♕CHAPTER 3♕

1580 Words
LUCIA's POV ♕♕♕ Sa loob ng emperyo ay may tinatawag na peerage system kung saan nakabase sa yaman ng mga aristocrats ang rango na makukuha nila. Ang pinaka-huli sa rango ay ang commoner, hindi ko alam kung masasabing kasama ba ito sa listahan dahil sila kasi 'yung normal na parte ng isang emperyo. Sila 'yung mga taong nagtatrabaho para sa Emperor at sa mismong empire ng Ambrosetti. Ang sumunod sa huli ay ang title ng Baron, sa loob ng emperyo ay may tinatalang sampung baron at kasama ang aking ama sa rango na iyon, ang titolo ng baron ay pawang humahawak sa maliliit na negosyo na nasa loob ng emperyo. Sumunod dito ay ang Viscount, mas mataas ng isang rango kesa sa baron, pareho naman ng trabaho pero mas malaki ang hawak na kapangyarihan ng mga ito. Ang Earl naman ang sumunod sa rango, kalimitan sa mga Earl ay mga general at leader ng isang hukbong sandatahan. Sila ang humahawak ng trabaho para protektahan ang buong emperyo. Pangatlo sa mataas na rango ay ang Marquess, sa parte ng rango na ito mababase ang persyento na maaari nilang makuha ang trono mula sa emperor, sila 'yung malalapit na kamag-anak ng trono at may malalawak na hawak ng kapang-yarihan. Sumunod sa trono at pinakamalapit na maaring magmana nito ay ang Duke, marami at malawak rin ang hawak ng Duke, maari silang pumasok sa labanan o magpatakbo ng iba't ibang nais nilang negosyo. At sa loob ng emperyo na ito ay iisa lang ang may hawak sa titulong iyon— walang iba kung hindi si Samael Levi Istvan. "Maaari na po kayong bumaba milady, nag-iintay na po ang duke para makilala kayo." Napalingon ako kay Hanes matapos namin tumigil sa isang pinto sa dulo ng mahabang hagdan na ito. Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto at pinihit ang seredula, halos mapiga ko ang mga kamay ko sa sobrang kaba nang maramdaman ko ang bigat sa loob ng silid na iyon. Sa dinami-dami ba naman ng trabaho na pwedeng hawakan ng duke bakit tila nasisiyahan pa siya sa ganitong trabaho? Kung saan madudumihan ang mga kamay niya ng dugo ng mga taong iniinteroga niya. "Pasok Hanes, magandang araw sayo lady Lucia," bati niya sa'kin habang may suot na gwantes na itim at may hawak na latigo. Puno ng mantya ng dugo ang puti niyang polo na halos nakabukas sa pangatlong bitones dahil sa init ng silid na ito.  "Hmmmp! Hmmp!" Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa isang silya, nakatali ang bawat kamay at paa niya habang may busal ang kaniyang bibig. Puno rin ng sugat ang dibdib nito at kitang kita sa mata niya ang paghihirap at pamamaga nito dahil sa kakaiyak. Para namang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang senaryo na iyon, na pansin ata ng duke ang pagkatulala at takot sa mga mata ko kaya humarang siya sa harapan ko at tinakpan ang lalaking naghihirap sa likuran niya. "Wag mo siyang pansinin, mamatay din naman siya mamaya." Maikli niyang tugon at sinenyasan si Hanes. Hindi ko alam kung anong inutos niya kay Hanes basta alam ko lang ay hindi na magawang humakbang pa ng mga paa ko sa kinatatayuan ko. Matutulad ba ko sa lalaking nakaupo doon? Pag ginalit ko ba siya ay hahampasin niya rin ako ng hawak niyang latigo? "Halika at samahan mo ko," aya niya sa'kin at nakita kong hinubad niya ang gwantes niya pati ang kaniyang polong puti, napaiwas naman ako ng tingin nang makita ko ang paghuhubad niya sa harapan ng isang binibini. Hindi niya ba alam na ngayon pa lang ako makakakita ng katawan ng ibang lalaki bukod sa mga kapatid kong bata? Ang kapal naman ata ng apog niya para hindi ako galangin! Kahit sa pagiging babae ko man lang sana ay magkaroon siya ng kurtisiya. "Ah, pasensya na na bastos ba kita?" Tanong niya at lumakad sa harap ko, nakita kong nakapagpalit na siya ng damit at seryoso lang na nakatingin sa'kin. Tama nga sila, mukhang hindi marunong ngumiti ang lalaking ito. Hindi na lang ako sumagot at iniling ang ulo ko, wala kasing lumalabas na boses sa bibig ko o kahit kilos ay hindi ko magawa. Parang pagtinignan ka ng lalaking ito sa mata ay hindi kana makakagalaw at magiging bato ka, sobra kang matatakot sa presensya niya. "Ayaw mo ba umalis sa lugar na 'to? Sabi ko tara na," maikli niyang aya sa'kin at napalunok ako. "Ano? Gusto mo bang dito na matulog kasama ang lalaking 'yun?" Muling niyang tanong sa'kin at halos manlambot ang tuhod ko. Lucia! Kung hindi ka gagalaw ngayon ay hindi mo na talaga makikita pa ang pamilya mo kaya lumaban ka sa takot! Malakas kong hinampas ang mga tuhod ko na kinagulat ng Duke at ni Hanes, wala akong magagawa dahil kung hindi ko lalabanan ang pangangatog ng katawan ko ay baka mangatog na lang ako ng habang buhay pagkinulong niya na ko sa dungeon na 'to. "Aba! ngayon lang ako nakakita ng binibining kasing tapang mo," sabi niya at nagsimula nang maglakad palabas ng silid. Sinundan ko siya palabas at halos makahinga ako ng maluwag nang makita ko ang liwanag ng araw sa labas. Gusto ko na sana tumakbo pabalik sa karwahe ngunit parang malabo dahil nasa unahan kong naglalakad ang duke ngayon. Sobrang tahimik niya at hindi umiimik, samantalang ang mga tuhod ko naman ay parang kinakalawang dahil hirap na hirap akong humakbang dulot ng takot sa katawan ko. "Nakita mo na ba ang silid mo?" Maikli niyang tanong sa'kin at tumango ako bilang sagot. "Nakilala mo na ba si Sevius?" Muli niyang tanong at umiling naman ako. "Pipe ka ba?" Inis niyang tanong at iiling pa lang sana ako ngunit tumalim na ang tingin niya sa'kin na parang mabubutas ang pagkatao ko. "Hindi po my lord," sagot ko sa kaniya at tinaasan niya ko ng kilay. "Magiging asawa na kita bukas pero my lord ang tawag mo sa'kin?" Tanong niya at napakagat na lang ako ng labi, alanganin naman tawagin ko siyang Samael o hindi kaya Levi? Ayokong magkamali at magmukhang bastos sa harap niya na baka magdulot pa ng pagkapugot ng ulo ko! "Ngunit hindi pa ko sanay, isa pa ngayon lang kita nakilala my lord," pagpapaliwanag ko at napatigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa'kin at halos malula ako sa pagkakatingala sa kaniya, masyadong malapit ang mukha niya na nagbibigay sa'kin ng kakaibang kaba. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kagwapo ang duke sa malapitan, parang binata pa siya at hindi mo mahahalata na isa siyang tyrant. "Tingin mo ba magkakaroon ka pa ng oras para makilala ako ng lubusan?" Tanong niya na nagdulot sa'kin ng pagtataka. "Kung papayagan niyo po ako, bakit hindi?" Sagot ko at napaikling ako ng ulo sa pagtatanong. Bakit ako mawawalan ng oras para makilala siya kung dito na ko titira? Wag mong sabihin na talagang balak niya na kong patayin ngayon kaya niya naiisip ang ganung bagay? "Pfft? Papayagan? Hahaha gawin mo ang gusto mo kung kaya mo," sagot niya sabay talikod sa'kin at patuloy na naglakad. Napatulala naman ako at hindi ko alam bakit tila bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang mga ngiti sa mukha niya. Mali sila. Sabi nila hindi tumatawa ang duke pero ngayon, sa unang araw at pagkikita namin ay nakita ko na agad ang mga ngiti sa labi niya. Mga ngiti na halos tutunawin ang takot sa buong sistema ko na siya rin ang nagdulot kanina. Napahawak ako sa dibdib ko habang tinitignan ang paglalakad niya papalayo, hindi ko na malayan na nilingon niya na ulit ako at iniintay ako sumunod sa kaniya kung saan. 'Yung mga paa ko na ayaw gumalaw at humakbang kanina ay tumatakbo na papunta sa kaniya. Tila nakakapagtaka pero parang tinamaan ako sa unang ngiting ibinigay niya, ngayon ko lang na ramdaman ang ganitong klase nang pagtibok ng puso ko. 'Yung tipong titibok siya ng sobrang bilis sa takot at kaba, kasabay ng pagtibok niya nang kakaiba dahil sa mga ngiti ng duke kanina. "Gawain ba ng isang binibini ang tumakbo sa pasilyo?" Masungit niyang tanong sa'kin habang blangko ulit ang mga mata niya. "Pasensya na my lord," maikling kong sagot habang nakatitig sa mukha niya, nagtatanong kung kailan ko kaya ulit makikita ang ngiti na katulad kanina. Parang nagkaroon tuloy ako ng isang makasariling hiling, hiling na ano kaya ang pwede kong gawin para makita ulit ang ganoong ngiti sa mukha niya? "Samael," napalingon ako sa isang maliit na tinig mula sa harapan namin. Tinawag niya ba ang duke sa pangalan nito? Nakita ko ang isang batang lalaki na nakasuot ng isang pormal na damit, kulay itim rin ang kaniyang buhok at asul na asul ang mga mata. Para akong nakakita ng batang berson ng duke sa harap ko ngayon, kung hindi ako nagkakamali siya ang anak ng duke na si Sevius, ang magiging anak ko? "Lady Lucia, pinapakilala ko sayo ang aking anak na si Sevius," sabi ng duke at yumuko sa'kin ang batang lalaki at nagbigay galang. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito. "Kinagagalak kitang makilala, aking pangatlong ina," sabi niya sa'kin at tumingkayad upang halikan ako sa pisnge ngunit bago pa siya makalayo sa'kin ay nag-iwan siya ng isang mensahe saka bumulong sa'king tenga. "Kung makakatagal ka," dagdag niya sabay ngiti nang malambing sa harap ko. 'Yung mga ngiti niya ay hindi katulad ng ano mang inosenteng ngiti ng mga batang nakita ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD