LUCIA's POV ♕♕♕ Hindi ako makatulog, paikot-ikot ako sa malaki kong kama pero pakiramdam ko sobrang lawak nito at ang lungkot sa pakiramdam. "Tsk, kung katabi ko lang sana ang Duke," bulong ko at saka ko lang napagtanto kung ano 'yung iniisip ko. Mahabagin! Nais ko bang makatabi ang Duke? Gusto ko ba siyang makasama ngayong gabi? "Teka nahihibang na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko at agad napabangon sa higaan saka umupo rito sabay gulo sa aking buhok. Lucia! Nahihibang ka na ba? Kung ano-ano ang iniisip ko tungkol sa Duke at para bang nakalimutan ko na ang pagiging tyrant niya. Sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang maging Duchess sa manor na 'to at magtrabaho ayon sa estado ng buhay ko pero bakit ganito ako ngayon? Nahuhulog na ba ako sa Duke? Pero Lucia! Mag-iisan