Chapter 1

1246 Words
"Alvea Lyn!" Biglang napalingon si Alvea sa kanyang likuran ng marinig ang sigaw ni Nero na tinatawag ang kanyang pangalan. "O, Nero. Bakit ngayon ka lang? Natapos na ang isa nating subject," pakli ni Alvea ng maka lapit na si Nero, hingal na hingal si Nero na tumabi sa kanya. "Kaya nga eh, kaka out ko lang kasi sa panibago kong pinasukang trabaho." Hingal patin na saad ni Nero, ipinatong niya ang kanyang bag sa paanan niya. "Part time lang, pandagdag sa konsumo ko," dagdag pa ni Nero sa matalik niyang kaibigan na si Alvea. "At ano na naman klase ng trabaho yan?" Kunot noo na tanong ni Alvea na tiningnan si Nero. "Taga hugas ng plato duon sa karinderya ni Aling Myrna." Saad pa ni Nero. Kasalukuyan silang nasa kantina dahil breaktime at habang hinihintay ang susunod na klase. "Baka naman… wala ka ng pahinga sa dami mong raket?" Giit pa ni Alvea at sumimsim ng softdrinks. "Okey lang yan, importante sakin ang pera para sa pag aaral ko sa susunod na taon at balak ko rin kasi mag ipon, malapit na tayo mag senior high diba?" Saad ni Nero kay Alvea matapos ilabas ang baon niyang pagkain na ngayon lamang niya kakainin. Ika Sampo na ng tanghali at hindi pa siya nag aagahan dahil sa paghahabol niya sa oras upang makapasok siya sa eskwelahan. Pang gabi siya sa trabaho niya, dahil beynte kwarto oras na nakabukas ang naturang kantina, ika sampu ng gabi siya pumapasok at ika siyam naman ng umaga siya lalabas. Sa susunod na buwan ay magtatapos na sila sa ikasampung baitang sa sekundarya. Tatlong buwan ang nakalipas ng magkaroon ng sunog sa kanilang lugar habang nasa eskwelahan sila ay natupok ang kanilang bahay at pareho silang naulila ni Alvea. Magkababata silang dalawa at bestfriend ang turingan nilang dalawa. Ngunit noong nakaraang buwan, ng dahil sa lungkot na kanilang karanasan ay pareho silang nagtapat sa kanilang sarili ng kanilang pagmamahal sa madaling sabi ay isang buwan na silang magkasintahan, at parehong nangako sa isa't-isa na magpupursige silang makapag tapos sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho upang makaahon sa hirap ng buhay at magsama ng may ipon at may sariling tahanan. "Oh, siya kumain kana. Bilisan mo at mamaya lang ay baka mag ring na ang bell... teka!" Saad ni Alvea, ngunit may bigla siyang naalala. "Nag review ka ba? May exam tayo sa susunod na subject natin diba?" Dugtong ni Alvea kay Nere at seryusong tinitigan si Nero. Tumango naman si Nero. "Oo, nag review ako habang naghuhugas ng plato," sambut ni Nero at sinabayan pa niya ng pag kindat ng isang mata. "Alam mo naman ang madiskarte mong boyfriend," saad ni Nero at tinataas baba pa ang kanyang mata kasabay ng kanyang pag ngiti. Si Nero ay isa sa mga pasok sa top 3 sa kanilang klase. Kahit na may mga late at absent siya ay bumabawi naman siya sa mga exams at proyekto. Ilang saglit pa ay tumahimik si Alvea ngunit kanina pa napapansin ni Nero na parang balisa si alvea, tela may sikreto itong itinatago sa kanya. "Babe, may problema ka ba?" Biglang napatanong si Nero ng matapos siyang suminsim ng tubig. "Ha? W-Wala," nauutal na sambot ni Alvea. "Kanina ka pa kaya balesa, kahit nag uusap tayo ay dika mapakali dyan sa upuan mo at kanina ka pa panay tingin sa cellphone mo," giit ni Nero na mataman na pinagmasdan si Alvea. "Wala, may hinihintay lang akong text." "Kanino?" Pakli ni Nero. "Ka-kay ano… kay Jelay," nauutal na sabi ni Alvea. "Ah, yung bestfriend mong babae, may lakad ba kayo katapos ng klase?" "Uhm, O-oo meron," nag aalangan na ngiti ni Alvea kay Nero na agad namang tinanguan ng binata. "Okay sige, anong oras ba kayo mamaya? Baka free time ako, samahan ko na kayo." Saad ni Nero habang isinilid sa plastik bag ang desposabol na tupperware na pinaglalagyan niya ng baong pagkain. "Ah, hindi na. Girls only lang, sa susunod isasama na kita." Pag tanngi ni Alvea kay Nero. "Okay sige, tara na…" alangan na ngiti ni Nero. Tumayo na sila at naglakad palabas ng kanten. Naging tahimik si Nero habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom. Alam niyang mag tinatago si Alvea, kilala na niya ang kasintahan. Sa tinagal tagal ng kanilang pinag samahan ay saulado na niya ang ugali ng dalaga. Ngayon lamang ito nagkaganyan, dati-rati ay lahat ng lakad ni Alvea ay kasama siya at kung abala man siya sa kanyang rakit ay naghihintay sa kanya ang dalaga para makasama siya. Ngayon ay nagawa ni Alvea na tanggihan siya sa kanyang pagsama sa dalaga. Habang sila ay naglalakad ay napatkhim si Nero at lumapit sa kasintahan at inakbayan niya ito dahil dumaan sila sa nakatambay na mga lalaki sa koredor. Tela binakod niya ang dalaga at nagpapahiwatig na pagmamay ari na niya ang dalaga. Pasipol-sipol pa siya habang nakatingin sa kanila ang apat na lalaking nakatambay. Ng malayo na sila ay saka lang niya binitawan ang dalaga at maya-maya lang ay nasa tapat na sila ng pinto ng kanilang classroom. Unang pumasok si Alvea ng makita niya si Jelay na kumakaway sa kanya. Agad-agad na nilapitan ni Alvea si Jelay upang kontyabahin ang dalaga na mag sinungaling kay Nero tungkol sa lakad na inimbento ni Alvea, na ang totoo ay wala naman talaga. Si Nero ay pumwesto sa likurang upuan ng dalawang babae. Habang nag uusap si Alvea at Jelay ng pabulong ay pangiti-ngiti naman si Nero at nilalaro pa nito ang hawak nyang ballpen. Ilang saglit ay natapos ang kanilang klase at nagpaalam si Alvea na mag banyo kaya nagawa na ni Nero ang plano niya na laputan si Jelay at tanungin ito tungkol sa lakad nila ni Lavea. "Jelay," tawag ni Nero sa kaibigan ng kanyang kasintahan. "Oh, hi Nero… lalo kang guma gwapo ah," malanding sabi ni Jelay. "Saan ang lakad niyo ni Alvea?" Pakli ni Nero. "Lakad?" Kunot noo na sambit ni Jelay. Tela malalim na nag iisip. "Ahh oo, lakad… mag mall kami, window shopping, girls only," naka ngising sabi ni Jelay. "Bakit kaya ayaw akong isama nun," napapa kamot sa batok na sambit ni Nero. Ganun pa man ay inintindi na lamang niya ang kasintahan, dahil naisip niya na baka gusto lamang nitong subukang mag gala na hindi siya kasama. Ar makalipas nga ang mga oras ay abala na naman siya sa kanyang rakit. Kasalukuyan siya ngayon serbidor sa isang night bar, ika siyam na ng gabi at pinagsisilbihan niya ang mga VIP kustomer ng bar. Ngunit sa kanyang pagiging abala sa gawain ay may naaninag siya na dalawang babae na kilalang kilala niya, at may kasama pa ang mga ito na iba pang babae at may lalaki rin. Akma na sana niyang lalapitan ang mga ito ngunit, umatras siya. Ayaw niyang mag eskandalo sa naturang bar at baka mawalan siya ng isa sa mga raket niya, mababawasan ang kinikita niyang kakarampot na pera. Gayun pa man, kahit na abala siya sa kanyang trabaho ay hindi niya maiwasan na tingnan si Alvea sa di kalayuan habang nagkakasiyahan kasama ng mga kaibigan. Lasing na si Alvea, habang si Jelay ay nakikipag laplapan na sa isang lalaki na kasama nila. Ngayon lamang niya nakita na nag lasing ang kasintahan, hindi niya alam ang dahilan ngunit batid niya sa kanyang sarili na may tinatago ito. Binabantayan niya ang dalaga at baka mayroong mag kamali na lumapit dito at agad niya itong poprotektahan sakali man may mang bastos sa kanyang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD