Enjoy reading! Maaga pa lang ay gising na ako dahil nakaramdam na naman ako ng pagsusuka. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa lababo at doon nagsuka. Nang matapos ay agad na akong nagmumog at umupo saglit dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. "Pinahihirapan ka ba ng apo ko?" Napatingin ako kay tita nang pumasok siya sa kusina. "Good morning po, tita." Nakangiti kong bati sa kanya. "Good morning din. Maupo ka lang diyan at magluluto ako ng umagahan natin." Sabi njya at agad na nagluto. Tinitingnan ko si tita habang nagluluto. Napangiti ako dahil napaka suwerte ko dahil mayroon akong tita na kagaya niya. Ang akala ko kahapon ay itataboy niya ako ngunit hindi niya ginawa. Nang mawala na ang pagkahilo ko ay tumayo na ako upang magtimpla ng kape namin ni tita. Sinabihan pa ni