Chapter 4

1383 Words
Enjoy reading! Nang matapos ako sa paghugas ng pinggan ay dahan-dahan akong lumabas ng kusina at sinilip ang sala kung mayroong bantay. May nakita akong nakatayo malapit sa may pinto na isang lalaki at naka-itim ng suot na damit katulad ng palaging suot din ni Harvey. Nakatayo lang siya na para bang tulala ngunit nang makita niya akong papalapit sa may sala ay agad siyang umayos ng tayo at para bang handa sa kung ano man ang gagawin kong mali. "Hello po." Bati ko sa kanya. Yumuko lang siya umayos ulit ng tayo. "Pwede pong lumabas?" Paalam ko. "Hindi po pwede, ma'am. Kung may gusto po kayong ipabili ay sa akin mo na lang po sabihin." Magalang niyang sagot. "Sisilip lang po ako sa labas. Hindi ko pa kasi nakikita kung maganda ba sa labas ng bahay na 'to." Pagsisinungaling ko. Wala naman akong pakialam kung maganda o hindi ang kabas ng bahay na 'to. Nagbabakasali lang ako na makatakas rito. "Bawal po talaga, ma'am. Pasensya na po utos lang ni Sir Harvey." Sagot niya. Mukhang hindi ko mauuto ang isang 'to. Tumalikod na lang ako at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto. Pagdating ko sa loob ay inayos ko ang mga kurtina na nakaharang sa mga bintana. Tinali ko iyon upang kahit papaano ay pumasok ang liwanag sa loob ng kwarto. Sinubukan ko rin buksan ang bintana ngunit lahat ay naka-locked. Sumilip ako sa may bintana at ngayon ko pa lang nakita ang tinutukoy ni Harvey kanina na swimming pool sa labas. Malawak din ang lupa kung saan nakatayo ang bahay na ito. At mas lalo pa akong napahanga nang makita ko ang mga mamahaling sasakyan sa ibaba. Lahat ba 'yan ay kanya? Hindi ko akalain na ganito kayaman ang lalaking iyon. Pagkatapos kong sumilip sa may bintana ay bumalik ako sa kama at humiga. Habang yakap-yakap ko ang isang unan ay iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin upang makatakas sa pamamahay na ito. Ngunit hindi ko namalayan na unti-unit na akong pumipikit at tuluyan ng nilamon ng antok. Nagising ako dahil sa dampi ng labi sa aking mukha. At pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Harvey ang nakita ko habang patuloy niyang hinahalikan ang aking buong mukha. Agad ko siyang tinulak ngunit mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang sarili sa akin. Kaya kung titingnan ay para siyang nakadagan sa akin habang ang magkabilaan niyang kamay ay naka tukod sa kama. "I'm home, love." Sabi niya at hinalikan ako sa labi nang matagal. Ngunit agad ko rin siyang tinulak dahil hindi na ako makahinga sa ginagawa niya. "U-umalis ka nga sa ibabaw ko." Inis kong sabi. Ngunit hindi niya ako pinansin. Nakatitig lang siya sa akin at bigla niya akong hinalikan muli nang mabilis at pagkatapos ay umalis na siya sa ibabaw ko. Agad akong bumangon at napatingin ako sa gilid ko nang may nakita akong mga malalaking paper bag ng mga mamahaling brand. "How's your sleep, love?" Tanong niya at umupo sa harap ko. Tumingin ako sa bintana ngunit nakasarado na ang mga kurtina na itinali ko kanina. "Next time, use this control to open the window curtain." Sabi niya at ipinakita sa akin ang isang remote control. May remote control 'yong kurtina niya? Tapos itinali ko lang kanina. Malay ko ba sa mga gamit ng mga mayayaman. "By the way, para sa 'yo lahat ng ito." Sabi niya at itinuro ang mga paper bags na nasa kama. Nang buksan ko ang mga 'yon ay puro mga damit, sapatos, sandals, at mga tsinelas. "Okay na ako kahit dalawang damit lang." Sagot ko at inilayo ang mga paper bags. "No. Sa 'yo lahat 'yan. Huwag mo ng tanggihan dahil ilalagay ko pa rin yan sa mga gamit mo rito." Sabi niya. "Pero–" "Hintayin kita sa kusina. Sabay tayong kakain." Pagputol niya sa sasabihin ko. Agad siyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Tiningnan ko ang mga paper bags sa tabi ko. Siguradong mga mamahalin ang mga 'to. Mamaya ko na aayusin ang mga 'yan. Tumutunog na rin kasi ang tiyan ko. Tumingin ako sa maliit na orasan na nasa maliit na lamesa na katabi ng kama. Mag a-alas syete na nang gabi. Ibig sabihin ang haba ng tulog ko. Nakatulugan ko na pala ang pag-iisip kung paano makatakas rito. Tumayo na ako at inayos ang aking sarili. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. At pagdating ko sa kusina ay napahinto ako dahil naka handa na ang lamesa. Mayroon ng plato, kutsara, tinidor at baso. Naroon na rin ang kanin at ulam. "Sit here. We will eat." Utos niya at hinila ang isang upuan upang doon ako umupo. Kahit nagtataka kung paano nagkaroon ng kanina at ulam dahil hindi naman ako nagluto ay naglakad ako papunta sa upuan na hinila niya para sa akin at agad akong umupo. "Maaga akong umuwi kanina. At naabutan kitang tulog kaya ako na ang nagluto ng hapunan natin." Paliwanag niya. Napatingin ako sa kanya. Nagsimula siyang kumuha ng kanin at inilagay iyon sa plato ko. Sunod ay kumuha siya ng ulam at inilagay niya muli iyon sa aking plato. "Halata sa mukha mo na nagtataka ka kung paano nagkaroon ng kanin at ulam. Sana ay nasagot ko ang tanong mo." Sabi pa niya at umupo sa katabi kong upuan. "Salamat." Nahihiya kong sabi at sinimulan ko ng kumain. Nakailang subo na ako nang mapansin kong nakatingin siya sa akin kaya huminto ako sa pagkain at tiningnan siya. "Bakit?" Tanong ko. "Why you're so beautiful?" Biglang tanong niya kaya nasamid ako. Napahawak ako sa aking dibdib at kinuha ang baso na may tubig at agad na ininom iyon. Samantalang si Harvey ay tumayo at hinahaplos ang aking likod. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Ikaw kasi e." Paninisi ko sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo na para bang iniisip kung ano ang nagawa niyang kasalanan. "Why? I'm just asking." Pagtatakang tanong niya. Iyon na nga e. Bigla-bigla kang nagtatanong ng ganyan! "Ewan ko sa 'yo. Kumain ka na nga." Pagsusungit ko at nagpatuloy sa pagkain. Bumalik naman siya sa kanyang upuan at nagsandok na ng kanin at ulam. Nang patapos na ako sa pagkain ay nagulat ako nang bigyan niya muli ako ng kanin na galing sa pinggan niya. Agad kong hinawakan ang braso niya upang pigilan ang paglagay niya ng kanin sa plato ko. "Tama na. Busog na ako." Sabi ko. "Kaunti pa lang ang nakakain mo. Paanong busog ka na agad?" Takang tanong niya. "Marami na kaya 'yon. Muntik ko na nga hindi maubos." Sagot ko. Wala siyang nagawa kung hindi kunin ang inilagay niyang kanin sa plato ko. Agad naman akong tumayo at akmang kukunin ko na ang pinagkainan ko upang dalhin sana sa lababo nang hawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa. "Maupo ka. Ako na ang bahala sa mga hugasin." Sabi niya. "Pero ikaw na ang nagluto ng hapunan natin–" "Just sit here, love. Ginusto kong ipagluto ka at ginusto kong pagsilbihan ka." Sagot niya at hinila ako upang umupo muli sa katabi niyang upuan. Mabilis ang bawat pagsubo niya ng pagkain. Samantalang ako ay nakatingin lang sa kanya at minsan ay iginagala ko ang aking paningin sa paligid. Nang matapos na siyang kumain ay siya na rin ang nag-ayos ng mga pinagkainan namin at dinala niya iyon sa lababo. "Pwede na ba akong tumayo?" Paalam ko sa kanya. "No." Mabilis niyang sagot at nagsimula ng maghugas ng mga plato. Ano naman ang gagawin ko rito? Titingnan siya habang naghuhugas ng pinggan? Hindi niya naman malalaman na umalis ako rito dahil nakatalikod siya sa akin. Mukhang natutuwa pa siya habang naghuhugas ng pinggan. Kaya dahan-dahan akong tumayo at iniiwasan na makalikha ng ano mang ingay lalo na ang upuan. Nang tuluyan na akong makatayo ay hindi ko na inayos ang upuan at dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina. At nang tuluyan na akong makaalis roon ay mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto at agad na ini-lock ang pinto. Medyo hiningal pa ako sa pagtakbo ko. Naroon pa rin ang mga paper bags sa kama. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulang tingnan ang bawat laman ng mga paper bags at upang ayusin ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD