Chapter 2

1352 Words
Enjoy reading! Katatapos ko lang magbihis sa locker ko at ngayon ay palabas na ako ng restaurant. Umuulan paglabas ko kaya agad kong kinuha ang payong ko sa bag. Katulad ng palagi kong uwi ay alas diez ng gabi. Inumpisahan ko na ang paglalakad habang umuulan. Mabuti na lang ay hinubad ko ang luma kong sapatos at pinalitan ng tsinelas kaya okay lang kahit mabasa ang paa ko. Pero nandito na naman ang pakiramdam ko na parang may nakasunod sa 'kin. Lumilingon ako minsan sa likod pero wala namang tao. Kailan kaya mawawala ang sumusunod na 'yan? O baka guni-guni ko lang. Sa dami ng susundan niya ako pa. Lagot na baka multo 'yong sumusunod sa 'kin. Minumulto na ba ako ni nanay at tatay? Huwag naman sana. Binilisan ko na lang ang paglalakad ngunit may narinig akong yapak ng mga paa na papalapit sa 'kin. Biglang bumilis ang t***k ng puso sabay nang pagbilid rin ng paglalakad ko. Kinakabahan na talaga ako. Lalong binilisan ko ang paglalakad pero may kamay na humawak sa aking balikat. Paglingon ko ay may tatlong lalaki na naka hood at naka mask na itim. Teka! Sinusundo na ba ako ni kamatayan? Sisigaw na sana ako ngunit tinutukan ako ng isang kasama nila ng baril sa ulo na ikinatigil ko. Diyos ko, katapusan ko na ba 'to? Makikita ko na ba ang nanay at tatay ko? Magsasama na ba kaming tatlo? "Miss kung gusto mo pang mabuhay sumama ka sa amin." Sabi ng lalaki na may hawak na baril at ngayon ay nakatutok sa aking ulo. "Mga kuya, parang awa niyo na po pakawalan niyo na lang ako. Kung pera po ang hanap niyo sa akin wala po ako niyan." Pagmamakaawa ko sa kanila. Totoo naman ang sinabi ko. Wala naman talaga silang makukuhang malaking pera sa akin. Baka nagkamali lang sila ng dinukot at hindi ako 'yon. Sana nga. "Miss, 'wag nang matigas ang ulo. Ikaw ang kailangan namin at hindi ang pera mo." Sabi ng isang lalaki at pilit akong pinapasakay sa isang puting sasakyan. Pinipilit kong kumawala sa mga hawak nila ngunit hindi ko kaya. Ang dalawa ay hawak ako sa braso, samantala ang isa ay nasa likod ko at tinutulak ako papasok sa loob ng sasakyan. "Tulong! Tulongan niyo ako!" Sigaw ko. Mga ganitong oras ay wala na talagang naglalakad na mga tao. At halos wala pang mga bahay dito banda. Kaya imposible na may makarinig sa sigaw ko. SIsigaw pa sana ako ngunit tinakpan nila ng panyo ang mukha ko at dahil doon ay unti-unti akong nilamon ng kadiliman. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Medyo madilim sa loob dahil sa mga kurtinang nakaharang sa mga naglalakihang salamin. Halatang mayaman ang may-ari ng kwarto dahil sa mga gamit na narito. Ngunit ang ipinagtataka ko ay sino ang dumukot sa akin? May kasalanan ba ako sa kanya? May ginawa ba akong mali? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong naging kaaway. Lord, ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil madilim ang kwarto. Mabagal ang bawat lakad niya papalapit sa akin. At tanging tunog lang ng kanyang sapatos ang nagsisilbing ingay sa loob ng kwarto. Hinila ko ang kumot at agad na binalot ang aking sarili. Sino ba ang lalaking ito? Siya ba ang nag-utos na ipadukot ako? Pero bakit? "S-sino ka?" Nauutal kong tanong. "How are you, love?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko siya kilala. At love? Hindi ko naman pangalan iyon. Sino ba 'yon? "Sino ka ba?" Pinatapang ko ang boses para kunwari ay hindi ako natatakot sa kanya. Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras habang nasa kama. "I'm Harvey Sandoval." Pagpapakilala niya. "Kuya, parang awa mo na pakawalan mo na ako." Pagmamakaawa ko. Bigla namang nangunot ang noo niya na para bang may sinabi akong ikinagalit niya. Gusto ko lang naman makauwi na. "What the f**k did you call me? Don't call me kuya! I'm not your older brother." Pagalit niyang saad. Grabe, nakakatakot naman 'to parang gustong pumatay ng tao. "Parang awa mo na, please." Pagmamakaawa ko sa kaniya. "I'm sorry, love, but you will stay here with me." Sabi niya na para bang hindi siya takot na makasuhan sa ginawa niya sa akin. "Ano bang kailangan mo sa 'kin? May atraso ba ako sa 'yo? Kung meron man pasensya ka na hindi ko naman sinasadya. Kaya pakawalan mo na ako. Promise, hindi ako magsusumbong sa mga pulis." Pangangako ko sa kaniya at itinaas pa ang aking kanang kamay. "Sorry, love, kahit anong gawin mo ay hindi mo na mababago ang desisyon ko." Sabi niya at lumabas na ng kwarto. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang. Kailangan kong makatakas rito. Hindi ko siya kilala. Paano kung mamamatay tao pala siya? O 'di kaya ay nagbebenta ng mga babae para gawing parausan ng mga matatandang mayaman. Pumunta ako sa bintana para tingnan kung may pwedeng daanan ngunit wala. Napaka taas nang pwede kong pagtalunan kapag sa bintana ako dadaan at baka mabalian pa ako ng buto. Pangalawa kong pinuntahan ay ang banyo. Merong maliit na bintana roon. Sumilip ako sa baba ngunit nadismaya lang ako dahil ang taas rin. Bumalik na lang ako sa kama at umupo. Ano ba talagang gusto niya sa 'kin? 'Tsaka parang matagal niya na akong kilala. Habang ako hindi ko siya kilala. Saan ba kami unang nagkita at hindi ko siya kilala? Naisipan kong tawagan si Tita Rose o 'di kaya ay si Jarenze na kaibigan ko. Pwede ring si Dominic. Hinanap ko ang selpon ko ngunit hindi ko mahanap. Nasan na ba 'yon? Pati ang bag ko ay nawawala rin. "Ito ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Harley? Sino ba 'yon? Harvey? "Bakit na sa 'yo ang selpon ko?" Tanong ko. "I know that you will call your Aunt kaya kinuha ko na." Sagot niya at may inilapag siyang isang tray ng pagkain sa bedside table. "Kumain ka na." Utos niya. Ngunit hindi ko siya pinansin. "You will eat or I'm gonna eat you? Choose, love." Pananakot niya. Tiningnan ko siya ngunit napaka seryoso ng mukha niya. "Alam mo hindi ka lang kidnapper, manyak ka pa!" Inis kong sabi sabay sinamaan siya ng tingin. At ang gago ngumiti lang. "Just eat. Huwag ka nang magsalita." Sabi niya at sinubuan ako. "Kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko at kinuha ang kutsara sa kanya. Sinimulan ko na ang pagkain samantalang siya ay nakaupo sa tabi ko habang tinitingnan akong kumakain. Pinapaalis ko siya dahil hindi ako sanay na may nakatingin sa akin habang kumakain ngunit masyadong matigas ang ulo niya. Pagkatapos kong kumain ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Hanggang sa lumabas na siya ng kwarto. May sinasabi siya kanina ngunit hindi ko na pinansin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay kung paano ako tatakas rito. Kung paano ako makakauwi sa amin dahik siguradong nag-aalala na si Tita Rose sa akin. Nakita kong hindi niya nilock ang pinto kaya napangiti ako.Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan nang dahan-dahan. Sumilip muna ako kung may tao ba sa labas o baka nasa labas lang siya ng pintuan. Nang makita kong wala tao sa labas ay dahan-dahan akong kumabas ng pinto at naglakad. Marami pa akong dinaanan para lang mahanap ang pinto palabas ng bahay. Nang may nakita akong pintong malaki ay agad akong lumapit doon at binuksan ngunit naka lock! "Trying to escape, my love?" Napalingon ako nang magsalita siya. Nakasandal ako sa pinto dahil sa takot. Kita ko sa mukha niya ang galit. Naglakad siya papalapit sa 'kin kaya hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "H-harvey, parang awa mo na pakawalan mo na ako. Gusto ko ng umuwi." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na dito ka lang? Dahil kahit anong gawin mo ay hindi ako papayag na umalis ka pa, love. I'm sorry, but I won't let you go." Sabi niya at ang ikinagulat ko nang halikan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD