LUCIA's POV ♕♕♕ Ilang linggo na ang nakakalipas nung umamin ako nang nararamdaman ko sa Duke at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang gabing iyon. Halos lagpas na ang dalawang buwan nung una akong tumuntong sa manor na 'to at hindi ko inakala na makakatagal ako rito. Sabi nila ang nagtagal lang daw na asawa ng Duke ay ang una nitong asawa at ang ina ni Sevius. Hindi nila alam ang tunay na pagkamatay ng Duchess o kung totoo ba 'yung sinabi ni Sevius tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ina. Ang pangalawang asawa naman ng Duke ay binalitang nilason daw ngunit hindi mawawala 'yung usap-usapan na ang Duke rin ang pumatay sa pangalawa nitong asawa na halos dalawnag linggo lang nakatagal sa loob ng manor na 'to. "Madam, ayos lang po ba kayo? Madalas ata kayong natutulala?" Tanong