CHAPTER 29 - LISA POINT OF VIEW

3405 Words

"Bakit kanina mo pa hawak 'yang labi mo?" mapang-asar na tanong ni Layla, kalalapit lang sa akin at talagang kanina pa 'yan nakangisi. "Hinalikan ka ba ng Papa Jayson mo? O baka naman may nangyari na sa inyo kagabi? Bakit ba dito 'yan natulog?" "Bakit ba ang dami mong tanong? Bakit hindi ka na lang magtrabaho diyan?" Hindi ko mapigilan ang pagngiti kahit pa pilit ko 'yong tinatago. "Eh, paano ko magwo-work? Lahat ng customer natin gustong mapagsilbihan ng gwapo mong part timer," muling biro niya saka nagpalumbaba paharap kay Jayson. Mabilis din akong lumingon sa kanya. Pinagmasdan ko si Jayson na may suot ngayong apron, hawak ang teddy bear kong ballpen at pad. Sa kanya ko natutuwa at hindi na sa mga customer kong kinikilig sa kanya at nagpapapansin. "Bakit ba puro babae sila ngayon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD