CHAPTER 5 - LISA POINT OF VIEW

1109 Words
Halos mahulog ang puso ko dahil sa sobrang gulat nang madaanan ng paningin ko si Jayson na nasa pinto ngayon. Tulala siya na para bang may malalim na iniisip habang nakahawak sa dibdib niya. "Jayson?" alangan kong tawag sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Seryoso siyang tumingin sa pwesto ko. Hindi man lang siya natinag, seryoso pa rin ang mukha niya at lumakad lang papasok. "Ako na raw ang magbabantay sa kanya. Pwede ka nang umalis." Lingon niya kay Robi. "Sige na, Robi. Ayos lang ako," salita ko rin nang tingnan ako ni Robi. Hindi ko alam kung anong naisip niya. Bigla na lang siyang nagtapat sa akin. Samantalang kakakilala lang naming dalawa. Mukha ba kong easy to get? "Alis na. Ayoko ng kasama," ulit ni Jayson, may pagkamayabang ang tono kaya napatingin ulit ako sa kanilang dalawa. "Kita na lang ulit tayo, Lisa." Pagngiti ni Robi. Sandali niyang inayos ang jacket niyang nasa maliit na sofa bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkaalis niya ay agad kong nilingon si Jayson. Mukhang masama na naman ang loob niya at nautusang magbantay sa akin. "Alam mo.." "Ano?" mapanindak niyang tanong agad na ikinahinto ko. "Ano bang problema mo?" gulat kong tanong. "Kung napipilitan ka lang. Ayos lang naman kung umalis ka na. Kaya ko ang sarili ko." "Kung kaya mo talaga ng wala ako. Edi sana matagal mo ng pinirmahan ang mga papeles nang hindi na tayo umabot pa dito." Malakas niyang binukas ang dyaryo at doon na tinuon ang paningin. "Tama ka, lagi ka namang tama," pikon kong sagot. Hindi ko na namalayan ang pagtulog ko. Sobrang tahimik kasi ng paligid at hinayaan niya lang akong titigan siya. Ni isang sulyap hindi niya ko pinagbigyan. Para lang siyang isang malambot na teddy bear doon sa upuan, display para hindi ako matakot mag-isa. Pagkagising ko, wala na siya sa loob ng kwarto. Medyo nadismaya ko nang makitang iba na ang bantay ko. "Mabuti naman at gising ka na," nakangiting bati sa akin ni Mama. "Gusto mo bang umuwi ka muna sa bahay? Para hindi ka nag-iisa." "Good morning, ma," hindi ko pagpansing sagot sa sinabi niya. Ngumiti ako at nagkunyaring malakas na. Bumangon agad ako saka nag-inat-inat. "Grabe ang ganda ng sinag ng araw!" Pagpapansin ko kay Papa. "Umalis na siya pagkadating namin," monotone niyang salita. "Sino, pa?" Pagkukunyari ko. "Sino pa ba?" Nagpamewang naman si Papa sa harapan ko kaya natawa na ko. "Kung ako sa'yo, kakalimutan ko na lang din siya. Matagal na kayong tapos mula pa noong pinalitan ka niya agad." "Pa, dahil sa kanya kaya buhay pa rin ako ngayon. Niyakap niya ko noong maaksidente kami. Hindi niya inisip ang sarili niya." "At hindi ka na rin niya iniisip ngayon," sabat agad ni Papa kaya napabusangot ako. "Totoo ang sinasabi ko." "Oo na, pa." Kunyari akong umirap. Nakangiti naman sa amin si Mama habang naiiling. "Basta mahal ko pa rin siya." "Bahala ka. Matigas ang ulo mo." Ilang araw akong nagpahinga bago muling pumasok sa restaurant. Walang text o tawag na nanggaling kay Jayson kaya nakakapagtaka. Natakot ko ba siya noong ma-hospital ako? "Oh? Robi." "Hi." Lapit niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang maalala ang ginawa niyang pagtatapat sa akin noong nakaraan. May hawak siya ngayong bouquet na inaabot sa akin ngayon. Sobrang ganda no'n, ang pupula ng mga rosas at ang babango. "Salamat." Ngayon na lang ulit may nagbigay sa akin ng ganito. "Pupunta ka ba mamaya sa reunion?" "Reunion?" Napabalik ako ng tingin sa kanya. "Hindi ka ba nila inimbita?" "Inimbita." "Oh? Eh, bakit parang nagulat ka?" "Mamaya na ba 'yon?" gulat kong tanong at tumango naman siya. "Hala, Robi." "Bakit?" natatawa niyang tanong. "Wala pa kong isusuot. Nakalimutan kong mamaya 'yung reunion natin. Paano na 'to?" "Edi bumili tayo ngayon." "Hindi ako pwedeng umalis. Maraming customer." "Hindi ka pwedeng umalis o ayaw mo lang akong kasama?" Tumingin-tingin siya sa paligid. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Ayos lang tayong dalawa. Marami lang talagang tao ngayong araw." Ngumiti siya at lumapit ng mukha sa akin. Nagulat ako at napalaki ng mga mata. "Gusto mong patunayan ko sa'yo na seryoso ko at talagang hihintayin kita?" Mas lalo siyang ngumiti. "Ganito, paano kung magpaiwan ako dito? Ako ang mag-aasikaso sandali dito at ikaw, bumili ka na ng isusuot mo para mamaya." "Sure ka?" tulala kong tanong. "Oo naman. Basta sabay tayong pumunta do'n mamaya." "'Wag na nakakahiya," alangan kong sagot. "Ang daming customer, oh." Tumingin ako sa paligid bago bumalik ng tingin sa kanya. "Mapapagod ka." "Nakakatampo ka naman. Gumagawa na nga ako ng paraan para makabili ka ng isusuot mo. Pero parang iniiwasan mo talaga ko." "Narinig ko 'yon," masayang sabat ni Layla. "Ako ng bahala sa kanya. Bumili ka na ng isusuot mo." Kumapit siya kay Robi at kinindatan ako. "Layla," natatawa kong bigkas habang naiiling. "Go," taboy niya naman sa akin kaya muli kong tinignan si Robi na gano'n din ang sinasabi. "Ano ba naman 'yung sandaling oras na mawawala ka?" "Tama siya. 'Wag kang mag-alala. Hindi malulugi 'tong restaurant mo nang gano'ng sandaling oras," biro naman ni Robi kaya napabuntong hininga na ko. "Sige na nga. Mapilit kayo, eh." Nagtanggal na ko ng apron. Inabot ko 'yon kay Robi na sinuot niya naman. "May mas malaki do'n." Natatawang turo ko sa likuran ng counter. "Hindi na, mas gusto ko 'to." Alas-dos na nang makarating ako sa mall. Wala namang dress code sa gaganaping reunion mamaya kaya balak kong bumili na lang ng simpleng dress. Napahinto ako nang makita si Jayson. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at agad akong napatago sa likuran ng isang malaking banner. May kasama siyang ilang lalaki. Hindi ko sila kilala at nagtatawanan silang lahat habang may tinuturong damit kay Jayson. Hindi ako tsismosa pero dahan-dahan akong lumapit. Mukhang a-attend din siya mamaya sa reunion. Anong gagawin ko? Makikita kami ng mga dati naming kaklase at magugulat sila na hindi na ko ang kasama niya. Tulala akong napalabas nang humabol sa kanya ng kapit si Kassandra. Niloko agad sila ng mga kasama nila, hindi naman sila pinansin ni Jayson at masaya siyang humalik sa nuo nito. "Nakapili ka na ba?" tanong ni Jayson. Parang gusto kong umiyak. Ayoko na yatang umattend mamaya. "May nakita kong magandang wedding gown. Gusto mong makita?" "Kasalan na pala 'to. Kala ko may pupuntahan lang kayong reunion," biro ng isa saka sila tinawanan ulit. Napaatras ako habang nakatulala sa kawalan. Talagang masaya na siya ngayon. Tama bang itinatali ko pa siya sa akin kahit na may mahal na siyang iba? Bukod sa sinasaktan ko ang sarili ko, napapahirapan ko rin ang taong mahal ko. Kailangan ko na ba talaga siyang pakawalan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD