"Alam mo hindi iilaw 'yang cellphone mo kung 'di mo gagalawin," biro sa akin ni Layla kaya naman napaalis ako ng tingin. Halos ilang araw na ring hindi nagpaparamdam sa akin si Jayson. 'Yon na ba 'yon? Liligawan niya raw ulit ako pero nasaan na? Isang simpleng misunderstanding lang sumuko na. Kung sabagay, hindi niya naman kasi ko mahal. Pinipilit niya lang ulit ang sarili niya. Bakit kasi naghihintay pa ko ng paramdam niya? Eh, ako naman ang nakipaghiwalay sa kanya noong mga oras na gusto niyang ayusin ang lahat ng mga pagkakamali niya. "Lisa, gising na." Naalimpungatan ako at nagkuskos ng mga mata. "Jayson?" tanong ko sabay bangon. "Bakit nandito ka?" Gulat akong natulala. Para kong nasa horror movie. Pagdilat ko ng maayos, nasa ibang lugar na ko. Mabilis akong napalingon sa paligid