Chapter 1

1484 Words
Enjoy reading! "Abby, pakibigay naman doon sa table na iyon itong order nila. May ipinapagawa pa kasi sa 'kin si Ma'am Angela." Utos ni Shela sa 'kin. Inabot niya sa 'kin ang isang tray. Tutal ay wala naman akong ginagawa ay tinanggap ko na. Sa edad kong twenty three ay sanay na ako sa mga trabaho na ganito. Dahil ang tita ko na lang ang kasama ko sa buhay at kailangan ko siyang tulungan sa mga gastusin sa loob ng bahay. Wala siyang asawa at anak kaya noong namatay ang mga magulang ko sa aksidente ay kinuha niya ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya na ang tumayong magulang ko. Sapat lang ang sahod ko rito para sa mga bilihin namin ni Tita Rose sa loob ng bahay. Tanging paglalabada ang trabaho ni tita at sapat lang din iyon para sa gamot na iniinom niya. Meron siyang diabetes at may maintenance siyang iniinom araw-araw. Gabi na rin ang uwian namin kaya kahit late na akong umuuwi tuwing gabi ay tinitiis ko. "Good afternoon po, ma'am. Ito na po ang order mo." Magalang kong sabi at inilapag sa harap niya ang kanyang mga inorder. "Thank you." Nakangiti niyang sabi. "You're welcome po." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Dala-dala ang tray ay bumalik ako sa kusina at ibinalik ang tray doon. Mahaba habang araw pa ang titiisin ko. Ngunit sino ba naman ako para sumuko. Hindi ko pa naaabot ang pangarap ko at kailangan pa ako ni tita kaya bawal akong sumuko. Buong araw akong abala sa pagtatrabaho at pagsapit nang gabi ay doon ko lang naramdaman ang pagod ko. Pumasok ako sa isang pinto kung saan naroon ang mga gamit ko. Kinuha ko ang bag sa aking locker at kumuha ako roon ng damit na isusuot ko pauwi. Pumunta akong banyo para doon mag palit ng damit. Pagkaraan ay inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at lumabas na ng locker room. Nakasabay ko pa si Shela na abala sa paglagay ng pulbo sa kanyang mukha. "Bye, Abby. See you tomorrow." Paalam niya at dali daling naglakad palabas ng restaurant. Sa tuwing tapos na ang trabaho niya rito ay dumi-diretso siya sa club dahil mayroon din siyang trabaho roon. Paglabas ko ng restaurant ay tiningnan ko sa aking lumang relo sa palapulsuhan kung anong oras na. Alas diez na nang gabi at ito ako naglalakad sa daan ng mag-isa. Meron namang mga ilaw sa gilid ng daan kaya hindi naman ito nakakatakot. Wala na rin kasi akong masakyan pa na tricycle dahil gabi na. 'Tsaka sayang ang pamasahe kung sasakay pa ako. Dalawang kanto lang naman ang dadaanan ko bago makarating sa bahay. At kahit papaano ay wala pa namang nababalitaan na namatay o ginahasa sa lugar na ito. Halos kalahating oras din akong naglakad bago makarating sa bahay. Patay na ang ilaw hudyat na tulog na si Tita Rose. Siguro ay napagod iyon sa paglalaba ngayong araw. Pagpasok ko sa loob ng maliit naming bahay ay dumiretso ako sa kwarto ni Tita Rose. Mahimbing na ang kanyang tulog. Hinalikan ko siya sa noo at umupo sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. Naaawa ako sa kanya. Matanda na rin siya at hindi na dapat siya nagtatrabaho ngunit ayaw niyang makinig sa akin. Gusto kong maranasan man lang ni Tita Rose ang maayos na buhay. Gusto kong iparanas iyon sa kanya ngunit hindi ko alam kung makakaya ko ba. Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumayo at lumabas na ng kwarto ni tita. Pumasok naman ako sa kabilang kwarto na tanging manipis na plywood lang ang nakaharang at iyon ay ang aking kwarto. Nang mailagay ko sa maliit na lamesa ang bag ko ay lumabas ako upang maghugas ng katawan sa isang maliit lang din na banyo katabi ang kusina. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo. Paglabas ko ay pumasok na ako sa aking kwarto at agad na humiga sa aking higaan. Mayroon namang foam kahit papaano ngunit manipis lang kaya medyo ramdam ko pa rin ang matigas na plywood. Mas okay na ito dahil kahit papaano ay may mahihigaan pa rin ako. Hindi naman ako mayaman para mangarap na humiga sa malambot na kama. Kinabukasan ay maaga akong nagising para tumulong kay Tita Rose sa pagluto ng umagahan namin. Mamayang alas tres pa naman ang trabaho ko sa restaurant kaya may oras pa ako para tumulong kay tita sa mga gawain sa bahay. "Good morning sa pinaka maganda kong tita." Masiglang bati ko sa kanya. Agad siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. "Nako, huwag mo na akong bolahin, Abigael." Nakangiti niyang sabi. "Bakit po? Totoo naman ang sinabi ko." Sagot ko. "Ewan ko sa 'yong bata ka. Bakit ang aga mong gumising? Mamaya pang alas tres ang pasok mo ah. Baka inaantok ka pa. Matulog ka pa ulit doon." Utos niya habang nagluluto ng sinangag na kanin. "Gusto ko pong tumulong sa pagluto ng agahan natin." Pangungulit kong sagot. "Sigurado ka ba? Kaya ko naman na ito." Paninigurado niyang tanong sa akin. "Opo. Tutulong po ako." Sagot ko. "O siya, sige, ikaw na ang magluto ng isda na ito at tatapusin ko lang itong pagluto ng sinangag." Utos niya at isinalin na ang sinangag sa isang plato at binigay sa 'kin ang lulutuing isdang bangus na maliliit. Pagkatapos kong magluto ng bangus ay kumain na rin kami. Dahil gutom ako at masarap ang nakahandang pagkain sa lamesa ay kaagad ko iyong nilantakan. Nang matapos kaming kumain ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Samantalang si tita ay inilabas na ang mga maruruming damit na ipinapalaba sa kanya. Dahil konti lang naman ang hugasin ko ay mabilis kong natapos iyon. Kaya lumabas ako ng bahay at nadatnan ko roon si tita na nagsisimula na sa paglalaba. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng isang maliit na upuan at inilagay ko iyon sa kaharap niya. "Tulungan na po kita." Pagpresenta ko at nagsimula ng mag kusot ng damit. "Nako naman, Abby. Kaya ko na ang mga 'to." Sabi niya. "Mamaya pa naman po ang trabaho ko kaya tulungan na po kita para mabilis matapos." Sagot ko. Wala rin namang nagawa si tita kung hindi hayaan ako na tulungan siya. Sa dami ng labahan ni tita ay inabot na kami ng tanghali. Ngunit banlaw na lamang ang gagawin dahil tapos ng kusutin. Huminto muna kami dahil nakaramdam na kami ng gutom at kailangan na naming kumain ng tanghalian. Ang tirang ulam namin kanina na bangus ay iyon na lang din ang ulam namin sa tanghali. Sa mahal ng mga bilihin ngayon ay kailangan talagang mag tipid. Kaya minsan kapag walang ulam talaga ay mantika at toyo lang sa mainit na kanin ay okay na. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay makapag pahinga ng ilang minuto ay agad na bumalik si tita sa paglalaba. Gusto ko man siyang tulungan ulit ngunit ayaw niya na. Kaya hinintay ko na lang na sumapit ang alas dos ng hapon at agad na inayos ang mga dadalhin ko. Inilagay ko iyon sa loob ng aking bag at pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis. Dala-dala ang aking bag pack ay lumabas ako ng kwarto at pumunta kay Tita Rose upang magpaalam. Naabutan ko siyang patapos na sa pag banlaw ng mga damit. "Tita, alis na po ako." Paalam ko sa kanya. "Sige, mag- ingat ka." Sagot niya. "Opo." Sagot ko at umalis na. Mabilis ang bawat lakad ko dahil baka ma-late pa ako. Marami namang dumadaan na mga tricycle ngunit tulad ng sinabi ko ay gastos lang 'yan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo mula sa aming bahay at may tumawag na sa pangalan ko. "Abby!" Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tumatawag sa 'kin. "Dominic, bakit?" Tanong ko. Taga rito lang din siya sa barangay namin at matagal na siyang nanliligaw sa akin pero wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Ngunit sadyang makulit siya dahil hihintayin niya raw ako kung kailan handa na ako. "Papasok ka na ba sa trabaho mo? Hatid na kita." Sabi niya. "Huwag na, Dom. May trabaho ka pa 'di ba? Baka m- late ka pa." Sabi ko. "Sure ka? Sige, susunduin na lang kita mamaya pag-uwi mo." Tumango lang ako. Ngunit hindi niya naman alam kung anong oras ang uwi ko. Tumango lang ako bilang sang-ayon para matapos na ang pag-uusap namin dahil baka ma-late pa ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa restaurant. Ngunit naramdaman ko na parang may nakasunod sa 'kin. Matagal ko nang nararamdaman ito. Matagal ng parang may sumusunod sa akin pero hinahayaan ko lang iyon. Lumingon ako sa likod ngunit wala namang tao. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Pero ramdam ko talaga na may nakasunod sa 'kin ngunit hindi ko na lang pinansin 'yon. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD