Enjoy reading! Pagkagising ko kinaumagahan ay ramdam ko kaagad ang sakit ng hita at pati na rin ang gitna ko. Talagang hindi ako tinigilan ni Harvey kagabi. Dahan-dahan akong bumangon at paika ikang naglakad papunta sa banyo gamit ang kumot na ibinalot ko sa aking katawan. Nakita ko pa ang damit ko na punit na sa sahig dahil sa kagagawan ni Harvey. Ang mahal pa naman ng ganoong damit tapos pupunitin lang niya. Dumaan muna ako sa cabinet kung saan naroon ang mga damit ko. Kumuha ako roon at naglakad na papasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan. Ibinabad ko ang aking katawan sa tubig. Halos kalahating oras din akong nasa loob ng banyo. Nakaalis na kaya si Harvey? Paggising ko kasi ay wala na siya sa tabi ko. Agad kong pinatay ang shower at pagkaraan ay nagsimula na akong magbihis.