♕CHAPTER 9♕

2535 Words
LUCIA's POV ♕♕♕ Namadali akong maglakad para mahabol ang mabilis niyang paghakbang palayo sa'kin, bata ba talaga ang hinahabol ko? Bakit parang mas mahaba pa ang biyas niya dahil ang bilis niyang makalayo sa'kin? "Teka Sevius? Saan ka pupunta baka mapanganib d'yan?" Tanong ko sa kaniya habang mabilis na tumatakbo sa damuhan. Hindi niya ko inintindi at patuloy na dumaretsyo papasok ng abandonadong mansion, nang makapasok siya sa bukas na pinto ay napatigil ako. Kabado na baka maraming mga sekreto ang matuklasan ko rito. "Kung ayaw mo masugatan ang mga paa mo, wag mo na kong sundan mula rito!" Sigaw niya sa'kin at patuloy na naglakad papasok. Napailing na lang ako at inisip na sobrang layo ko na para kunin ang mga sandaliyas ko. Siguro kaya niya na sabi iyon dahil maraming mga basag na salamin o gamit sa loob ng mansyon na pwedeng makasugat sa'kin paa, pero hindi ko 'to ginawang dahilan para hindi siya muling sundan. Pumanhik ako sa hagdan papasok sa main entrance ng mansyon, medyo bitak-bitak na ang sahig at halatang hindi na ito nabibigyan ng alaga. Pumasok ako rito at narinig ang huni ng mga ibon sa loob nang malawak na kisame ng mansyon, napatingala ako at pinagmasdan ang lumang chandelier na nakasabit sa kisame kasama ng mga paintings ng iba't ibang anghel na nakaukit sa kisame nit-o. "Woah," paghanga ko rito habang iniingatan ang hahakbangan ko, umeeko sa loob nang tahimik at abandonadong mansyon ang huni ng mga ibon na mukhang namahay na sa loob upang mamungad. "Sevius?" Tawag ko sa kaniya at narinig ko naman siyang sumigaw mula sa second floor ng mansyon. "Sabi sayo mapanganib dito!" Sigaw niya kaya napangiti na lang ako, naku kunware pa ang bata nag-aalala lang naman sa'kin. "Kung mapanganib sa matanda, lalong mas mapanganib sa bata kaya na saan ka ba?" Tanong ko at maingat na pumanhik sa hagdan. Matibay pa naman ito dahil gawa ito sa simento at marble tiles, may mga iilang bitak lang sa dingding ang mansyon pero kung titignan itong maige at aayusin ay mas maganda pa ito sa main mansion ng Istvan Estate. "Sevius? Asan ka?" Tanong ko ulit nang makarating ako sa mahabang pasilyo ng pangalawang palapag nito. "Sabi sayo wag ka na sumunod!" Sigaw niya kaya sinundan ko naman kung saan nang gagaling ang boses niyang iyon. Naglakad ako sa mahabang pasilyo at nakita ang mga nagkalat na basag na salamin sa loob, maharan akong gumilid para hindi masugatan ang aking paa at pumasok sa isang silid kung saan ko naririnig ang boses ni Sevius. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakaharap sa isang malaking portrait habang yakap ang tuhod niya at nakaupo sa lumang sofa. Nagmumokmok siya roon at masungit akong tinignan. "Ano bang ginagawa mo rito? Di ba sabi ko sayo wag mo ko sundan?" Naka-angil niyang tanong sa'kin pero hindi ko iyon inintindi at umupo sa tabi niya na lalo niyang kinapikon. "Ano ba! Makulit ka talaga!" Sigaw niya sa harapan ko at hindi ko naman maiwasan na isipin na parang ako pa 'tong batang makulit sa'ming dalawa. Tumahimik ako saglit para hindi siya magalit sa'kin at napatingin naman ako sa malaking imahe na nasa aming harapan. Isa 'tong malaking larawan ng yumaong Duchess, ang kaniyang ina. Nakakapagtaka na ni isang palatandaan ng Duchess ay wala siyang na mana, masyado atang malakas ang dugo ng Duke kaya halos mukha silang pinagbiyak na bunga ngunit syempre siya ang batang bersyon nito. "Siya ba ang iyong ina?" Usisa ko kahit alam kong hindi niya ko sasagutin o tatarayan niya ako. "Pakialam mo ba?" Tanong niya at sumalumbaba lang ako sa mga binti ko at tumingin sa kaniya nang diretsyo. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko dahil alam kong mahirap mawalan ng ina sa murang edad, sa pagkaka-alam ko ay limang taon lamang siya nung mamatay ang Duchess, sabi nila ay wala raw ibang ginawa ang Duchess kung hindi ang pag-aralin ang kaniyang anak kahit na nasa murang edad pa si Sevius noon. Mahigpit daw ito sa lahat ng gagawin ni Sevius at madalas daw kinukulong ang bata tuwing nakakakuha nang mababang marka. Salantalang ang mga kapatid ko ay nagsimula sa pag-aaral noong siyam na taon na sila, hinayaan lang sila maglaro ng aking ina kasama ko at kusa na silang nag-aya na nais nilang pumasok sa academy. Pero si Sevius, bata pa lang siya ay talagang inalis na sa kaniya ang karapatan niya magsaya at maglibang. "Hindi mo talaga ako kakausapin?" Tanong ko sa kaniya at iniwas niya lang ang ulo niya sa harap ko kaya na pagpasyahan ko na ako na lang ang dadaldal sa kaniya. "Alam mo may kapatid ako na kasing edad mo, ang pangalan niya ay Laurio mahilig siya maglaro sa arawan at manghuli ng iba't ibang insekto tapos ilalagay niya sa damitan ko," kwento ko at hindi ko mapigilan na mapikon tuwing na aalala ko ang kalokohan ng kapatid kong iyon. "Sumasakit ang ulo ko sa kaniya tuwing guguluhin niya ko sa pag-aaral o hindi naman kaya ay tatakutin ako tuwing gabi," kwento ko sa kaniya at pansin kong nakikinig siya sa'kin at unti-unting tumitingin sa direksyon ko. "May laro kaming laging ginagawa kahit na dalawa lang kami, pero mas masaya pag maraming kasali, gusto mo bang malaman?" Tanong ko sa kaniya at hindi niya namamalayan na nakatingin na pala siya sa direskyon ko kaya mataray ulit siyang umiwas nang tingin sa'kin. "Hmp! Ano naman pakialam ko?" Tanong niya kaya natawa ako at muking nagkwento. "Ganito 'yun, pag ikaw ang taya magbibilang ka ng hanggang sampu habang nakapikit ang mata mo at nakapwesto sa isang lugar, tapos pagtapos mo magbilang dapat nakatago na ang mga kalaro mo at mahanap mo sila bago ka nila maunahan sa pwesto mo nung nagbibilang ka," pagpapaliwanag ko sa kaniya ng larong iyon at mukhang nakuha ko ang interest niya. "A-anong tawag sa laro?" Nahihiyang niyang tanong at napangiti ako. "Tagu-taguan," sagot ko at parang gusto kiya 'tong subukan kaso hindi kami pwede maglaro sa lugar na 'to dahil masyadong mapanganib. "Gusto mo ba maglaro? Hayaan mo sa susunod aayain na'tin sila Hanes at ang mga personal maid ko para marami tayong maglalaro, malay mo makasali pa ang Duke sa'tin," sagot ko sa kaniya at natawa lang siya. "Hahaha, ang Duke? Sasali? Asa ka naman," inis niyang sagot at dahil doon hindi niya na naman ako pinansin at tinarayan. Hindi ata maganda kung mababanggit ko ang pangalan ng Duke sa harap niya, ang bilis niyang mairita pagdating sa kaniyang ama pero hindi naman maaari iyon dahil silang dalawa na nga lang ang natitirang tunay na magkadugo tapos hindi pa sila magkakasundo? "Bakit ka ba galit sa Duke? Pwede akong makinig kung gusto mo?" Tanong ko at niyakap rin ang mga tuhod ko dahil sa lamig ng lugar na 'to. "Sino bang hindi magagalit sa kaniya? Istrikto siya, tyrant, hindi niya ko pinapansin at kailan ba siya tumayo bilang ama ko?" Tanong niya at nakita ko siyang humihikbi sa galit. "Sabi nila pinatay daw niya ang aking ina, noon iniisip ko na sa wakas wala nang tatayong ina sa'kin na lagi akong pagbubuhatan ng kamay at ikukulong sa madilim na lugar, pero akala ko kaya niya ginawa iyon dahil sa'kin, pero hindi ginawa niya 'yun dahil gusto niya. Wala pala talaga siyang pakialam sa'kin!" Paglalabas niya ng sama ng kaniyang loob at hindi ko akalain na ganito ang malalaman kong sinapit niya sa kaniyang mismong kamay ng kaniyang ina. "Tinuturing niya ko na parang hangin, parang isa lang akong pagkakamali sa mundo," dagdag niya at tinutukoy niya naman ang trato sa kaniya ng Duke. "Tapos nung pagkamatay ng aking ina bigla na lang siya ng pakasal sa iba, alam mo ba ang tinamo ko sa kamay ng babaeng 'yun?" Tanong niya at bigla niyang hinila ang kaniyang polo dahilan para tumalsik ang isang butones nito at makita ko ang kaniyang dibdib na may malaking paso. Napahawak ako sa'king bibig dahil sa gulat, hindi ko akalain na ganito ang pinagdadaanan ni Sevius sa mga naging kaniyang ina. "Hindi niya nga ako pinapakialaman sa'king pag-aaral pero lagi naman ako pinagbubuntungan ng galit ng babaeng 'yun!" Sigaw niya at puno ng luha ang mga mata at pisnge niya. Sa galit niya ay napatayo siya sa harap ko habang hinahabol ang hininga niya dahil sa pag-iyak niya. "Pinatay niya ang una at pangalawang niyang asawa Lucia, kaya mamamatay ka rin!" Muli niyang sigaw sa harap ko at akmang tatakbo palabas ng kwarto pero agad kong hinila ang braso niya. "Teka Sevius, pero hindi pa ko patay! Andito ako sa harap mo oh, pwede mo kong ituring na nanay mo o kung ayaw mo kahit kaibigan lang at taong maasahan," paliwanag ko sa kaniya habang nakatitig ako sa mga mata niyang panay ang luha. "Ha? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ano bang palabas ang gusto mong gawin? Alam ko naman na gusto mo lang ng yaman namin katulad ng iba! Hindi ka mabait, walang magpapahalaga sa'kin kung hindi sarili ko lang!" Sigaw niya sabay tabig sa kamay ko at medyo masakit ito dahil kahit bata ang katawan niya, halatang sanay siya sa pakikipaglaban at walang kahirap-hirap na nakapalag sa'kin. Agad akong tumayo at hinahol siya sa palabas ng pasilyo, nakita kong mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan kaya hinabol ko rin siya at hindi ko na napansin ang mga bubog sa daan. "Sevius! Ah... aray," napasinghap ako nang makita ko ang pagbaon ng maliit na bubog sa laman ko. Paika-ika akong naglakad pababa ng mansyon at nakita ko siyang mabilis na tumakbo sa isang pinto. Nang makababa ako sa hagdan ay agad kong tinignan ang paa ko at marahan na binunot ang bubog sa talampakan ko. "Argh," hindi ko mapigilan mapaimpit sa sakit pero mas masakit ito kung bumaon pa ito nang malalim sa paa ko kaya mabuti nang tanggalin ko na agad ito. Nang matanggal ko ang bubog ay pumunit ako ng tela sa ilalim ng palda ko at binalot ito sa talampakan ko. Agad ko siyang hinabol sa pinasukan niyang pinto at tumambad sa'kin ang isang mahabang pasilyo na halos gumuhit na sa buong pader nito ang mga linya ng pagkasira at karupukan nito. Bawat estante ay halata mong hindi na magtatagal pa, siguro pag sinandalan mo ito ay agad 'tong guguho sayo. "Sevius! Delikado d'yan, bumalik ka rito!" Tawag ko sa kaniya na patuloy na binabaybay ang mahabang pasilyo na mukhang patungo sa hardin. "Wag mo na kasi akong sundan!" Sigaw niya at tumakbo palayo sa'kin kaya agad ko siyang hinabol kahit na sobrang sakit at panay ang dugo ng paa ko. Sa pagtakbo niya ay nabulabog niya ang mga ibon sa daan kaya bigla siyang napaurong at malakas na napasandal sa isang estante. Napasigaw ako nang makita kong unti-unting lumalaki ang bitak nito na kumakalat hanggang sa kisame. "Sevius! Tumabi ka d'yan!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis akong tumakbo para maitulak siya sa damuhan bago pa man tuluyan na gumuho ang parteng iyon ng pasilyo. Na subsob ako sa damuhan habang kitang-kita ko naman siyang nakaupo at tulala sa'king harapan, na ramdaman ko ang mabigat na mga simento sa paanan ko at nang lingunin ko 'to ay nakita kong na ipit ang isa kong paa sa pagguho ng pasilyo. "Lu-Lucia a-ng pa-paa m-mo," nauutal niyang tawag sa'kin habang nanginginig siya sa takot at gimbal sa mga nangyari. Agad ko siyang kinausap para hindi siya maghesterikal o mataranta sa mga nangyayari kahit na pakiramdam ko mahihimatay rin ako sa sinapit ng aking paa. "Teka Sevius, wag kang kabahan ayos lang ako," pagpapahinahon ko sa kaniya habang inaabot ko siya sa pwesto ko. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at pilit siyang inaabot para patahanin at kalmahin, ang hindi ko inaasahan ay mabilis siyang lumapit sa'kin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko habang patuloy na umiiyak at takot na takot sa dinaranas ko. "Lucia! Ka-kasalanan ko 'to!" Sabi niya habang panay ang iyak kaya naman panay din ang punas ko sa kaniyang pisnge. "Ayos lang ako, na ipit lang ang isa kong paa pero makakatakbo pa ko at syempre makakapaglaro pa tayo kaya mabuti pa mabilis mong tawagin sila Hanes at humingi ka ng tulong para makaalis ako rito," utos ko sa kaniya pero para umurong ang tapang niya kanina at ngayon hindi na magawang tumayo o bitawan ang kamay ko. "Sevius, kaya mo 'yan, para sa'kin tawagin mo sila Hanes o kahit sino man sa main house," utos ko sa kaniya at pilit na ngumiti sa kaniya kahit na pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat dahil unti-unti nang umaakyat 'yung sakit sa buo kong katawan. Hinawakan ko 'yung pisnge niya at pilit na ngumiti sa harap niya sabay tango sa kaniya. "Kaya mo 'yan Sevius, may tiwala ako sayo," sabi ko sa kaniya at muling malakas na tumulo ang mga luha niya sabay bitaw sa kamay ko at mabilis na tumakbo para humingi ng tulong. Mabilis siyang na wala sa paningin ko at napangiti ako. Tignan mo nga naman 'yung bata na 'yun sobrang bilis niya palang tumakbo pero pilit siyang nagpapahabol sa'kin kanina at binabagalan ito para makahabol naman ako. Napatawa na lang ako kahit na sobrang sakit na ng paa ko, sa sobrang sakit parang nangingimay na ang buong katawan ko. "Hays, unang araw na iniwan sa'kin ng Duke ang manor tapos ganito ang mangyayari sa'kin?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa masukal na puno na nasa harapan ko. Inaantok ako, gusto kong pumikit pero nag-aalala ako kay Sevius. Alam kong makakatawag siya ng tulong mula sa main house pero hindi ko maiwasan mag-alala sa batang 'yun. Kaya pala ganun ang pag-uugali niya dahil ganun din ang trato sa kaniya, gusto ko sana baguhin ang pananaw niya para naman lumaki siya na malayo sa ugali ng kaniyang ama. Gusto ko maranasan niya ang pagkabata niya at matuto siyang magsaya. Kaya hanggat andito ako iyon ang gagawin ko, tatayo ako bilang tunay niyang ina at kaibigan niya. "Ah nahihilo na ko," bulong ko at para bang nanlalabo na ang paningin ko. Pilit kong nilabanan ang pag-ikot ng paningin ko at pagsara ng talukab ko, gusto kong makita di Sevius at gusto kong ipakita sa kaniya na ayos lang ako. Baka kasi pag na walan ako ng malay ay sisihin niyang maige ang sarili niya o hindi kaya umiyak siya nang umiyak. Ayoko naman magpaiyak ng bata, iyon ang pinaka-ayoko sa lahat. Ayokong makita siyang naghihirap dahil lang sa aksidente na 'to, ayoko rin sisihin niya ang sarili niya sa nangyari sa'kin kaya kailangan ko siyang makita at kailangan kong ipakita sa kaniya na ayos lang ako. "Saan young lord! Saan banda!" Rinig kong sigaw ni Hanes mula sa malayo at napangiti ako. "Ah! Iyon ang Duchess!" Sigaw ng ilang kawal at nakita ko sila Sasha at ang iba pa na patakbo sa direksyon ko pero ang pinaka nauuna sa kanila ay ang maliit na batang si Sevius. "Lucia!" Sigaw niya at napangiti ako. Hindi ko na naintay pa ang paglapit nila sa'kin at tuluyan nang bumagsak ang paningin ko. "Lucia! Lucia!" Rinig kong tawag niya sa tabi ko pero hindi ko na magawang sumagot at tuluyan nang nilamon ng dilim ang paningin ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD