♕CHAPTER 2♕

1547 Words
LUCIA's POV ♕♕♕ Malakas na pag-iyak ang narinig ko mula sa bunso kong kapatid na si Laurio, puno ng luha ang kaniyang mga mata at todo kapit na nakayakap sa binti ko, pinipigilan niya ang pagsakay ko sa karwahe na maghihiwalay saming dalawa simula ngayon. Napatingin rin ako sa aking ina na halos hindi magmayaw sa pagpupunas ng kaniyang luha gamit ang paborito niyang panyo. Tanda ko pa na ako ang nagbigay sa kaniya n'un noong kaarawan niya na ngayon ay mukhang malayo na akong makasama muli sa selebrasyon na gagawin nila. "Ate wag mo kong iwan," pagmamakaawa ng kapatid ko at hindi ko na rin napigilang umiyak, lumuhod ako para mapantayan siya at yakapin siya nang mahigpit. "Hindi naman kita iiwan eh, aalis lang ako pero magkikita pa naman ulit tayo." Pagpapatahan ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod. Napatingin naman ako sa aking ama na hindi magawang tignan ako, alam ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pag-alis ko ngunit buo na ang desisyon ko at kahit naman anong gawin namin ay wala na kaming takas sa problema na 'to. "Ate hindi ka pa nakikita nila kuya Lucas at kuya Lorenz wag ka muna umalis hindi pa sila nakakauwi galing unibersidad," sabi niya sa pagitan nang paghikbi, pilit akong ngumiti sa harap niya at pinunasan ang mga luha ko. Miske ako ay nanghihinayang dahil hindi ko makikita ang dalawa kong kapatid na ngayon ay hindi makauwi dahil sa pag-aaral nila. "Susulat na lang ako sa kanila at pag nakauwi na sila pwede ba na ikaw na ang magsabi na nasa mabuting kalagayan si ate?" Tanong ko sa kaniya at kahit labag sa loob niya ay tumango na lang siya sa harap ko. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya, tumayo ako at pinuntahan naman ang mga magulang ko na sobrang dismayado sa aksyon nila na nagdulot sa sitwasyon ko ngayon. "Pa," tawag ko sa kaniya habang nakatungo lang siya at hindi ako magawang tignan sa mata. Na tawa naman ako, kahit sabihing mataas ang rango niya ay para pa rin siyang bata kung umasta. "Wag mo na sisihin ang sarili mo, isipin mo na lang na gagawin ko ito para sa'tin at para matulungan ka. Alam kong pagod ka na rin maghanap ng kasagutan sa hirap na dinadanas na'tin ngayon kaya hayaan mong tulungan kita," sabi ko sa kaniya sabay yakap, iisipin ko na lang na tulong ko na rin 'to sa mga magulang ko na pagod na pagod na sa pagtatrabaho at pagtataguyod ng pamilya namin. "Pero marami pa akong pangarap para sayo Lucia, ayokong masayang ang buhay ng anak ko dahil lang sa utang at katangahan ko," sagot niya sa'kin at umiling ako. "Wag mong isipin 'yan papa, susubukan kong maging masaya sa piling ng duke." Isang kasinungalingan syempre, pano ba ko magiging masaya kung hindi ko naman mahal ang lalaking papakasalan ko at pano ako makakatiyak na makakatagal ako ng buhay sa puder ng lalaking iyon? Ngayon pa nga lang ay pinapakita niya na ang pagiging Tyrant niya, isipin mo pinasundo niya ako gamit ang karwahe niya na hindi man lang siya kasama. Ano ang dahilan? Simple lang naman! Ang sabi ng kutsero ay may iniinteroga at pinapahirapan pa raw ito, mga trabaho na kilala bilang gawain niya. Buti na nga lang hindi na rinig ng aking ama ang sinabi ng kutsero kung hindi baka pinigilan niya na talaga ako umalis at kinalaban ang duke na magdudulot sa kamatayan naming lahat kung sakali. Kaya mas mabuti na ako na lang ang maghirap kesa naman kaming lahat ng pamilya ko ang magbayad nito. Isa pa doble rin ang balik samin dahil sa pagpapakasal ko sa duke, halos bilyon ang ibinigay niyang dowry para sa'kin. Sobra na siguro 'yun para tuluyang makabangon ang pamilya namin. "Lucia, anak ko mag ingat ka doon ah." Tumango ako sa'king ina at muling bumalik sa harap ng karwahe saka sumakay dito. Ngumiti na lang ako sa kanila at kumaway habang umaandar papalayo ang karwahe, at nang makalayo na kami nang tuluyan ay doon bumagsak ang mga luha ko sa mata. Hindi ko na pinigilan pa ang paghagulgol ko habang tinatahak ang daan papunta sa bagong tahanan ko. Ang tanong, tahanan nga ba o magmimistulang kulungan ko? Hindi ko na alam ang sagot at hinayaan na lang ilabas lahat ng takot at sama ng loob ko sa buong byahe namin papunta sa Istvan Estate. Mga ilang oras pa siguro ng pag-iyak ko at pangangalay ng pwetan ko ay nakarating na rin kami sa tapat ng isang magarbo at napakalaking gate ng manor. Napalunok ako nang bumukas ito at sinalubong kami ng ilang guards na nakauniporme ng kulay itim at pula. Lahat sila ay sumaludo sa pagpasok ko at hindi ko alam kung ano ang iaakto ko, kahit kasi sabihin na anak ako ng baron ay hindi ko pa nararanasan ang dumalo o pumunta sa ganito kagarbong manor. Isa akong lady na hindi pala punta sa mga gathering ng emperyo o mga tea party ng iba't ibang house. Panay ang trabaho ko sa palayan namin at hindi iniintindi ang mga magagarbong bagay na katulad nito. Kaya parang panaginip na may sumalubong sa'kin na ganito kagarbo, pagparada pa lang ng magandang karwahe na 'to ay sinalubong na rin ako ng mga kasambahay nila. Lahat sila ay nakapila sa labas ng manor at nakayuko sa harap ko, mayroon ring pulang alpombra na nakalatag sa simento na siyang lalakaran ko papasok ng manor. Napalunok ako sa kaba, anong gagawin ko? Pano na lang kung magkamali ako ng lakad o hindi naman kaya ay hindi kaaya-aya ang pustura ko? Ito pa namang damit na suot ko ay halos paglumaan ko na dahil hindi na namin magawang bumili ng bago. Sana lang ay wag nila ako husgahan, sana wag nila akong maliitin dahil lang sa estado ng buhay namin ngayon. Huminga ako nang malalim saka ako bumaba sa karwahe, pinagbuksan ako ng pinto noong butler ng mansyon at inalalayan ako sa pagbaba mula sa sasakyan. Taas noo akong humarap sa kanila at kahit mapansin pa nilang hindi kagandahan ang damit ko ay dadalhin ko na lang ito at aaktong wala akong pakialam. Para sa ganun hindi nila maisip na dapat ako maliitin, papakita ko sa kanila na may ibubuga at may pinag-aralan ang pinagmamalaki na binibini ng Sullen. Nirerepresenta ko ang House Sullen dito at hindi ako papayag na maging dahilan pa ako para lalo nilang maliitin ang angkan ko! Kaya naman mahinhin akong naglakad sa pulang albombra at diretsyong tumingin sa entrance ng mansyon. Lahat sila ay yumuko sa harap ko at magalang na sinalubong ang bagong Duchess nila sa Istvan. "Magandang araw milady, maaring sumama po kayo sa'kin upang makilala ang Duke," sabi ng isa sa mga lalaking nakapila doon sa harap kanina, medyo may katandaan na siya at mukhang siya ang kanang kamay ng duke. Tumango ako ngunit na pansin kong kulang ang pagtrato niya sa'kin, hindi niya binigay ang kaniyang pangalan na nagsasabing wala siyang pakialam sa taong nasa harap niya. Mahabagin! Unang araw ko pa lang sa mansyon na ito ay minamata na nila ako, wala pa ngang araw eh kung hindi minuto pa lang ng pag-apak ko sa manor na ito! "Teka lang," pigil ko sa kaniya dahil na uuna na siyang maglakad, pumamewang ako sa harap niya at tumingin nang diretsyo sa mga mata niya na kinagulat niya. "Hindi ba't kailangan mo muna magpakilala sa'kin?" Tanong ko sa kaniya at napaayos siya ng kaniyang salamin. "Paumanhin milady. Ako po si Hanes James ang kanang kamay ng Duke," sagot niya at mukhang sinsero naman ang paghingi niya ng paumanhin kaya nginitian ko siya at tumango sa kaniya. "Kinagagalak ko kayong makilala sir Hanes," sagot ko at mukhang na gustuhan niya ang pagtrato ko sa kaniya. Sinamahan niya kong pumunta sa opisina ng duke at hindi ko alam bakit tila kinakabahan na ko ngayon. Lucia! Na saan na ang tapang na pinapakita mo kanina? Bakit parang na bahag ang buntot ko nung sinabi niyang malapit na kami sa kinaroroonan ng duke? "Milady, maaring kumapit po kayo sa gilid ng daan dahil magiging madilim ang tatahakin na'tin papunta sa atik ng mansyon," sabi niya na kinalaki ng mata ko. Te-te-teka? Bakit sa atik? Wag mong sabihin na diretsyo bitay na agad ako nang hindi ko man lang na iihiga ang katawan ko sa malambot na higaan ng manor na ito? Bakit sa atik? Doon ba siya nagtatrabaho? Ano ba talaga ang duke ng Istvan? Bakit pakiramdam ko nalalapit na ang kamatayan ko? "Malapit na tayo Milady," sabi niya at tumigil kami sa isang malaking pintuan na nasa dulo ng magandang pasilyo na ito. Sa sobrang ganda ng kapaligiran ay hindi mo aakalain na pagbukas ng pituan na ito ay tanging kadiliman lang ang makikita mo. Kumuha siya ng isang posporo sa kaniyang bulsa at sinindihan ang isang sulo na nakasabit sa dingding, pagkasindi niya doon ay kumalat ang apoy pababa ng hadgan na nagsilbing ilaw namin sa madilim na kapaligiran. "Tara na po my lady, nag iintay na po ang duke sa baba," pagkasabi niya noon ay otomatiko akong napalunok at nanlamig ang buong sistema ko. Sigurado ba siyang duke ang kikitain namin sa baba ng madilim na hagdan na ito? O isang demonyo? TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD