Chapter 10

1547 Words
This is the night. Ang daming tao sa garden kung saan ginanap ang party. Halos lahat ay kilala sa business industry. Habang ang lahat ay nagsasaya, ako naman ay ‘di mapakali.Kanina pa parang tambol ang puso ko. Dapat may mangyari sa amin ni Stu or else I'll be screwed. Kanina pa ako nagpalakad-lakad sa kwarto ko habang kagat-kagat ang kuko ng hinlalaki ko. Kung may makakita sa akin baka iisipin na nila na para akong pusang hindi mapaanak. Pumunta ako malapit sa two-panel slider window. Nasa second floor ang kwarto ko. Kitang-kita mula rito ang garden. Napapalamutian iyon ng iba’t-ibang klase ng string light. Nagmumukha iyong parang nasa isang fairytale. May nagkalat pa na mga naka-uniform na mga waiter at waitress. Mukhang pinaghandaan talaga ni Mommy Angela ang event na ito. Stuart will be my escort for tonight. At kaya nandirito pa rin ako sa kwarto ko ay dahil hinihintay ko siya. Nakasuot ako ng off-shoulder golden gown na may flower designs. Gawa iyon sa kulay gold din na sequins. It is a curve-hugging fitting dress with a sweetheart neckline. Kitang-kita ang puno ng malulusog kong bundok at mas na-emphasized pa ang maliit kong bewang pati na rin ang maumbok kong likuran. I have a messy bun as my hairdo. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa baba. Namalayan ko na lang ang mahihinang katok mula sa pinto. It must be him. Ilang beses akong huminga nang malalim bago binuksan ang pinto. Although I’m already expecting it to be Stu, still nagulat pa rin ako. Actually, no. I’m stunned. He looks like a dashing debonair in his formal suit. "Oh, ang laway mo tumutulo na,” nakangising sambit nito. Napatawa na lang ako sa sinabi nya at bahagyang napailing. Jusmeyo! Nahuli niya pala akong nakanganga habang nakatitig sa kanya! Tumikhim ako. Pasimple kong pinaglandas ang mga daliri ko sa mga labi ko. Just in case may tumulo ngang laway. "Wow ha? ‘Di ka naman nagbubuhat ng sarili mong bangko sa lagay na ‘yan?” tanong ko sa kanya na inikutan pa siya ng mga mata. Hindi siya sumagot, bagkus ay nagkibit balikat lang siya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napansin kong nagtagal ang paningin niya sa bandang dibdib ko. Nakakunot pa ang noo nito. I can tell that he doesn't like what I'm wearing and I know it is because of my gown. It is too revealing for him. "What's wrong?" kunwari’y tanong ko na umikot pa sa harap niya at nag-pose na parang model. "Wala ka na bang ibang damit? Halos luluwa na ang dibdib mo," anito na kunot na kunot ang noo. "Ang OA nito. Hindi naman, ah? Tara na nga." Akmang lalapit na ako sa kanya pero umatras naman siya at ipinasok ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang slacks "Magbihis ka," matigas niyang utos. Tinaasan ko siya ng kilay. Heto na naman ang pagigig conservative niya. "Over! Male-late na tayo. Saka tingnan mo nga ang damit no’ng iba , compared sa kanila mas conservative pa ‘tong tingnan." Ikinawit ko ang kanang braso ko sa kaliwang braso niya at hinila na siya palabas ng kwarto. Halos hilain ko na siya palabas ng kwarto dahil nagmamatigas pa rin siya. "Can't you put a scarf around your neck?" ungot nito. Ayaw na ayaw niya talaga na lumabas ako ng bahay na naka-exposed ang cleavage. "Ang init-init tapos gusto mong naka-scarf ako. Nababaliw ka na ba? Hayaan mo na, ngayon ko lang naman ‘to isusuot." Tila sumusukong itinaas ni Stu ang dalawang kamay, pero nakabusangot naman ang mukha. "Fine, fine, fine!" “‘Ayan! Susuko ka rin naman pala, eh,” tudyo ko sa kanya na mas hinigpitan pa ang pagkakapit sa braso niya. Pasimple kong idiniin ang braso niya sa dibdib ko. I bit my inner cheek to supress my smile. Ang landi mo talaga, Shin! Ano masaya ka na naman dahil pinaghihigpitan ka ni Stu? Napailing na lang si Stu. Napaka-overprotective talaga nito sa akin. Minsan nga lang wala na sa lugar. But nevertheless, I am happy. It just shows na mahalaga talaga akk sa kanya at iyon ang pinanghahawakan ko. People were looking at us, particularly at me. I don't want to assume, but the visitors, most especially the guys who are without any partners, are smiling at me when I meet their gazes. I smiled shyly in response. Napapailing na lang si Stu na halatang aburidong-aburido. Kunot na kunot ang noo nito. I bit my inner cheek again when Stu’s right arm possessively wrapped my waist. Simula noong naupo kami sa table namin iilang lalaki rin ang pumunta sa akin para yayain akong sumayaw na pinaunlakan ko naman. Mayroon kasing malaking space sa harap ng stage. Iyon ang nagsisilbing espasyo kung saan malayang makasayaw ang mga bisita. Sa ibabaw ng stage naman nakapwesto ang banda na hin-ire ni Mommy Angela para tumugtog sa gabing ito. I did it not to flirt but to see Stu's reaction. Napapansin kong may mga babae ring pumupunta sa table namin dahil mag-isa lang siya doon. Busy kasi si Mommy Angela sa pag-e-entertain ng mga bisita. Ni hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kasayaw ko. And I don't even bother listening to his stories. Tango lang ako nang tango at ngumingiti lang. Tinitingnan ko lang si Stuart na kausap ang mga babae sa table namin habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ko. Nakikita ko na ring napapainom na siya ng alak. Nagngingitngit na ang loob ko. Nagiging touchy na kasi ang dalawang babae kay Stu. Pinapagitnaan pa talaga nila ito. Ang sarap hilain ng mga buhok nila. Pero dahil hindi ko pwedeng gawin iyon, palihim akong naghihimutok. Sa isip ko ay matagal na silang nakabulagta. Nasa kalagitnaan na ng kanta noong lumapit si Mommy Angela sa akin. Ni hindi ko na nga siya napansin dahil ang mga mata ko ay nakatutok lang kay Stu. Nag-excuse siya sa kasayaw ko at mahina akong hinila papunta sa gilid ng dance floor, kung saan wala masyadong tao. "Maya-maya aalalayan na si Stuart papunta sa kwarto mo,” anito na pinisil pa ang kanang kamay ko na hawak niya. “Wait for my signal. Pagkatapos noon ay pumunta ka na sa kwarto mo. Make sure you do your part. Have you taken the pills?" "Opo,” kaagad kong sagot. Nagsimula na namang tumambol nang malakas ang puso ko. Gusto ng manginig ng mga kalamnan ko "Good,” aniyang tumang-tango pa. “Now, don't go back to your table para ‘di maghinala si Stuart. Baka kapag may nangyari ulit sa inyo baka isipin niyang kagagawan mo. Let's make it look like he went to your room after siyang ihatid sa kwarto niya." Tango lang ako nang tango sa mga sinasabi ni Mommy Angela. Halos ‘di ko na maintindihan ang iba pa niyang sinasabi. Para akong nabibingi sa lakas ng t***k ng puso ko. Isa lang naman ang tumatak sa isip ko at iyon ay ngayon ang gabi na hindi ko dapat sayangin. She kissed me on my cheeks. Pinisil niya pa nang marahan ang mga kamay ko bago niya ako iniwan. Nakihalubilo ulit ako sa ibang bisita habang pasulyap-sulyap kay Stu at Mommy Angela. Umalis ang mga babae na katabi ni Stu nang makita ng mga itong papalapit si Mommy Angela. Napangisi ako. Buti nga sa kanila. I own Stuart. Walang ibang babae nararapat kay Stu kung hindi ako lang. Nakaupo na si Mommy Angela sa bakanteng silya katabi ni Stu. Nakatingin lang ako sa kanila dahill mukhang may pinag-uusapan silang dalawa. Mukhang lango na rin sa alak si Stu dahil sa kiloy nitong pa-sway-sway na. Ang dali niya namang malasing ngayon? A few moments later nakita ko si Mommy Angela na sumisenyas sa akin. Paglingon ko sa kinaroroonan ni Stuart, nakita kong inaalalayan na siya ng dalawang naka-uniform na waiter. ‘Di ko sigurado kung anong ginawa ni Mommy Angela dahil ‘di basta-bastang nalalasing si Stu. Mataas ang tolerance nito sa alak. But whatever she did, I sure thank her for it. I muttered 'thank you' to her when our eyes met. Agad akong nagpaalam sa mga kausap ko at pasimpleng umalis papasok ng bahay. Siniguro kong ‘di kami magkasalubong ng dalawang waiter na umalalay sa kanya. Para sa ganoon ay walang ibang nakakaalam sa anumang mangyayari ngayon kung hindi ako lang at si Mommy Angela. Tumayo muna ako sa may entrance ng bahay at kunwari ay nagkakalikot ng cellphone. Pumasok lang ako sa loob ng noong nakalabas na sila ng bahay. I hurriedly went to my room. Halos nabibingi na ako sa t***k ng puso ko. Abot-abot ang panalangin ko na maging successful sana ang gabing ito sa amin, or else, kailangan na naman namin mag-isip ni Mommy Angela. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ko, ilang beses akong nagpakawala nang malalim na hininga. Minsahe ko nang ilang ulit ang aking dibdib gamit ang aking kanang kamay. Para kasi akong kinakapusan ng hangin sa sobrang kaba. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang sa wakas ay abutin ko na ang doorknob. Marahan ko iyong pinihit at itinulak pabukas. And there, I saw Stu lying peacefully on my bed. His arms were spread on the bed. He looks so wasted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD