Chapter 2

1034 Words
KINABUKASAN sa loob ng kampus. Nagkunwari si Nero na hindi niya nakita sa bar si Alvea ng nagdaang gabi. "Babe, bakit panay ang hikab mo?" Tanong ni Nero sa kanyang kasintahan ng mapansin nito ang panay-panay na paghikab at pasimpleng pag hilot ng sintido. "Ha? Ah wala, napuyat lang ako kagabi sa pag review ng exam's natin mamaya," pagsisinungaling ni Alvea kay Nero. "Ganun ba?" Maikling sabi ni Nero, tela nagdaramdam na ang binata sa pagsisinungaling ni Alvea. "May lakad ka ba mamaya?" Dagdag pa na tanong ni Nero. "Ahm… meron, may kikitain ako mamaya." Nauutal na sambit ni Alvea. "Sino?" Takang tanong ng binata. "Si ano… ahm si Jelay, oo mamaya." Hindi na nagsalita pa si Nero. Halata kasi na nagsisinungaling na naman si Alvea sa kanya. Bagkus ay tumikhim nalamang siya at inayos ang pagkaka upo sa kanyang upuan at kunwari ay may sinusulat sa kanyang papel. Ilang minuto na nanahimik si Nero at hindi na munakinibo ang kasintahan hanggang sa nag umpisa ang klase at natapos. Oras na ng uwian at sinadya niyang hindi na sumabay sa pag uwi ni Alvea. Ang balak niya ay sundan si Alvea kung saan na naman ito pupunta kasama ang kaibigan nitong si Jelay na tanging nakakaalam kung ano ang plano ng kanyang kasintahan. Hindi rin tumanggap ng raket ngayon si Nero dahil balak nga niyang sundan si Alvea. Sumakay ng traysikel si Alvea at Jelay na sinundan naman ni Nero na sakay din ng isa pang traysikel, naka sumbrero na itim ang binata para hindi siya makilala ng dalawang babae. Pumasok ang traysikel sa isang subdivision na malapit sa kanilang lugar, mabuti at madali lang makakapasok ang mga tao rito dahil hindi naman exclusive ang subdivision. Hanggang sa huminto ang sinasakyang traysikel ni Alvea at Jelay sa isang malaking bahay. Nagpa hinto naman si Nero sa may hindi kalayuan at mataman lang niya lang pinag masdan ang dalawa ng humarap ang mga ito sa harap ng gate at tela pumindot ng buzzer sa gate. May isang katulong na nagbukas ng gate at pinapasok ang dalawang babae. Halos isang oras ang itinagal sa loob ni Alvea at Jelay bago lumabas ang mga ito na nakangiti. Si Alvea ay may bitbit ng maliit na maleta at isang maliit na subring kulay brown. Hinayaan lamang ni Nero ang dalawa hanggang sa nakauwi na sila sa kanilang bahay. Kinagabihan ay hindi mapakali si Nero, hindi siya makatulog. Naisip niya na bumangon na lamang sa kanyang hinihigaang papag at naus muna niyag magpahangin sa labas. Pagkalabas niya ay umupo siya sa isang kahoy na upuan sa labas ng kanyang barong-barong, may mga mangilan-ngilan na mga taong dumadaan sa maliit na kalsada. Ilang saglit lang ay naagaw ang pansin niya sa lalaking lumapit sa kanya. "Nero, mabuti at gising ka pa." Hingal itong nagsalita ng makalapit kay Nero. "Bakit? Bakit hinihingal ka?" Nagtataka na tanong ni Nero kay Renzo, isa sa mga kaibigan ni Nero. Kasa-kasama niya lagi sa kanyang mga raket. "Si Alvea, halika dali!" Tela nagmamadali na hinawakan ang kanyang kamay sabay hinila siya at patakbo silang umalis papunta sa kung saan. "Saan ba tayo pupunta? May nangyari ba kay Alvea?" Magkasunod na tanong ni Nero kay Renzo. Ngunit hindi siya sinagot ng kanyang kaibigan, seryoso lang ito na naglalakad habang hila-hila siya sa kamay. "Renzo! Hoy!" Ulit pa niya, ngunit nanlaki ang kayang mata ng huminto si Renzo at tama naman na nakita niya si Alvea na lumabas ng bahay na tinitirhan ng dalaga at may hila na maleta. "Nero?!" Tela gulat na sambit ni Alvea sa pangalan ng binata ng makita itong nakatayo sa kanang likuran. "Alvea, anong? Saan ka pupunta?" Nagtataka si Nero dahil bihis na bihis ang dalaga at bitbit ang maleta na nakita niya kanina ng sundan nito ang kasintahan. "Nero, aalis na ako." Nakayuko na sabi ni Alvea. "Bakit? Saan?" Lumapit si Nero sa dalaga. Tela namamasa ang mata. "Saan ka pupunta Alvea?" Tanong muli ni Nero. "Pupunta na ako sa Amerika," nakayuko at sa lupa ang tingin ni Alvea. Hindi nito makuhang tumingin sa binata. "Bakit? Alvea, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Nero. Marami siyang gustong itanong sa dalaga ngunit pinapangunahan na siya ng kanyang naninikip na damdamin. "Sorry, Nero… kasi, wala akong lakas ng loob na magsabi sayo. Inisip ko na mabilis mo naman ako makakalimutan kapag nawala na ako," saad ni Alvea sabay ng pag pahid nito ng luha. "Alvea, nakita kita sa bar ng nakaraang gabi. Lasing na lasing ka, hindi ako lumapit kasi baka magalit ka sakin at isipin mo na sinusundan kita!" Sambit ni Nero sa dalaga sa garalgal na boses. Nagtaas ng ulo si Alvea at tumingin kay Nero. "Paano mo nalaman na nandun ako?" Nagtataka na tanong ni Alvea. "Nandun ako dahil sa rakit ko, sebidor ako duon ng gabing nandun kayo ni Jelay at ang mga kasama niyo," paliwanag ni Nero. "Si Jelay, nagpa despedida sa akin." At tumingin si Alvea ng bahagya sa gawi ni Jelay na nakatayo sa may tarangkahan ng bahay nito. Simula ng mawalan ng magulang si Alvea at tirahan ay nakatira na siya sa bahay ni Jelay. Dahil sa kilala na ng magulang ni Jelay si Alvea ay pumayag na ang mga ito. Kaya si Jelay ang laging kasama ni Alvea sa kahit na saang lakad ng dalaga. Tumikhim nalamang si Jelay ng tingnan siya ni Alvea at ni Nero. "Hmmm!" At nag peace sign pa sabay ngumisi. "Paano? Paano ka aalis Alvea?" Naguguluhan parin na tanong ni Nero. "Nero, may umampon na sa akin… at isasama ako sa Amerika." Malamlam ang mga mata ni Alvea na tumingin kay Nero. "Duon na sila maninirahan kasama ako, duon na rin ako mag aaral." Sabay ng pagtulo ng luha ni Alvea at agad naman niya itong pinunasan. "Alvea, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Hinawakan ni Nero ang kamay ng kasintahan. "Sana, sinabi mo agad sa akin na aalis ka. Nang sa ganun Alvea ay alam ko, at nakapag handa ako sa iyong pag alis. Hindi ganito Alvea, ang sakit!" Saad ni Nero na umiiyak at sinusuntok ang sariling dibdib dahil sa halos hindi na siya makahinga at sinasabayan pa ng kanyang pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD