LUCIA's POV
♕♕♕
Habang nakaupo sa harap ng mesa na may sandamukal na mga dukemento sa ibabaw ay hindi patuloy pa rin akong nag-aaral ng mga kailangan kong matutunan sa paghawak ng manor.
Malapit na sumapit ang gabi pero itong si Hanes ay hindi pa rin ako tinitigilan sa pagtuturo niya ng mga leksyon, hindi ko naman alam kung maipapasok ko ba sa kokote ko lahat ng mga pinagsasabi niya sa isang araw.
Kung alam ko lang na ganito pala ang trabaho ng Duchess ay baka nagtanim na lang ako ng kamote samin.
"Paumanhin po madam Lucia," tawag ng isang guard at tumango naman ako.
"Ipinapatawag po kayo ng Duke," pag-aanunsyo nito at tumango naman ako saka ko tinignan si Hanes na parang desmayado dahil na tigil siya sa kaniyang pagtuturo.
"Sige susunod na ko," sabi ko sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan ko, parang nangimay ang pwetan ko sa tagal nang pagkakaupo ko roon kaya hindi ako makatayo ng diretsyo, idagdag pa ang kabigatan ng suot kong bistida at ang mataas na takong na 'to.
Hindi pumasok sa isip ko ni minsan na hahanap-hanapin ko pala ang maluluwag kong damit at pananamit ko pang bukid kesa sa pabolosong damit na 'to.
Naglakad kaming dalawa ni Hanes papuntang opisina niya at kumatok naman siya sa pinto nang makarating na kami rito.
"Your Highness, andito na po ang Duchess," pag-aanunsyo ni Hanes bago kami tuluyan pumasok sa kaniyang silid.
"Maaari kayong pumasok," rinig naming sabi niya sa kabilang pinto kaya naman binuksan na ni Hanes ang seredula ng pinto at pinauna ako sa paglalakad.
Mula sa pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo at abala sa mga dokumentong nasa kaniyang harapan. Pansin ko rin na nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang polo at nakasuot siya ng isang salamin sa mata.
Ang buhok niya ay medyo gulo-gulo kumpara sa kasal namin kanina at halata mong pagod na siya.
Bilang pagbati ay agad ko naman kinuha ang dalawang dulo ng aking palda at bahagyang tinupi ang aking tuhod at humakbang naman ang isang binti sa harap.
"Magandang gabi your highness," bati ko sa duke na akala mo ay hindi kami naikasal kanina.
Natawag ko ang pansin niya at saglit na sumilip sa pagitan ng mga papel na hawak niya at agad ding bumalik dito nang makita ako.
"Balita ko pinakulong mo raw ang guro ni Sevius," sabi niya at nakaramdam naman ako ng takot.
"Yes your highness," maikli kong sagot habang nakatungo pa sa harapan niya.
"Kilala mo ba kung sino ang tao na 'yun?" Tanong niya at umiling naman ako.
"Pagkaka-alam ko lang ay siya ang guro ni Sevius at hindi tama ang ginagamit niyang pamamaraan sa pagtuturo," sagot ko naman nang seryoso at nakita kong binitawan niya ang mga papel na kaniyang hawak sabay lapag ng panulat sa lamesa.
"Bunsong anak ni Marquess Laurio ang lalaking ipinakulong mo," saad niya at napalunok ako, hindi naman lingid sa'kin na maaring nasa mataas na posisyon ang guro ni Sevius dahil ang kaniyang tinuturuan ay isang anakng Duke, ngunit kahit ano pang ranggo niya sa buhay ay hindi iyon dahilan para saktan niya ang kawawang bata.
Nanatili akong nakayuko at hindi binawi o humingi ng tawad sa mga ginawa kong aksyon.
"Hindi ka ba hihingi ng tawad sa kaniya o aalisin ang ipinatong mong pagkakabilanggo sa kaniya?" Tanong niya at diretsyo naman akong tumitig sa kaniya.
Ano bang mas importante sa kaniya? Ang posisyon na hawak niya o ang anak niya?
Siguro ay makakaapekto sa trabaho niya ang ginawa kong aksyon pero hindi ko 'to babawiin.
"Hindi po your highness," maikli at seryoso kong sagot sa kaniya.
"Bakit? Tingin mo tama ba ang ginawa mo?" Mahinahon niya namang tanong na para bang sinusubok ako sa bawat tanong na 'yun.
"Yes your highness, hindi ba't mas importante ang kapakanan ni Sevius? Isa siyang anak ng Duke at kalapastanganan sa pangalan ng Istvan ang ginawa niya sa young lord," paliwanag ko at nakatitig lang siya sa'kin sabay taas ng isang bahagi ng kaniyang labi.
"He, ganoon ba? Osige dahil sabi ng asawa ko ay hindi ko papalayain ang lapastangan na 'yun," sagot niya sabay tayo sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin.
"Aasahan kong sa master bedroom ka matutulog ngayong gabi, asawa ko," bulong niya sa'kin at hindi ko alam bakit pakiramdam ko na hulog ako sa lalim ng boses na iyon, ang mga tenga ko ay parang nagbabaga dahil sa hiya at bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Hanes, maghanda na kayo ng hapunan at kakain na kami," utos niya at agad naman tumango si Hanes saka ito lumabas ng silid.
"Lucia, ano pang iniintay mo?" Tanong niya at nakita ko siyang nakasandal sa estante ng pintuan at iniintay akong sumunod sa kaniya.
"I-ito na-na po your highness," nauutal kong tugon at mabilis na sumunod sa kaniya sa paglalakad.
"Bakit parang pakiramdam ko isa ka sa mga tauhan ko sa mansion? Bakit hindi mo ko tawagin sa pangalan ko?" Tanong niya habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo na 'to.
"Hindi pa po ako sanay," sagot ko at pakiramdam ko rin kasi ay hindi naman ako totoong parte ng pamilya niya para tawagin siya sa pangalan niya.
Alam ko isa lang ako sa mga tauhan niya kaya mas mabuti nang alam ko kung saan ako nababagay.
"Kung ganun sanayin mo," sabi niya at huminto sa paglalakad para masabayan ako.
Napalihis naman ako ng tingin dahil hindi ko alam kung bakit tumitibok nang ganito ang puso ko. Para 'tong isang malaking tambol na panay ang daundong sa loob ng dibdib ko.
Tahimik namin tinahak ang pasilyo at pakiramdam ko sobrang bagal ng oras ngayon. Bakit ganito? Ngayon ko lang na ramdaman ang ganito.
Siguro dahil sa asawa ko siya sa papel? Siguro dahil umaasa ako na baka may magbago sa pagsasama namin?
O baka dahil kabado ako sa magiging gampanin ko bilang asawa niya? Hindi lang bilang Duchess kung hindi kabiyak niya?
Napalunok ako at hindi mapigilan na mamula kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.
Kinakabahan ako, lalo na pag naiisip ko na mamayang gabi ang unang gabi namin na mag-asawa, ibig ba sabihin nun ay kailangan kong gampanan ang pangangailangan niya bilang asawa niya?
Saglit akong sumulyap sa kaniya at nakita ang kaniyang matangos na ilong na lalo mong hahangan kapag nasa gilid ang pwesto mo, ngayon kitang-kita ko rin kung gano kahaba ang pilik mata ng lalaking 'to na sobrang bagay sa maganda niyang mga mata.
Habang sumusulyap ako ng tingin sa kaniya ay biglang nagtama ang aming mga mata at napatigil siya sa paglalakad.
Para naman akong nililiyaban sa sobrang pamumula ng mukha ko at hindi matago ang kahihiyan na ginawa ko.
"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong niya at umiling naman ako.
"Wala po your highness, pansin ko lang na ang tangos po pala ng ilong niyo," paliwanag ko dahil hindi ko alam kung anong ipapalusot ko.
Napahawak siya sa ilong niya at nagbikit balikat lang.
"Kung iyon ang tingin mo," maikli niyang sabi at bumalik na sa paglalakad, nakahinga ako nang maluwag at sinundan ulit siya sa paglalakad papuntang dining area.
Ngayon hindi ko na siya tinitigan at pilit na lang tumitingin sa daan. Nakakahiya kasi kung mahuli niya na naman ang pagsulyap ko sa kaniya.
Kumain kami nang sabay-sabay sa hapag-kainan, magkatapat kami sa upuan ni Sevius habang ang Duke naman ay nasa gitna. Tahimik ang buong silid at tanging kalansing lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig mo sa paligid, malayong-malayo sa mga ingay ng mga kapatid ko tuwing salo-salo kaming kumakain.
Hindi ko maiwasang malungkot, sa dami ng pagkain na nasa harapan namin tila hindi naman ako makaramdam ng gutom.
Parang ang bigat kasi ng pakiramdam habang kasabay ko ang dalawang 'to, ni hindi ngumingiti ang Duke at ang young lord naman na si Sevius ay parang kaniyang ama na tahimik lang din.
Gusto ko mag-umpisa ng usapan ngunit kinakabahan ako na baka hindi sila sanay na magkwentuhan habang nasa harap ng hapag-kainan.
Habang hinihiwa ko ang pagkain ko at napatingin ako kay Sevius na tila ba gusto pang kumain nang marami, kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Bakit ayaw niya pang kumain kung marami pa naman ang nakahanda sa harapan niya? May sinusunod ba siyang dami ng pagkain para sa katawan niya? Pero bata pa siya, normal lang na maging matakaw siya sa pagkain lalo na sa matatamis.
Kinuha ko ang tartlets at inabot 'to sa kaniya. "Kumain ka pa, masarap 'to oh," pag-aalok ko sa kaniya ng pagkain at na huli ko siyang sagit na sumulyap sa tatay niya at umiling.
"Busog na ko," sagot niya at pinunasan na ang bibig niya sabay tayo sa kaniyang upuan.
"Mauuna na ko sa'king kwarto," pagpapaalam niya at tumungo sa harap naming dalawa ng Duke at umalis na sa dining area.
Bumaliktad ang ngiti ko at takang-taka sa kinilos niya, bata pa siya at pwede niyang kainin ang mga nais niya pero bakit nililinitahan niya ang sarili niya?
"Tapos na rin ako, mauuna na ko sa emerald room," rinig kong sabi ng Duke at tumayo na saka naglakad palabas ng dining area, napatingin ako sa mga katulong na nasa paligid ko at lalo akong nalungkot dahil wala na kong kasabay kumain ngayon.
"Hanes, gusto mo ba ng tartlets?" Tanong ko sa kaniya at nakasimangot siyang inaaya sabayan ako kumain.
"Madam, may hiwalay kaming pagkain at hindi namin pwede kainin ang mga pagkain na inihanda para sa inyo," sagot ni Hanes sa'kin at lalo akong napasimangot.
Sobrang dami pang pagkain ang nasa harap ng lamesa at lahat lang 'to ay masasayang kung hindi namin kakainin.
"Kahit na ngayon gabi lang? Hindi niyo ba ko pwede saluhan kumain?" Tanong ko at tumingin sa kanila isa-isa.
Halata sa mga mukha nila ang konsensya at pagkaawa sa'kin pero ni isa sa kanila ay walang sumalo sa'kin kaya wala na kong na gawa at inubos na lang mag-isa ang pagkain ko sa plato at bumalik na rin sa'king silid.
Habang nagpapahinga ako sa sofa at hinihilot ang leeg kong na nangalay sa pag-aaral namin ko kanina ay na pansin ko naman abala ang tatlo sa pag-aasikaso ng damit ko at paliguan ko.
"Anong meron?" Tanong ko at sabay-sabay silang napahinto sabay tingin sa'kin.
"Madam unang gabi niyo ito ng Duke," sabi ni Sasha habang puno ang kamay ng mga tuwalya at nanlaki naman ang mata ko.
Muntikan ko na makalimutan na hindi nga pala ako matutulog sa kwartong 'to kung hindi sa master room na kanilang tinatawag as emerald room.
Napalunok ako at hindi maiwasang mataranta. Agad nila ako pinapasok sa loob ng paliguan at pinalublob sa inihanda nilang maligamgam na tubig na puno ng mga bulaklak.
Marahan nilang sinuklay ang buhok ko at pinahiran ito ng kung ano-anong mga mababangong langis.
Pagtapos nang masarap na paliligo ay pinagbihis naman nila ako ng isang kamison pantulog at dalawang piraso ng maninipis na telang pagloob.
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa katawan ko, pakiramdam ko ay sisipunin ako dahil sa kasuotan kong 'to.
"Naglalakad ako papunta emerald room ng ganito ang kasuotan ko?" Tanong ko sa kanila at may nilabas naman silang isang kulay pulang damit at pinasuot ito sa'kin.
Inayos nila ang aking buhok at nilagyan ako ng kakaunting kolorete sa mukha, napatulala ako sa sarili ko sa harap ng salamin dahil hindi ko maisip na babagay pala sa'kin ang ganitong postura lalo na ang kulay pulang kolorete na nilagay nila sa'king labi.
Pagtapos nun ay inihatid nila ako sa emerald room at mag-isa akong pumasok doon habang hindi magmaliw ang pagwawala ng puso ko.
Nakita ko siyang suot ang isang robe na kulay itim at may hawak na wine glass habang nakaupo siya sa sofa.
Nakadekwatro at sandal din ang isang braso niya sa upuan habang nilalaro ang alak sa loob ng wine glass na hawak niya.
"Kanina pa kita iniintay," bati niya at hindi man lang tumingin sa direksyon ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya at kinalma ang sarili ko.
"Pasensya na your higness, kakatapos lang ako ayusan ng mga personal maid ko," pagpapaliwanag ko at sa wakas tinignan niya na rin ako.
Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa at saglit na napatulala sa harap ko na pinagtaka ko naman talaga.
Iniwas niya ang mukha niya at tinuro ang kaharap niyang upuan sabay sabing, "maari kang maupo at saluhan ako," maikli niyang sabi at sinunod ko naman 'to.
Kumuha siya ng isang basong wine at sinalinan ang basong nasa tapat ko, habang ginagawa niya iyon ay hindi ko maiwasan matakam at mahalina sa amoy ng alak na sinasalin niya.
"Ito, uminum ka muna at may pag-uusapan tayong dalawa," sabi niya at tumango naman ako sabay kusa sa baso at mabilis 'tong nilagok.
"Te-teka Lucia!" Pagpigil niya sa'kin pero na ubos ko na ang isang basong binigay niya, sobrang sarap nito at muli akong napatingin sa bote na hawak niya.
"Pwede pa ba kong makahingi your highness?" Tanong ko at kumunot ang noo niya.
"Hindi tubig ang iniinum mo, ngayon ka lang ba nakatikim ng alak?" Tanong niya at tumango naman ako, hindi ko akalain na ang sarap pala ng katas ng ubas pagginawang alak.
"Hindi mo 'to tutunggain ng isahan lamang, dadahan-dahanin mo 'to at papadaluyin sa lalamunan mo," pagtuturo niya at sinalinan niya ako ng kakaunti sa'king baso.
"Tignan mo kung pano ko inumin ang akin," sabi niya at nilaro ulit ang baso sa kamay niya, pinaikot-ikot niya ang laman nitong alak at maharan na idinikit sa labi niya ang baso saka nilagok ng mabagal ang alak.
Kada lagok ay binabana niya ang wine glas at sa paglagok na 'yun kitang kita ko ang adams apple niyang gumagalaw sa kaniyang leeg.
Parang napalunok din ako nang pagmasdan ko 'yun at hindi ko alam bakit nag-iinit ang katawan ko tuwing pagmamasdan ko ang ginagawa niya.
"Ngayon ikaw naman Duchess," utos niya at napatingin ako sa kamay ko sabay gaya ng paglalaro niya sa wine glass sa kaniyang kamay.
Bawat hakbang na tinuro niya sa'kin kanina ay ganun din ang aking ginawa at ramdam kong nakatitig siya sa bawak kilos kong iyon.
Sa ginagawa niyang pagtitig sa'kin, pakiramdam ko lalong nag-iinit ang katawan ko at kabado sa bawat galaw na gagawin ko.
Binaba ko ang baso at tumingin sa kaniya.
"Kamusta po ang pag-inum ko?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
Katulad kanina, tumaas na naman ang isang gilid ng kaniyang labi at binaba ang wine glass sa lamesa na nasa harap namin.
"Ngayon pwede na ba na'tin pag-usapan ang kailangan na'tin pag-usapan?" Tanong niya sa'kin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
Tumango naman ako at inihanda ang sarili ko sa kung ano mang nais niyang pag-usapan naming dalawa sa loob ng silid na 'to.
"Lucia, nais ko sanang patahimikin ka katulad ng yumao kong mga asawa," sabi niya na nagbigay ng takot at kaba sa buong sistema ko.
Seryoso siyang nakatitig sa'kin habang ang buong katawan ko ay unti-unti nang binabalot nang panglalamig.
Ang ibig niya bang sabihin ay nais niya rin ako mamatay katulad ng mga na una niyang asawa?
TO BE CONTINUED