"Ano bang pake mo kung palagi akong nandito? Bakit? Dahil ba sa akin kaya ka nilalayuan ni Lisa?" "Si Robi ba 'yon?" mahina kong tanong sa hangin, hawak ang isang platong kanin para kay Pat. "Bwisit, subukan niya lang talaga. Bakit kasi nandito na naman siya? Pati ba naman si Pat?" inis at nagmamadali kong sabi palabas pero nahinto rin ako. Bumungad sa mukha ko sina Robi at Jayson. Tumingin ako sa paligid ng restaurant pero wala na si Pat. Tanging silang dalawa na lang ang nandito at magkaharap na nagtititigan ng masama. "Ulitin mo nga 'yang sinabi mo. Tangina, ano bang trip mo? Ang lakas ng loob mo na laging pumunta dito kahit ikaw ang may kasalanan ng lahat." "Aba, masama na pala ngayong bumisita? Hoy, Jayson, pwede ba? 'Wag mong isisi sa akin ang lahat. Oo, kapatid ko ang nagpapata