Chapter 3

1475 Words
"Lyza, may text message ka riyan sa cellphone ko galing sa kaibigan mong si An-An. Pwede kang mag-reply sa kanya ngayon kasi hindi ko pa naman gagamitin ang cellphone ko." "Sige, Ate. Maraming salamat po." Kinuha ko na ang cellphone ni Ate sa loob ng bag niya. Napapaisip ako kung bakit medyo maganda ang mood niya ngayon. Kagagaling lang niya sa trabaho at alam kung pagod siya. "Siyanga pala, nakapagluto ka na ba ng hapunan? Darating na maya-maya ang Kuya mo." "Yes po, Ate. Nakapagluto na po ako at naihanda ko na rin naman po ang hapag-kainan, sakaling gusto n'yo na pong kumain." "Sige, salamat. Magpapahinga lang ako sandali. Masyado akong napagod kasi nagpasahod ako sa mga trabahador ng Boss ko sa hacienda nila." "Sige, Ate. Sasagutin ko lang itong text." Paalam ko sa kaniya at pumunta na ako ng sala at naupo sa sofa. "Hello, Lyza! Long time no text. Kumusta ka na?" Itong ang text ni Kuya An kaninang tanghali pa. "Hi, Kuya! Maayos naman ako. Kahit papaano, medyo nakakapag-adjust na sa college life at sa bagong environment. Kayo po? Kumusta?" "Heto medyo naging busy. Alam mo naman na medyo marami ring trabaho sa tindahan ng Lola at Lolo ko, kaya matagal-tagal din bago ako nakapagtext sa'yo. At isa pa, nakikigamit lang ako ng cellphone ng kapatid ko para makapagtext sa'yo." Paliwanag nito kahit hindi naman ako nagtanong kung bakit matagal bago siya nakapagtext ulit. Iyong una at huli kasi ay mga nasa isang buwan na rin. "Ah ganoon ba, Kuya? Walang problema, Kuya. Naiintindihan ko naman. Alam kong mahirap ding pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kaya ayos lang." Ito ang naging sagot ko. Nag-aaral kasi si Kuya An ng kursong Education at nasa huling taon na niya sa college. Ang Lola at Lolo niya ang nagpapaaral sa kaniya at bilang kapalit ay nagtatrabaho siya sa tindahan ng mga ito. Ang Lola't Lolo kasi niya ang may pinakamalaking tindahan sa aming lugar. Medyo na-late siya sa pag-aaral dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa niya noon. Kaya nasa Fourth year college pa lang siya sa edad na 24 years old. "Oo nga pala, malapit na ang semestral break, Lyza. Uuwi ka ba rito sa atin?" "Hindi ko pa alam, Kuya. Nakakapagod din kasing bumiyahe sakay ng bus. Apat na oras din iyon at saka, sayang ang perang gagastusin ko sa pamasahe. Magkano na ba ngayon ang one way ticket?" "Actually, wala akong idea sa pamasahe sa bus ngayon. Hindi rin naman kasi ako nakakaluwas sa siyudad. Pero sakaling makauwi ka, please inform me naman. Para naman magkita tayo at makapag-usap. Sabi ko nga doon sa huling text message ko sa'yo last time na hindi mo na sinagot, miss na miss na kita, Lyza." Heto na naman siya sa text niyang nakakagulat at nakakapanibago. Nag-aalangan tuloy ako kung magrereply ba ako o hindi. Ang lalaking ito naman kasi, nanggugulat nalang bigla. "Oi, Lyza. Hindi ka na nagreply diyan. Galit ka ba? May mali ba sa sinabi ko?" Ito ang text niya nang wala siyang makuhang reply galing sa akin. Parang nahihimigan ko ng pag-aalala ang mensahe niya. "Ahmmm, pasensya na, Kuya. May ginawa lang ako sandali. Doon sa tanong mo, about me coming home next month for the semestral break. I am not really sure kong makakauwi ako. But if ever, I will make sure to let you know. Na-miss din kasi kitang kakulitan. Na-mimiss ko ang pang-aasar mo. " "Nice! Aasahan ko talaga na ipapaalam mo sa akin kung uuwi ka. Anyway, so ang pang-aasar ko lang ba talaga ang na-miss mo? Ako ba, hindi mo na-miss? Like, a different kind, a different level of "miss"?" Ito ang naging sagot niya. I don't know why, but it feels like my heart just skipped a beat. Alam ko namang nagbibiro lang siya, pero ewan ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba habang binabasa ang message niya. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Tse! Ako Kuya tigil-tigilan mo! Para namang hindi kita kilala? Huh! Wala ka lang sigurong magawa ngayon kaya ako ang penepeste mo. Hahahahaha! Bakit? Wala ka bang pinagkakaabalahang chick or should I say chicks ngayon? Huwag na huwag mong sasabihing wala, because I find that soooo hard to believe, Kuya." Sagot ko sa kaniya sa kabila ng kakaibang nararamdaman ko. "Judgmental? Bakit? Judge ka ba?" "Nope! I am just stating the obvious." "Ouch! Ang sakit mo namang magsalita. Just so you know, single ako ngayon and very ready to mingle. Tigang pa sa Sahara desert ang love life ko at the moment." Pagbibiro pa nito. "Ewwwwww, Kuyaaaa! Kadiri ka!" "Sinabi ko lang "tigang", kadiri na agad? Ikaw ha? Ano bang iniisip mo sa sinabi kong "tigang"? What I mean is, loveless ako ngayon, like zero, nada!!! Malungkot ang buhay pag-ibig ko, mga ilang weeks na rin. Baka gusto mong bigyan ng saya?" Nabigla na naman ako sa naging sagot niya. Parang nagpapahaging na hindi ko maintindihan. He loves to joke and fool around, that's why it's a bit hard to tell whether or not he is being serious. "Kuyaaaa! Nakakainis ka na! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo!" "Kinikilabutan? O kinikilig?" "Ewwww ka talaga, Kuya! Kung nandito ka lang sa harap ko, malamang sa malamang, sinuntok na kita sa mukha!" "If you are with me at the moment, I just don't know what I can do to you, Lyza. It's really great and I am thankful na nasa malayo ka. Ayaw kong magkasala. Hahahahaha!" Sagot niya na may kasama pang pagtawa. Hindi kaagad ako nakapagtipa ng sagot. Bigla akong napaisip kung seryoso ba ang Kuya An-An sa mga pinagsasabi niya sa text. Maloko kasi talaga ang lalaking iyon. Hindi ko talaga masasabi kung kailan siya nagbibiro at kung kailan siya seryoso. Pero ganoon pa man, nakakaramdam ako ng kaba. Simula pa man noong high school ako, hindi ako komportable sa mga usapang ligawan. Naaasiwa talaga ako kapag may nagpapahaging o nagpaparamdam na gustong manligaw. "Kuya ha? Huwag kang ganyan. Hindi na ako komportable sa mga sinasabi mo. Pag ako talaga nairita, hinding-hindi ka na makakarinig ng kahit ano pa man mula sa akin. Hindi na rin ako sasagot kung magtetext ka ulit. Sige ka." Seryoso kong sagot sa biro ni Kuya An kahit kinakabahan ako. Ewan ko, hindi naman kami magkaharap pero pakiramdam ko namumula at nag-iinit ang aking pisngi. "Lyza... Hey! I was just kidding. Parang hindi ka na nasanay sa akin. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Huwag kang ganyan. Mabilis kang tatanda niyan, sige ka." Pagbawi niya sa kanyang mga sinabi. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag, pero di ko maipagkakaila na medyo nadismaya at nalungkot ako dahil sa sinabi niyang nagbibiro lang siya. "Mas mabuti nang nagkakaliwanagan tayo, Kuya. Please lang, huwag mo nang gawin ulit iyon kung ayaw mong magalit ako sa'yo." "Oo na. Parang napaka-sensitive mo yata ngayon ah? May dalaw ka?" "Kuya naman! Tumigil ka nga! Kailan mo ba ako titigilan ha? Nakakabanas ka na talaga eh!" "Okay, okay. Titigil na ako. Please don't get mad at me. Huwag ka nang magtampo, hmmm?" "Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka rin talaga minsan!" "Oi, sorry na. Bati na tayo. Promise, hindi na talaga mauulit. Sorry na, please? Ngiti ka na ulit. Sige na, baby pleaseee." Bigla naman akong napangiti dahil sa endearment na ginamit n'ya. Matagal na rin nang huling tinawag niya akong baby. Ginagamitan niya ako ng ganitong endearment kapag nagpapaawa s'ya sa akin o may kailangang ipagawa o di kaya ay may ipapakiusap. Ewan ko, pero parang ang sarap sa pakiramdam nang tawagin niya akong baby. I felt like I'm getting butterflies in my stomach which is really new to me. I don't usually feel anything when he calls me baby before. Parang normal lang sa akin iyon. What changed? "Okay fine! Kung di ka lang malakas sa akin, nunca na patatawarin kita! Pasalamat ka talaga at di kita matiis." "I knew it! Hindi mo talaga ako kayang tiisin. Hahahahaha! Thank you, baby. Muah!" "Baby ka nang baby diyan! For your information, I am no longer a baby, Kuya. Lady na kaya ako ngayon. I am no longer that high school girl na inuutasan mo lang dati na maghatid ng love letters at love notes sa mga nililigawan mo! Tsk!" "Kahit na, lady ka man or what, baby pa rin kita. Hindi na magbabago iyon. You know that you are like a little sister to me from another mother, right?" "Fine, fine! Ang kulit! Sige na, Kuya. I need to go. Mag-di-dinner pa ako at mag-aaral sandali bago matulog. Kumain ka na rin, okay?" "Sure. Basta, Lyza, kapag umuwi ka this semestral break, you have to let me know. Hmmm?" "Yup! I most certainly will. Goodnight, Kuya! Ingat ka po palagi." "I will, baby. You too, ingatan mo sarili mo at mag-aral kang mabuti. Okay?" "Noted, Kuya." "Good girl! Goodnight! Please dream of me, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD