Chapter 3

1411 Words
Enjoy reading! Tinutulak ko siya papalayo sa akin ngunit inilagay niya ang kanyang isang braso sa aking likod. At mas lalo pang lumalim ang halik niya sa akin. Napahigpit ang kapit ko sa braso niya nang maramdaman ko ang kamay niya na pumasok sa loob ng aking damit at gumagala iyon sa aking likod. Huminto lang ang paghalik niya sa akin nang binuhat niya ako at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Nang mabuksan niya ang pinto ay muli niya akong hinalikan. Narinig kong sumara iyon at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang malambot na kama sa aking likod. Nakatayo siya sa harapan ko at mabilis na hinubad ang damit niya pang-itaas at sunod ay ang kanyang pantalon. Mali 'to. Hindi ko siya kilala pero ito ako at hinahayaan siyang gamitin ang katawan ko. Akmang babangon ako nang pumatong siya sa ibabaw ko kaya muli akong napahiga sa kama. "F*ck, I'm sorry." Bulong niya sa akin. "H-harvey…" Pilit ko siyang tinutulak dahil bukod sa medyo mabigat siya ay nararamdaman ko ang bumubukol sa bandang hita niya. Tanging manipis at maikling shorts lang ang kanyang suot. "Let me hug you like this, love. Pinapakalma ko lang ang sarili ko." Mahina niyang sabi at niyakap ako habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Ramdam ko ang paghinga niya sa aking leeg. Ganoon din ang ilong niya na para bang inaamoy ang leeg ko. Matagal din ang pagkakayakap niya sa akin hanggang sa naramdaman ko na nakatulog na siya sa ibabaw ko. At dahil hindi ko na kaya ang bigat niya ay dahan-dahan akong tumagilid upang makaalis siya sa ibabaw ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya na para bang ilang gabi siyang puyat. Ngayon ko lang natitigan nang maayos ang mukha niya. Bakit parang mas makinis pa ang mukha niya kaysa akin? Gumagamit ba siya ng skin care? Hindi maipagkakaila na gwapo siya. Siguro marami ng napaiyak na mga babae ang lalaking 'to. Ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako ipinadukot. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? Ito na ang pagkakataon ko upang tumakas sa lalaking 'to. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Pati na rin ang isang paa niyang nakadantay sa hita ko. Nang malapit na akong makawala sa yakap niya nang magsalita siya na ikinagulat ko. "Ayaw mo bang matulog? What do you want? May swimming pool sa labas. Samahan kita." Sabi niya sa paos na boses. Muntik ko na siyang matulak sa biglaan niyang pagsalita. "Ayaw ko. Hindi naman ako marunong lumangoy. Ang gusto ko ay umuwi na sa amin dahil paniguradong hinahanap na ako ng tita ko." Sagot ko. Ngunit hindi siya nagsalita pa muli. Bumangon siya at isinuot ang kanyang damit at naglakad palabas ng kwarto. Ilang oras din akong nanatiling nakahiga sa kama at iniisip kung paano ba ako makakatakas rito. Wala talaga akong alam kung bakit niya ako dinukot at itinago rito sa kanyang kwarto. Hindi ko siya kilala. Wala akong atraso sa kanya. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? Bumangon lang ako nang maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. Anong oras na ba? Kakakain ko lang kanina at ngayon ay nagugutom na naman ako. Pagod na ako kakaisip kung paano ako makakatakas rito. Wala akong mahingian ng tulong dahil kahit ang selpon ko ay kinuha ni Harvey. Nag-aalala na ako kay Tita Rose dahil siguradong hinahanap na ako no'n. Nang tumunog ulit ang tiyan ko ay bumangon na ako at naglakad papunta sa may pinto. Mabuti na lang at hindi na naka-lock iyon kaya agad kong binuksan at sumilip sa labas kung mayroon bang tao ngunit wala. Dahan-dahan akong lumabas ng pintuan at naglakad papunta sa may hagdanan. Sinilip ko pa sa ibaba kung may tao ngunit wala rin kaya bumaba na ako. Maingat ang bawat pag hakbang ko upang hindi makalikha ng ano mang ingay. Nang makarating ako sa may sala ay wala ring tao roon. Maglalakad na sana ako papunta sa may malaking pintuan nang may naamoy akong pagkain. May nagluluto sa kusina! Muli na namang tumunog ang aking tiyan kaya napahawak ako roon. Hindi ko na talaga kaya 'to. Gutom na ako. Imbis na maglakad papunta sa may pintuan ay bumalik ako at hinanap ang kusina kung saan naaamoy ko ang mabangong niluluto ng kung sino man ang naroon. Pagsilip ko sa may kusina ay likod ni Harvey ang nakita ko habang abala sa kanyang niluluto. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kanyang ginagawa at wala siyang kaalam alam na narito ako sa may pintuan ng kusina. Hindi ko akalain na ang isang lalaki na katulad niya ay marunong magluto. Pwede naman siyang kumuha ng kasambahay upang gumawa ng mga gawain dito sa kanyang bahay. "Are you hungry? Sit down and let's eat." Sabi niya at inilapag ang iniluto niyang ulam sa lamesa. Mas lalo akong natakam dahil naaamoy ko iyon. Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa masarap na pagkain na nakahain sa may lamesa. Sa katulad kong mahirap ay tuwing may mahalagang okasyon lang niluluto ang caldereta sa amin. "Sa susunod huwag ka ng magpapagutom. Tell me if you're hungry so I can cook for you." Napapitlag ako nang magsalita siya sa gilid ko. Hinila niya ako papunta sa lamesa at pinaupo sa upuan. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko at sunod ay ang niluto niyang ulam. At dala na rin ng gutom ko ay sinumulan ko ng kainin ang binigay niyang pagkain. Hindi ko akalain na masarap siyang magluto. O baka gutom lang ako kaya nasasabi kong masarap itong niluto niya. Napahinto lang ako sa pagkain nang makita ko siyang nakatitig sa akin habang kumakain ako. Ang lakas pa naman ng lamon ko kanina tapos nakatitig pala siya sa 'kin. Nakakahiya! "A-ayoko na. Busog na ako." Pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo ay gusto ko pa sanang kumain ngunit bigla akong nahiya sa titig niya. "Kaya ang payat mo tingnan dahil kaunti lang ang kinakain mo." Seryoso niyang sabi. Ano ba ang problema kung payat 'yong tao? Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na lang isang basong tubig na bigay niya kanina at uminom doon. Pagkatapos ay tumayo na ako at dinala ang mga pinagkainan ko sa lababo. Huhugasan ko na sana ang mga iyon nang naisip kong hindi pa kumakain si Harvey. Bakit ako lang ang kumain kanina? Lumingon ako at nakita ko pa rin si Harvey na nakatitig lang sa akin habang nakatayo sa tabi ng lamesa. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. Agad namang sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Bakit? Nag-aalala ka na ba sa akin?" Nakangiti niyang tanong. "Hindi ah. Nagtanong lang naman ako. Huwag mong bigyan ng meaning 'yon." Pagtataray ko at tumalikod na sa kanya. Narinig kong tumawa pa siya. Sinimulan ko ng hugasan ang mga pinagkainan ko nang naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod ko. "Aalis muna ako saglit. May gusto ka bang ipabili?" Napahinto ako sa paghugas dahil sa boses niya at dahil na rin sa mga katawan naming magka-dikit. "Tooth brush at saka wala na akong damit. Kung pinauwi mo na ako e 'di sana hindi ka na gumastos pa. Ayaw ko ng mumurahing damit at tootth brush." Sabi ko at kumawala sa pagkakayakap niya. Hindi naman ako maarte pagdating sa mga damit at sa mga gamit ko sa katawan. Pinanganak akong mahirap kaya okay na sa akin kasi sa tabi-tabi lang na mga gamit ang nabibili ko. Pero sinusubukan ko lang talaga ang lalaking ito para mainis siya at pauwiin na ako. Talagang mauubos ang pera niya sa akin kapag hindi pa niya ako pinauwi. "That's it, love? How about your skin care routine? Mga iba mo pang kailangan? Tell me, I will buy it all." Napahawak ako sa lababo dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. "Wala na. Hindi ako gumagamit ng skin care sa mukha ko." Sagot ko. "Okay. Kung may gusto ko pang ipabili ay sabihin mo lang sa mga tauhan ko. Sila muna ang magbabantay sa 'yo." Sabi niya at bigla akong hinigit papalapit sa kanya. "Don't try to escape again, love. Okay?" Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng kusina. Sino ka ba talaga, Harvey? Nang marinig ko ang tunog ng pinto hudyat na umalis na si Harvey ay mabilis kong tinapos ang paghuhugas ko ng pinggan. Sana lang ay walang bantay sa labas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD