LUCIA's POV
♕♕♕
Hindi mawala sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Sevius sa tenga ko, alam kong may ibang ibig sabihin ang mga salitang iyon na nagbibigay ng kaba sa dibdib ko ngayon.
"My lady, pwede po na'tin gawin ang natitirang pagmamasid sa loob ng manor bukas pagtapos ng kasal," sabi ni Hanes habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo sa loob ng mansyon.
Napatingin ako sa kaniya at iniisip kung anong klaseng kasal kaya ang inihanda ng duke para bukas, sa pagkakaalam ko ay hindi ito paboloso o engrander.
Isa lang itong simple kasal sa harap ng altar kasama ng iba pang saksi sa pagpirma namin sa isang piraso ng papel na magdudugtong saming dalawa.
Wala ng iba pang kahulugan iyon at dapat hindi na rin ako umasa na may magbabago pa sa relasyon na meron kaming dalawa.
Ang tanging iisipin ko na lang ay ang gampanin ko sa loob ng dukedom at ang pagpapalaki sa kaniyang anak.
"Nasa harap na po tayo ng inyong silid, maaari po akong magpadala ng mga katulong na magpapaligo at magbibihis sa inyo milady," saad ni Hanes at tumango naman ako.
"Kahit wag na, kaya ko maghanda ng paliguan ko at pakisundo na lang ako paghapunan na," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya habang papasok ako sa loob ng maganda kong kwarto.
Malayo sa silid ko sa Sullen Estate, ang silid na ito ay puno ng kulay puti at dilaw na bagay, para bang pinapalibutan ako ng mga perlas at ginto sa tema ng silid na ito.
Ang mga muwebles ah halatang kinuha pa sa malalayong emperyo at inangkat sa bahay ng duke.
"Ngayon lang ako makakaupo sa ganito kalambot na upuan," bulong ko at dinama ang komportable pakiramdam ng mamahaling muwebles na 'to.
Hindi doon na tapos ang paghanga ko sa silid na 'to dahil nang tignan ko ang laman ng isang malaking aparador ay tumambad sa'kin ang maraming mga damit na halos palamutian ng mga dyamante at perlas.
Napalunok ako at kinakabahan na hinawakan ang mga 'to, kung maibebenta ko 'to sa central ay maaari na ko makabili ng sarili kong lupain at baka nakabayad na rin kami sa mga utang namin.
"Pwede ko ba talagang suotin 'to?" Tanong ko sa sarili ko at hindi mapigilan na matuwa dahil kumpara sa suot kong damit ay walang maitutumbas ang mga damit na inihanda ng duke para sa'kin.
Kaya pala sabi niya na wag na ko mag-abala na magdala ng mga damit ko at dalhin lang ang mga importanteng bagay na hindi ko maiwan sa Sullen.
"Kung makita lang 'to ngayon ni mama sigurado akong maiiyak iyon sa tuwa," napangiti ako pero sa loob-loob ko ay nagsisimula na naman sumakit ang dibdib ko.
Gusto ko ulit makita ang mga magulang ko, gusto ko ulit makasama ang mga kapatid ko at iba pa naming kasambahay.
Wala ang mga yaman na 'to sa sayang madudulot ng pamilya ko.
Hindi ko mapigilan mapaluha at mangulila sa kanila, ito pa lang ang unang gabi ko sa mansyon na 'to kaya dapat tibayan ko pa ang loob ko kung nais ko ulit silang makita.
Napatango ako at pilit na nilalaban ang lungkot, wala naman kasi akong makukuha kung hahanap-hanapin ko lang sila at kung iisipin ko lang na isa na kong preso sa mansyon na 'to.
Kailangan ko lumaban para muli kong makita ang mga magulang ko, at sisimulan ko iyon sa gaganapin naming pagsasalo sa pagkain ngayong gabi.
Sumang-ayon ako sa'kin sarili habang nakayukom ang mga palad ko at tumango.
Pumasok ako sa loob ng silid paliguan sa loob ng aking kwarto, muli na naman akong na windang sa kagandahan ng kwartong 'to.
Parang singlaki na 'to ng buong silid ko sa manyon namin at hindi makakaila na walang panama kahit ang master bedroom namin sa Sullen.
Na pansin kong puno na ang tubig na nasa loob ng banyera, maligamgam ito at puno ng mga lumulutang na talulot ng iba't ibang klase ng bulaklak.
Amoy na amoy ko rin ang mabangong aroma na bumabalot sa tubig at pakiramdam ko pag-inilubog ko ang katawan ko rito ay mawawala lahat ng pagod ko.
Napangiti ako at sinumulan hubarin ang kasuotan ko, kahit walang tulong ng mga personal maids ay kayang-kaya kong tanggalin ang makapal kong kasuotan.
Sanay na kong hindi pinagsisilbihan sa lumipas na mga taon kaya naman madali na lang sa'kin ang mga ganitong bagay.
Nilublob ko ang aking buong katawan sa loob ng banyera at hinayaan na ipahinga ng mabangong aroma ang pagod ko sa mahabang byahe.
Ngayon na raranasan ko ang masarap na pakiramdam na 'to pero sigurado akong hindi 'to magtatagal.
Dahil simula bukas ay wala na kong takas pa sa pagiging Duchess ng Istvan, kung para sa iba ay magandang titulo ang salitang Duchess, iba 'to para sa'kin.
Pakiramdam ko pag naging Duchess ako ay habang buhay na kong makukulong sa Manor ng Istvan, hindi ko na magagawa ang nais ko lalo na ang bagay na gustong-gusto ko.
Iyon ay ang magpakasal sa lalaking mahal at gusto ko.
Hindi ko man lang naranasan ang mga senaryo na katulad sa mga nababasang kong libro kung saan mahuhulog ang isang dalaga at binata sa isa't isa.
Magpapakasal sila at bubuo ng masayang pamilya katulad ng nangyari kala mama at papa.
Pero sa sitwasyon ko ngayon ay malayo 'yun.
Napabuntong hininga ako at umahon na sa tubig saka ako namili ng simpleng damit at inayos ang mahaba kong buhok.
Mga ilang minuto pa ay nakarinig na ko ng pagkatok mula sa aking pinto at niluwa nito ang isang babaeng medyo bata pa sa edad.
Kung titignan ko siya ay mukhang kaedad niya lang ang kapatid kong si Lucas na sumunod sa'kin.
"Magandang gabi milday, pinapasundo na po kayo ng duke para sumalo sa hapunan," aya niya sa'kin at tumango naman ako saka niya ko sinamahan sa paglalakad.
Paglabas ko ng pinto ay may nag-iintay pang dalawang katulong na kasing-edad niya rin, pansin kong tahimik sila at parang hindi pa sanay sa presensya ko.
Inihatid nila akong tatlo sa tapat ng isang malaking pinto na kulay pula saka ako pinagbuksan niyo at nakita ko ang mag-ama na nakaupo na sa kanilang pwesto.
Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay sobra akong nagtataka bakit tila ang layo ng pagitan nilang dalawa sa mahabang hapagkainan na 'to.
"Dito ka maupo, lady Lucia," sabi ng duke at tumango naman ako. Pagkaupo ko ay tumango lang ang duke at inaya na kaming kumain.
Kinuha ko ang aking kutsara at tinidor saka tinikman ang pagkain na inihanda nila para sa'kin.
Pagkahiwa ko pa lang ng laman ng baka ay nakaramdam na agad ako ng paglalaway, ito na siguro ang pinaka malambot na karneng baka nahiwa ko! Ano pa kaya kung nguyain ko na 'to?
Kaya naman hindi ko na pinigilan ang sarili ko at binuksan ang bibig ko para ipasok doon ang karneng inaasam ko.
"Huh? Gutom ka ba Lucia?"
Napatigil kaming lahat pati ang kamay ko sa pagsubo ng karne nang magsalita ang anak ng duke na si Sevuis.
Nakatingin siya sa'kin habang hinihiwa ang pagkain niya sa maliliit na parte nito, habang nakanganga ay napatingin naman ako sa karneng isusubo ko at doon ko lang na pansin na halos halati na ng hinati ko ang isusubo ko.
"Ehem, hayaan mo siya Sevius at mukhang gutom ang magiging bago mong ina, matuto ka ring gumalang sa kaniya at tawagin siyang ina," utos ng duke at naibaba ko 'yung tinidor na hawak ko saka hiniwa nang maliliit ang karneng isusubo ko.
"Pasensya na kayo, aaminin kong gutom ako hahaha," nahihiya kong tawa at sinubo na lang ang masarap na karne sa bibig ko.
Nang matikman ko 'to pakiramdam ko natutunaw 'to sa dila ko at ito ang dahilan ng pagkawala ng kaba ko sa tensyon na binibigay ng mag-ama na 'to.
"Seriously?" Rinig kong tanong ni Sevius at mukhang hindi nito nagugustuhan ang pagsabay ko sa kanilang dalawa sa pagkain.
"Bakit ba kailangan mo pa magpakasal at magdala na naman ng panibagong babae sa bahay na 'to? Alam naman na'tin hindi mo naman sila kailangan Samael!" Hiyaw ng batang duke sa kaniyang ama at pabalang na tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Tsk, hindi ka na nga marunong gumalang sa ama mo hindi ka pa marunong gumalang sa harap ng pagkain," bulong ng duke at hinayaan lang ang pagmamaktol ng kaniyang anak.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o iaakto ko sa mga nangyari sa harapan ko, para lang ako na tuod doon at kinakapa kung anong pwede kong gawin.
Sa huli wala akong na gawa dahil hindi takot akong makialam sa pag-aaway nilang dalawa.
Pakiramdam ko wala naman akong karapatan na manghimasok sa problema nila at sa ano mang may namamagitan sa kanila.
Dahil tama si Sevius, tama ang bata na hindi naman ako kailangan ng kaniyang ama dahil isa lang akong kabayaran sa utang at wala ng iba.
Na tapos na lang nang ganun ang pagkain namin na magkakasabay, pagtapos umalis ni Sevius sa harapan naming dalaw ng Duke ay na walan na rin ako ng gana kumain.
Kahit pala sobrang sarap ng pagkain na nasa harapan mo pag na walan ka ng gana ay hindi mo na talaga ito papansinin.
Naglakad ako pabalik sa silid ko na parang walang nangyari, umalis agad ang duke pagtapos ng pagkain na 'yun nang hindi man lang ako kinakausap at bumalik sa kaniyang trabaho.
Ni hindi niya man lang inamo ang anak niya o kausapin man lang 'to, hindi niya ba na pansin na halos hindi na galaw ni Sevius ang plato niya?
"Haaa.. sigurado akong gutom na ngayon 'yun," banggit ko habang naglalakad sa mahabang pasilyo patungo sa silid ko.
"Po? Ano po iyon my lady?" Tanong nung personal maid ko at napailing lang ako.
"Hindi ko kasi maiwasang isipin bakit ganun ang kinikilos nilang mag-ama, hindi ba't sila na lang dalawa ang magkasama sa buhay pero bakit nag-aaway pa sila?" Tanong ko sa kanilang tatlo at nagkatinginan lang sila.
"Bago lang din po kami sa manor na 'to at sa tatlong buwan na pagtatrabaho namin dito ay ganyan na ang trato nila sa isa't isa," kwento naman niya at muli akong na panbunto ng hininga.
Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang dalawang iyon dahil sila pa nga lang dalawa ang magkasama ay nagbabangayan na sila, pano pa kaya kung sumama ako sa kanila?
"Teka nga ano bang mga pangalan niyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo at habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko ay isa-isa silang nagpakilala sa'kin.
"Ako po si Sasha my lady, ako po ang magiging lady in waiting niyo at ito pong dalawa ang magiging personal maid niyo sila po si Rosana at Melinda," pagpapakilala niya na kinagulat ko, seryoso ba silang tatlo ang magiging katulong ko?
Grabe hindi ko alam na pwede palang dalawa ang personal maid mo at may sarili ka pang lady in waiting.
"Kinagagalak ko kayo makilala, sana wag kayo mahiya sa'kin at mas magiging masaya ako kung magiging kaibigan ko kayong tatlo," sabi ko sa kaniya at pawang na mula naman sila at napangiti sa saya.
"Salamat po milady!" Sabay-sabay nilang sabi at tumango naman ako habang nakangiti.
Buti na lang at hindi iba ang trato sa'kin sa loob ng manor na 'to at halata mong ginagawa nila ng ayos ang kanilang trabaho.
Napatingin ako sa kanilang tatlo habang naglalakad at bigla akong nakaisip ng ideya.
"Psst, saglit tara rito," aya ko sa kanila at habang walang tao sa pasilyo ay bumulong ako sa mga tenga nila.
"Pwede niyo ba ko paghandaan ng makakain? Kahit tinapay lang at mainit na tyokolate ay ayos na," bulong ko sa kanilang tatlo at nagkatinginan naman sila sabay tango.
"Gutom pa po ba kayo milady?" Tanong naman ni Sasha at umiling ako, sa totoo lang wala na kong gana kumain pero hindi ko maiwasan isipin si Sevuis na halos hindi man lang na galaw ang kaniyang pagkain.
"Ah hindi, gusto ko sana puntahan si Sevuis para dalhan siya ng makakain," sagot ko sa kanilang tatlo at para namang nagningning ang mga mata nila.
"Kuha namin ang plano mo milady, tama na unang umatake sa puso ng young lord para sa ganun ay makatagal ka sa kakulitan niya at makuha mo ang apruba niya sa pagiging bago niyang ina," sabi naman ni Melinda at agad siyang siniko ni Rosana.
"Maghunos dili ka sa sinasabi mo Melinda, mamaya may makarinig sayo at alam mo naman na bawat sulok ng pader ng manor na ito ay tenga papunta sa duke," sabi niya at napahawak kaming tatlo sa bibig sabay tinginan sa isa't isa at sabay-sabay na natawa.
Matapos ang kwentuhan na 'yun ay saglit na nawala ang kaba ko at pinahinga ang isip ko habang iniintay ang pinaluto kong pagkain para kay Sevuis.
Nang marinig ko ang katok ni Sasha sa pintuan ko ay tumayo na ko para pumunta sa kwarto ng batang duke at ibigay ang pagkain sa kaniya.
*tok tok*
Pagkatok ko sa malaking pintuan na nasa harap ko, saglit kong hinahol ang hininga ko dahil sa haba ng pagitan ng mga silid naming dalawa.
"Sino 'yan!" Rinig kong sigaw niya at nagpakilala naman agad ako.
"Ako 'to si Lucia young lord," sagot ko at mabilis niyang binuksan ang pinto at aktong aangilan ako pero agad ko siyang nginitian at nang himasok sa loob ng kaniyang silid.
"Hu? Teka sino nagsabi sayong pwede ka pumasok sa silid ko?" Tanong niya at hindi ko naman siya pinakinggan sabay utos na ipasok ang isang kariton na puno ng mga pagkain na ipinahanda para sa kaniya.
"Aalis din ako pero gusto ko sana makitang kumain ka ng hapunan," sabi ko sa kaniya at hindi ko maiwasan makita ang imahe ng bunso kong kapatid, si Laurio sa kaniya.
Tingin ko ay pareho lang sila ng edad at laki, kung pwede ko lang sila pagkitain para maging magkaibigan ay gagawin ko, kaso sa ugali ng batang duke ngayon parang mahihirapan ako.
"Sino naman nagsabi na gusto kong kumain? Hindi ako gutom! Umalis ka nga sa kwarto ko—"
*crumble*
Nagkatinginan kaming dalawa habang lahat ng mga katulong ay natahimik sa malakas na pagkulo ng sikmura niya.
"Pfftt hahahaha!" Malakas kong tawa sabay hawak sa maliit niyang balikat.
"Sino ulit ang hindi gutom?" Tanong ko sa kaniya at nanlilisik niya kong tinignan pero wala naman siyang magawa kung hindi ang umupo sa harap ng lamesa dahil aminado siyang gutom na siya.
Lalo na't binuksan ko ang takip ng mga pagkain na inihanda namin para sa kaniya, kumalat ang masarap na amoy nito sa buong silid at nakaramdam din ako ng gutom.
*crumble*
Nagkatinginan ulit kami at siya naman ang malakas na tumawa nang marinig niya ang sikmura kong kumakalam na.
"Hahaha sino rin ang hindi gutom?" Tanong niya habang panay ang tawa sa harap namin.
Mukhang na bigla ang mga kasambahayan na nakatingin saming dalawa dahil sa pagtawa ng batang duke sa harap nila.
Napangiti na lang ako at pinagmasdan ang masaya niyang pagtawa.
Huminahon siya at kinuha ang isang tinapay habang pinupunasan naman ng kabila niyang kamay ang mga luha niya sa mata na dulot nang malakas niyang pagtawa.
"Oh 'yan bibigyan kita kasi pinaghanda mo ko ng pagkain, hindi sa gusto kita makasabay sa pagkain ah, na aawa lang ako sayo kasi gutom ka tsk," sabi niya at na tawa na lang din ako sabay kuha ng inaabot niyang tinapay.
"Thank you my young lord," sambit ko at sabay naming kinain ang mga pagkain na lalong sumasarap pag may kasalo kang kumain.
TO BE CONTINUED