Chapter 3

1241 Words
I'm sorry Nero." "Sorry?" Bahagyang napa lakas ang boses ni Nero at medyo naninikip na rin ang kanyang dibdib. "Ang sakit Alvea, aalis ka ng hindi ko alam tapos sorry lang ang sasabihin mo? Kung hindi dahil kay Renzo ay hindi ko pa malalaman na aalis ka! Ano ba ako sayo Alvea?!" "Nero, makakahanap ka pa ng ibang babae. Sorry pero kailangan kong sumama sa bago kong magulang, ang umampon sa akin," giit ni Alvea na umiiyak. "Ngunit bakit? Naiintindihan ko Alvea na sabik ka magkaroon ulit ng magulang, tulad ko gusto ko rin magkaroon ulit ng magulang. Pero bakit naman aalis ka pa?" "Kailangan Nero. Alam mong pangarap ko rin na umangat sa buhay, at ito na yun! Sila ang magiging tulay ko para umangat at hindi ako magdadalawang isip na e grab iyon! Nero sana naman maintindihan mo ako," malakas na rin ang boses ni Alvea ngunit umiiyak. Sa gilid ay nakikinig lang si Jelay at si Renzo. "Alvea, hindi mo kailangan ang ibang tao para umangat sa buhay, may ibang paraan Alvea. May plano na tayo Alvea na sabay tayong magtatapos ng pag aaral at hahanap ng magandang trabaho, may plano tayo diba? Alvea?" Bigla ay niyakap ni Nero si Alvea. "Alvea, please wag mo naman ako iwan ng basta-basta na lang, may pangarap man tayo pero sabay nating aabutin yun. Please Alvea, ikaw nalang ang meron ako, wag naman sana na mawawala ka rin," umiiyak na pakiusap ni Nero sa kanyang kasintahan habang nakayakap sa dalaga. "Nero, sorry pero buo na ang desisyon ko. Maraming babae ang pwedeng mag tuloy at bumuo ng pangarap natin… Nero. Hinihingi ko ang pag intindi mo, nakikiusap ako na hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin dahil ito ang makakabuti sa akin, at pangarap ko to," sambit ni Alvea habang kumakalas mula sa pagkakayakap ni Nero sa kanya ng mahigpit. "I'm sorry Nero, pero kailangan ko ng umalis at hinihintay na ako nila mommy at daddy," sabay ng pagtalikod ni Alvea ang panlalambot ng mga tuhod ni Nero. Mabilis naman ang kilos ni Renzo at hinawakan sa balikat si Nero upang hindi ito bumagsak sa lupa. Ngunit nagkaroon ng lakas si Nero upang habulin si Alvea. Niyakap ni Nero si Alvea mula sa likod saka nagsalita. " Tandaan mo Alvea, lumayo ka man. Mananatiling ikaw lang ang naka baon dito sa puso ko. Alvea, mahal na mahal kita hinding hindi kita makakalimutan hanggang sa itong pagbabalik. Alvea, sana magawa mo ring baunin ang aking puso at manatili rin na nakabaon dyan sa puso mo. Paalam Alvea, magiingat ka sa iyong panibagong buhay." Pagoa tapos magsalita ni Nero ay binitawan na niya si Alvea at sabay talikod at mabigat ang mga paa na naglakad palayo. Samatalang si Alvea ay naninikip ang dibdib at pigil na nagsipatak ang mga luha. Masakit man sa kanya ang lisanin si Nero ngunit kailangan niyang tuparin ang ipinangako sa sarili na hindi siya mananatili sa kahirapan. Nais niyang umangat sa buhay tuparin ag pangarap maging isang sikat na designer o kaya naman isang sikat na modelo. Sa isip niya kung mananatili siya sa marihap na buhay ay mahihirapan siyang tuparin ang pangarap niya lalo pa at mag isa na lamang siya at wala ng iba na tutulong sa kanya sa kanyang pag aaral. Kaya naman ng may mag asawa na naghahanap ng isang anak na babae ay agad niya itong sinunggaban at tuwang tuwa siya na siya ang napili sa limang kababaihan na pinagpilian ng mag asawa. May edad na rin ang mag asawa kaya dalaga na ang gusto nilang maging anak ng sa ganun ay meron ding aagapay sa kanila sakali man na tumanda na sila pareho ilang taon na lang ang lilipas. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alvea bago niya muling inihakbang ang kayang mga paa papalayo. Dala niya ang pag asa na matutupad ang kanyang pangarap sa kanyang pag alis. Hindi na rin niya nakuha pa na lingunin si Nero na hindi niya alam kung saan na ito nagpunto ng maramdaman niya ang pag layo nito sa kanya kanina. "Bye Alvea Lyn, ingat ka! Good luck sa bagong buhay mo sa Amerika!" Rinig niyang sigaw ni Jelay. Hindi na rin niya ito nilingon, hanggang sa makasakay siya ng traysikel. Si Nero ay bumalik sa kanyang tahanan. Tulala at parang walang lakas na ibinagsak ang katawan sa matigas na papag na kanyang tulugan. Hindi na niya nakuhang isara ang pinto ng kanyang barong-barong. Samantalang hindi namamalayan ni Nero na sinundan pala siya ni Jelay habang nakasunod din si Renzo na minanmanan lang si Jelay. Alam ni Renzo ang ugali ni Jelay kaya hinayaan na lamang niya ito at iniisip niya na lang na makakatulong naman siguro si Jelay na pagaanin ang loob ni Nero. Pagpasok ni Jelay sa bahay ni Nero ay agad na isinara nito ang pinto at inilock. Si Nero ay gising ngunit nakahiga sa papag ng nakatihaya, nakatingin sa pinagtagpi-tagping kisame, tulala. Lumapit si Jelay at umupo sa tabi ni Nero. "Nero? Gusto mo ba ng tubig?" Pakli ni Jelay. Hindi sinagot ni Nero si Jelay, bagkus ay tinalikuran niya si Jelay. Ito rin ang naging hudyat para magawa ni Jelay ang kanyang namumuong plano. Nuon pa man ay gusto na niya si Nero ngunit dahil kaibigan ni si Alvea ang natatanging mahal ni Nero ay hindi siya gumawa ng paraan para lumapit sa binata. Ngunit ng malaman niya na aalis si Alvea ay lihim siyang natuwa dahil sa wakas ay matutuloy na niya ang kanyang plano na paibigin ang binata o agawin kay Alvea ang matalik niyang kaibigan. Humiga si Jelay sa tabi ni Nero at dahan-dahan na tinaas ang kamay ay nilagay ito sa bewang ni Nero saka idinikit pa ni Jelay ang kanyang katawan sa likuran ni Nero. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni nu Nero ay nagulat siya sa ginawa ni Jelay kaya naman napabalikwas siya. Bumangon siya sa pagkakahiga sabay ng pag tanggal niya sa nakapulupot na kamay ni Jelay sa kanyang bewang. "Jelay, anong ginagawa mo?!" Asik at kunot noo na tanong niya kay Jelay. "Gusto lang kita e comfort Nero," tela nang aakit na sambit ni Jelay. "Ganyan ba ang paraan mo sa sinasabi mong comfort?" Tela galit na tanong ni Nero sa dalaga. "Sabi kasi nila mas mabilis daw maka pawi ng lungkot pag ganun," pangangatwirang sambit ni Jelay. "Jelay, umalis ka na!" Pagtataboy niya sa dalaga sabay turo sa pinto. "Hindi ko kailangan ang comfort na sinasabi mo! Please!" Pakiusap ni Nero, dahil ayaw niyang makagawa ng kasalanan. Kakaalis lang ni Alvea at nangako siya na ito lamang ang babae sa buhay niya, tapos ito ngayon si Jelay at parang ahas na kumakapit sa kanya at nagsasabing papawi sa lungkot niya. "Nero, please… subukan lang natin baka gumana," lumapit pa si Jelay kay Nero at hinawakan pa nito ang binata sa bewang gamit pinulupot nitong braso sa bewang ni Nero. "Jelay! Lalabas ka o itutulak kita palabas ng bahay?!" Tela galit na sambot ni Nero. "Okay sige! Fine suko na agad ako, ito na lang uminom tayo, treat ko. Sama natin si Renzo para wala kang ipag alala sa akin," saad ni Jelay. Ilang sandali pa ay dumating na si Renzo at may bitbit na itong alak. Tahimik lang si Renzo. Si Nero ay wala ng nagawa sa desisyon ni Jelay, uminom na lamang siya ng alak. Gusto rin naman niya na maibsan ang lungkot na nadarama dahil sa paglisan ni Alvea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD