♕CHAPTER 7♕

2638 Words
SAMAEL LEVI's POV ♕♕♕ Pumasok sa loob ng aking opisina si Hanes at tumingin naman ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa'king harapan. "Na gawa mo na ba ang pinag-uutos ko sayo?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman agad 'to. "Yes your highness, nailagay ko na po sa inuming alak ang drugs na pinabili niyo mula sa black market," sagot niya at tumango naman ako. "Mainam, nakahanda na ba ang Duchess?" Muli kong tanong at umiling naman siya. "Patuloy pa rin po siyang inaayusan ng kaniyang mga katulong," saad niya at napahalukipkip naman ako sabay tingin sa drawer ng table ko. "Mga bagong katulong ang tatlong nakatalaga sa kaniya ano? Hindi ba nila alam na hindi naman magtatagal ang kanilang bagong Duchess? Hindi pa ba nila alam kung anong sasapitin ni Lucia?" Tanong ko sa kaniya at parang kinabahan naman si Hanes, kung hindi lang matagal na naglilingkod ang matandang ito sa'kin ay baka napugutan ko na siya ng ulo o pinainum siya ng lason. "Hindi po your highness, ang buong akala po siguro nila ay magsasalo lamang kayo ng gabi bilang bagong mag-asawa," sagot niya at napabuntong hininga na lang ako. Hinila ko ang unang drawer sa table ko at kinuha ang isang matalim na kutsilyo mula rito, tinignan ko ang dulo nito at sinuri maige kung gano kalalim itong babaon sa katawan ng biktima ko. "Your highness," nangangatog na tawag ni Hanes sa'kin at tumingin naman ako sa kaniya. "Ano?" Maikli kong tanong at parang nagdadalawang isip siya sa kaniyang sasabihin. "Kailangan niyo po ba talaga patayin ang Duchess? Mukha naman po siyang walang alam sa nangyayaring pag-aalsa laban sa Imperial family," sagot ni Hanes habang nakayuko at iniintay na lang tumalsik ang kaniyang ulo sa sahig. Napabuntong hininga ako at hindi mapigilan matuwa sa kanang kamay ko, sa mga naglilingkod sa'kin, siya lamang itong buong pusong nagsasabi ng totoong nais niyang sabihin kahit na ikamatay niya pa ang pakikialam niya sa mga plano ko. Si Hanes din ang gumabay sa'kin noong namatay ang mga magulang ko at siya rin ang tumayong kanang kamay ng aking ama. Kaya hindi ko mapatay-patay ang matandang ito kahit na gusto ko na siya pagpahingahin sa mundo. "Hindi ba't kaya ko sayo pinalagay ang drugs na iyon sa inumin namin mamaya? Para maamin niya ang lahat nang tinatago niya kaya wag ka mag-alala kung mapatunayan kong inosente siya ay baka magbago pa ang isip ko na paslangin siya," sagot ko sa kaniya at wala na siyang nagawa kung hindi tumango na lang sa harap ko at sundin ang plano ko. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at tinago sa damit ko ang patalim na hawak ko, naglakad ako palabas ng opisina at pumasok na sa emerald room para isakatuparan ang dapat kong gawin. "Maaari mo na kong iwan dito Hanes, pakisabi sa Duchess na pakibilisan at nag-iintay na ko rito sa emerald room," utos ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango. "Masusunod po your higness," sagot niya at umalis na sa'king harapan, nagbuntong hininga ako at nahilot ang sintido ng aking ulo. Bawat kwarto sa loob ng mansyon na 'to ay nabahiran ko na ng dugo ng mga taong pinaslang ko, itong kwarto na lang ng aking yumaong na ina ang hindi ko pa nadudungisan ngunit ngayong gabi, sigurado akong maglalawa ang malapot at mainit na dugo ng Duchess sa lugar na 'to. Hinubad ko ang aking damit at pumasok sa silid paliguan saka ko inilublob ang buo kong katawan sa maligamgam na tubig at inisip ang mga planong aking gagawin. Ipapainum ko sa kaniya ang alak na may halong droga, droga na magbibigay sa kaniya ng pagkahilo at pag-iinit ng katawan, malakas ang droga na iyon at ginagamit ito kalimitan sa pagpapaamin ng mga sangkot sa isang krimen o pinaplanong krimen, malaki ang matutulong nito sa'kin upang malaman ang tunay nilang binabalak. Kailangan kong maging malinis at mabilis, wala akong pakialam kung magprotesta ang Baron ng Sullen dahil una't sapul alam naman siguro nila kung kanino nila ipinakasal ang kanilang anak. Sa'kin na isang Tyrant, isang Duke na hindi nakikitaan ng mga ngiti at hindi marunong magpahalaga sa buhay ng iba tama? Kaya kung matino ang isip nila at talagang mahal nila ang kanilang anak ay dapat hindi nila ito pinaubaya sa'kin. Anong tingin nila sa'kin? Isang lalaking mapagbabago dahil lang sa kagandahan ng kanilang babaeng anak? Hindi ko naman maitatanggi na talagang maganda si Lucia, kaakit-akit ang mga mata niyang kulay kahel na parang nangungusap tuwing tititigan ka nito, 'yung mahaba niyang kulay tyokolateng buhok na tingin ko ay sobrang lambot at 'yung makinis at maputi niyang balat. Lahat 'yun masasayang lamang dahil mamayang gabi, tuluyan na 'yung babalutin ng kaniyang dugo at mabubulok lamang sa lupa pag siya ay nilibing. Tumayo na ko at nagbihis ng isang itim na robe saka naglakad papunta sa loob ng silid at inihanda ang alak na ipapainom ko sa kaniya. May droga ito na hindi makakaapekto sa'kin, halos mababang klase lang ito ng droga at kung ako ang tatanungin parang wala lang ito sa'kin. Sinanay na ang katawan ko sa iba't ibang lason at droga noong bata pa lamang ako para pagdating ng araw ay hindi na ako matatablahan nito. Isa iyong tradisyon sa pamilya ng mga Istvan, simula nang pagtungtong sa ika-sampung taong gulang ng isang miyembro ng house Istvan ay kailangan na nitong magsanay na uminum ng iba't ibang klase ng lason. Madalas ang mga anak na lalaki lamang sa pamilya na ito ang gumagawa ng tradisyon na iyon dahil ang lalaking panganay ang magmamana ng buong kapangyarihan ng Istvan. Dapat sanay ka at handa ka sa ano mang uri ng pagpatay, dapat malakas ka at hindi natitinag dahil kapag ikaw ang naging tigapagmana ng Istvan ay sunod-sunod na pagtatangka ng pagpatay ang mangyayari sa'yong buhay. Kaya naman sinanay nila ako bago ko man lang hawakan ang titulo ng Duke, sa ganun paraan ay wala nang makakapatay sa'kin sa pamamagitan ng lason o ano mang droga. "Mabuti pang sanayin ko na rin si Sevius sa tradisyon na 'yun, at kung hindi makayanan ng kaniyang katawan at siya ay mamatay, kailangan ko ulit magkaroon ng anak na lalaki na papalit sa kaniya," tumikim ako ng alak at nalasahan ng kaunti ang droga na hinalo rito ni Hanes. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking bagong asawa, "kanina pa kita iniintay," saad ko at hindi siya nililingon. "Pasensya na your highness, kakatapos lang ako ayusan ng mga personal maid ko," sagot niya at tinignan ko naman ang sinasabi niyang ayos ng mga personal maid niya. Nakasuot siya ng pulang bistida na sobrang nipis ng tela, humuhubog maige ang kaniyang katawan sa damit na 'yun at parang sa sobrang dulas ng tela ay dudulas rin ito sa makinis niyang balat. Napaiwas ako nang tingin dahil hindi ko mapigilan maakit sa kagandahan niya ngayong gabi, agad kong tinuro ang kaniyang uupuan at inaya siya roon, "maaari kang maupo at saluhan ako," banggit ko at kinuha ang bote ng alak na may halong droga, sa pagkakataon na 'to ay sisimulan ko na ang plano. "Ito, uminum ka muna at may pag-uusapan tayong dalawa," saad ko at tumango naman siya sabay kuha ng basong inalok ko sa kaniya. Mabilis niya itong tinungga na kinagulat ko talaga, halos mapanganga ako dahil isang inuman niya lang 'tong inubos. "Te-teka Lucia!" Awat ko sa kaniya dahil kung ganito siya kabilis uminum ay baka hindi ko na siya makausap ng ayos at hindi matuloy ang plano ko. "Pwede pa ba kong makahingi your highness?" Tanong niya at hindi ko maiwasan magtaka, itong babae na 'to masyado siyang inosente sa'king mata. "Hindi tubig ang iniinum mo, ngayon ka lang ba nakatikim ng alak?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. Kulang na lang ay magbuntong hininga ako sa harap niya ngunit hindi ko magawa dahil halata sa mga mata niyang gusto niya pa ng isang baso. "Hindi mo 'to tutunggain ng isahan lamang, dadahan-dahanin mo 'to at papadaluyin sa lalamunan mo," pagtuturo ko sa kaniya at pinakita ang tamang pag-inum nito, habang dinadahan-dahan niya ang inum ng alak ay mas eepekto ang drogang kahalo nito. Hindi niya ba alam na siya mismo ang lumalapit sa kamatayan niya dahil sa mga aksyon na ginagawa niya? O talagang hindi niya lang ako pinag-iisipan ng masama at nasarapan talaga sa alak na nasa harapan niya? Kung ano man doon ay pinapasakit niya ang ulo ko. "Tignan mo kung pano ko inumin ang akin," tinuro ko sa kaniya kung pano 'to tamang inumin at nilagok ang alak nang paunti-unti, ramdam ko ang kaunting pag-init ng katawan ko katulad nang epekto ng droga na nakahalo rito ngunit kayang-kaya ko naman kontrolin ito. Pansin kong nakatitig siyang maige sa'kin gamit ang kaniyang matang nakakahumaling kaya hindi ko mapigilan na mag-init lalo sa pinapakita niya sa'kin. "Ngayon ikaw naman Duchess," utos ko sa kaniya at ginaya niya naman bawat hakbang na inutos ko, marahan niya 'tong ininum at tinantya ko naman kung ilang minuto na lang ang itatagal ng katinuan niya. "Kamusta po ang pag-inum ko?" Tanong niya sa'kin at tumango naman ako, batay sa pamumula ng mukha niya ay halatang tinamaan na siya ng droga at ng alak. Ito na ang pagkakataon kong gawin ang binabalak ko kaya napangise ako at humarap sa kaniya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya habang nakaupo at tanging lamesa lamang ang pagitan namin sa isa't isa. "Ngayon pwede na ba na'tin pag-usapan ang kailangan na'tin pag-usapan?" Tanong ko sa kaniya habang seryoso akong nakatitig sa mukha niya. Tumango naman siya at mukhang hindi niya nararamdaman ang pag-epekto ng droga sa katawan niya. "Lucia, nais ko sanang patahimikin ka katulad ng yumao kong mga asawa," saad ko sa kaniya at nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha, na puno 'to ng takot ngunit may halo pa ring pagtataka. Hindi ko mapigilan isipin na sobrang inosente ng mga tingin na 'yun sa harap ko, hindi ko tuloy alam kung totoo nga bang walang alam ang mga Sullen sa problemang kinahaharap ng emperyo? "Bakit mo ko papatayin? Grabe ka naman! Pinakasalan mo na nga ako ng hindi ko naman gusto tapos gusto mong sumunod agad ako sa na una mong mga asawa? Ay! Naku Duke ng Istvan! Sir Samael Levi! Ang tigas ng puso mo!" Sigaw niya sa harap ko at halatang tinamaan na siya ng drogang iyon. Hindi ko akalain na ganito ang mga tumatakbo sa isip niya, alam ko naman na matigas talaga ang puso ko pero ni isang tao hindi iyon sinabi sa pagmumukha ko. Siya lamang, itong babae na 'to na halos akala mo mawawasak paghinawakan mo, isang babaeng walang kalakas-lakas at mukhang kuneho na kinulong sa kulungan na 'to. "Pfft, ganito pala ang tunay na tumatakbo sa isip ng Duchess," sabi ko sa harap niya at hindi ko maiwasang maaliw sa nakikita ko ngayon. "Tsk, kita mo! Marunong ka naman pala ngumiti pero bakit hindi mo 'yan pinapakita sa kinasasakupan mo? Alam mo pag araw-araw kang ngumingiti nang ganiyan ay baka aminin ko sayo na ang gwapo-gwapo mo," sabi niya na lalong kinagulat ko, hindi ko tuloy maiwasan mapangiti, lalo na pag naiisip ko kung anong gagawin niya kung sakaling magising pa siya ng buhay bukas ng umaga at maalala lahat ng pinagsasabi niya ngayon sa harap ko. Napasandal ako sa sofa at humalukipkip sabay tingin sa kaniya nang direstyo. "Inamin mo na your highness, so ito lang ba ang bagay na aaminin mo sa'kin ngayon? Wala ka bang tinatagong misyon para patayin ako o ang anak ko?" Tanong ko sa kaniya at sumeryoso naman siya nang tingin sa'kin na tila ba sinusuri ang bawat galaw ko. Ito na ba? Aaminin niya na ba ang plano niya kung bakit siya pumayag na maging asawa ko? Paniguradong kasabwat ng Imperial family ang mga Sullen at ngayon na ang panahon para makumpirma ko ito. Marahan kong pinasok nang patago ang palad ko sa likod ng unan na sinasandalan ko, kinapa ko ang patalim na itinago ko room at inihanda ito sa kung ano mang sasabihin ni Lucia. Sa mga salitang bibitawan niya nakasalalay ang kaniyang buhay. "Ha? Alam mo Samael, ako na pipikon ako sayo ah, ako may balak saktan si Sevius? Eh ikaw nga 'tong hindi inaayos pagpapalaki sa anak mo! Naku kung ako ang nanay ng bata ay papaliguan ko siya ng pagmamahal ko at pangangaralan ang bawat nananakit sa kaniya, pero ikaw! Muntikan mo pa ko awayin kanina dahil sa pagpapatalsik ko sa lokong guro ng anak mo!" Hiyaw niya sabay lapit sa'kin na kinagulat ko. Mabilis siyang lumapit sa'kin at kinuha ang kwelyo ko, sa bilis at gulat ko sa mga pinagsasabi niya ay hindi agad ako nakagalaw para pigilan siya. Ngayon kinukwelyuhan niya ko sa harap niya at para na siyang maiiyak sa inis. Na bigla ako, ramdam ko 'yung galit niya sa'kin pero hindi niya ko magawang saktan. Dahil ganun siyang babae, hindi niya kaya manakit ng iba. "Naiinis ako sayo! Bakit mo ko pinakasalan pero hindi mo naman ako mahal? Tapos hindi mo rin mahal ang anak mo huhu!" Reklamo niya sabay iyak sa harap ko na nagdulot nang pagkanganga ko sa gulat. Hindi ko inaasahan na ito ang mga sikreto na malalaman ko sa kaniya, malayo sa inaakala kong mga lihim na mauungkat ko.  Maharan kong binitawan ang sandatang hawak ko mula sa likod ng unan at hinawakan ang mga pisnge niya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng umiiyak na ganito pa rin kaganda. "Tahan na, hindi ko sinasadyang pag-isipan ka ng masama," sagot ko sa kaniya at mabilis lang na pumapatak ang luha niya sa'king harapan. Pano nga ba magpatahan nang umiiyak? Pilit kong hinalungkat ang isip ko kung anong paraan ang ginagawa ko tuwing may umiiyak sa harap ko. Bigla kong na isip ang pagputol sa ulo nila o pagtutok sa kanila nang matalim na espada ngunit hindi pala iyon ang sagot pagdating kay Lucia. Napakamot na lang ako sa'king ulo at mabilis na hinila ang kaniyang ulo palapit sa'kin at siniil ang labi niya ng mga halik. Kinabigla niya ito at ako rin hindi maikakaila na nabigla sa malambot niyang labi. Mabilis akong bumitaw dito dahil ito ang unang beses ko na humalik ng babae. Idagdag pa 'yung ideya na babaeng umiiyak at puno ng luha ang mukha. Medyo maalat ang halik na 'yun pero masasabi kong hindi na masama para sa unang halik ko. Napatulala siya sa harap ko at hindi niya napapansin na nakakandong na siya sa mga binti ko. Nakahawak siya sa dalawang balikat ko habang nakaupo sa harap ko, gulat na gulat siya at parang natulala sa ginawa ko. Napigilan ko nga ang pag-iyak niya ngunit ngayon hindi niya naman nilulubayan nang tingin ang mukha ko. Hindi ko tuloy mapigilan na alisin ang mga tingin ko sa kaniya dahil sa kitang kita ko sa pwesto niyang 'to ang linya ng kaniyang mayayamang dibdib at ang maputi niyang binti na nakadikit sa'kin. Ilang taon na ba ang lumipas nang magkaroon ako ng ganitong atraksyon sa isang babae. "Your higness, hinalikan niyo ba ko?" Inosente niyang tanong at nasapo ko na lang ang aking noo. "Ano ba sa tingin mo? Hindi ba't normal naman iyon para sa'tin dahil kasal na tayo at ito ang una na'ting gabi," sagot ko sa kaniya at hindi ko akalain na ipapaliwanag ko talaga ang mga ginawa ko sa kaniya kanina. Kailan pa ko natutong magpaliwanag ng sarili ko sa iba? Hindi ko naman gawain ang mga bagay na 'to. "Hmm, kung ganoon. Kailangan ko rin bang gawin ang tungkulin ko bilang inyong asawa? Your highness?" Tanong niya at sobrang prangka nang pagkakatanong na 'yun na hindi ko tuloy alam ang aking isasagot. Napatitig na lang ako sa kaniya at hindi na pinigilan ang sarili kong muling tikman ang matamis niyang labi. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD