CHAPTER 30 - JAYSON POINT OF VIEW

1544 Words

"Teka? Saan ka pupunta? Dito ka na muna," malambing na sabi ng kasayaw ko ngayon habang hinahawakan ang dalawa kong kamay. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na puntahan si Lisa na may kasamang lalaki. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko nang makita kong hawakan siya sa bewang ng lalaking 'yon. Bakit parang ang bilis kong magselos pagdating sa kanya? Hindi naman ako ganito dati kay Kassandra. Minsan naaabutan ko pa nga siyang lasing na lasing sa bar at maraming kainuman na lalaki pero walang selos akong naramdaman noon. Pero ngayon, isang kibot lang, nagseselos ako sa mga lalaking lumalapit kay Lisa. 'Yung tipong parang may nangyari sa amin dati na nagpatigas sa puso ko. "Pogi, ayos ka lang?" Biglang umikot ang paningin ko habang hinahabol siya. Mabilis akong napahawak sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD