Chapter 2

3420 Words
Jhauztine's pov, - - PALABAS na ako ng office na DENR. May report akong ipinasa mula sa pinuntahan kong animal zoo sa Batangas, isa sa apat na Zoos na hawak ko. Dumiretso ako dito sa office dahil kailangan na ng boss ko ang report ko. Matapos kong maipasa ay nagpaalam na akong uuwi na. Tumawag kasi sa akin si Daddy, may pag-uusapan daw kami. Kung ano iyon ay wala akong alam dahil hindi nito sinabi sa tawag nito. Kaya naman nagmamadali na ako. Mukhang seryoso kasi ang boses ni Daddy. "Tin?" Nasa may pinto na ako nang marinig ko ang pagtawag ni Jerry sa akin. "Bukas na tayo mag-usap nagmamadali ako," sabi ko na hindi lumilingon. "Tin?" pero muli nitong tinawag ang pangalan ko. Nasa labas na ako nang mapilitan akong huminto. Humarap ako dito. "Bakit? Nagmamadali ako eh." sabi ko pa. "May sasabihin ako sa 'yo. Importante ito, Tin." sagot nito. Naging uneasy na rin ang mukha nito. "Next time na lang, Jerry, ha? Kailangan akong makausap ni Dad." sagot ko at saka tinalikuran na ito. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo kay Jerry ng biglang may malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Literal na nagulantang ang buong sistema ko dahil do'n. Sapo-sapo ang nasaktang mukha na hinarap ko ang babaeng nasa harap ko ngayon. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Akmang sasampalin ulit ako nito pero mabilis kong nailagan iyon. "How dare you to slap me?!" galit na tanong ko. Punyeta sa tanang buhay ko ngayon lang ako nasampal ng ganito at talagang sa public place pa. "You deserve that! You're slut! Mang-aagaw! Malandi ka!" napaatras naman ako dahil sa pagsigaw nito sa akin. Nakakadiri ito dahil talsikan na ang laway nito. Baka matalsikan pa ako ng rabis mahirap na. Mukha pa naman itong asong nauulol. "Malandi! Mang-aagaw! Haliparot!" muling sigaw nito. Akma na naman itong susugod ng humarang si Jerry dito. Inilagay ako nito sa likuran nito. Lalo namang nanlisik ang mga mata ng babaeng ulol. Ni wala akong idea sa pinuputok ng butse nito. Mang-aagaw? Ni wala nga akong boyfriend o nakikilalang lalaki maliban sa mga katrabaho ko. Ulol yata ang babaeng ito. "Umalis ka diyan? Huwag mong itago ang babaeng iyan! Malandi!" sigaw pa nito. Maraming tsismosa at tsismoso na ang nakatingin sa amin. Ang iba ay talagang lumapit pa. "Watch your dirty mouth, woman!" galit nang sabi ni Jerry. "Iyang babaeng iyan ang dirty! Malandi!" patuloy na sigaw nito. Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng ito. Pero mukhang sinasagad nito ang pasensya ko. Umalis ako sa likuran ni Jerry at buong tapang na lumapit sa babaeng ulol. "Kung nasisiraan ka na ng bait dapat hindi dito sa office ng DENR ka pumunta Miss, dapat sa mental ka pumunta. Kung hindi mo alam puwede kitang samahan, hindi iyong daig mo pa ang asong ulol na gustong manglapa rito." mariin kong sabi. Ngumisi lang naman ito na parang demonyo. "Ikaw ang dapat nilalagay sa mental. Puwede ang mga mang-aagaw do'n." sagot nito. Lintik na ito ah. Kanina pa ako nito sinasabihan ng mang-aagaw. "At sinong inagaw ko sa 'yo?" mataray na sabi ko. Akma akong lalapit dito ng hawakan ni Jerry ang braso ko. "Tin, Huwag mo nang patulan!" awat nito sa akin. Umiling naman ako. "Kanina pa ako ipinapahiya ng babaeng iyan eh! Kanina pa ako tinatawag na mang-aagaw raw." sagot ko. Inalis ko ang kamay nitong pumipigil sa braso ko at saka muling hinarap ang babaeng ulol. "Now tell me, sinong inagaw ko sa 'yo? Kapag hindi mo nasagot ng maayos ang tanong ko sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso! Ikaw pa lang ang nakakasampal sa akin kaya gandahan mo ang rason mo, okay?" matapang na sabi ko. Huh! Nunka akong magpapatalo sa babaeng ulol na ito. Mabait ako pero hindi naman ako papayag na maagrabyado ng kahit na sino. "Inagaw mo ang boyfriend ko! Kating-kati ka na ba kaya kahit alam mong may girlfriend na pinapatulan mo pa?!" sigaw nito. Tiim-bagang akong lumapit ng ilang hakbang dito. Nagsukatan kami ng tingin. "Boyfriend? Inagaw ko? Kung aso o mga hayop pa ang inagaw ko baka puwede pa. Pero lalaki? Sa ganda kong ito, sa tingin mo mang-aagaw ako ng boyfriend nang may boyfriend? Mukha ba akong desperada?" mataray na tanong ko. Narinig ko namang nagtawanan ang mga taong nakikiusyuso sa amin. Nakita kong lumabas na rin ang boss ko mula sa office nito. Malamang nakarating na rito ang gulong nangyayari sa harap ng opisina nito. At kung sa tingin ng babaeng ito na papayag akong mapahiya ng hindi lumalaban. Huh. Never. "Inagaw mo ang boyfriend ko!" giit nito. "Wala akong inaagaw sa 'yo. Ngayon, ilabas mo ang lalaking sinasabi mo at baka isaksak ko pa siya diyan sa baga mo!" sabi ko habang lumalapit dito. Umaatras naman ito sa bawat paglapit ko. "Pero ikaw si Jhauztine Austria, hindi ba?" tila maamomg tupa na sabi nito. Natigilan naman ako sa tangkang paglapit pa rito. "Kilala mo ako?" "See? Ikaw si Jhauztine at ikaw ang umagaw sa boyfriend ko! Ikaw ang kasama at ka-s*x niya kagabi!" bigla na naman itong naging Tigre. Nanlaki naman ang mga mata ko. "For your information, Virgin pa ako!" sagot ko. Narinig ko pang nagtawanan ang mga tao na nakapaligid sa amin. "At anong ka-s*x ang sinasabi mo? Nasa kagubatan ako buong gabi kasama ang mga hayop! Kaya huwag kang susugod dito na akala mo may pruweba ka na ako ang ka-s*x ng jowa mo!" "Pero ikaw si Jhauztine!" "Jhauztine ang pangalan ko at hindi ako mag-isang Jhauztine sa mundo! Ilabas mo nga iyang lalaki mo na ako ang tinuturo! Para magkaalaman na tayo rito! May pupuntahan pa ako at wala akong oras sa mga bintang mo!" gigil na sabi ko. Sakto namang biglang dumating ang isang lalaking mukhang kagigising lang. May muta-muta pa at may panis na walay pa yata ang lintik na nanglilimahid sa gilid ng mga labi nito. "Babe! Anong ginagawa mo rito?" anang lalaki sa babaeng ulol. "Gusto ko lang turuan ng leks'yon ang babaeng iyan! Hindi niya dapat inaagaw ang akin..." naiiyak na sabi ng babae at yumakap pa sa lalaki. Napaawang naman ang bibig ko sa eksena sa harapan ko. Diyata't ang lalaking ito ang dahilan nang pagsugod ng babaeng ulol dito. Tang ina. Nasampal ako dahil sa lalaking hindi ko alam kung saang gubat nanggaling. Mas cute pa ang mga alaga kong aso rito. Kahit ang ampon kong bingot na aso ay mas cute pa kaysa rito. Habang naglalampungan ang dalawang nakakadiring nilalang sa harap ko ay kinuha ko ang atensyon nila. "Excuse me?" tanong ko. Naghiwalay naman mula sa pagkakayakap ang dalawa at sabay na tumingin sa akin. Lalo akong namangha ng mas matitigan ko ang hitsura ng lalaki. Putcha, okay lang maging matandang dalaga huwag lang akong mapunta sa ganitong lalaki. "I'm so- -," Natigil ito sa pagsasalita ng ikumpas ko ang kamay ko para patigilan ito. Halos masuka ako sa amoy ng bibig nito. Amoy imburnal jusko. Putcha bulok na yata ang intestine ng lalaking ito. Bahagya akong lumayo dahil tumatama sa mukha ko ang amoy imburnal nitong hininga. Tang ina paano ba ako nasangkot sa gulong ito? Hinarap ko ang babaeng ulol. "Itong lalaking ito ang dahilan kung bakit mo ako sinampal?" manghang tanong ko habang nakaturo sa lalaki ang daliri ko. Tila naman aagawin kong umangkla pa ito sa braso ng lalaki. Napangiwi ako sa mga ito. "Yes! Boyfriend ko siya! Kaya hindi mo siya makukuha sa akin!" Sa halip na mapahiya ay tumawa ako nang malakas. Namalayan ko na lang na nakikisabay na si Jerry sa pagtawa ko. Habang mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa ay nakita kong nanlisik ang mga mata ng babae. Tumigil lang ako ng sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Gano'n rin si Jerry at maging ang boss ko. Mukhang alam nila kung bakit tawang-tawa ako. Muli kong hinarap ang babae. "Miss, nakikita mo ba ako? At nakikita mo ba ang boyfriend mo? Sa tingin mo sisirain ko ang reputasyon ko para sa 'yo at sa lalaking ito?" turo ko sa lalaki at ito naman ang hinarap ko. "Sa susunod huwag kang gagawa ng problema tapos kapag nabuking ka kung sino-sino at kung kaninong pangalan ang ididiin mo! Talagang nasabi mo pa ang tunay na pangalan ko dito sa girlfriend mo, ha?! At itong girlfriend mo basta na lang sumugod rito at sinampal ako! Sa tingin mo papatulan kita? Hoy! Kahit sa panaginip ko hindi ko pinangarap na makilala ka, maging jowa pa kaya? Kapag kagaya mo ang magiging jowa ko mamamatay ako nang maaga." mahabang sabi ko. Nagsalubong naman ang kilay nito. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi naman ako dito. "Kung kayang sikmuran ng girlfriend mo ang amoy imburnal mong bibig puwes ako hindi! Mas mabango pa ang mga unggoy at baboy-ramo sa kagubatan kaysa sa 'yo!" sabi ko. Nagtawanan naman ang mga tao sa sinabi ko. Mukhang napahiya ito at akma pa itong susugod pero mabilis na humarang si Jerry. "Don't you dare to touch her!" pagbabanta ni Jerry. Umatras naman ang lalaki. "Ako ngang guwapo at mabango hindi nakapasa kay Jhauztine, ikaw pa kaya? Huwag kang ambisyoso! Maraming paliligo at pagto-toothbrush pa ang gagawin mo bago ka makapasa dito sa kaibigan ko. Sa susunod huwag kang gagamit ng pangalan na hindi mo naman kilala. Ikakapahamak mo iyan, p're." saad pa ni Jerry. "Pero totoo ang sinasabi ko! Inakit ako kagabi ng babae iyan sa Bar at ang sabi niya Jhauztine Austria ang pangalan niya!" sabi ng lalaki. Nangunot naman ang noo ko. Sa bar? Kagabi? "Hindi nagba-bar si Ti- -," "Excuse me? Sa bar ba ika mo?" tanong ko dahilan para maputol ang sasabihin ni Jerry. "Yes!" sagot nito. Bigla akong nagkahinala sa isip ko dahil sa sinabi ng lalaki. Posible kayang tama ang nasa isip ko? Pero pati ba naman ganitong klaseng lalaki papatulan niya para ipahamak ako? "Tin." untag ni Jerry. Hindi ko naman ito pinansin at ang lalaking amoy imburnal ang hinarap ko. Pero siyempre dumistansiya ako. Baka ikamatay ko ang amoy ng bunganga nito. "Ika-clarify ko lang ha. Kung sino man ang gumamit ng pangalan ko, puwes lilinawin ko na hindi ako ang kasama mo kagabi. Mga unggoy at baboy-ramo ang kasama ko kagabi at hindi tao." sabi ko bago tinalikuran ang mga ito. Sumunod naman sa akin ang kaibigan ko maging ang boss ko. Sa halip na umuwi na ay pinaunlakan ko ang paanyaya ni boss na magkape muna ako. Mukhang kailangan ko nga iyon. Habang nakaupo sa sofa ng opisina ni boss ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. May hinala na ako pero gusto kong makasiguro. At kung totoo man iyon, hindi ko na mapapalagpas pa ito. Sumusobra ka na! , , NANG makababa ako sa kotse ko ay may pagmamadaling pumasok ako sa bahay namin. Nasa sala pa lang ako nang makita kong pababa ng hagdan ang taong pakay ko. Base sa pagkakangisi nito ng makita ako ay alam ko na agad na tama ang hinala ko. "Hello, my dear sister. How was your day?" ngising tanong nito. Kumulo ang dugo ko ng mapansin ko na suot na naman nito ang damit ko. Na wala namang kaso sa akin, pero kasi ginagamit niya ang mga iyon para ipahamak ako. "Ilang beses mo pa akong gustong ipahamak, ha?" mariin kong tanong dito. Hangga't kaya ko pagpapasensiyahan ko ito, pero sumusobra na ito. Ngumisi lang naman ito at lumapit sa akin. Tangka itong yayakap pero umatras ako. "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Grace! Sumusobra ka na!" gigil kong sabi. "At sa tingin mo nakikipaglokohan rin ako sa 'yo?! Puwes hindi! Hindi ako sobra dahil kulang pa ang lahat ng mga iyan dahil inaagaw mo sa akin lahat!" "Inaagaw? My God! Grace kailan mo ba maiintindihan na wala akong inaagaw sa 'yo, ha?" "Wala? Si daddy? Si Lolo at si Lola, inagaw mo sila sa akin! Lahat ng bagay na mayro'n ka, akin iyon!" Natawa naman ako ng pagak sa sinabi nito. "Hindi ko sila inaagaw sa 'yo! My God Grace, anak rin ako ni Dad natural na mahal rin niya ako!" "Anak ka niya sa labas!" sigaw nito. Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi nito. "Alam mong hindi totoo iyan. Dahil si Mommy ang totoong mahal ni Daddy no'n. Kami ang unang pamilya ni Daddy kaya hindi ako anak sa labas, Grace..." mahinahon kong sabi. Sunod-sunod na hinga ng malalim ang ginawa ko para kalmahin ang sarili ko. "Anak ka pa rin sa labas dahil kay Mommy ikinasal ni Dad! Sampid ka lang dito sa pamilya ko! Inaagaw mo lahat! Napaka kapal ng mukha mo!" sigaw nito. Naiiyak na ako sa bawat salitang binibitawan nito. Mas'yadong masakit at sobrang hirap tanggapin na sa mismong kapatid ko pa maririnig ang mga ganitong salita. Kung sa ibang tao baka malunok ko pa eh. Pero galing sa kapatid ko? Nakakadurog ng puso sa totoo lang. Hindi na ako nagsalita dahil hindi lang matatapos ang usapan namin kapag pinatulan ko pa ito. Pinakamahirap sa lahat ang magpaliwanag sa taong sarado ang isip. Pero mukhang hindi titigil ang kapatid ko dahil nang akma ko itong tatalikuran ng hilahin nito ang buhok ko. Dahilan para mapasunod ako rito kasabay ng impit na daing. "G-Grace, bitawan mo ako." utos ko. Pero lalo nitong hinila ang buhok ko. At totoong masakit na iyon. Nakita kong tangkang lalapit si Ate Sally at nanay Cita pero tumigil rin sila ilang hakbang ang layo mula sa akin. "Huwag na huwag kayong lalapit para tulungan ang babaeng ito! Palalayasin ko kayong lahat!" pagbabanta pa nito. Tiningnan ko naman ang mga kasambahay. Nakikiusap ang mga matang tumingin ako sa mga ito. Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin. "Bitawan mo ako, Grace. Nasasaktan mo na ako." sabi ko. "Masasaktan ka talaga! Ang kapal ng mukha mo! Dapat matagal ka ng lumayas dito pero sadyang makapal iyang mukha mo!" sagot nito sabay tulak ng malakas sa akin. Dahil hindi ko napaghandaan ang ginawa nito kaya napasubsob ako at aksidenteng tumama ang noo ko sa gilid ng center table. Nakaramdam ako ng pagsigid ng kirot kaya kinapa ko iyon. Naramdaman ko rin ang mainit na likidong umagos pababa sa mukha ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang kamay ko at nakita kong may dugo. Pigil ang iyak na tumayo ako at humarap sa kapatid ko. Sabay-sabay na singhap ang narinig ko mula sa mga kasambahay. "Hala, jusko may dugo ka, Jhauztine!" hintatakutang sabi ni nanay Cita. Ang aming mayordoma. Tangka itong lalapit ng harangin ito ni Grace. "Don't you dare! Huwag kang makaialam, tanda!" sigaw nito kay Nanay Cita. Nakita kong mangiyak-ngiyak si Nanay Cita at dahil doon kaya umalsa na ang tinitimpi kong galit. Lumapit ako kay Grace. "Napakawalang modo mo! Wala kang sinisino! Ganiyan ka na ba talaga katigas, Grace?" "Wala kang pakialam! Kahit magkampihan kayo hindi n'yo masisira ang buhay ko! Sampid!" patuloy na sigaw nito. Ni hindi ko manlang ito makikitaan ng pagsisi kahit nakita nitong umaagos na ang dugo sa mukha ko. Hindi na rin makakita ang kanang mata ko dahil sa dugong umaagos. Hingang malalim, Tin! Please kalma lang. Kalma. Piping kausap ko sa sarili ko. "Grace, walang sumisira sa buhay mo." "Mayro'n! Ikaw!" sigaw ulit nito. Mariin akong pumikit upang kalmahin ang sarili ko. "Kung pakiramdam mo sira na ang buhay mo, wala kang puwedeng sisihin kun'di sarili mo, Grace. Walang nagsabi sa 'yo na maging pariwara ka. Walang nagsabi sa 'yo na makipag-s*x ka sa kung sino-sinong lalaki, Grace. Walang nagsabi sa 'yo na maging party-girl ka. May sarili kang isip, at hindi ka na bata para hindi mo maisip kung ano ang tama at mali. Kung ano ang makakabuti sa 'yo o hindi. Huwag mong isisi sa akin ang lahat ng nangyayari sa buhay mo dahil ikaw ang pumili na maging ganiyan. Humarap ka sa salamin para makita mo kung sino ang sumisira sa buhay mo. Hindi kita inutusan na gawing bahay ang club. Hindi kita inutusan na makipag-s*x sa kahit na sino. Hindi kita inutusan na huwag mag-aral. Kahit sobrang sama ng pagtrato mo sa akin hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo. Palagi kong sinasabi sa iyo na walang ibang mag-aalaga sa sarili mo kun'di ikaw rin mismo. Kaya huwag mong ibunton sa akin ang sisi, Grace. " mahabang lantiya ko. Lalo lang naman itong nagalit. "Huwag mo akong lecture-an! Hindi kita nanay!" sigaw nito. See? Ganito kakitid ang utak ng kapatid ko. Napapailing na tinalikuran ko na lang ito. Mahirap makipagtalo sa sarado ang isip. Paakyat na ako sa hagdan ng tumama sa ulo ko ang isang matigas na bagay. Sinundan ko ng tingin iyon ng bumagsak sa sahig. Remote pala. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil alam ko na kung sino ang may gawa. Tatlong baitang pa lang ang naaakyat ko ng magsalita ito. "I hate you this much, na gustong-gusto kong mamatay ka na lang, Jhauztine!" Mapait akong napangiti dahil sa sinabi nito. "Sana mamatay ka na! Sana habang nasa kabundukan ka maligaw ka! Kainin ka ng mga hayop na kalahi mo!" muling sigaw nito. Hindi ko alam kung nasaan sila Daddy dahil mukhang wala pang nakakapagsabi sa mga ito ng mga nangyayari. Hahakbang na naman ako ng muli itong sumigaw. "I hate you! I hate you! I hate you! Go to hell, Jhauztine!" puno ng pagkasuklam na sabi nito. Humarap ako rito pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. "Matagal ko ng alam iyan, Grace. You hated me for almost two decades. Hindi na ako apektado. Sa dami ng atraso mo sa akin, wala na, manhid na ako. At itong pananakit mo sa akin? Wala lang ito, pero tandaan mo na lahat ng sinasabi mo, bawat katagang sinasabi mo nandito lahat." garalgal na sabi ko habang nakaturo sa tapat ng dibdib ko. "Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Kung tutuusin ako dapat ang magalit sa 'yo sa dami ng atraso mo sa akin." "Wala akong atraso sa 'yo!" sigaw nito. Bumaba akong muli sa paanan ng hagdan. Nanatili naman ito sa kinatatayuan nito. "Wala? Wala kang atraso sa akin? Grace ilang beses na akong muntik mamatay dahil sa 'yo. Ilang beses na akong halos patayin ng mga babaeng inagawan mo ng lalaki. At itong nangyari kanina? Nakipag-s*x ka sa may karelasyong lalaki tapos identity ko ang ginamit mo! Pangalan ko ang ginamit mo! Para ano? Para saan? Para ipahamak ako? Para saktan rin nila ako? Sa dami ng kabalbalang ginawa mo sa akin, ako dapat ang galit sa 'yo." puno ng hinanakit na sabi ko. "You deserve that!" "No! Hindi ko deserve na awayin at saktan ng mga babaeng inagawan mo!Nakakadiri ka, Grace! Ultimo lalaking amoy imburnal ang bibig, nagawa mong sipingan para saan? Para ipahamak ako? Sa tingin mo kaninong buhay ang sinisira mo, ha? Akin ba? Hindi! Buhay mo ang sinisira mo, Grace! Naatim mong magpahalik sa kumag na iyon? My God! Hindi ko na alam kung anong pag-iisip ang mayro'n ka!" hindi ko na napigilang sumigaw. Hindi ko lubos-maisip na nakuhang makipag-s*x ni Grace sa lalaking iyon! Mabuti kinaya niya ang amoy nito. Eww. Hindi ko maiwasang hindi pangilabutan kapag naiisip kong hinalikan ng lalaking iyon ang kapatid ko. Nakita ko naman nanlisik ang mga mata nito. "Mind your own business! Wala kang pakialam kung sino ang gusto ko!" "Business ko rin ang business mo, dahil pangalan ko ang sinasabi mo sa kanila. Huling beses na kitang paalalahanan, Grace. Oras na malaman ko pang ginamit mo ang pangalan ko sa mga escapades mo, pasensyahan tayo. Dahil hindi ako mangingiming sabihin kay Daddy ang mga ginagawa mo. Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Grace. Mahal kita, kapatid kita at nag-aalala ako sa 'yo. So, please, huwag mong sirain ang buhay mo para lang sirain ako. Gawin mong makabuluhan ang buhay mo! Enjoy your life. And stop ruining my life." sabi ko bago ito tinalikuran. Nasa gitna na ako ng hagdan ng magsalita ito. "Don't you dare, Jhauztine!" sigaw nito. "Dare me! Kapag hindi ka tumigil I swear hindi ako mananahik lang." pahabol na sigaw ko naman. "I hate you!" narinig ko pang sigaw nito. "I hate you! Go to hell!" muling sigaw nito. Kung ano-ano pa ang sinabi nito pero nagbingi-bingihan na lang ako. Iiling-iling na dire-diretso akong pumasok sa kuwarto ko. Tila hapong-hapo naman na pinakawalan ko ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nasasaktan ako pero mahal ko si Grace. Kahit puro galit at paninira ang ginagawa nito sa akin. Nagagalit ako pero at the same time, naaawa ako. Sinisira nito ang buhay para lang sirain ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD