awwchh !! Who the hell is th--" Napahimas ako sa ulo ko. s**t ang sakit nuong bumatok sa akin. Sino ba yun at----
" Sinama sama mo ko dito tas iiwan iwanan mo ko. Nagkanda ligaw ligaw pa ko. Pokrito ka." Gigil niya sa akin. Hahampasin niya pa sana ako nung pouch niya na me sa bakal yata ang ginamit sa sobrang sakit ey mabilis kong nahablot ito.Talagang ! Puputok ang ugat ko sa ulo sa babaeng tu. Bakit ko ba kasi nakalimutang may kasama pala ako? Nakakahiya sa mga nakakitang dumadaan.
" Sa susunod na isasama mo ko kung saan saan. Sasabihin mo kung anong saktong kinalalagyan para kahit wala na ang kaluluwa mo matutunton ko pa rin. Nakuha mo?" Pagduduro niya sa akin. Shocks ! Tao pa ba to? Dinaeg pa ang kasungitan ni lola. Walang kahihiyan.
" Sssh ! Pwede ba wag dito. Nakakahiya ka." Sabat ko.
" Anong wag dito. Bakit nahihiya ka huh? Kinahihiya mo tung kagandahan ko? Hoy ! Saka mo ko ikahiya kapag kagwaphan ka na. Bwisit ka."
Arggggg ! Dapat di ko na sinama tu. Dapat hinayaan ko nalang tu sa farm. Pambihira. Sisikat pa yata tung pagmumukha ko sa kahihiyang pinaggagagawa nitong babaetang tu ii. Napapalunok na lang ako habang ngising ngisi ang mga tropa ko.