CHAPTER 2 - JAYSON POINT OF VIEW

1091 Words
Kanina pa tahimik sa pagitan namin ni Kassandra at ng mga magulang ko. Hindi na ko magtataka kung sisimulan na naman nila ko tungkol sa babae na 'yon. Sa itsura ni Papa na 'yan, parang gusto niya na kong itakwil. "Anak, kumusta naman ang kumpanya?" panimulang tanong ni Mama. Sinuklian ko naman siya ng isang pilit na ngiti. "Ayos naman po," mahina kong sagot kasabay ng pagtansya sa aura ni Papa. "Magsalita ka naman diyan. Ikaw itong nagpatawag sa anak natin," wika ni Mama habang nilalagyan ng ulam ang plato ni Papa. Bumuntong hininga ko dahil sa itsura niya. Huminto siya sa pagkain at padabog na binaba ang kutsara't tinidor na ikinagulat ni Mama. Tinignan niya ko nang sobrang sama kaya naman hindi ko maiwasang umiwas ng tingin at bumaling sa plato ko. "Pumunta ka raw kila Lisa kanina?" masungit niyang panimula. Sabi na at 'yan na naman ang dahilan kaya niya ko pinatawag. "At balita ko pa, nagwala ka raw sa harapan ng mga biyenan mo! Hindi mo na ba talaga kami binibigyan ng kahihiyan?!" "Pa, please? Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo na hindi ko pinakasalan ang babae na 'yon?" mariin kong sagot kasabay ng pagtigil sa pagkain. "Jayson, ginawa mo ba talaga 'yon?" nag-aalalang sabat ni Mama. "Hindi mo naiintindihan sa ngayon ang mga nangyayari. Hindi mo alam kung gaano na siya nahihirapan sa sitwasyon niyong dalawa kaya 'wag mo ng dagdagan pa. At baka sa huli pagsisihan mo lang din 'yang mga ginagawa mo," sabat ni Mama na lalo kong ikinahinto sa pagkain. Binitawan ko na ang hawak kong kutsara't tinidor para tingnan sila nang seryoso. Sawang-sawa na ko sa usapan na 'to. "Ma, ano ang pagsisihan ko do'n? Bakit ba kasi hindi niyo nalang tanggapin si Kassandra bilang soon to be daughter-in-law niyo? Tutal naman kapag naayos ko agad 'tong mga papeles na 'to ay magpapakasal din kami kaagad." "Jayson, hayaan mo munang gumaling ka nang hindi mo pagsisihan sa huli ang lahat ng 'to. Magulang mo kami at concern lang kami sa'yo." "Ma! Magaling na ko!" mabilis kong sabat bago alalang tingnan si Kassandra na nakatulala na at nakakuyom ang mga palad. "Bakit ba kailangan niyong ipagpilitan sa akin 'yung babae na 'yon? Hindi niyo ko maloloko. Hindi na ko bata, ma, pa." Pagbaling ko sa kanilang dalawa, kunsumido na. "Lahat natatandaan ko mula noong bata pa ko pwera lang sa babae na 'yon. 'Wag niyo naman akong ganituhin, please.." malumanay kong dugtong. "Ayoko rin nang ganito tayo." "Mayroon kang selective amne~" "Mauna na po ako." Biglang tayo ni Kassandra kaya naman agad kong hinawakan ang braso niya kasabay ng pagtayo na rin. "Bitawan mo ko. Uuwi na ko," mahina niyang sagot sa pagtingin ko sa kanya. "Kung aalis ka, sasama ko," sagot ko at hinila siya agad palabas ng bahay. Ayokong bastusin nang gano'n ang mga magulang ko. Pero mula noong lumabas ako sa hospital, hindi na rin nila ko tinigilan. Pilit nila kaming pinaghihiwalay ni Kassandra. Kung bakit kasi hindi na lang nila tanggapin si Kassandra. Mabait naman siya at magalang sa harap nila kahit lagi nila itong pinapahiya. "Bakit ganyan kang makatingin sa akin?" tanong sa akin ni Kassandra habang yumayakap sa tabi ko. "Napaisip lang kasi ko," naniningkit kong sagot. "Lahat sila pinagpipilitan na asawa ko 'yon. Ikaw ba? Naniniwala ka bang nagkaroon ako ng amnesia?" tanong ko at mabilis ding binawi 'yon nang sumimangot siya. "Naisip ko lang naman. Nagtaksil ba ko sa'yo?" Malambing niya kong hinalikan at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin. "Ano ba 'yang iniisip mo? Nilalason lang nila ang utak mo kasi ayaw nila sa akin. Mula dati naman ganyan na sila sa akin," sagot niya pagtapos ay umibabaw sa akin. Kinulong niya ko sa magkabilang braso niya at maiging tinitigan sa mga mata. "Bakit ba parang iniisip mong niloloko rin kita?" "Hindi naman sa gano'n," alangan kong sagot at humalik naman siya sa leeg ko. "Mahal na mahal kita. Hindi ako gano'ng klase ng babae," mahina niyang dugtong sa pagitan ng malambing na paghalik sa leeg ko. Napatahimik na lang ako. Ayokong pag-awayan na naman namin ang babaeng 'yon. Kung bakit kasi hindi ko siya maalis sa isip ko. Halos isang taon na rin siyang sunod nang sunod sa akin pero nitong nagdaang linggo ay bigla na lang siyang nawala. Hindi naman sa wala akong nasusungitan kaya hinahanap ko siya. Pero bigla na lang din kasing nagbago ang presensya ng paligid ko. Parang may kulang.. Hindi ko ma-explain. Nasaan na ba kasi 'yon? Nakapag-isip-isip na ba siya na tumigil na? Kung sabagay, tama lang 'yon nang mabilis ang paglakad ng papel namin. Nang mabalitaan kong bumalik na siya sa restaurant na pagmamay-ari niya ay dali-dali akong pumunta ulit. Sumama sa akin si Kassandra kahit na may trabaho rin siya ngayong araw. Alam ko namang nagseselos siya sa babae na 'yon. Ang sa akin lang ay parang wala siyang tiwala sa akin. "Alam mo amoy usok na dito sa loob ng sasakyan," bawal ko kay Kassandra sa paninigarilyo. "And what?" Irap niya naman sa akin kaya napailing na lang ako habang pina-park ang kotse sa gilid ng restaurant. Ano pa nga bang laban ko? "Sandali lang ako," paalam ko. "Bakit ba lagi na lang akong naiiwan dito? Kaya nga kita sinamahan, 'di ba?" "Bigla na lang kasi siyang umaalis kapag dumadating ka. Kaya dito ka na lang," sagot ko pagkababa. Binato niya naman ang sigarilyo niya sa labas saka nagmaktol at ngumuso kasabay ng paghalukipkip. "Kassandra, 'wag kang gumanyan. Kapag hindi natin napapirma ang babae na 'yon, hindi rin tayo makakapagpakasal. Gusto mo ba no'n?" Umirap siya. "Ayan ka na naman kasi. Personal ka pang pumupunta dito samantalang pwede namang lawyer mo na lang ang umayos niyan. Bakit kailangan mo pa siyang puntahan lagi dito?" "Bakit ba selos na selos ka?" "Hindi ako nagseselos. Alam kong ako lang ang mahal mo, 'di ba?" masungit at tila ba bitag niyang tanong kaya napalunok ako habang tumatango nang mabagal. "Don't worry. Mabilis lang ako," paalam ko ulit, hawak na ang brown envelope na naglalaman ng mga papeles. "Besides, halos isang buwan din siyang nawala. Baka nakapag-isip-isip na 'yon at pirmahan na 'to agad." "Fine, basta bilisan mo lang." Napailing na lang ako nang masara ko ang pinto. Tumigil ako sa paglakad nang matanaw ang kabuuan ng restaurant. Hindi naman kasi siya mahirap na pwedeng pera lang ang habol sa akin kaya nakapagtataka talaga. May kaya siya at nakapangalan pa sa kanya ang buong restaurant na 'to. Ano namang kakailanganin niya sa akin? Bakit ayaw niyang makipaghiwalay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD