Enjoy reading! Bago ako tuluyang hinatid ni Harvey pauwi sa bahay ay dumaan pa kami sa isang mall kung saan marami siyang binili at lahat ng iyon ay binigay niya para sa akin at kay tita. Ayoko pa sanang tanggapin ngunit mapilit siya. Kaya todo ang paliwanag ko kay tita tungkol kay Harvey. Noong una ay gusto niyang umalis ako bilang secretary ni Harvey ngunit nang sinabi ko na dahil sa akin ay maraming nawalan ng trabaho sa Ideal Hotel ay hindi na rin siya pumilit pang umalis ako sa pagiging secretary ni Harvey. Pagsapit nang umaga ay maaga akong nagising dahil ngayon na ang unang araw ng pagiging secretary ko sa kompanya ni Harvey. Sinabi ko na rin magtrabaho bilang secretary ni Harvey. Pagkatapos kong magbihis at kumain ay nagpaalam na ako kay tita. "Tita, alis na po ako." Paalam ko