Enjoy reading! Nagising ako sa isang puting kwarto at alam ko na agad na nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin kanina. At napatingin ako sa tabi ko nang may nagsalita. "Hey, gising ka na pala. May masakit ba sa 'yo?" Tanong ng isang lalaki. Siya siguro ang tumulong sa akin kanina. Ngunit bigla akong natakot nang makita ko ang suot niya. Naka-itim siya lahat na damit na parang katulad ng kay Harvey. "W-wala. Okay na ako." Sagot ko. "Mabuti naman. By the way, I'm Kyle Tarcena and you are?" Pagpapakilala niya. "Abigael Mendez ang pangalan ko. Salamat ng pala sa pagdala sa akin dito." Sabi ko. "No problem, Abigael." Sagot niya. Napatingin naman kami sa pinto nang pumasok doon ang isang doctor at nurse. "Hello, Miss Abigael." Pagbati ng doctor. Napakunot-noo ako kung p