Chapter 4

1511 Words
Anthony's POV Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko kay Lyza sa text kani-kanina lang. Muntikan na ako roon. Ganoon pa man, di ko pa rin maiwasang malawak na mapangiti dahil sa mga kalokohang pinagsasabi ko. Pero kalokohan nga lang ba iyon? Ewan ko sa sarili ko pero totoo naman na talagang nami-miss ko si Lyza at iyong mga kulitan naming dalawa noong high school siya. Naaalala ko pa, patay na patay siya noon sa nakababata kong kapatid na si Rodge. Magkaklase kasi sila simula First year high school. Minsan tumatawag pa siya sa landline phone sa bahay, hahanapin ako upang pagtanungan niya ng mga updates tungkol sa kapatid ko. May pagkabaliw din talaga ang isang iyon. Kapag naaalala ko ang mga kalokohan niya noon, napapangiti nalang ako. "Hello? Good afternoon! Sino po sila?" Sagot ko nang mag-ring ang landline phone sa bahay. "Good afternoon po. Pwede po ba kay Kuya Anthony?" Ang sagot ng caller sa kabilang linya. Nakilala ko kaagad ang may-ari ng boses. Si Lyza. Panigurado, kukulitin na naman ako nito. Magbubukas na naman ito ng kahit anong topic upang may mapag-usapan lang. Kung may award lang talaga for the Most Talkative, tiyak akong siya ang mabibigyan. Minsan nakukulitan na ako sa kanya pero nakakatuwa rin naman siyang kausap most of the time. Thankful din ako sa kanya dahil ang daling pakiusapan especially when I am asking her to hand-carry my love letters sa mga babaeng natitipuhan ko sa kanilang paaralan. Napapangiti na naman ako habang iniisip ang mga kalokohan niya. "Yes, this is Anthony speaking. May I know who's calling?" Tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tumatawag. "Hi, Kuya An! This is Lyza. Busy ka po ba?" "Oh, hi there, Lyza? Nope, hindi naman ako busy. Anong atin?" "Nothing. Wala lang akong makausap." "Nandito si Rodge. Do you want to talk to him? I can hand him the phone kung gusto mo?" Panunudyo ko sa kanya habang pigil na pigil ko ang mapabunghalit ng tawa. Alam ko kasing natataranta siya kapag akmang ipapakausap ko si Rodge sa phone na imposible namang mangyari dahil wala namang interes ang kapatid ko sa kaibigan kong ito. "Huwag, Kuya! Ayaw ko siyang kausap. Please don't hand him the phone." Natataranta nitong sabi. Habang ako naman ay tawa nang tawa na walang tunog. Alam ko kasing maiimbyerna na naman siya kapag pagtatawanan ko. "Okay, okay. Hindi na nga. So, anong pag-uusapan natin? Oh, I just remember. Naibigay mo ba ang love letter ko sa teacher mo?" "Of course! Ako pa ba?" May pagmamayabang nitong sagot. "Good job, baby! Anong sabi ng Ma'am Desucatan mo?" "Wala namang sinabi, Kuya. Natawa lang siya dahil naglaglagan ang mga petals ng roses na inilagay mo sa loob ng sulat. Ang baduy mo talaga, Kuya! Kung ako si Ma'am, isasauli ko ang sulat mo." May halong pang-aasar na sagot nito. "Nako, Lyza! Iyang bibig mo talagang walang preno! Hanep ka talaga sa kaprangkahan! Maghinay-hinay ka oi!" Sita ko sa kanya pero hindi naman seryoso. Sa katunayan, natutuwa ako sa kaprangkahan nito. Parang napakainosente talaga. Sa pagkakaalam ko, wala pa siyang nagiging boyfriend kahit minsan. Masyado kasi siyang focused sa pag-aaral. Matalino siya at palaging Top 1 sa klase. Bestfriend niya ang pinsan kong si Geanna kaya may alam din akong mga bagay tungkol sa kaniya. Ayon pa kay Geanna, hanggang crush lang talaga si Lyza. Binabara raw nito ang sino mang nagpapapansin dito. Loka-loka talaga. "Eh, ano naman? Sa iyon naman talaga ang totoo? Next time pakilagay naman sa sobre ang sulat, Kuya. Masyadong cheap kasi tinuping papel lang ang ipinapadala mo. Kung ako ang bibigyan mo ng ganoon, maiinis ako sa halip na kikiligin." Sermon nito sa akin. "Bakit? Sino ba ang nagsabi sa iyo na bibigyan kita ng love letter? Huwag kang ilusyonada, baby. Bearer ka lang, hindi ka magiging receiver kahit kailan." Pang-aasar ko sa kaniya na tiyak kong magpapausok ng kaniyang ilong. "Aba?! Bakit may sinabi ba ako, Kuya?" "Hindi mo nga sinabi. At hinding-hindi ko rin naman gagawin." Sagot ko sa kanya habang tumatawa. "Tse! Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa buhay mo! Siyanga pala, Kuya, bukas sa inyo kami magro-rosary, at doon namin iiwanan ang Birhen Maria ng isang gabi." Pag-iiba nito sa usapan namin. Kapag ganito, alam kong suko na ito sa kulitan namin. "Okay, ipapaalam ko kay Mama. Mama natin." Sagot kong may halong panunukso. "Anong Mama natin? Bakit? Kapatid ba kita?" Asar nitong sagot. "Hindi. Pero balang-araw, alam kong magiging parte ka ng pamilya namin." Pang-aasar ko pa sa kaniya. "Oh, okay. So, magiging Lyza A. Salazar ako? Ang pangit ng tunog, Kuya! Hindi bagay. Anyway, ibababa ko na itong phone. May gagawin pa kasi akong school project." "Friday night ngayon, Lyza. Magpahinga ka naman. May Sabado at Linggo pa. Sa kasipagan mong mag-aral, wala ka ng time para i-enjoy ang pagiging teenager mo. Maghanap ka ng boyfriend! Third year high school ka na, NBSB ka pa rin. Gusto mo tulungan kita?" "Kuya, nagpapaalam lang ako na ibababa ko na ang phone, ang dami mo pang sinasabi. Babush na, Kuya! See you tomorrow evening, remember magrorosary kami sa inyo. Goodnight! "Fine! Get a life! Hahahaha! Ang seryoso mo sa buhay! Kay bata-bata mo pa. Goodnight, baby! See you tomorrow!" "Kuya? Earth to Kuya? Hello?" Bigla akong napabalik sa kasalukuyan. Dahil sa pagbabalik-tanaw ko, hindi ko na namalayang nasa harapan ko na ang aking kapatid na si Ricki at kinukuha na ang kaniyang cellphone. "Oh, brother! Ikaw pala? Anong maipaglilingkod ko sa'yo, mahal kong kapatid?" "Yes, Kuya, ako nga! Kukunin ko na sana ang cellphone ko kung hindi mo naman na ginagamit." "Sure, walang problema. I'm done using it. Anyway, kanina ka pa ba sa harapan ko?" "Medyo? Tinatawag kita pero parang hindi mo naman ako naririnig. Nag-di-daydream ka ba, Kuya? Nakatulala ka lang kasi habang nakangiti. Siguro may iniisip ka na namang chick? Siya ba ang katext mo?" "Sira-ulo! Anong daydream? Wala iyan sa vocabulary ko! Tado 'to! May iniisip lang ako." "Sino ba kasi ang katext mo? Bakit parang nakapaganda ng aura mo kanina? At ang ganda rin ng ngiti mo ha!" "Wala iyon. Si Lyza ang katext ko." "I see. Kaya pala! Hahahaha! Tinamaan ka na ba kay Lyza, Kuya? Parang panay text mo sa kanya lately." "Anong panay text? Last na text ko sa kaniya noong isang buwan pa, oi!" "Oh, bakit defensive ka? Nagtatanong lang naman ako. Pero ang totoo, Kuya? May gusto ka ba kay Lyza? Ang bata pa niya, Kuya. Mas bata pa sa akin iyon ng dalawang taon." "Sino ba ang nagsabing may gusto ako sa kaniya? Wala 'no! Kinukumusta ko lang siya. Mga five months na rin kasi mula nang umalis s'ya rito sa atin, kaya medyo namiss ko lang ang loka-lokang iyon. Alam mo namang magkaibigan kami." "Loka-loka? Talaga lang ha? Loka-loka pero parang naloloko ka kung hindi mo maitext. Nakooo, Kuya! Iba na iyan!" "Tigilan mo ako, Ricki! Masyado kang ma-issue! Ang bata pa ni Lyza. Hindi pa pwedeng magka-boyfriend iyon." "Pero kung sakaling pwede na, liligawan mo, Kuya? Tandaan mo, nasa malaking siyudad na si Lyza. Nag-aaral pa sa malaking private school. For sure, marami siyang makikilalang boys na kaedaran lang niya. Baka pag nahuli ka nang kaunti, eh, magka-boyfriend na siya doon." "Eh, ano naman sa akin kung magka-boyfriend s'ya?" "Wala naman. Pinaaalahanan lang kita, Kuya. Sige ka, nasa huli ang pagsisisi." "Ito na ang cellphone mo. Kunin mo na at lumayas ka sa harapan ko. Ang dami ko na ngang iniisip, gusto mo pang dagdagan. Bilis, alis!" "Hahahahahaha! I can smell jealousy and fear! Basta, sinasabi ko sa'yo, Kuya, huwag kang pabagal-bagal. Baka maunahan ka ng iba." "Kung batukan kaya kita riyan para manahimik ka?" Pagalit kong saad sa kapatid ko at akmang babatukan siya pero mabilis naman niyang hinablot ang kanyang cellphone at tumakbo palabas ng bahay. Naiwan akong mag-isa sa sala at malalim na napaisip sa sinabi ng aking kapatid. Possible nga kayang magkaroon ng boyfriend si Lyza doon? Pero masyado siyang focus sa studies n'ya at walang oras para sa pakikipag-boyfriend kahit pa man noong high school siya. At isa pa, sa pagkakaalam ko, medyo strict ang kapatid niya kaya malabong mangyaring pumasok siya sa pakikipagligawan. Teka nga, why am I even bothered? Ano ko ba si Lyza? Magkaibigan lang naman kaming dalawa. "Pero kapag ba nagka-boyfriend siya, eh, magagawa pa rin niyang makipagkulitan sa iyo sa text!?" Singit ng isang bahagi ng utak ko. F-uck! Baka pagbawalan na siya ng kanyang boyfriend? Teka, ano bang nangyayari sa akin? Why can't I even begin to imagine her being with a guy? This isn't good. This is really alarming! I haven't felt this kind of feeling kahit pa man noon sa mga naging ka-fling ko. Yeah, ka-fling lang naman ang turing ko sa mga babaeng nakasama ko. Even the women I have slept with before. Wala akong sineryoso sa kanila kahit isa, kahit iyong mga nakasama ko sa kama. Ang lahat para sa akin ay laro lang. Kaya bakit ako nagkakaganito ngayon? I think I'm doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD