♕CHAPTER 8♕

2691 Words
LUCIA's POV ♕♕♕ Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano bang ginawa ko kagabi bakit ang bigat-bigat nang pakiramdam ko? "Hindi ko kaya Sasha, ikaw na ang maglinis sa patay na katawan ni Madam." Boses ba ni Hanes iyon? Bakit parang nagkakagulo sila sa ganitong oras ng umaga? "Pero sir Hanes, huhu hindi ko kaya siya ang unang-unang Duchess na pinagsilbihan ko, huhuhu bakit naman pinatay ng Duke ang Duchess," rinig na rinig ko ang boses ni Sasha at ang pag-iyak nilang tatlo. Parang nagtuturuan sila kung sino ang maglilinis ng bangkay ko. Hu? Teka bangkay ko? Pero buhay pa ko! Masakit lang ang katawan ko. Kaya napabalikwas ako at tinignan silang apat na nagkukumpulan sa harap ng higaan ko. "Anong pinagsasabi niyo d'yan?" Tanong ko at pilit na bumangon na halos ikagulat nilang apat. Sabay-sabay nilang nabitawan ang mga hawak nilang sako at timba. Sako na paglalagyan ko? At dalawang timba ng tubig na maglilinis sa dugo ko? Inaasahan ba nilang mamatay na ko kagabi? "Madam! Buhay ka!" Sigaw ni Hanes na pinanlaki ng mata ko, mabilis na tumakbo ang tatlo kong personal maid at lumapit sa'kin. Lumuhod sila sa gilid ng kama at doon ako panay na inusisa. "Madam Lucia! Sabi ni Hanes patay ka na raw huhu," tanong ni Rosana at napakamot naman ako ng ulo, totoo bang dapat ay patay na ko ngayon? Siguro akala nila ay papatayin na ko ng Duke kagabi pero iba ang naganap ng gabing iyon, nakahawak ako sa labi at hindi maiwasan maalala ‘yung matamis na halik ng Duke kagabi. "Ayos ka lang ba madam? Kung may masakit sayo ay agad ka namin itatakas para makaligtas ka rito ng buhay," dagdag naman ni Melinda at natatawa na lang ako sabay kamot sa'king ulo. "Sa katunayan niyan wala naman akong ano mang sugat pero pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko at... masakit ang parte kong iyon," bulong ko sa kanila sabay tingin sa ibabang parte ng katawan ko. Pagkamot ko sa ulo ay bumagsak ang isang strap ng kamison ko at lumandad saming apat ang balat ko na puno ng marka galing sa Duke. Pulang-pula ito at nagkalat sa iba’t ibang parte ng katawan ko lalo na sa’king leeg at dibdib. Nanlaki ang mata ko at nagtilian naman sa gilid ang tatlo. Hindi nila maitago ang kilig nila sa mga nangyayari sa’kin at ganun din ako parang hindi mapakali sa kinauupuan ko, pakiramdam ko nililiyaban ang mga pisngi ko. "Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Hanes pero agad silang humarang at pinalabas ang matanda. “Anong nangyari kay madam Lucia? Sagutin niyo kong tatlo!” Bangayan nilang apat habang tinutulak nila si Hanes palabas ng pintuan ng aking kwarto, pagkalabas ni Hanes ay agad silang bumalik sa pwesto ko at pinaulanan na ko ng pag-uusisa at tanong. "Madam! Nilamon ka ng duke kagabi!" Sigaw ni Melinda na halos ikapula ng mukha ko. "Shhh— hindi ko rin ganong tanda ang pangyayari, wag na kayo maingay nahihiya ako," sagot ko sa kaniya at halos itago na ang mukha ko sa unan. "Hehehe gusto man namin malaman ang kwento nang mainit niyong gabi na pinagsaluhan ay kailangan na muna naming unahin ang paliligo niyo," sabi ni Sasha at tumango naman si Rosana rito. "Awww pero gusto ko ikwento ni madam kung gano kakisig ang Duke sa higaan," madaldal na sabi ni Melinda at mabilis naman siyang hinila nung dalawa papunta sa'king paliguan. "Ihahanda lang namin ang paliguan niyo madam, Rosana ikuha mo ng umagahan ang Duchess," utos ni Sasha at sumunod naman ito sa kaniya. Habang nag-iintay naman ako ng aking pagkain ay sinilip ko sila mula sa loob ng silid paliguan at sinimulan na ang pagtatanong sa kinilos nila kanina. "Matanong ko nga kayo, inaasahan niyo bang patay na ko kanina?" Tanong ko sa kaniya at mukhang kinabahan naman silang sabihin sa'kin ang dahilan, nagkatinginan pa silang dalawa at nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag sa'kin ng sagot. "Ahm madam, iyon po kasi ang akala ni sir Hanes," maikling sagot ni Sasha at si Melinda naman ang sunod na nagpaliwanag. "Nagulat din po kami nung inutusan kami ni sir Hanes na linisin daw ang bangkay niyo sa loob ng emerald room, nung una halos masindak kami pero pinaliwanag samin ni sir Hanes na dapat daw ay maging handa na kami sa ganoong trabaho dahil halos linggo-linggo may pinapatay ang Duke," paliwanag ni Melinda at hindi ko maiwasan mapahawak sa'king bibig, malamang sa malamang tama nga ang mga usapan tungkol sa Duke ng Istvan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na maaaring totoo ang usap-usapan sa kaniya. "Bago lang kami rito madam Lucia, pero bago kami nakapasok sa posisyon na 'to ay binalaan na nila kami na walang permanenteng Duchess ang Duke," sagot naman ni Sasha at alam ko ang bagay na 'yun, handa na rin naman ako kung sakaling isunod niya ko sa mga yumaong niyang asawa at alam kong kabayaran lang naman ako sa utang ng aking ama. Pero ang nakakapagtaka ay bakit binuhay niya pa ko kung nakatakda rin naman niya kong paslangin? Bakit namin ginawa ang bagay na ‘yun kagabi at hinayaan pa ko mabuhay ngayon umaga? Muli kong naalala 'yung katangahan ko sa harap niya at kung pano ko siya sagutin sa mga tanong niya. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Pero 'yung mga sunod na pangyayari ay talaga namang bago sa'kin, hindi ko maisip na ganoon kalambing ang bawat haplos ng Duke, 'yung kamay niya na ginagamit niya sa pakikipaglaban at pagpaslang ng mga kalaban niya ay hinahaplos ang buong katawan ko nang sobrang pag-iingat. Sa sobrang sarap ng bawat haplos na 'yun ay hindi na ko naka-angal pa sa lahat ng utos niya. "Hala, ano kayang iniisip ng Duchess ngayon? Tignan mo Sasha namumula siya nang todo," bulong ni Melinda kay Sasha banag nakangisi silang dalawa at nakatingin sa'kin nang mapang-asar. Napahawak ako sa’king mga pisnge at hindi maitago ang kilig sa’king katawan, iyon kasi ang unang gabi ko at masasabi kong hindi iyon masama para sa unang lalaking pag-aalayan ko ng p********e ko. "Anong gagawin ko! Hindi ko alam na ganoon pala ang Duke, hindi ko maiwasan humanga sa kaniya!" Sigaw ko at para silang natulala sa harap ko, nakanganga sila na parang bang nakakita ng multo. "Ma-madam," nauutal na sabi ni Sasha sabay turo sa likuran ko. Nang makita ko ang ekspresyon na gumuguhit sa mga mukha nila ay para na rin akong kinapangan ng kaba. "Hindi ko akalain na ganyan ang maririnig ko galing sayo sa ganitong oras asawa ko," bulong nang malalim na boses sa tenga ko at para bang naalala ko 'yung malalim na paghinga niya kagabi habang nasa ibabaw ko. Napalingon ako at gulat na gulat sa pagdating niya, nakasuot siya ng isang pormal na uniporme at pusturang-pustura ang dating. Hindi ko maiwasang mapatitig sa itim na itim niyang buhok at asul niyang mata. Napalunok ako at hindi alam ang aking sasabihin, hanggang ngayon ay nakapang-tulog pa rin ako at hindi man lang sinusuklay ang aking buhok, maputla ang mukha at halatang kakabangon lang galing sa kama. "Yo-your hi-highness," bati ko sa kaniya at tumingin lang siya sa'kin nang diretsyo pero pansin kong nakatitig siya sa mga labi ko. Napatingin ako sa kaniya at agad niya naman iniwas ang kaniyang tingin at umubo. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya at napansin niyang nakakapit ako sa estante ng pintuan dahil sa nanghihina pa rin ang tuhod ko at masakit ang parte ng p********e ko. "Masakit ba talaga pag ginawa ang bagay na 'yun?" Inosente niyang tanong at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nahihiya ako sa harap niya at hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maitanggi na naiisip ko ang bawat galaw namin kagabi. Para akong nahihibang at hindi mawala sa isip ko ‘yung maganda niyang katawan na nasa ibabaw ko. Ah! Lucia umayos ka nga at ang utak mo! "Naku your highness, masakit po talaga lalo na kung unang beses iyon ng isang babae," sagot ni Melinda at agad siyang nakakuha ng batok galing kay Sasha. "Pasensya na your highness sa kaniyang pagsabat sa usapan, medyo hindi lang po mapigilan ng babaeng 'to ang kaniyang bibig," paghingi naman nang paumanhin ni Sasha at umiling lang ang Duke sa harap naming tatlo. Parang nag-iisip siya maige at hindi mapakali sa harap ko, parang alalang-alala siya sa sitwasyon ko. Nakokonsensya ba siya dahil siya ang gumawa sa’kin nito? "Ganoon ba? Magpapatawag ako ng Doktor kay Hanes at sisiguraduhin kong babae ang kaniyang kukunin," sagot ng Duke at naglakad na palayo sa'kin. Isang doktor na babae? Pero mahirap makahanap ng doktor na babae. "Ah hindi na kailangan your highness, ayos lang ako," habol ko sa kaniya at nilingon niya lang ako. "Hindi, magpatingin ka pagdumating ang doktor at aalis ako ngayon siguro dalawang araw bago ako makabalik, sayo ko na muna ipapaubaya ang Duchy," sabi niya at tuluyan na naglakad palabas ng kwarto ko. Na iwan niya ko doon na tulala at hindi alam ang sasabihin o iaakto sa mga narinig ko. Iiwan daw ang alin? Ang buong dukedom sa dalawang araw? Teka lang saan siya pupunta? Hindi niya ba kami isasama ng anak niya? Kahit masakit ang binti ko ay agad akong tumakbo palabas ng pinto at hinabol siya. "Your highness!" Sigaw ko at agad naman siyang lumingon baon ang seryoso niyang mukha. Nakatingin lang siya sa'kin habang iniintay ang sasabihin ko sa kaniya. "Ahmm, ingat ka?" Tanong ko at hindi ko rin talaga alam ang gusto kong sabihin sa kaniya. Marami akong gustong itanong at sabihin pero ayaw umayon ng utak ko at dila ko sa pagbilis ng t***k ng puso ko sa harap niya kaya hindi ko na nagawang magpaalam nang ayos sa kaniya. Nakita kong tipid siyang ngumiti at muling tumalikod sabay taas ng kamay niya at kinawayan lang ako. Napangiti na ko sa sagot niyang iyon at pinagmasdan ang malapat niyang likod na palayo nang palayo sa’kin. Tuluyan na siyang na wala sa paningin ko at napabuntong hininga naman ako. “Madam, handa na po ang paliguan niyo,” rinig kong tawag sa’kin ni Sasha kaya pumasok na ko at naligo. Pagtapos ko mag-ayos ay dinalaw naman ako ni Hanes kasama ang isang doktor na babae, binigyan niya ko ng gamot at maiinum para sa masakit kong katawan. Mabilis na lumipas ang oras at nakapagpahinga naman na ko nang ayos kahit na sobrang dami ko pang gagawin ay hinayaan muna ako ni Hanes na magpahinga. “Hanes, bakit inaasahan niyong patay na ko kanina? Balak ba talaga ako patayin ng Duke?” Seryoso kong tanong sa kaniya at hindi naman siya makatingin sa’kin ng diretsyo. “Hmm.. mabuti pang ang Duke na ang tanungin niyo sa bagay na ‘yan madam Lucia,” sabi ni Hanes at tumango naman ako, alam kong hindi niya pwedeng sabihin sa’kin ang bagay na ‘yun dahil maaaring manganib ang buhay niya kaya siguro sa mismong Duke na lang ako magtatanong pag nakauwi na ito. “Maiba ako, tapos na ba ang schedule ng lesson ni Sevius ngayon araw? Pwede bang makahinge ako ng kopya nito?” Tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango. “Masusunod madam, babalik po ako para kunin ang schedule ng young lord,” sabi ni Hanes at tumango naman ako. Habang wala si Hanes ay binuksan ko ang bintana at tinignan ang buong garden sa harap ng bintana nito. Saglit na nahagip ng paningin ko si Sevius na naglalakad papunta sa liblib na parte ng manor, anong ginagawa niya sa mga oras na ‘to? Hindi ba’t may leksyon pa siyang dapat puntahan? Kumunot ang noo ko at agad na tumakbo palabas ng kwarto ko at hindi na naintay pa si Hanes na bumalik o ‘yung tatlo kong personal maid na samahan ako. Mabilis kong sinundan si Sevius papasok sa liblib na parte ng manor kung saan matataas ang mga puno at mga d**o rito. Ang bilis niyang maglakad pero tanaw na tanaw ko naman ang matingkad niyang damit na kulay asul kaya hindi siya nawawala sa paningin ko. Nang makalabas ako sa masukal na gubat ay agad akong na silaw sa sikat ng araw at saglit na tinakpan ang mga mata ko. Pagmulat ko ay tumambad sa’kin ang isang lumang mansyon at isang malaking puno sa gitna nito. Sa pagkakaalam ko nasa west wing ako ng Istvan Estate, pero walang nakapagsabi sa’kin na may lumang manor pala rito. Agad kong ginala ang paningin ko at hinanap kung saan nagtungo si Sevius, bigla kasi siyang na wala nung makalabas kami sa masukal na gubat at hindi ko na nasundan pa. “Sevius?” Tawag ko sa kaniya at inayos ang suot kong sandals dahil sumasakit ang sakong ko sa mga ito. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal dito, saglit kong pinahinga ang mga binti ko habang pinagmamasdan ang abandonang lugar na ‘to. “Ano naman ginagawa ni Sevius sa lugar na ‘to?” Tanong ko sa sarili ko at luminhon ulit sa paligid sabay hubad ng mga sandals ko sa paa. “Hays salamat! Malaya na rin ang mga paa ko,” sabi ko sabay higa sa damuhan na hindi gawain ng isang lady o Duchess. Kung makita ako nila Sasha o Hanes na nakahiga sa damuhan ay panigurado akong katakot-takot na sermon din ang makukuha ko. “Hays, sana laging ganito na lang ang panahon,” banggit ko sa sarili ko at pagtingala ko sa puno ay nakita ko si Sevius na nakatingin sa’kin habang nakasampa sa mga sanga ng puno. “Hu? Kanina ka pa ba d’yan?” Nahihiya kong tanong sa kaniya at agad na inayos ang upo ko at aabutin sana ang mga sandals ko na nakakalat sa damuhan ngunit mabilis siyang bumaba ng puno at kinuha ang mga sandalyas ko. “Sigurado ka bang hindi ka commoner? Ngayon lang ako nakakita ng isang binibini na ganyan kumilos,” sagot ni Sevius sabay tapon ng sandalyas ko sa malayo na kinanganga ko. “Mahabangin! Baka pagbayarin ako ng ama mo sa sandals na ‘yun!” Sigaw ko at hahabulin sana nang nakayapak ang mga tinapon niyang sandals ko. “Bakit buhay ka pa?” Seryoso niyang tanong na nagpatigil sa’kin sa pagtakbo. Ito na naman, lahat ba talaga sila ay inaasahan na kong mamatay kagabi? Lumingon ako sa kaniya nang seryoso at nilapitan siya. “Masama bang mabuhay pa?” Tanong ko sa kaniya na kinabigla niya at napalihis siya nang tingin sa’kin. “Hindi! Pero bakit ka niya binuhay? Samantalang ang aking ina at ang sumunod doon ay pinatay niya!” Galit niyang sigaw sa’kin na kinabahala ko. Halata sa mukha niya ang galit sa kaniyang ama at siguro dahil na rin lumaki siyang walang ina. Napabuntong hininga ako at marahan na tinupi nang bahagya ang mga tuhod ko para mapantayan siya. “Hindi ko alam kung bakit niya pinatay ang mga na una mong naging nanay, pero ako susubukan kong mabuhay para may mag-alaga sayo Sevius,” sabi ko sa kaniya at hinawakan ang ulo niya sabay gulo rito. Tumingin siya sa’kin nang masama at malakas na tinabig ang kamay ko. “Hindi ko kailangan ng ina, wala akong tinuturing na ina miske ang sumilang sa’kin!” Sigaw niya at mabilis na tumakbo papasok sa abandonadong manor. Habang pinagmamasdan ko siyang lumayo sa’kin, pakiramdam ko nakakita ako ng isang bagang kulang na kulang sa pagmamahal. Tumuwid ako nang tayo at naglakad nang nakayapak papunta sa kaniya. Hindi naman siguro masama kung susubukan kong bigyan siya nang pagmamahal na wala siya tama? Susubukan kong tumayo bilang ina niya, kung hindi niya ko ituring na isa ay siguro kahit na ituring niya na lang ako na kaibigan niya. Baka sakaling bigyan ako nang pagkakataon na makita ulit ‘yung masasaya niyang pagtawa. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD