Enjoy reading! Kwarto, kusina, at sala lang ang pinupuntahan ko buong araw. Kung ikaw ba naman mag-isa sa bahay ay talagang maboboring ka at parang mababaliw ka na dahil wala kang kausap. Meron namang mga body guard sa sala at sa may pintuan ngunit kung kakausapin ko ay maikling sagot lang ang sasabihin at pagkatapos ay hindi ko na ulit makausap. Hindi ba napapanis ang mga laway nila? O 'di kaya ay nangangalay 'yong paa nila katatayo buong araw? Ang titibay naman nila. Pagsapit nang gabi ay napagpasyahan kong bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom ngunit wala pa rin si Harvey. Magluluto na lang siguro ako ng makakakain ko dahil wala rito si Harvey. Pagbaba ko ng hagdan ay agad na yumuko ang isang tauhan ni Harvey. Tiningnan ko naman siya. Hindi na siya 'yong lalaki kanina na nagbaban