Chapter 9

2525 Words
I waited for Stu all day inside his penthouse, but he didn't show up. I was wondering, did he get in trouble or what? At first I thought, umalis lang siya para bumili ng pagkain kasi puro beer ang nasa loob ng fridge niya. I even took a shower and wore his black t-shirt. Wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng t-shirt niya dahil pina-dry cleaning ko muna. Kaya habang naghihintay ay nilinis ko ang buong penthouse niya. Pati kasuluksulukang ng nga furnitures niya ay pinakintab ko rin. Wala akong pinalampas na kahit anong alikabok. I was thinking these simple things could make him happy. Even though wala naman talagang lilinisin dahil may nagme-maintain namang maglinis ng penthouse niya. Prinsesa ako sa mansyon namin pero dahil sa yaya ko ay natuto akong maglinis. Maganda raw kasi sa babae ang masinop. Nakaupo lang ako sa couch sa may living room niya. Nakapatong ang mga paa ko sa couch habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. I’m already wearing the clothes I wore last night. I waited and waited at kahit na gutom na gutom na ako ay tiniis ko ‘yon. Hindi na rin ako nagpa-room service dahil ayokong masayang ang dadalhin niyang pagkain. I looked at the wall clock that was hanging above the tv. It’s already 9 PM. It's getting late and yet there's still no signs of Stu. Tiningnan ko ang hawak kong cellphone. Nagbabakasali ako na may text message doon, pero wala akong makita. Ni tawag, wala. Unti-unting nanikip ang dibdib ko. Ayaw kong mag-overthink pero ano ba ang dapat kong gawin? Napakapit ako sa dibdb ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit niyon na para bang sinaksak ng ilang ulit. Unti-unti nang tumulo ang luha ko. This is absurd. May mga bagay talaga sigurong kahit anong gawin mo ‘di mo talaga makukuha. I should perhaps let it go. Move on na lang siguro or sasabihin ko na lang kay Stu ang totoo maybe he'll understand. Magagalit man siya pero baka naman mapapatawad niya ako or kung hindi naman magfa-file na lang ng annulment. It’s just I couldn’t take it anymore. Litong-lito ang isip. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko at inapak-apakan pa. I decided to get my things. Uuwi na lang ako sa mansyon namin. Doon muna ako magpapalipas ng sama ng loob hanggang sa makakuha na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Stu ang totoo. Alam kong magagalit si Tita pero bahala na kaysa sa naman ganito ang mararamdaman ko. I felt so small. I never thought I could be this low. Trick your best friend because you're madly in love with him. I thought spending a night with him would change anything. But I’m wrong, so wrong. Nilibot ng paningin ko sa loob ng silid penthouse. I looked at the wall clock, pasado alas doce na pala. Napangiti ako nang mapait. Buong araw na pala akong hindi kumakain and yet, heto ako at parang tanga na naghihintay sa wala. Ano’ng ka-martyr-an na naman ito, Shin? Malalim akong napabuntong-hininga. Tuluyan na akong lumabas ng penthouse at dire-diretsong naglakad sa elevator. Panay ang punas ko sa mukha ko. Kainis kasi na luha ‘to. Hindi maampat-ampat sa kakatulo. I'm so heartbroken. Paglabas ko ng elevator ay napansin kong marami pa ring tao ang paaroo’t-parito sa lobby, pero wala na akong pakialam sa kanila. Kahit hindi ko sila tingnan ay alam kong iisa lang ang iniisip nila. Awa para sa akin, Well, they can stare at me all they want. Mas masakit ang puso ko kaysa sa intindihin pa ang iniisip nila. Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng hotel. Nagpahatid ako sa mansyon namin. Wala pa ring tigil sa kakatulo ang mga luha ko. Pati ang driver ay nasisilip kong panaka-nakang tumitingin sa akin mula sa rearview mirror. Pero gaya sa hotel ay wala pa rin akong pakialam. Eh, ano ang gagawin ko kung ayaw huminto sa katutulo ang mga luha ko? Dire-diretso lang akong pumasok ng bahay pagkatapos magbayad sa driver. Agad tumalima ang mga guard nang makita ako at binuksan ang gate. May parang tower kasi sa gate kung saan nakatambay ang dalawang guards ng mansyon. Overlooking ‘yon sa labas para makita at mabuksan agad nila ang gate. Spanish style ang mansyon namin kaya napakalawak nito. Medyo malayo-layo rin ang lalakarin mula sa main gate patungo sa mismong bahay, pero ‘di ko na inalintana iyon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako ng mansyon. Alam kong nagtataka sila bakit ako umuwi at umiiyak pa. ‘Di ko sila binigyang pansin kahit pa binati nila ako ng 'magandang gabi'. Tuloy-tuloy lang akong umakyat sa grand staircase hanggang sa marating ko ang kwarto ko. My eyes widened the moment I opened the door. ‘Yong mga luha ko bigla umurong sa pagtulo. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay naghaharutan na naman. Hindi ko aakalain na ang taong iniyakan ko ay makikita ko sa loob ng kwarto ko Nakaupo siya sa ibabaw ng aking kama. Nakayulonsiya habang nakasabunot sa buhok niya.. Gulong-g**o na rin ang buhok niya at parang hindi pa siya naliligo. ‘Yong suot niya kagabi ay siyang suot niya pa rin ngayon. Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha. Una kong nakita ang mga mata niyang nagsusumamo. Humihingi ng tawad ang mga mata niya. At least, ‘yon ang interpretation ko sa tingin niya sa akin. Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Siya naman ay kaagad na tumayo nang makita ako. Walang sabi-sabi na sinalubong niya ako ng yakap. At parang naging hudyat pa iyon para magbukas na parang gripp ang mga luha ko. I cry even more. "Shh... I'm sorry. Tahan na. ‘Wag ka nang umiyak, please?" malumanay niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko. ‘Di ako nagsalita niyakap ko lang din siya pabalik. Nananakit na ang mga mata ko sa kakaiyak at halo wala na akong makita. Pero parang walang balak tumigil ng mga luha ko. "Tahan na... Ang laki mo na't lahat uhugin ka pa rin," he tried to joke. I didn't respond. I’m just so happy that he's here. I thought it was the ending, but it seemed like it was just the beginning. Akala ko talaga wala ng pag-asa. Iginiya niya ako ulit sa kama. Hindi ko maiwasang mag-isip ng green dahil sa ginawa niya. Gagawin ba namin ulit? Halos gusto kong kaltukan ang sarili ko nang umupo lang naman siya sa kama. Pero ganoon din ang gulat ko nang pinaupo niya ako sa mga hita niya. Ipinalibot niya ang mga braso sa bewang ko at pinagdikit ang mga katawan namin. Nakasubsob lang ako sa balikat niya. He raised my chin so that I could meet his eyes. He took his handkerchief out from his back pocket and wiped my tears away. He then gave it to me. Tinanggap ko naman ‘yon at tiningnan lang siya habang sumisinghot. He sighed. Masuyo niya akong tiningnan, punong-puno ng pang-uunawa. "I'm sorry if I left you there,” aniyang malalim na bumuntong hininga. “I'm sorry if I didn't leave any message. To tell you honestly when I woke up, I panicked. I don't know what to do. Magkapatid tayo sa mata ng batas. And I felt so bad because I did those things to you. I shouldn't have done those. ‘Di ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin kagabi at kahit ano’ng control ang ginawa ko, I end up taking you. I couldn’t accept the fact that I'm the one who popped your cherry. Kaya umalis agad ako. I have to calm myself first. Naglibot-libot muna ako to clear my mind pero ‘di ko pa rin mapatawad ang sarili ko. I'm so sorry, Shin. I'm really sorry.” Kinuha niya ulit ang panyo sa kamay ko. Ginamit niya iyon para punasan ang basa kong pisngi. “Please don't cry. I'm such an a-shole to do it. Sising-sisi ako, Shin. Can you please forgive me?" Hindi ko pa rin siya sinagot. Yumuko ako ulit. Kasi para sa akin wala naman siyang dapat ipag-sorry. I planned it all. I was just so hurt na akala ko isang malaking failure ang plano ko. Good thing na parang hindi naman pala. I know this is so wrong, but I'm seeing hope. Kaya nagkalakas ako ng loob na ituloy ang plano. Bahala na… I’m just hoping na magbunga ang ginawa namin. "Shin, magsalita ka naman, oh. Galit ka ba sa akin? I'm really sorry,” aniyang itinaas ulit ang baba ko para matitigan ako sa mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. "How did you know I'll be here?" I ignored his questions once again, and instead, I asked him. "I actually didn't know. I was just hoping you'd be here. Aalis na nga sana ako after thirty minutes. Kung ‘di ka pa rin dumating, hahanapin kita. I know I shouldn't have done that. I'm really sorry. Let me know how I can make it up to you.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil ang mga ito nang mahina. “I don't want our relationship to be awkward. We're supposed to be siblings, and you're so special to me, not just someone I can make my bed warmer." Tumitig ako sa mga mata niya. Mataman niya rin akong tinitigan. Para kaming nasa staring contest. ‘Yon nga lang ang mga tingin niya ay nagsusumamo. Napabuntong-hininga ako. Gosh! Gusto ko pa sana magpabebe pero how can I resist him? Goodness ang rupok mo talaga, Shin. Ang sarap talagang kaltukan ang sarili ko. "I didn't know you were righteous, Stuart,” mahina kong tugon. Naiiling pa ako. Nagliwanag ang mukha ni Stu. I guess he already knew what I was thinking. "As much as possible when it comes to you, I want to be righteous. So, whatever you want me to do, I will do it. I'll be your slave. Just don't ask for my body and my big guy down there,” biro pa niya. He's trying to lighten the mood. At dahil sa sinabi niya, I can't help but think of other ill ways to make him fall for me. The mission of how to make him fall in love with me is still up. I bit my inner cheek. What a sly fox you are, Shin. “SO, may nangyari na pala sa inyo ni Stu?" nakangiting tanong ni Mommy Angela nang makabalik ito mula sa outside the country conference nito. Halatang tuwang-tuwa ito sa nalaman. Nagtanong kasi ito kung bakit hindi ako umuwi sa masyon nila. Kahit hindi ko iyon nasabi sa kanya, mukhang ang mga katulong ang nagsumbong. And I told her the truth. Nasa office niya ulit kami at magkatabing naupo sa couch. "So, I assumed na may laman na ang tiyan mo?" dagdag na tanong pa nito sabay simsim ng hawak nitong wine glass. Isang buwan na rin kasi ang nakaraan nang mangyari iyon. Napabuntong hininga ako. "Hindi po, Mommy. Dinatnan po ako ngayon," malungkot na tugon ko. Nasa office niya kami sa loob ng bahay. Sumama ako kay Stu noong nagkita kami sa bahay ng parents ko. Hind kasi siya pumayag na nandoon lang ako kasama ang mga katulong. "So, why are you just telling me now?" aniyang ipinatong ang kopita sa ibabaw ng center table. Naka-dekuwatro siyang humarap sa akin at ang mga kamay niya ay maayos na nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita. Poker face siyang nakatingin sa akin. Kaya hindi ko malaman kung galit ba siya o hindi. But knowing Mommy Angela, she can’t get mad at me. I bit my inner check. I know Mommy Angela has my back, bit for some odd reason, ang lakas ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya. "You've been very busy, Mommy, and I don't want to be a burden. I thought I could do this alone. But I really need your help." "I'm all ears." "Simula kasi noong may mangyari sa amin ni Stu. ‘Di na siya pumapayag na uminom kasama ako or kahit man lang mapatabi sa kahit anong klaseng alak. I think iniiwasan niya talaga na may mangyari ulit sa amin. And I guess he thinks, may kinalaman ang alak kaya nagkaroon kami ng s****l contact," nahihiya man pero prangkang amin ko kay Mommy Angela. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Huminga muna siya nang malalim bago ako sinagot. Medyo malakas pa ang pagkakasalikop niya ng mga kamay kaya gumawa iyon ng ingay. Matipid siyang ngumiti sa akin. "Okay, consider it done. I will organize a party. Now, all you have to do is make sure may mangyari sa inyo during that time. I'll set up an appointment for you to make sure that you're fertile during the party para kung may mangyari sa inyo, eh mabubuntis ka talaga.” She swung her fingers back and forth. “ Now, go I have other things to do." Napangiti ako nang matamis. Yes! Sabi ko na nga ba, eh Tutulungan talaga ako ni Mommy Angela. I kissed her on her cheeks and waved her goodbye. True to her words. She did set me up an appointment after I left her office. Ganoon kabilis si Mommy Angela sa pagsasagawa ng plano namin. Wala pangang ilang minuto ang lumipas nang umalis ako sa opisina niya. And yet, someone from ob gyne clinic called me to confirm my appointment. Ibinigay din nila sa akin ang address ng clinic. Wala akong sinayang na oras. Agad akong nagbihis ng isang simpleng bestida na walang manggas. Hanggang sakong ang haba iyon. Mabilis ang mga kilos ko na pumunta sa garahe para sumakay ng kotse papunta doon. After a fifteen minutes, nakarating na ako sa clinic. Pagkadating ko roon ay agad akong inistima ng nurse. Kinuhanan ako ng timbang at temperature. I think na-briefing na sila ni Mommy sa kung anong dapat gawin. Dahil nang makausap ko ang ob gyne, tinanong niya ako kung kailan nagsimula ang menstruation ko. She then prescribed me a pill that will make me fertile and get pregnant faster. And since today is the second day of my menstruation, she told me to take one tablet tomorrow and for the next four days. Dapat daw between 10th-16th day ay may s*x na mangyari to get me pregnant. She then set me up for another appointment on the 21st day of my cycle. Magka-conduct daw siya ng blood test to confirm my pregnancy. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang pinag-uusapan lang namin ni Mommy na magsasagawa siya ng plano. I guess hindi na rin makapaghintay si Mommy na maging lola. And I think gusto niya talagang maging successful na maging kami ni Stu. Ang swerte ko talaga na siya ang naging mother-in-law ko. Nang makauwi ako, I informed Mommy Angela right away. Kung siya walang pinalampas na pagkakataon, I will also do the same. Kaya humanda si Stu, hinding-hindi na talaga siya makakawala sa akin. When Mommy got the information, she quickly organized another party. Kunwari it’s a thanksgiving party for closing another business deal. And so, another plan begins...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD