Enjoy reading! Warning: SPG! Pagkatapos namig kumain ay ako na rin ang nag ligpit ng mga pinagkainan namin. Nakipagtalo pa ako kay Harvey dahil gusto niyang siya na naman ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ngunit hindi ako nagpaawat at inunahan ko na siya sa lababo. Kaya wala siyabg nagawa kung hindi ang umalis na lang ng kusina. Nang matapos na akong maghugas at mag-ayos ng lamesa ay pumunta ako sa mga cabinet upang maghanap ng medicine kit. Siguro naman ay mayroon siyang ganoon dahil mayaman naman siya. Kaya niya namang bumili ng mga gamit na pang linis sa sugat. Sa amin kasi ay betadine at cotton lang okay na. Napangiti ako nang may nakita akong isang box at naroon ang mga gamit na pang linis ng sugat. Naaawa kasi ako sa kanya. Para siyang binugbog dahil sa dami ng sugat niy