"Pinagtitripan niyo ba ko? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?! Bakit ayaw mo kong tigilan?!"
Wala akong masabi, nakatitig lang ako ngayon kay Jayson habang tuloy-tuloy siyang sumisigaw sa harapan ko. Akala ko noong tumawag siya para makipagkita ay naaalala niya na ko, hindi pa pala. Galit na galit na ang mukha niya ngayon at walang pakialam sa paligid kahit marami ng nagbubulungan kaya naman napayuko na ko sa kahihiyan. Pinipigilan ko ang aking sarili dahil sa panginginig ng buong katawan ko dahil sa sobrang sama ng loob. Lagi na lang.. Lagi na lang..
"Miss, aba! Magsalita ka naman diyan! Alam kong may alam ka. . .kasi imposible namang makasal tayo ng hindi mo alam, 'di ba?" iritado niyang ulit, papahinahon na ang boses.
Ayaw niyang maniwala sa lahat ng sinasabi ko. Kaya ano pang halaga ng isasagot ko ngayon sa kanya?
"Sorry." Lumunok ako at umayos ng upo para muli siyang tingnan. "Pero tulad ng sinabi nila sa'yo ay 'yon lang din ang sasabihin ko~" "Na ako mismo ang nagpakasal sa'yo? What the heck?! Paulit-ulit na lang tayo dito!" Pagputol niya sa akmang paliwanag ko.
Pinilit kong ngumiti para hindi magpahalata ng takot. Kilala ko kasi si Jayson, lagi siyang ganyan sa mga tinuturing 'yang kaaway. Nananakot siya gamit ang malaki niyang boses at nanlilisik na mga mata.
Hindi ko inakalang maiisip ko ito pero. . .nakaka-miss din pala 'yung mga panahong bigla niya kong hahawakan sa kamay at hahatakin patakbo dahil may napikon siyang kausap niya. Dahil do'n ay kailangan naming tumakbo nang mabilis dahil siguradong kapag nahuli nila kami ay magkakaroon na naman siya ng black eye.
Napaka-troublemaker niya, pero hindi 'yon naging hadlang para mahalin ko siya nang sobra. Nage-enjoy pa nga ako tuwing tumatakbo kasama si Jayson. Para kaming mga bata na nagtatayaan, kami ang magkakampi at sila ang mga taya.
"Please lang makisama ka naman." Muli na siyang sumuko at talunang sumandal na may kunsumidong mukha habang humahawak sa sintido niya.
"Honey." Biglang sulpot ni Kassandra.
Namilipit na naman ang puso ko nang baguhin ni Jayson ang mood niya. Pinilit niyang ngumiti habang tumatayo para salubungin ang bruha na 'yon. Umakbay siya kay Kassandra at humalik sa pisngi.
Bakit hindi na lang nila ko patayin?
"Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa ko naghihintay sa kotse. I'm so inip na," malambing na bulong ni Kassandra kay Jayson.
Ngumiti naman si Jayson at bumalik ng sagot. Pabulong din 'yon kaya naman hindi ko na narinig. Umiwas na rin kasi ko ng tingin nang muli niyang halikan si Kassandra sa nuo. Sa akin lang siya dapat pero ako itong parang nanggugulo sa maganda nilang relasyon.
Feeling ko wasak na wasak na ko. Pero wala akong magawa dahil sa tuwing aawayin ko si Kassandra ay lagi naman siyang pinagtatanggol ni Jayson. Mas masakit 'yon kaya naman hindi ko na lang sila pinapansin.
Malandi siya.
Makakarma rin siya.
Alam niya rin ang lahat pero nagawa niya pa ring agawin sa akin ang asawa ko. Hindi ko matanggap na natalo niya ko ngayon kay Jayson. Na parang dati lang ay pinagtatanggol niya pa ko sa babaeng 'yan sa tuwing ibu-bully niya ko sa school namin.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko kaya naman tumayo na lang ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa. Tumingin lang sa akin si Jayson at nagpamewang. Narinig ko ang mahinang pilantik niya dahil sa pag-alis kong bigla. Ginagawa niya lang 'yon tuwing hindi niya ma-handle ang sitwasyon.
Gusto ko pa sanang mag-stay kahit sigawan niya ko nang sigawan pero sorry kasi hindi ko kayang makita silang dalawa na masayang magkasama.
Halos isang taon ko na rin itong dinadala. Minsan naisip ko na sana ako na lang ang nawalan ng alaala. Kasi pakiramdam ko kung ako ang nawalan ng alaala ay maaalala ko pa rin siya. Dahil siya lang ang minahal ko buong buhay ko. Dahil mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili ko.
Kaya ang sakit-sakit. Kaya ko siyang maalala hindi katulad ng paglimot niyang ginawa sa akin.
⭕ 47 missed calls...
⭕ 26 text message...
Galing kay Jayson ang lahat ng 'yan nang maisipan kong magtago para hindi niya mapawalang bisa ang kasal naming dalawa.
Ayokong mawala 'yon sa akin. Ikakamatay ko...
Kaya kong tiising magpalaboy-laboy kung saan-saan basta 'wag lang siyang mawala sa akin.
"Miss, ayos ka lang?"
"Mukha ba kong ayos sa'yo?" natatawa ko na lang na tanong pabalik sa nagtanong sa akin. Bakas sa mukha ko ang matinding sama ng loob habang nanggigilid ang mga luha sa mga mata ko.
Nalakas yata ako ng inom. Ngayon lang ako nalasing nang ganito. Kung alam lang 'to ni Jayson, siguradong magagalit 'yon pero nakakatawa kasi wala naman na siyang pakialam ngayon sa akin.
"Umiiyak ka ba?" matinis na tanong ng lalaki.
Pinilit kong balingan ito ng tingin pero biglang sumakit ang ulo ko. Bukod sa nakakabingi ang ingay ng paligid ay hindi ko pa maaninag ang mga mukha ng mga tao sa paligid ko. Tahimik akong napakurap-kurap para aninagin ang lalaking mukhang alalang-alala na lumuhod sa harapan ko nang matumba ko.
Alak pa! Sige, Lisa, alak pa!
"Arrggghh!! Ang sakit ng ulo ko." Pag-uunat ko habang bumabangon.
Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang mapagtantong hindi pamilyar ang kwarto kung nasaan ako. Bumaling agad ako ng tingin sa katawan kong natatakpan ng kumot at nakahinga nang maluwag nang makitang may suot pa kong damit.
Nanlalaki ang mga mata ko habang sinusuyod ko ng tingin ang buong lugar. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"Ano bang nangyari sa'yo kagabi?!" Pinagsasampal ko ang mga pisngi ko habang nag-iisip. Mabilis akong tumakbo papuntang pinto at napasaldak nang may maunang magbukas no'n kaysa sa akin. "Aray ko," inda ko, nakahawak sa nuo kong nasaktan.
"Anong ginagawa mo diyan? Ayos ka lang ba?" Alalay niya sa akin habang nakahawak sa kabilang bewang ko. Agad akong napatingin sa kanya at napa-second look pa dahil sa pamilyar niyang mukha. "Hindi mo na ko matandaan?" pabirong sabi niya saka ako nginisihan.
Taka akong umiling kahit patuloy na iniisip kung saan ko siya nakita dati.
"Grabe ka naman." Bahagya niya kong tinawanan. Gwapo siya, hindi rin mukhang m******s kaya naman nawala ang takot ko. Pagkaalalay niya sa akin patayo kanina ay inalis niya agad ang paghawak niya sa bewang ko.
Hindi ko siya inalisan ng tingin. Naglalapag na siya ng pagkain ngayon sa mesa malapit sa higaan at pagkatapos ay nagtiklop ng kumot na ginamit ko.
"Kilala ba kita?" takang-taka kong tanong sa kanya. Mas lumapit pa ko at tinignan siyang mabuti.
"Robi," pakilala niya sa akin sabay ngiti.
"Robi? Sound familiar." Pag-iisip ko pa.
"Malamang! Kaklase mo ko noong college, remember?" Nilapag niya sandali sa unan ang kumot saka ako binalingan ng ngiti.
"Talaga? Pasensya na medyo makakalimutin kasi ako. Haha!" Medyo nahiya ako kaya nagpeke na lang ako ng tawa.
"Ayos lang. Hindi ko naman inaasahan na maaalala mo pa ko. Isa pa, lagi mo kasing kasama no'n si Jayson." Pagtigil niya sa pag-aayos sabay harap sa akin. Naalis naman agad ang ngiti ko nang banggitin niya si Jayson. "Kumusta na pala kayo? Balita ko kinasal na kayong dalawa."
"Ha? Hahaha! Wala na kami." Ilang kong tawa sa kanya na may kasamang pagkirot ng dibdib habang sinasabi 'yon.
"Alam ko. Tinitignan lang kita. Siya 'yung dahilan ng pag-inom mo, hano?" Bigla niyang pagseseryoso. Hinarap niya ko at tinignang mabuti. "Maling umiinom ka nang mag-isa. Paano kung hindi kita nakita at may nakadampot sa 'yong iba do'n? Paano ka na ngayon?"
"Kaya nga buti na lang ikaw 'yon," pabirong sagot ko.
"Nasasaktan ka ba dahil sila na ngayon ni Kassandra? 'Yung lagi mong kaaway dati."
Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko at natigilan. "Sino ka ba talaga?" tanong ko, bumibilis ang t***k ng puso. "Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin?"