LUCIA's POV ♕♕♕ Hindi ako mapakali at hindi alam ang ikikilos dahil sa kaba, nakatingin ako sa isang malaking salamin habang tinitignan ang desenyo ng damit na pinili para sa'kin ni Sevius. "Seryoso ba kayo na 'yung bata ang pumili ng damit na 'to? Parang hindi naman ata angkop sa edad na siyam na taong gulang ang pumili ng ganitong desenyo ng damit?" Tanong ko sa mananahi na bumisita sa manor namin ngayon, halos pagpawisan na siya sa kaba dahil sa hindi ko talaga kaya suotin ang ganitong damit. "Madam, totoo pong ang young master ang pumili ng desensyo ng inyong kasuotan," paliwanag niya habang kabadong-kabado at muli akong tumingin sa salamain na nasa harapan ko. Kulay pula ito at may nakaburdang bulaklak na kulay itim at ginto, bukas na bukas ang likuran ko na pakiramdam ko ay lala